logo text

Chapter 21: Sleep over

Chapter twenty one - Sleep over
Xandra
"For sure naman makakahanap ka pa ng ibang crush d'yan"
Nang matapos ako sa pagkain ay napatingin ako kay Shane dahil narinig ko ang mga sinabi niya.
Napaawang naman ang labi ko sapagkat 'di ko alam kung anong puwede kong sabihin sa kanya kaya ngumiti na lamang ako.
Siguro nga tama si Shane?
Or siguro mali din siya?
Aish.
Hindi ko alam.
"Bakit naman hindi mo alam?"
Muli akong napatingin kay Shane.
"N-narinig mo sinabi ko?"
Natatawa siyang tumango-tango sa'kin kaya napangiwi ako.
"Pero Xandra sagutin mo tanong ko, bakit 'di mo alam?"
"A-ahehe basta hindi ko talaga alam kung magkakaroon pa ulit ako ng crush maliban sa'yo" napapakamot sa batok na sabi ko kaya mas lalong napatawa si Shane.
"Pfftt. Napakaimposible naman ng sinasabi mo Xandra, hindi lang naman ako ang tao dito sa mundo noh kaya for sure talaga makakahanap ka"
Nagkibit-balikat na lamang ako kaya napabuntong-hininga si Shane.
"Naandiyan naman kasi si Claire at ts----"
"H-hala. B-bakit nadamay na naman dito si Claire?"
Tanong ko kay Shane.
Nakakapagtaka na siya ah, palagi niya na lang binabanggit sa usapan namin ang masungit na si Claire.
"Eh kasi alam ko naman na crush mo siya nung bata pa tayo noh"
Ilang beses akong napapikit at napamulat ng mga mata habang nakaawang ang bibig na tumitig kay Shane.
"S-sigurado k-ka ba sa mga sinabi mo?"
Tumango-tango naman ang babaeng maganda kaya nanlaki na talaga ang mga mata ko at mas lalong 'di makapaniwala.
"Pffttt. Sure na sure noh, diba para kay Claire naman talaga yung ibibigay mong chocolate? Kaso 'di niya tinanggap kaya sa'kin mo napiling ibigay"
Tumango-tango ako kaya napangiti si Shane.
"Okay.... mimiya nalang ulit tayo mag chikahan. Hinihintay na kasi tayo ni kuya Roberto sa labas kaya tara na?"
Tumango-tango ulit ako kaya inayos na muna namin ni Shane ang mga pinagkainan namin at nagmamadali kong isinukbit sa likuran ko ang bag.
Ganun din naman ang ginawa ng babaeng maganda at pagkatapos non ay lumabas na kami at nakita si manong Robert na kanina pa nga naghihintay sa'min.
-----
Habang nakasakay sa kotse ay 'di ko maiwasang mapasulyap sa katabi kong si Shane.
Nakapikit ang mga mata niya at naka earphones ang babaeng maganda kaya napatitig na nga ako sa kaniya ng tuluyan.
Myghad.
Sobrang suwerte naman ni Raegan kay Shane. Maganda na kasi tas sobrang bait pa.
Hays.
Bakit ba kasi sa babaeng 'to pa ako nagkacrush eh? Sobrang dami kong kaagaw sa kaniyang mga lalaki pero buti nalang 'di niya pinapansin ang mga 'yon.
Geez.
Dapat nga talaga kay Clair-----
Hala!
Sandali--- kung ano-ano na naman ang pinag-iiisip ko dito eh.
Hays.
Makapag cellphone na nga lang muna, medyo malayo-layo pa naman kami papunta sa school kasi traffic pa kaya maglalaro muna ako.
Kukunin ko pa lang sana yung cellphone ko pero napansin ko si Shane na nakamulat na ang mga mata at nakatingin sa akin kaya medyo napangiwi ako.
"Maglalaro ka ba Xandra?" nakangiting tanong nito sa'kin.
Ako naman ay tumango-tango at ngumiti kay Shane bago sumagot.
"Oo. Yung Commando Adventure Assassin"
"Ahh. Wait lang maglalaro din ako, maalam din ako sa larong 'yan eh"
Napangiti ako kay Shane at napansin kong meron nga din siyang game na Commando achuchu sa cellphone niya.
"Wait lang ah? mag i earphones lang ako" sabi ko.
Hindi ko kasi talaga kayang maglaro ng walang music.
Tumango-tango naman si Shane kaya kinuha ko ang earphones sa loob ng bag at nag music. Siyempre pinatugtog ko yung Do you Mean ng The Chainsmokers.
"Okay. Start na tayo"
-----
"Ano? nanalo ba team niyo?"
Nakangising tanong sa'kin ni Shane pagkatapos maglaro.
Sakto namang tumigil na ang sasakyan kaya napatingin muna ako sa labas at napag-alamang nasa school na pala kami.
Inilagay ko muna sa loob ng bag ang cellphone at earphones ko bago muling tumingin kay Shane at sinagot ang tanong niya.
"Oo naman noh. 24 yung napatay namin tas yung sa kabilang team 16 lang" natatawa kong sambit.
"Kayo ba? Nanalo kayo?" pagdaka'y tanong ko.
Mas lalong lumawak ang ngisi sa labi ni Shane dahil sa tanong ko.
"Oo naman siyempre"
"Ahh okay, congrats sa inyo" nakangiting sabi ko.
"Congrats din sa inyo. Oh ano? baba na tayo?"
Tumango-tango naman ako at siyempre si Shane ang unang bumaba sa sasakyan at sumunod ako.
Mga kinikilig na tingin naman ng maraming estudyante ang nabungaran ko pagkapasok pa lang sa gate ng school.
Hala?
Anong nangyari sa kanila?
"Shane!"
Napatingin naman kaming dalawa ni Shane sa boses na nanggagaling sa likuran at nang lingunin ay napag-alaman naming si Raegan pala 'yon.
"Hi Xandra"
Pagbati niya sa'kin. Ako naman ay kumaway-kaway at ngumiti sa babaeng maganda.
"Hello din Raegan hehe"
Lumapit siya kay Shane at may ibinulong.
Ako naman ay tamang tayo lang dito sa gedli habang pinagmamasdan sila hanggang sa bigla akong usapin ni Shane.
"Ahm Xandra, mimiya nalang ulit siguro? Mag pa practice lang kami ng kakantahin para mimiya"
Nakangiting tanong sa'kin ni Shane.
Ngumiti naman ako sa kanila ni Raegan bago tumango-tango kaya nagsimula na silang maglakad paalis.
Ako naman ay naiwang nakangiti pa din habang nakatingin sa dalawa na ngayon ay medyo nakakalayo-layo na.
Infairness ah.
Sobrang cute naman pala nilang tingnan.
Hays.
Makapasok na nga sa room namin, baka naandon na kasi si Mam eh.
Nagsimula na ulit akong maglakad at makalipas ang ilang minuto ay narating ko na din ang room namin.
Pagkapasok ko palang dito ay kauna-unahan kong nakita si Claire at talaga namang nagkatitigan pa kaming dalawa pero siyempre ako na ang unang nag-iwas ng tingin noh.
Geez.
Bakit ba palagi nalang kaming nagkakatitigan ng masungit na 'yan?
Napailing-iling na lamang ako bago nagsimulang maglakad dun sa upuan ko na nasa tabi nga ni Claire.
Habang papalapit sa upuan ay tumingin-tingin muna ako sa paligid kung sino ba ang mga kaklase kong maaga ding pumasok.
Hindi na ako nagtaka ng makitang wala pa si Hailey at Faith.
Palagi naman talagang late ang dalawang 'yon.
Ewan ko ba sa kanila.
Sobrang daming kinalalamang achuchu sa layp.
Napailing-iling ulit ako at naisipang maupo na sa tabi ng napakasungit na si Claire. Napansin kong tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at napataas ang isang kilay.
Hala?
Anong problema niya?
"Umupo ka na"
Ilang beses muna akong napakurap ng mga mata bago sumunod sa sinabi ni Claire.
-----
Ilang oras na din ng magsimula ang pagtuturo sa'min at hanggang ngayon ay 'di ako makapag focus dahil sa katabi kong si Claire.
Nakakaloka na ah.
Napapansin ko kasi silang dalawa ni Alyssa.
Tingin ng tingin sa isa't-isa ang mga bruhilda.
Myghad.
Bakit 'di nalang silang dalawa ang nagkatabi sa upuan noh?
Muli akong tumingin kay Alyssa na hanggang ngayon ay titig na titig kay Claire.
Jusko naman ang babaeng 'to.
Bahala sila diyan ni Claire kapag nagtanong si Mam mimiya sa recitation. Kita nang may nagdidiscuss sa unahan tapos magtititigan pa sila?
"Sana talaga mahuli kayo ni Mam d'yan" mahinang bulong ko sa sarili at ipinagpatuloy nalang ang pagsusulat sa notebook.
"May sinasabi ka Xandra?" tanong ni Jay, yung isa ko pang katabi.
"Wala ah" iiling-iling na sabi ko.
"Ahh okay pero hoy Xandra tingnan mo si President oh, tamang titig lang kay Alyssa"
"Sus, wala naman tayong pakialam sa kanila kaya ipagpatuloy nalang natin yung pagsusulat"
Medyo nakangiwing sabi ko. Tumango-tango naman si Jay at muli din siyang bumalik sa pagsusulat.
***
Mabilis na lumipas ang mga oras at ngayon nga ay uwian na namin which is not good dahil hindi ako sa bahay namin didiretso.
May group activity kasi kami at naisipan ng leader naming si Lucy na kila Claire kami maggagawa ng nasabing project ni Mam sa english kanina dun sa room.
Hays.
Kung 'di ko lang siguro naging katabi si Claire sa upuan edi sana hindi ko siya naging ka group.
Pero okay na naman sana sa'kin kahit siya lang yung magiging ka group ko pero bakit nakasama pa si Alyssa?
Jusko.
For sure mimiya maghaharutan ang dalawang 'yan.
Lalo na 'to si Alyssa.
Palagi na lang nakadikit kay Claire.
Oo. Lumapit si Alyssa kay Claire kanina tapos gusto niya pa talagang makipagpalit sa'kin ng upuan.
Grabe ah.
Siyempre 'di naman ako pumayag noh. Ang mas nakakabaliw lang eh hindi ko nga din alam kung anong dahilan kung bakit hindi ako pumayag eh.
Isa pa 'to si Claire eh. Kanina niya pa 'ko ginugulo sa klase nung time ng Science.
Nagbabasa kasi ako ng libro non tapos bigla ko nalang mapapansin at mararamdaman na nakatitig na pala siya sa'kin.
Nakakaloka ang masungit na 'yon.
Kanina si Alyssa ang tinititigan tapos nung time naman ng Math hanggang science eh ako na.
So ako naman 'di na makapagfocus sa pagsusulat at pagsasagot ng math problem.
Nakakailang kaya masyado kapag napapansin mong may nakatitig sa'yo noh.
Buti nga silang dalawa ni Alyssa 'di nagkakailangan na magtitigan sa isa't-isa kanina nung time ng Mapeh.
Aish.
Bakit ko pa ba naiisip ang mga nangyayari kanina?
Napailing-iling na lamang ako sa sarili at iniligpit na yung mga gamit dahil sasabay ako kay Georgia hindi kay Shane.
Si Georgia kasi eh isa sa mga ka group ko at medyo close din kami noh kaya ayun, sa kaniya ako sasabay.
Na i message ko na naman si Shane kanina at pumayag naman siya na don na 'ko didiretso kila Claire.
Tuwang-tuwa pa nga ang babaeng 'yon kanina sa chat nung sinabi kong kila Claire ako didiretso eh.
Jusko.
Muntikan ko na nga palang malimutan na naplanuhan nga pala ng mga ka group ko lalo na si Lucy, ang leader namin na mag sleep over don sa bahay nila sungit.
Myghad.
Good luck na lang talaga sa'kin mimiya.

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    Riajonel Ibalin

    sana may karugtong pa ang Ganda Sana ng story mo po

    08/07/2025

      0
  • avatar
    pangilinandang

    i love the story..i hope you write story of gxg author🥰

    10/04/2025

      0
  • avatar
    JaninedecritoJanine decrito

    ayieee

    13/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata