NAGUGULUHAN si Aipha bakit nakikita niya si Leo, ibig bang sabihin nito kaluluwa nito ang nakikita ngayon. "LEO, huwag mong sabihin na kaluluwa ka rin na nagpakita sa akin?" "Hindi, Aipha. Hawakan mo ako, para malaman mo na buhay ako?" Nilahad ang palad sa harapan ng dalaga. Tinitigan muna ni Aipha ang binata, bago niya inabot ang palad nito. Isang ngiti naman ang ibinigay sa kanya nito. Ang ngiting nagpabilis ng tibok ng puso niya noon una niyang nasilayan ito. Idinantay nga ni Aipha ang palad sa palad nito. Nang hindi tumagos hinawakan niya ito ng tulayan. "Di ba hindi pa ako patay?" may ngiting ani Leo sa dalaga. "Papaano ka nakaligtas, Leo?" tanong niya. "Hindi ko pa siguro oras Aipha, sabi nga ang masamang damo mahirap mamatay. Kahit na gustuhin na niyang mamatay." Wala naman imik ang mga kasama nila sa loob nakatingin lang sila para bang nanunuod ng live shooting sa teleserye. "Nasaan ang katawan ng kapatid ko?" sa kaluluwa ng kapatid siya nakatingin. "Inaayos na nila ang katawan ni Maryann, Aipha!" "Gusto ko siyang makita?" umagos ang luha niya. Pinunasan ni Leo ang luha nito."Magpagaling ka muna tapos makikita mo ito, Aipha." Hindi nakatiis si Phillip sa eksena ng dalawa masyadong madamdamin at may halong love scene pa."What did she said?" tanong ng superior ni Aipha. "Aipha, wanting to see her sister's body, " tugon ni Leo. "Aipha, you are not yet okay. You just woke up. You must rest for awhile, then you can see her," ani ng superior niya. "I want too see her right now, Sir." "Aipha, huwag naman matigas ang ulo mo! Hindi mo pa kaya pahinga ka muna sandali." Hindi na umimik si Aipha, pero talagang nais niyang makita ang katawan ng kapatid. Ngumiti si Maryann sa Kapatid."Tama sila Ate, pahinga ka ng mabuti narito pa naman ako." "Doctor, she can see her sister now?" tanong ng superior niya. "No! But I understand her. If she can control herself, okay, she can go." Sa kagustuhan na makita ang katawan ng kapatid kahit na mahina pa siya lumabas muna siya ng silid. Bago dinala sa isang funeral home ang katawan ni Maryann, ipinakita muna ito sa kanya. Walang namutawing salita kay Aipha. Ang tangin nagawa niya ay ang umiyak habang yakap ang katawan ng kapatid. "Rest in peace kapatid ko, mahal na mahal kita," aniya ng sabihin ng taga funeral na dadalhin na nila ang katawan nito ayaw bitawan ni Aipha kapatid. "Leo, kunin mo na siya go baka maunahan ka pa ng superior niya?" bulong ni Alia sa binata. Tinignan muna ni Leo ang dalaga. Kaso pinanglakihan na naman siya nito ng mata. Kaagad niyang nilapitan si Aipha. "Aipha, tama na iyan, kukunin na nila ang katawan niya, doon na lang nating siya puntahan sa funeral," alo ni Leo sa dalaga. "Leo, bakit nangyari sa kanya ito?" Aniya habang patuloy pa rin ang pag-iyak. "Ang buhay ni Maryann, Aipha. Ay hanggang dito na lamang, ito ang kagustuhan ng maykapal." Hindi siya makatiis niyakap niya ito. "Hindi ko matanggap na wala ang kapatid ko siya na lamang ang pamilya ko." "Meron pa Aipha...AKO," gustong sana niyang idugtog ang ako sa sinabi niya pero sinarili na lang niya ito. "Sino, Leo?" "Nakalimutan mo na yatang buntis ang kapatid mo, meron kang pamangkin, Aipha." "Talaga, buhay ang baby," Medyo nakangiting aniya. "Yes, be strong because someone needs your care, "sabat ng doctor. "Ma'am, excuse us, we need to take her now." Tumango si Aipha, inilayo ni Leo ang dalaga. Nang madala na ang katawan ng kapatid dumeretso naman sila sa kinaroroonan ng baby. Pagdating nila sa kinaroroonan ng baby, nagulat sina Leo at Aipha sa nakita nila. "Leo, si Mike!" wika ni Aipha. Nakatingin ito sa anak. Sa nakikita nila walang galit sa mukha nito payapa. At para bang nais na ngumiti. "Doctor, can I go inside? ani Leo. "No, only the nurse and doctor can go inside, because the baby is still inside the incubator." "But doctor, Please, "pakiusap ni Leo. "Do not worry, the baby is safe." "Aipha, wala tayong magagawa," turan ni Leo sa dalaga. Wala naman ginagawa si Mike sa baby nakatingin lamang siya sa anak. "Anong nangyayari, Leo?" tanong mag-lolo. "Wala po Sir, Alia, tara ng bumalik sa silid mo Aipha para makapag pahinga ka na." "Mabuti pa nga at kami ay naman uuwi na muna Leo, samahan si Aipha rito kailangan niya ng kausap lalo na ngayon." "Sir, maraming salamat talaga!" "Saka ka na magpasalamat sa akin Leo, pag maayos na ang lahat sa inyo." Batid ni Leo ang nais ni Attorney tumango siya rito. Pagkahatid nila sa dalaga sa silid nito kaagad nag paalam ang mag-lolo. "Leo, kung may kailangan ka, tumawag ka lang sa amin Apo ibinigay sa kanya ang number ng mobile mo." "Opo Lolo," ibinigay agad ang kanyang numero sa binata. "Salamat sa inyo," sabat ni Aipha. "Your welcome Aipha, sino pa ba ang mag tulungang kundi tayong magkababayan." "Tama ang apo ko Aipha. Sige mauna na kami Leo, gaya ng sabi ko tumawag ka lang if may kailangan ka okay." "Yes, Sir." Ganon din ang superior ni Aipha nagpaalam na rin ito at si Martha. Nang dalawa na lamang sila sa silid na, nagkakahiyaan pa silang dalawa. Napaupo lang naman si Leo sa gilid ng kama ni Aipha. Kahit si Aipha, hindi alam ang gagawin, kung ano ang sasabihin. Puwede naman mag pasalamat muna kaso nahiya siya bigla. Lumipas pa ang ilang sandali wala pa rin imikan ang dalawa. Pero ng hindi na makatiis si Leo binasag na niya ang katahimikan namamagitan sa kanila ng dalaga. "Hindi ka ba makatulog, Aipha?" "Hindi nga, eh." "Kailangan mong matulog para lumakas ka kaagad para puwede mo ng puntahan ang kapatid mo." "Gusto kung matulog Leo, pero ang daming pumasok sa isip ko na mga bagay-bagay." Isa ba ako sa naisip mo Aipha. Gusto sanang sabihin ni Leo pero pinigilan ang sarili na huwag sabihin ito. "Gaya ng ano, Aipha?" Nasabi na lang niya. "Inisip ko kung bakit narito ka ngayon sa tabi ko!" sagot niya. Napatitig si Leo sa mukha ni Aipha. Huminga siya ng malalim para masabi ang nais na sabihin sa dalaga. Tutal ito naman ang nagbukas tungkol sa kanya. "Aipha, ako rin hindi nga ako makapaniwala na narito ako sa tabi mo. Nasabi ko pa nga baka panaginip lang ang lahat ng ito. At ayoko ng magising pa." "Bakit naman ayaw mong magising pa, magpapakulong ka ba sa panaginip mo Leo?" "Oo. Mas nanaisin ko dahil kasama kita, Aipha." Kahit na masakit pa ang mga tinanong sugat ni Aipha sa katawan, nararamdaman niya ang pagsanib ng kilig sa buo niyang katawan dahil sa sinabi ng binata. At bumilis ang pag tibok ng kanyang puso. "Ma-masgugustuhin mo bang makulong sa panaginip kaysa sa riyalidad, Leo?" "Sa riyalidad siyempre gusto ko, kung kasama kita." "Paano kung hindi, Leo?" "Sa panaginip na lang ako, Aipha. Dahil dito kasama kita nong nakulong ako ayoko ng lumaya pa, dahil wala naman naghinihintay sa akin sa labas mabuti na lang may mga taong nagtulak para lumabas ako. At si Attorney Scalante, ang daan para muli kitang makita. Ngayon magkausap tayo Aipha, ang saya ko dati wala akong pangarap na binubuo pero sa ngayon meron na at nais kung ikaw ang akin kasama! Namiss kita ng sobra!" "Leo," nasabi lamang ni Aipha. "Mahal kita, Aipha. Hindi ko man nasabi sa'yo noon ito, dahil may hadlang. At may takot din ako na baka wala kang gusto sa akin!" "Eh, bakit mo sinasabi sa akin ngayon? Hindi ka ba takot na wala nga akong gusto sa'yo?" "Aipha, kung wala man okay lang at-leash nasabi ko kung ano ang nandito sa puso ko. At alam ko rin na hindi ito ang tamang oras o panahon nasabihin ko sa'yo ang nilalaman ng puso ko, no regrets kong wala ka man gusto sa akin Aipha. Basta nasabi na mahal kita masaya na ako!" "Matulog na ako," sagot ni Aipha. Biglang lumungkot ang mata ni Leo, na kanina lang ay kumikislap pa. Napansin naman ito ni Aipha. "Sige matulog ka na alam kung kailangan mo ito para mabilis ang recovery mo. Andito lang ako sa tabi mo Aipha, magsabi ka lang kung may ipagagawa ka." "Salamat, Leo, ha." Ngumiti si Leo pero hindi umabot sa kanyang mata. Dahil walang kasiguraduhan ang isiniwalat niyang damdamin kay Aipha. Pumikit na si Aipha pero ang totoo hindi naman siya inaantok. Nagkumwari na lamang siyang tulog na. Titig na titig naman si Leo sa dalaga, gusto sana niyang haplusin ang mukha nito nagpigil siya sa kanyang sarili. Pagkalipas ng isang oras, nakiramdaman muna si Aipha sa katabi niya. Nang wala siyang maramdaman kakaiba dahil tahimik na ito nagmulat siya. Tulog ang binata nakasandal sa upuan ang katawan nito. Dahan-Dahan siyang bumangon para hindi magising ito. At umupo siya sa gilid ng kama kanyang pinagmasdan ito. "Wala ka pa rin pinagbago Leo, nabilanggo ka nga pero sa tingin ko lalong kang gumuwapo pa." Hindi niya napigilan ang kamay umangat ito daha-dahan hinaplos ang mukha nito. Dahil mababaw palang ang pagkakaidlip ni Leo naramdaman niyang may humahaplos sa kanyang mukha. At unti-unti siyang nagmulat. Nagulat si Aipha, sa bigla niyang pagmulat kaya kaagad niyang tinangal ang palad sa mukha nito. Pero mabilis nahawakan ni Leo ang kanyang kamay. At dinala nito ang kanyang palad sa labi hinalikan ito. Dahil sa ginawa nito para tuloy maraming nag sisiliparan na paru-paro sa loob ng tiyang ni Aipha. "I love you, Aipha!" "Ma-matutulog na ako," natarantang wika niya. Napatawa tuloy si Leo sa sinabi niya. "Bakit ka tumatawa?" "Ang cute mo kasi kung wala lang iyan nakakabit sa'yo, yayakapin kita ng mahigpit at hahalikan kita!" "Bakit di mo gawin!" Lumabas na lang bigla sa bibig ni Aipha. Natutop tuloy niya ang bibig dahil sa kanyang sinabi. Kay lapad ng ngiti ni Leo."Sinabi mo iyan ha walang bawian!" Tumayo siya at niyakap nga niya ang dalaga. At hinalikan muna niya ang noo ni Aipha. Napapikit si Aipha at dinama niya ang init ng yakap nito kay lakas pumintig ng kanyang puso. Unti-unti nang nilalapit ni Leo ang labi sa labi ni Aipha. Hindi pa man ito dumadampi napapikit na si Aipha. Napangiti naman si Leo sa nakikita niya. "Alam ko at nararamdaman ko mahal mo ako, Aipha," anya sa sarili. Padampi-dampi muna ang ginawa niyang paghalik sa labi nito. Napasinghap si Aipha sa ginawa niya. "Huwag mo akong tinatakam, Leo. Kung hindi lang masakit pa ang buong katawan ko, makakatikim ka sa akin ng isang Pacman na suntok dahil sa ginagawa mo." Napatawa ng malakas si Leo dahil sa sinabi niya. "Ouch, masakit iyon baka knocks out kaagad ang abutin ko, para hindi ako makatikim ng isang pacman na suntok, hahalikan na kita ng buong puso, Aipha!" Siniil na nga niya ng halik ang labi nito. At ninamnam nila ang tamis ng unang pagdampi ng kanina labi sa isa't isa. Nang tapusin ni Leo ang halik na pinagsaluhan nila. Idinikit ang noo sa noo nito. At hinawakan ang ng dalawang palad ang pisngi nito. "I love you so much, Aipha, Ang saya saya ko hindi ko masabi kung gaano ako kasaya ang nadarama ko ngayon. Salamat ipapadama sa'yo ang wagas na pag-ibig ko," napaluha si Leo tears of joy. "Huwag kang mag pasalamat, Leo, dahil nong pa man minahal na kita." "Pareho tayo ng nararamdaman noon Aipha. Minahal nating ang isa't isa pero sa maling panahon lamang. Pero ngayon nasa tamang lugar at pagkakataon na tayo." "Oo. Leo, tama ka," sagot niya at siya'y ngumiti sa binata. Niyakap ni Leo ng mahigpit ito. "Hmmm! Time for check up Ma'am, and your medicine, pero sa tingin ko. You don't need a medicine anymore Ma'am, sa nakikita ko malakas ka na, eh" nakangiting wika ng nurse. Ngiting-ngiti na lang silang dalawa. "Ma'am, ituloy ko ba pa ang pag check up sa iyo o hindi na?" "Oo naman miss nurse, tinanong pa ba iyon," sagot niya. "Akala ko hindi na Ma'am, kasi andito ang best medicine mo?" may ngiting anito. Pag katapos I check up ng nurse si Aipha, nag paalam na kaagad ito pero bago lumabas si miss nurse. "Sabi ko na nga eh, talagang mabilis maka recovery ang isang pasyente pag may nag-aalaga dito na may kasamang pagmamahal, paano ako ay aalis na, tuloy lang ninyo ang naudlot kanina, pasensiya na kung naistorbo ko kayo." "Thank you, miss nurse." Ngiting-ngiti si Leo. Tumango ito kay Leo. "Bakit ngiting-ngiti ka diyan ha Mr. Gonzales?" "Masaya lang ako, Aipha. Becuase you make me smile, ngayon may kabuluhan na ang buhay ko dahil sa'yo." "Hmp! nangbola ka pa!" "Bakit ko naman gagawin iyan, ngayon pa ba ako mangbobola, eh. Mahal mo ako!" "Leo, maiba nga tayo, ano ang gagawin natin ang pinsan mong si Mike, hindi natatahimik alam mo bang siya ang dahilan kung bakit kami na aksidente ng kapatid ko!" Nang maalala ang kapatid hindi napigilan ni Aipha ang pag agos ng luha. "Ako na ang humingi ng tawad sa ginagawa niya Aipha. Mahal ng pinsan ko ang kapatid mo." "Masama siyang magmahal, Leo, sana hinayaan na lang niya ang kapatid ko pati ang anak nila, na mabuhay ng payapa!" "Ang ibig mong sabihin si Mike ang Ama ni baby?" "Oo. Dahil ginagamit ng pinsan mo ang kapatid ko kahit na luluwa na ito. Nakipagkasundo yata ang pinsan mo sa demonyo kaya nagagawa ang nais nito." "Parang ganon na nga, Aipha. Sana maging mapayama na ang kaluluwa nila." "Ang kapatid ko Oo. Pero si Mike malabo, Leo." "Oo. Kaya sa bawat dasal ko kasama siya, Aipha." Sumang-ayon si Aipha sa sinabi ni Leo. Dalawang araw lang si Aipha sa hospital sa ikatlong araw ililibing na ang kapatid. Araw ng libing."ORAS na mabendisyonan ang katawan ko Mike, Hindi mo na ako malalapitan pa!" "Akala mo ba papayag ako na mangyari ito hindi, magsasama tayo, Maryann!" "Mike, manahimik ka na, wala ng dahilan pa na andito sa lupa ang kaluluwa mo!" "Manahimik lamang ako Maryann, pagbuo na tayo ikaw at ang anak natin." "Hayaan mo na lang siya kina Ate Aipha at Leo, bilang ala-ala ko at ikaw sa kanila, sumama ka sa akin, Mike!" "Wala akong puwang doon, Maryann!" "Meron, Mike. Manalig ka at sabihin mo sa kanya lahat ng nagawa mong kasalanan." "Hindi niya ako mapapatawad!" "Subukan mo doon tayo magkasama, Mike!" "Kahit siguro anong gawin kung dasal hindi niya ako mapapatawad, sa sobrang sama ko nang nabubuhay pa ako." "Mapapatawad ka niya Mike, lahat naman tayo nakagagawa ng kasalanan. Sundan mo ako Mike kung mahal mo ako. Pagnagawa mo ito ang pasakit na ginawa mo sa akin at maglalaho ang kapalit ay pagmamahal." Nang sabuyan na ng holy water ng pari ang katawan ni Maryann sumigaw si Mike. "HINDI!"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
wow!!! Ganda ng story I love it!!!!!
29/12
0done🥰
27/06/2025
0this is so awesome
16/04/2025
0Tingnan Lahat