LUMAPIT si Leo sa nakitang pinsan may pagtataka man nagawa niyang magtanong."Mike, anong ginagawa mo rito di ba patay ka na?" Isang saludo lang ang iginawad nito sa kanya. At nagtaka pa siyang lalo dahil may kasama ang pinsan nang pakatitigang ito."Maryann, anong nangyayari? Bakit ko kayo nakikita?" tanong niya. Pero Wala siyang makuhang sagot. "Tara na mahal kong Maryann, sumama ka nasa akin," turan ni Mike saka hinawakan ito. Hindi mo man lang nakitaan ng takot si Maryann."Hindi ayoko. Ayokong sumama sa 'yo, bitiwan mo ako!" Sigaw ni Maryann nagpupumiglas siya sa pagkahawak sa kanya ni Mike. Nakatingin lang naman si Leo, sa dalawa dahil hindi niya naiintindihan kung ano ang nangyayari. "Sumama ka sa akin Maryann, magsasama na tayo wala ng makakapigil pa sa atin dalawa!" "Hindi, isa kang demonyo patay ka na!" Tumawa ang kaluluwa ni Mike sa sinabi niya."Ikaw rin naman, ah. Patay na Maryann, tignan mo ang iyong katawan hayan pakatitigang mo!" Turo pa niya sa katawan nasa tabi nila. Napatingin si Maryann sa kanyang katawan."Di ba? Kaya magsasama na tayo, pati narin ang anak natin kukunin ko rin siya!" Dito na bumuhos ang luha ni Maryann."Hindi. Hindi pa ako patay, Ate Aipha, nasaan ka. Tulungan mo ako?" umiiyak na sigaw niya. "Wala ng magagawa pa ang Ate mo Maryann. Wala na tara na." Hinila na niya ang dalaga. Napatingin si Maryann, kay Leo. Ang tingin niya ay nagmamakaawa sa kanya na tulungan siya. Dito na natauhan si Leo."Mike, ibalik mo siya?" Sigaw niya patakbong hinawakan ang kamay ni Maryann. Pero lumusot lang ang kanyang kamay. Ngayon naiintindihan na niya kung ano ang nangyayari sabi nila bawat sa tao may third eye hindi lamang alam gamitin ito. Ang sa kanya bumukas ito dahil nakikita sina Mike at Maryann. O dahil minsan na siyang nasa binggit ng kamatayan noon. Kayat kaya niyang makakita ng kalululwa. "Leo, tulungan mo ako ayaw ko pang iwan si Ate Aipha!" Luhaan sabi niya. "Wala rin siyang magagawa pa, Maryann? Dahil patay na tayo, ang tangi lang niyang magawa ay tignan tayo sumama ka sa akin!" "Hindi ako sasama sa 'yo kung pinatay kita noon gagawin ko rin ngayon ito!" galit na turan niya sa binata. "Tignan natin, Maryann, napatay mo nga ako noon pero titiyakin ko sa iyo ngayon na hindi na ito mangyayari pa!" humigpit ang pagkahawak nito. Walang magawa si Leo. Sapagkat parehong kaluluwa ang dalawa. "Hindi ako sasama sa 'yo!" Nagpupumiglas siya kumawala sa pagkahawak ni Mike, kayat tumakbo na siya papalayo rito. "Maryann!" sigaw ni Mike. "Mike, hayaan mo na siya, puwede ba tumahimik ka na rest in peace, pinsan!" "Hindi. mananahimik lang ako pagbuo na kami." ito ay umalis na. Pinagmasdan ni Leo ang labi ni Maryann, sa tingin niya parang natutulog lamang ito."Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ng pinsan ko. Patawad din dahil hindi kita magawang tulungan." "Leo, alagaan mo ang Ate ko huwag mo siyang pababayaan." Tila naririnig ni Leo na sabi sa kanya ni Maryann. "Oo. Maryann, gagawin ko," kanyang tugon. "Excuse me, Sir," sabi ng lalaking lumapit kay Leo. "Yes." "Can you leave now, Sir." "Okay," tugon niya. Bumalik siya kung saan inilipat na kuwarto si Aipha. Pagpasok niya hindi na siya nagulat sa kanyang nakita si Maryann nasa tabi ng kapatid. "Anong balita, Leo?" tanong ni Attorney Scalante. "Okay na po ang lahat Sir, maliban na lang sa baby hindi ko pa nakita ito," sagot niya pero ang kanyang mata sa kaluluwa ni Maryann nakatingin. "Leo, anong nakikita mo?" may takot na tanong ni Alia, dahil napansin nito sa iba nakatingin ang binata. "Anong nakita ko?" kumwaring tanong niya. "Leo, alam ko huwag kang magkaila." "Gusto mo bang malaman?" Tumango naman ito. "Nasa tabi ni Aipha ang katapid." "Lolo!" Napahawak ng mahigpit sa braso ng Lolo niya ito. "Apo, huwag kang matakot, walang mangyayari!" Habang nasa tabi ni Aipha ang kapatid hinaplos-haplos ni Maryann ang buhok ng wala pang malay na kapatid. "Ate, be strong kasi wala na ako, wala ng magpapasakit sa ulo mo. Mahal na mahal kita, Ate!" Wika habang tumutulo ang luha."Sapagkawala ko sa buhay mo Ate, meron naman dumating na kapalit ko, na magmamahal sa 'yo ng lubos," nilingon niya si Leo na nakatingin naman sa kanya."Paalam Ate ko!" Hinalikan ang noo nito sapaghalik sa kanyang Ate gumalaw ang kamay nito. "Leo, her fingers is moving?" turan ni Alia napansin pala nito. "Leo, call the doctor now!" wika naman ng kanyang amo. "Okay, Sir." Dali-dali na siyang lumabas ng silid. "Umh," ungol ni Aipha. "Lolo, magkakamalay na siya!" "Mabuti naman Apo, baka naririnig nito ang sinabi ng kapatid niya." "Anong ibig mong sabihin, Lolo?" "Di ba narito ang kaluluwa ng kapatid, nagpapaalam siya sa kanyang Ate, Apo." "I'm so sad Lolo, kahit na hindi ko sila kilala, lalo na kay Aipha, hindi niya alam na patay na ang kapatid." "Ako rin Apo, naaawa ako sa kanya, mabuti na lang isinama ko si Leo rito. Now I know Apo, na may purpose pala si God, ng makilala ko siya." "Para siya ang mag alaga kay Aipha, at dadamay ngayon sa kanya di ba Lolo?" "Oo, Apo. May aalis pero may dumadating naman na kapalit nito." "Umh," ungol muli ni Aipha. "Ate, salamat at nagising ka na," may ngiting ani Maryann. Unti-unting nagmulat ng mata si Aipha. Sapagmulat siya'y naguluhan dahil puting kisame ang nakikita."Na-nasaan ako?" tanong niya sa mahinang boses. "Lolo, answer her." Tumango naman ang matanda sa sinabi ng Apo."Narito ka sa hospital, Aipha." Dahil may nagsalita nag palinga-linga si Aipha sa kanyang paligid. Nakita niya ang dalawang taong nakatayo sa tagiliran."Si-sino po kayo?" "I'm Lucio, at siya naman ang Apo ko si Alia," pakilala nito. "Hi, Aipha. Kamusta ka?" Lumapit si Alia sa tabi nito. "Hindi mabuti! Masakit ang buo kung katawan!" sagot niya. Nasa ganon silang pag-uusap ng dumating na ang doctor. Kasunod nito ang superior at si Martha, nasa hulian si Leo. Kaagad sinuri ng doctor ng dalaga. "Now she's okay, everything is fine. She needs more rest," the doctor said. That's good news, doctor. Thank you so much, "ani ng kanyang superior." Wala kaimik-imik si Leo, nakatayo lang siya sa likuran ng superior ni Aipha. "How are you, Aipha? I'm glad that you are awake now." wika ni Martha? Isang tipid na ngiti ang tugon niya rito, bumaling siya sa kanyang kanan nakita ang kapatid. "Maryann, kapatid ko. Salamat naman at hindi ka napaano!" nakangiting sabi niya. Nagkatingin naman ang doctor si Martha, at ang superior ni Aipha. Dahil wala naman silang nakikitang kausap nito. "Maryann, bakit hindi ka sumagot?" sabi niyang muli. Napiling at napaluha ang kanyang kapatid."Oh, bakit ka umiiyak buhay naman ako, ah?" Hinaplos ang mukha ng kapatid para punasan sana ang luha nito, pero tumagos ang kanyang palad siya'y nagulat."Hindi, Maryann. Huwag mong sabihin na pa..." Hindi niya naituloy pa ang sasabihin dahil napahikbi na siya. "Do-doctor, what happen to my sister?" tanong niya sa pagitan ng pag-iyak. Nagkatinginan muna silang lahat. "Don't look each other tell me. Please!" Gustong daluhan ni Leo ang dalaga at yakapin. Napatingin sa kanya si Alia. Tila may sinabi ang tingin niya. "What?" aniya pero walang boses na lumabas. "Lapitan mo siya," ani naman ni Alia, pero wala rin boses na lumabas sa bibig. Umuling si Leo. Kaso pinanglakihan siya ng mata ng dalaga. Pero ng makita niyang lalapitan ng superior si Aipha. Tila ba may pakpak ang kanyang paa at kaagad siyang nakalapit sa tabi ni Aipha. Dahil nakayuko si Aipha hindi siya kaagad nakita nito. "Yes, Aipha. Wala na si Maryann!" Parang bulong lang na wika ni Leo. Pero sapat lang namarinig ito ni Aipha. Napaangat kaagad siya ng tingin dahil familiar sa kanya ang boses na narinig. At bigla rin lumukso ang kanyang puso. Pag-angat ng tingin ang guwapong mukha ng binata ang kanyang nasilayan."Le-leo!" Hindi makapaniwalang bigkas niya sa pangalan ng lalaking ni minsan hindi nawala sa kanyang isip at puso.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
wow!!! Ganda ng story I love it!!!!!
29/12
0done🥰
27/06/2025
0this is so awesome
16/04/2025
0Tingnan Lahat