Aipha

MABILIS pumasok sa silid ng kapatid si Aipha."Maryann, my God. Sinong may gawa nito sa iyo?
Kapatid ko gumising ka!"
"Hmmm!" ungol lang nito.
"Oh God, bakit hubad ang kapatid ko, iba na ito may gumagamit sa kanya." Napapikit siya."Kung sino ka man malalaman ko," bulong niya sa sarili. Pagmulat ng kanyang mata, siya'y nagulat sa kanyang nakita.
"Mike..." Bulalas niya.
Nagulat naman ang ito."Huh? Paano mo ako nakikita?"
"Hindi na mahalaga. Hayop ka! Lubayan mo ang kapatid ko manahimik ka na patay ka na!"
"Matatahimik lamang ako pag kami ay mag kasama na ni Maryann."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Kukunin ko siya pati narin ang anak namin, mamumuhay kami ng walang hanggang."
"Mike, hindi ka mahal ng kapatid ko. Pagkamuhi ang nararamdaman niya sa iyo, kahit sa kabilang buhay hindi ka kayang mahalin ni Maryann. Puwede ba hayaan mo na siyang mamuhay ng tahimik!"
"Hindi. Kailangan ko siya magsasama kami, walang makakapigil sa akin kahit na ikaw pa!"
"Diyan ka nagkakamali dahil hindi ako papayag na mangyari ang gusto mo. Kung pinatay ka ng kapatid ko, ngayon ako naman ang papatay sa iyo muli." At kanyang dinukot ang baril na nakasubpit sa tagiliran sabay tutok kay Mike na nasa harapan.
Humalakhak ito ng malakas."Hangal ka! Sige iputok mo, ang tanga mo naman isa na lang akong kaluluwa, Aipha,'' anito.
"Ahhh!" Hiyaw ni Aipha, at kanyang ibinababa ang baril tama nga ito walang silbi ang bala niya magsasayang lang siya.
"Ano, Aipha? Ano ang kaya mong gawin para mapatay mo ako ha? Di ba wala kang magagawa pa hindi mo akong kayang pigilan. HINDI!" Tumawa muli ng nakakapangilabot.
Dahil walang magawa si Aipha, iisa laman ang naisip para mawala ang kaluluwa ng binata. Patakbo niyang ini on ang ilaw sa pagliwanag ng kabuuan ng silid. Kaagad na nilinga ni Aipha kong saan nakatayo si Mike pero
wala na ito.
"Ahhh! Babalik ako babalik ako!" sigaw ng isang papalayong tinig.
Wala pa rin malay ang kanyang kapatid, at binihisan niya ito."Dito lang ako Maryann, hindi kita iiiwan," bulong niya sa kapatid at nahiga siya sa tabi nito.
Los Angeles California International Airport.
"Grandpa, Grandma, welcome back here," masayang bati ng apo nilang sumalubong sa kanila.
"How are you my beautiful, granddaughter?" bati ng mag-asawa.
"I am very much fine, grandpa, grandma, and still beautiful as you said," nabaling ang tingin ng dalaga kay Leo."Oh, grandpa. Sino naman 'tong handsome na kasama ninyo?" Nginuso nito ang binatang katabi.
"Don't be naughty to him, Alia. He is my bodyguard."
"Woah, lucky bodyguard you are! Hi. I am Alia, and you are?" Ngiting-ngiti pa ang dalaga.
"Leo Gonzales," sagot niya sa dalaga.
Napataas ang kilay ng dalaga dahil hindi man lang inabot ng binata ang kamay nito na upang makipag kamay sa kanya.
"Hmmm, may pagka suplado siya, Lolo?" bulong nito.
Napatawa ang matanda."Apo, ibahin mo siya. Siya iyon tipo ng lalaki na porket maganda at sexy ang nasa harapan sunggaban na agad."
"Well let see Lolo, if kaya niyang tangihan ang akin karisma pagdating sa tinatawag na seduce," bulong nito sa kanyang lolo.
"You never chance my grand daughter, still naughty, ah."
Tumawa ang dalaga."You say so Lolo, Tara na, Lola. Bakit ang tahimik mo something wrong ba?"
"I'm fine, medyo masakit lang ang ulo ko, tara na gusto ko ng magpahinga," sagot nito.
"Handsome, ikaw na lang ang mag drive okay."
"Huh? Wala akong lisensiya rito?"
"Don't worry, sagot kita," Inihagis ang susi ng kotse nito sa binata.
Napatingin na lang si Leo, kay Attorney. Na ngumiti sa kanya.
"MARYANN, magbihis ka may pupuntahan tayo."
"Saan naman tayo pupunta, Ate?"
"Basta sumama ka sa akin, para sa 'yo rin ito, bilisan mo lang para hindi tayo mahuli!"
"Okay Ate, ikaw ang masusunod," sagot nito at pumasok na sa silid upang magbihis.
Pagkatapos magbihis ni Maryann."Ate Aipha, tara na."
Lumabas na nang bahay si Aipha. Inilalayan ang kapatid para sumakay sa sasakyan niya.
"Ate, papalabas na ito ng Los Angeles, ah. Saan ba tayo pupunta talaga?"
"May kakilala akong pastor. Sa kanya tayo pupunta, Maryann."
"Why, Ate?" Takang tanong niya.
"Para sa ikabubuti mo ito. You know what I mean, Maryann."
"Ate. No! Ayoko! Stop the car! Hindi ako sasama sa 'yo!" Biglang sigaw ni Maryann, inagaw pa ang manubela sa ate niya.
"Maryann, stop. Do not do that mababangga tayo," inaawat ng isang kamay niya ito.
"Who cares!" sabi nito.
Napalingon si Aipha sa kapatid dahil biglang ng iba ang boses nito. At nanglaki ang kanyang mata nagulat sa nakita."Maryann, lumaban ka!"
"No!" Inagaw muli ang mabubela.
Sa kanilang pag-aagawa sa manubela hindi nakita ni Aipha ang isang malaking truck. Hindi nagawang iwasan pa ito ni Aipha. sumalpok sila rito."Ahhh! Ateeee!" Sigaw ni Maryann.
"Oh, accident? Lagi na lang dito last weeks meron na naman," ni Alia.
Dahil sa aksidente ma traffic kaya naman usad pagong ang daloy ng mga sasakyan.
"Oh, my God, kawawa naman siya Lolo, Lalo, she's pregnant too look grandpa," Aning muli ng dalaga sabay turo pa nito sa babaeng isinasakay na sa ambulance.
"Yes, Apo, kawawa nga siya lalo ang baby na nasa sinapupunan nong babae. Sana nothing happen both of them!" Naaawang sabi ng matanda.
"Sana nga Lolo, even I don't no them I pray for their safeties."
"You are right Apo, that's good kahit pala naughty ka you have a good heart!"
Nakatingin lang naman si Leo sa sasakyan na naaksidente. Kumabog ang kanyang dibdib."Bakit may kaba sa puso ko?" tanong niya sa sarili.
"Naman Lolo. Of course my good side naman ako pero always ang bad side sa akin," may ngiting anito.
Napailing naman ang Lolo at Lalo nito sa kanyang sinabi.
Nasa ganon silang pag-uusap ng may inilabas na naman mula sa kotseng na aksidente. Bumilis ang pagkabog ng dibdib ni Leo lalo ng makita ang katawan ng babae pero hindi naman nakita ang mukha nito. Pumasok sa isip si Aipha kaya na bigkas niya ang pangalan ng dalaga."AIPHA." Maninang aniya sapat lang para narinig ng katabing si Alia.
"Sinong Aipha, ang binigkas mo, Leo?"
"Wa-wala," sagot niya pero ang kanyang mata nakatuon sa ambulance.
Sinundan ng tingin ni Alia. Kong san nakatingin ang
binata."Don't tell me you know them, Leo?"
Sasagot sana ang si Leo ng magbusinaan ang mga sasakyan sa likuran nila.
"Leo, let's go. Galit na ang mga nasa likuran natin, nagbubusinaan na sila na para bang wala ng bukas they cannot wait." Nairitang ani ng dalaga.
Dahil wala ng traffic kaagad na silang nakarating sa bahay ng anak ng amo ni Leo.
"Finally we reach home. Lola, are you okay?" tanong nito dahil nakapikit pa rin ito.
"Yes, I am fine Apo, like what I said masakit lang ang ulo ko, but I'll be fine later after I take my medicine."
Pagpasok nila sa loob ng bahay, agad na sinalubong sila ng magulang ni Alia." Mommy, Daddy, thank you at pinaunlakan ninyo ang amin imbitasyon. Oh, my kasama pala kayong iba sino siya Daddy?"
"Daddy, bodyguard siya ni Lolo, ang guwapo niya para siyang hollywood star di ba, Dad?" sabi ni Alia sa ama pero kay Leo nakatingin.
"Hija, ikaw ba ang tinatanong ko," ani ng ama.
"Dad." Sumimangot na sabi niya.
"Anak, tama ang Apo ko, bodyguard ko nga siya si Leo," tugon nito sa anak.
"Hi, Leo. Nice to see you and to meet you." Seryoso nitong wika.
"Ganon din ako Sir, thank you." Pormal na tugon ni Leo.
"Siya nga pala Dad, may accident naman na nangyari riyan sa highway papunta rito sa atin."
"Yes hija, napanood ko ito sa news kanina lang, mga kabayan natin sila mag kapatid," sagot nito.
Dahil sa sinabi ng ama ng dalaga. Ang kabang kanina pa nararamdaman ni Leo. Ay lalong nadagdagan ito.
"God, sana okay lang sila, kawawa naman lalo na iyon buntis!"
"Oo nga, I think you know her, Hija?"
"Sino, Dad?" tumingin siya sa ama.
"Iyon na aksidente, ano nga ba ang pangalan nila, Honey? At anong name na naman nong pagkapatid na naaksidente?"
"Isa lang ang naalala ko hon. She is a FBI agent, Aipha ba," nag-isip ng bagya ang babae."Oh, yes Aipha nga Aipha kalim," dugtong nito.
Sa narinig napatingin si Leo sa babae. Gusto niyang makonpirma ang sinabi nito.
"Oh yes Dad, I know her I meet her one time sa isang events na dinaluhan ko. You are right Mommy, FBI Agent nga si Aipha kalim," sang-ayon ni Alia.
Dahil sa nalaman ni Leo. Hindi tuloy siya mapakali sa kinatatayuan. At napansin naman ito ng kanyang among lalaki.
"Oh, Leo. what happens to
you, something bothering you?" tanong ng amo niya.
"Maybe he knows Aipha. Tama ba ako Leo, para ka kasing hindi makaanak na pusa riyan and you look so worried," ani naman ni Alia.
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Leo."Yes Sir, kilala ko nga sila, puwede ko ba silang puntahan kung saan hospital sila dinala please. Sir," pakiusap niya.
Nagkatinginan ang mag-anak."Sure, Leo. Maybe they need your help in the hospital right now. Baka wala silang kamag-anak dito," sabi ng matanda.
"You are right Daddy, wala nga silang kamag-anak dito, sabi sa news dalawa lamang silang nakatira sa Los Angeles."
"Samahan na kita sa hospital. Leo, ah Alice, magpahinga ka na I know you tired, samahan ko lang si Leo sa hospital."
"Sige, Lucio. Andito naman ang anak natin."
Tumango naman ang mag asawa tanda ng pag sang-ayon nila sa sinabi ng kanilang ina.
"Lolo, I'm going too," prisenta nito.
"Oh sige tara na, baka kailangan nila ang tulong natin."
Habang patungo sila sa hospital samot sari ang nararamdaman ni Leo. Pero nangibabaw ang pagkanabik na masilayan ang babaeng nagpadama sa kanya kung paano ang magmahal.
Small world talaga hindi niya akalain na magtatagpo muli ang kanilang landas ni Aipha Kalim. Sa unang apak palang niya sa bansang ito.

Komento sa Aklat (84)

  • avatar
    Rosaly

    wow!!! Ganda ng story I love it!!!!!

    29/12

      0
  • avatar
    peratercharisa

    done🥰

    27/06/2025

      0
  • avatar
    Laranang Pearl

    this is so awesome

    16/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata