HABANG naglalakad si Leo sa daan. Hindi alam kung ano ang tamang gagawin. Napapatingin siya sa mga bangko na nadadaanan sumasagi sa isip na pasukin ito para mangholdap. Napabuntong-hininga siya alam niya sa sarili na hindi kayang gumawa nang ganon nilampasan ito. At kung saan-saan na siya dinala ng paa. Nang mapagod umupo muna siya sa isang tindahan. At bumili na rin na maiinom niya. Habang nakaupo nagawi ang kanyang mata sa telephone na nasa harapan. At tila may isip ang kamay bigla niyang kinapa ang calling card sa bulsa ng jacket." Tatawagang ko ba siya?" aniya sa sarili habang nakatitig siya sa calling card. 'Subukan mo hindi masama ang sumubok' sabi ng isang bahagi nang isip. Isang malalim na buntog-hininga muna ang pinakawalan bago siya lumapit sa telephone. At dahan-dahan idinayal ang numerong nasa calling card. Naka dalawang ring palang ng may sumagot na. "Hello, good afternoon, Scalante law office my I help you?" ani ng babaeng sumagot. Kinabahan si Leo."He-hello. Ah, puwede ba kay Attorney Lucio Scalante?" "My I know your name, Sir?" "Ah, pakisabi si Leo Gonzales, ito Ma'am." "Do you have any appointment to Attorney Scalante, Sir?" "Pasensiya na po Ma'am, pero wala eh, binigyan lamang kasi niya ako ng calling card, if kailangan ko ang tulong niya tawagang ko lamang siya." "Okay, wait for a while, titignan ko kung hindi na siya busy." "Sige po Ma'am," sagot niya. Inilipat naman ng secretary ang tawag sa opisina ng Attorney. "Bakit Alice?" ani ng Attorney. "Sir, may naghahanap sa iyo nasa kabilang line po siya." "Sino siya, Alice?" "Leo Gonzales. Sir, ang pangalan niya." Nag-isip muna sandali si Attorney, kung kilala ba niya ang pangalan sinabi nito. Nang maalala na."Hmmm okay, Alice. Ilipat mo ang tawag niya sa akin." "Okay, Sir, line 2." "Thank you, Alice." Nang maingat na niya ang sinabing linya ng secretary."Hello, Leo Gonzales?" "Ako nga po, Sir. Iyon sa daan nong may magtangkang magholdap sa inyo," paliwanag niya. "Oo. Naalala kita mabuti naman at tumawag ka may problema ka ba o ipapakaso ka sa akin, Leo?" "Naku. Sir, wala naman." "Ganon ba. Anong maitutulong ko sa 'yo, Leo?" Hindi na nagpaligoy-ligoy pa. "Ah, Sir, itatanong ko lang po sana kung may vacancy na trabaho sa mga kakilala mo kahit ano po, Sir?" "Magkita tayo Leo, sa isang restaurant para pag usapan natin ang tungkol sa bagay na iyon okay lang ba sa 'yo?" "Naku. Oo naman Sir, sige po pupunta po ako ngayon, saan po pala tayo magkikita, Sir?" "Sa Sakura restaurant isang Japanese restaurant siya Leo, dito sa harapan ng opisina ko, hanapin mo lang ang Scalante law office dito sa Quezon City." "Okay Sir, sige po pupunta na ako riyan. Narito lang naman ako sa Quezon City." "Okay Leo, see you later." Agad naman nagpunta si Leo, sa sinabing opisina ni Attorney Scalante. Hindi siya nahirapan hanapin ang Sakura restauran. Tumawid siya para tignan ito. Tamang papalabas narin si Attorney Scalante ng nasa harapan na siya ng opisina nito. "Magandang hapon po, Sir," bati niya kay Attorney Scalante. "Ganon din sa'yo, Leo. Halika doon tayo para makakain tayo medyo gutom na kasi ako," anito. Sumunod si Leo kay Attorney patungo sa restaurant. Nang matapos na silang kumain saka palang nagtanong si Attorney kay Leo. So, ano ang maitutulong ko sa 'yo, Leo?" "Sir, gaya ng nasabi ko kanina sa telepono, kung meron kayong kakilala na naghahanap ng trabahador kahit na ano Sir, puwede ako?" "You look familiar to me Leo, kung hindi ako nagkakamali may naging kaso ka di ba?" Tumingin muna si Leo, sa kausap bago niya sinagot ang sinabi nito."Yes, Sir. Isa akong ex-convict, pero na pawalang sala ako." Ngumiti si Attorney."I know that, Leo." May pagtataka sa mukha ni Leo sa sinabi nito." Paano mo nalaman, Sir?" "Well, ang totoo pina-secret investigate kita, Leo." "Bakit mo ginawa ito, Sir?" "Dahil nararamdaman ko na isang araw, pupunta ka sa akin na para humingi ng tulong ko. I am right you are here in front of me now." Hindi naman nakakibo si Leo, sa sinabi ng Attorney. "Isa kang dating pulis. Pero nakulong dahil sa pamilya mong cannibalism. Actually, hindi naman mga cannibalism ang pamilya mo Leo, nakatikim kasi sila ng karne ng tao kaya naisip nila na ito ang kanilang pagkain, isa lang ang katigorya ko pamilya mo, Leo." Kahit paano may pananabik si Leo, na malaman ang totoo."A-ano po, Sir?" "They lost their memory, tama ba ako?" "Hindi ko alam, Sir. Kasi nakikilala naman nila kami." "Yes, dahil kayo ang nakikita nila palagi. At hindi ninyo sila sinasaktan. Bakit hindi niyo sila pinagamot para naagapan ito?" "Gustuhin ko man Sir, ayaw ng pinsan ko. Hindi na raw makukuha sa gamot ang sakit nila." "Oh, I see where's your cousin now?" "He's dead, Sir!" "I'm sorry to heard that Leo. Chance topic na tayo, I know na mabait ka at mapagkakatiwalaan, kaya I hire you become my bodyguard, okay lang ba sa'yo?" "Naku okay po sa akin, Sir. Salamat sa tiwala huwag po kayong mag-alala hindi ko po sisirain ang tiwalang ibinigay mo, Sir!" may ngiting aniya sa Attorney. "Good to hear that Leo, tomorrow come too my house, ang gusto ko stay in ka, agree ka ba sa nais ko?" "Sige po Sir, kung iyan ang gusto mo!" "Good sige na at ako ay may meeting pa, magkita na lang tayo bukas sa bahay Leo, ito ang address namin and my mobile number, tawagan mo ako kung hindi mo mahanap ang bahay okay." "Sige po Sir. Salamat muli." Tango naman ang naging sagot ng Attorney sa sinabi niya at ito'y nauna ng umalis at siya'y sumunod na rin. LOS ANGELES. Five Months later Malaki na ang tiyan ni Marry ann. "Kamusta ang pakiramdam mo, Maryann?" "Not good, Ate!" "Maryann, tiisin mo lang muna okay." "Ate, ayaw ko nito alam mo! I hate this! Hindi siya akin Ate hindi!" sigaw nito nababaanag sa mukha nito ang pagkamuhi!"Ate, gusto ko itong mawala, Ayoko nito ayoko! Ayoko! Ahhh!" Sigaw niyang muli at pinaghahampas ang tiyan. "Maryann, stop that don't do that." Awat ni Aipha sa kapatid. Pero hindi huminto patuloy ang paghampas sa kanyang tiyan Niyakap na lang ni Aipha ang kapatid para huminto sa ginawa. "Ate, ayoko nito!" wika nito habang tumutulo ang luha. Wala naman mahagilap na isasagot si Aipha sa kapatid, niyakap nalaman niya ito ng mahigpit hanggang kumalma. "Siya nga pala Maryann, dahil ayaw mong umuwi sa Pilipinas, tinawagan ko si Tita Agnes, pinapunta ko muna siya dito para may kasama ka habang nasa trabaho ako. "Kaya ko ang sarili ko Ate, tell her not to come here." "Kailangan mo si Tita, Maryann, lalo na ngayon please. Huwag kang kumontra sa gusto ko." "Ate, I said no. Ayokong may kasama tayong iba rito sa bahay ayoko!" "Hindi naman siya iba Maryann, Tita natin siya." "Kahit na! I don't no her! Nasanay na akong mag-isa, Ate." "Okay kung iyan ang gusto mo, I tell her not to come." "Ate, gusto ko nang magpahinga." "Okay papasok na rin ako sa work ko. Anong gusto mo bibilhin ko mamayang pag-uwi ko?" "Nothing!" sagot nito. "Fine, sige naiwan na kita." Bago siya umalis hinalikan muna niya sa noo ang kapatid. "God, ano ang gagawin ko? Papaano ko malalaman kung sino ang may gawa sa kalagayan ng kapatid? Pero iisa lang ang alam kong may gawa nito si Mike." aniya sa sarili habang nakatingin sa kapatid na nakapikit. SA ilang buwan pag tra-trabaho ni Leo, bilang bodyguard naging maayos ang buhay at lubos siyang pinagkakatiwalaan ng mag asawang Scalante. "Ah, Leo. Halika dito may pag-uusapan tayo, sumunod ka sa akin sa opisina ko." ani ng Attorney sa binata. "Opo, Sir," Sagot niya kaagad na siyang sumunod sa matanda. Pagpasok nila sa loob."Anong pag-uusap natin, Sir?" tanong ni Leo habang nakatayo siya. "Maupo ka muna, Leo," anito. Kaagad naman umupo si Leo. "Next week, Leo. Pupunta kami ng America ng asawa ko pinapupunta kasi kami ng namin anak doon magbabakasyon lang naman." "Sige po Sir, maghahanda po ako doon muna ako sa dati kong tinirhan." "No, Leo. Hindi ka na babalik doon." Naisip ni Leo na baka dito siya bahay nito titira habang wala sila."Anong ibig mong sabihin, Sir?" tanong pa rin niya. "Ang ibig kong sabihin ay. You come with us in the USA." "HO? Sa-sasama ako?" gulat na sagot ni Leo. "Yes, Leo. Sasama ka sa amin." "Pero Sir, isa akong x-convict, hindi yata ako puwedeng lumabas ng bansa?" "Yes, Leo. But you can, remenber I am lawyer." "What do you mean, Sir?" "Gagawa ako ng paraan para makalabas ka ng bansa, Leo." "Pe-pero, Sir..." "Trust me Leo. And don't worry gagawin kung legal ang paglabas mo ng bansa, ang tanong gusto mo bang sumama sa amin?" Kakaibang kasiyahan ang nararamdaman ni Leo. At biglang binundol ng kaba ang dibdib."Oo naman po Sir, basta ba isasama ninyo ako," tugon niya. "Well, maghanda ka na in a few days lilipad na tayo papuntang America." Awtomatikong sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ni Leo. Pumasok sa isip ang dalagang ni minsan hindi nawala sa puso at isip niya. LOS ANGELES. "Maryann, baka madaling araw na akong uuwi, may tatapusin kasi kaming kaso ngayon." "Sige Ate, don't worry about me kaya ko naman ang sarili ko." "Sige aalis na ako ha, kung may nararamdaman ka just call me, kahit busy ako uuwi kaagad ako." "Yes, Ate. Take care," sagot nito. "Ikaw rin Maryann, don't do any foolish thing okay. At huwag kang mag isip ng kung ano-ano." "Ate, hindi naman, ah." "Okay, you said that I trust you, bye." Nang marinig ni Maryann. Na umalis na ang kotse ng ate niya agad na siyang tumayo at nagtungo sa kanilang kusina."Kailangan ko ito?" Nang mahawakan ang isang kutsilyo. At kaagad na siyang bumalik sa kanyang silid. "Hindi kita kailangan sa buhay ko ang dapat sa iyo mawala!" aniya sa kanyang dinadala. At iniamba niya ang kutsilyong hawak sa kanyang tiyan. Isasaksak na sana niya ito sa kanyang tiyan ng biglang tila may umagaw rito."Huh?" gulat na reaction niya. "Hindi mo pwedeng saktan ang anak ko hindi!" tila naririnig ni Maryann. Siya ay nagpalinga-linga sa silid kung may tao ba. Pero wala naman siyang makita." Sino ka?" sigaw niya pero may takot siyang nararamdaman walang sumagot sa tanong niya. "Sino ka magpakita ka sa akin kung sino ka man demonyo ka magpakita ka!" sigaw niyang muli. Wala pa rin sumagot bagkus may naramdaman siyang tila may humaplos sa kanyang pisngi. Kaya napasinghap siya. At pamilyar sa kanya ang haplos nito. At may kung ano sa haplos nito hindi niya napigilan na ipikit ang kanyang mata tuluyan na siyang nakatulog. Hatinggabi nang maalimpungatan si Maryann. At nagulat dahil wala na siyang saplot sa katawan kahit isa." Anong, nangyayari bakit wala na akong damit?" Lalong siyang nagulat ng maramdaman may humahaplos sa katawan. "Ahhh! Sino ka?" "Maryann," ani ng isang boses. Nangilabot si Maryann. Dahil pamilyar sa kanya ang boses na ito."Kung sino ka man na demonyo mag pakita ka sa akin!" sigaw niya. At pinilit niyang bumangon pero hindi niya magawa. Pakiramdam niya may nakadangan sa kanyang ibabaw. "Ateee!" sigaw niya. Tumawa ang kanyang kasama. Kahit na sumigaw ka walang makakarinig sa 'yo ako ito, Maryann." Iisa ang nasa isip ni Maryann si Mike ang kasama."Hayop ka! Papatayin ulit kita!" sigaw niya. "Paulit-ulit mo man akong patayin Maryann, babalik at babalik ako para makasama ka, alam mo ba bago ako nawalang ng hininga isinumpa ko babalik ako para tayo ay mag kasama muli na walang sabagal kaya heto ako ngayon nasa tabi mo palagi? Nararamdaman mo naman ako di ba gabi-gabi?" "Ahhh! demonyo kang talaga, Ate Aipha!" sigaw niyang muli. "Wala siya di ba at isa pa wala siyang magagawa pa. AKIN KA! AKIN KA, pati narin ang anak natin!" "Hindi, mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa makasama ang isang tulad mo." Siya ay nang laban kahit alam niyang wala siyang magagawa pa. "Tumigil ka!" ani ng boses nito. At pakiramdam ni Maryann tila sinuntok siya nito sa kanyang sikmura kaya bigla siyang ng hina."Akin ka Maryann. Walang makakapigil sa akin wala!" Humalakhak ito nang kay lakas. Takot ang namayani kay Maryann. Dahil alam niyang hindi na tao si Mike. "ANO ba naman ito bakit biglang nagka traffic dito, walang katraffic-traffic dito, ah?" ni Aipha nasa malapit na siya sa kanilang bahay. Nang may dumaan na tao nagtanong siya rito. "Hello excuse me, what happen down there?" "A minor accident," sagot nito. "Minor? Then why it is to long to clear up?" "I don't I gonna go," sabi ng kausap. "Okay thank you." Tumango naman ito at lumayo na sa kanya. "Kailan pa uusad? Ahhh naman. Makapaglakad na nga lang tutal malapit na ang bahay dito. Iginilid muna niya ang kanyang kotse bago siya naglakad papauwi. "Hay Nakakapagod!" aniya ng makapasok na sa kanilang bahay."Kumain na kaya si Maryann? Bukas ko na siya puntahan, pagod ako sa buong araw." Humikab pa siya. Pupunta na siya sa kanyang silid ng may naririnig siya sa silid ng kanyang kapatid."Huh?" Gising pa yata siya masilip nga?" Hindi na siya kumatok pa unti-unti niyang binuksan ang pinto sumilip. At nagulat siya sa nakita. "MARYANN!" Bigkas niya sa pangalan ng kapatid.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
wow!!! Ganda ng story I love it!!!!!
29/12
0done🥰
27/06/2025
0this is so awesome
16/04/2025
0Tingnan Lahat