Aipha

PAGKALAPIT ni Leo sa kotse."Ano ang meron dito?" tanong niya mga kalalakihan na nakapalibot sa sasakyan.
Napatingin ang apat na lalaki sa kanya."Huwag kang makialam dito umalis ka na. Kong ayaw mo pang madamay!" sagot ng isang lalaki.
"Ganon ba. Kung sabihin ko sa inyo na pulis ako, ha!" panakot niya totoo naman na pulis siya kaso natanggal na siya.
Nagkatingin naman ang mga kalalakihan.
"Ano tinatanong ko kayo anong ginagawa niyo rito sa sasakyan?" Sa medyo marahas na tanong.
Sa loob nang kotse takot na takot ang nakasakay dito na dalawang matanda na.
"Ha? Eh, wa-wala Sir, tinitignan lang namin kasi huminto, baka kasi nasiraan kaya lumapit kami at matulungan sila," sagot ng lalaki.
"Ganon ba. Sandali lang at tatanungin ko sila, kong nasiraan nga ba sila ng sasakyan nila." Sapagkatok ni Leo sa salamin ng kotse bigla na lang nagtakbuhan ang mga kalalakihan. At napangiti naman siya."Mga holdaper siguro ang mga taong iyon. Hay buhay nga naman, kailangan pang gumawa ng masama para mabuhay lang." Napailing pa siya.
Nang makita naman ng taong nasa loob ng kotse na wala na ang kalalakihan binuksan ng isang matanda ang salamin na bintana.
"Okay lang ba kayo, Sir?" tanong kaagad ni Leo rito.
"Yes we are fine now, thank you!" sagot nito.
"Your welcome, Sir. Sige po umalis na kayo rito baka bumalik pa ang mga iyo. Eh, tuluyan na kayong maholdap." payo niya sa matandang lalaki.
"Salamat ulit, heto para sa 'yo." May inabot ang matanda kay Leo.
"Salamat po pero hindi ko kukunin iyan, umalis na po kayo," aniya.
"Napakabait mong tao hindi mapagsamantala, bihira na ang isang katulad mo sa ngayon panahon."
Tumango na lang si Leo sa matanda."Sige po Sir, ako ay uwi na rin mag ingat kayo." Tumalikod na siya.
"Sandali lang, hijo," habol ng matanda.
Agad naman humarap si Leo dito."May kailangan ka pa ba, Sir?" kanyang tanong.
"Nothing. Take this if you need help call me. By the way I'm Attorney Lucio Scalante and my wife doctor Maria Scalante," pakilala nito ngumiti at tumango naman sa kanya ang asawa nito.
"Leo Gonzales, Sir. Nice meeting you, Sir, Ma'am," tugon niya.
"Same to you, Leo. Heto kunin mo ang akin calling card call me okay."
Tumango naman siya at kinuha ang iniabot sa kanya ng matanda.
"Sige, hijo. Mauna na kami sa'yo, salamat," aning muli ng matanda.
Itinaas ni Leo ang kamay bilang pamamaalam din
niya.
LOS ANGELES.
"Good morning Ate...Ewww ano iyan niluluto mo bat ang baho naman!" Pinisil pa nito ang ilong para hindi maamoy ang niluluto ng kapatid.
Napakunot ng noo naman si Aipha sa reaction ng kapatid."Maryann, anong mabaho ka riyan, paburito mo kaya ito garlic rice."
"Ate, talagang mabaho sa pang amoy ko, eh," sagot nito at tila na susuka na.
Dahil sa sinabi ng kapatid totoo nga ang hinala niya na buntis ito." Maryann, maupo ka nga rito I ask you something." Hinila niya sa isang upuan para sa kapatid.
"Ano bang itatanong mo ha, Ate?" tanong din nito ng makaupo na.
"Meron ka na bang boyfriend, Maryann?"
"Ate, ano bang klaseng tanong iyan?"
"Sagutin mo ako Maryann. Meron ba?"
"Wala ate bakit ba? A months palang tayo rito. And how can I got a boyfriend. Kung nasa katawan ko pa ang kahayupan mg baliw na iyon!" biglang naging mabangis ang anyo niya.
"Iyan kasing nararamdaman mo. Eh, sintomas ng nagbubuntis Maryann."
"Woah! Ate, tell me, you just kidding right?"
"No, Maryann," seryosong sagot niya.
Bigla na lang nanglumo si Maryann. Yes alam niya ganon nga ang sintomas ng nagbubuntis. Pero sa isip niya hindi baka lang may sakit siya."No. Ate, I'm not pregnat."
"I don't no Maryann. Pero ganyan talaga ang sintomas ng nagbubuntis, sa first semester. Nag-iiba ang pang amoy parang tinatamad laging gustong mahiga o matulog di ba ganyan nararamdaman mo sa ngayon?"
"Oo. Ate," napaluha siya bigla."Ate, natatakot ako?" Dugtong niya.
"Don't be scared I'm here to protect you. Kumain na tayo at pupunta tayo sa doctor ngayon."
"Ate, para saan?"
"Magpa check up ka Maryann. Para malaman nating kung buntis ka nga ba O hindi."
"Ate, natatakot ako!" muling sabi niya.
"Maryann, narito lang ako sige na kumain na tayo."
"Ate, wala akong ganang kumain ikaw na lang."
"Coffee gusto mo ba igagawa kita?"
"Huwag na Ate, mag juice na lang ako." Tumayo ito para kumuha ng maiinom niya.
Pinagmasdan ni Aipha ang kapatid na nakatalikod."God, sana mali ang hinala ko, baka hindi makayanan ng kapatid ko ito."
Nang matapos siyang kumain agad na silang nagtungo sa isang malapit na clinic para sa mga buntis. At kaagad na sinuri ng doctor si Maryann. Habang hinihintay nila ang resulta. Sobrang kaba naman ang nararamdaman ni Maryann.
"Ate, paano kong buntis ako?" tanong niya.
Hindi naman nakasagot si Aipha. niyakap na lamang niya ang kapatid.
"Miss Kalim. Ma'am, the doctor is calling you now," ani ng assistance nurse ng doctor.
"Thank you," tugon ni Aipha.
"Your welcome, Ma'am," nakangiting tugon din nito.
Pumasok na sila muli sa loob ng opisina ng doctor."Hi, miss Kalim, this is the result of your pregnancy test."
"Tell me, Doc. What is the result?" Si Aipha ang nagtanong.
"Maryann Kalim, you are 4 weeks pregnant," pahayag ng doctor.
Napapikit si Aipha sa narinig nanglalaki naman ang mata ni Maryann."NO. Cannot be, Ate. Hindi di ba nagsisinungaling lamang siya?" Medyo malakas na pagka wika niya.
"What did you say, Maryann?" tanong ng doctor.
"Maryann, relax okay. Relax ka lang," binalingan ni Aipha ang doctor."Nothing, Doc," sabi niya habang nakayakap sa kapatid.
"Ate. Hindi totoo!" lumuluha ng wika ni Maryann.
"Okay buy this medicine. In the pharmacy. Maryann, you must take your vitamins everyday it is good for and your baby."
Hindi sumagot sa doctor si Maryann. Kong kayat si Aipha na ang tumugon dito.
"Yes Doctor, thank you," aniya." Tara na Maryann." Inalalayan sapagtayo ang kapatid. Pagkatapos nilang bilihin ang mga gamot kaagad na silang umuwi. Wala naman ng kakibo-kibo si Maryann, habang nasa
sasakyan na sila.
Napapatingin si Aipha sa kapatid na nakapikit. Pagkadating nila sa kanilang bahay walang pa rin kibo si Maryann. Pumasok na sa silid nito. Sinundan naman kaagad ni Aipha ang kapatid sa silid upang ibigay ang gamot nito.
"Nagugutom ka ba Maryann? Igagawa kita ng pagkain mo."
"Hindi ako gutom, Ate," walang ganang sagot niya.
"Maryann, kausapin mo ako sabihin mo sa akin ano ba ang gumugulo sa 'yo."
"Ate, natatakot ako!" may luhang sagot niya.
"Di ba ang sabi ko naman sa 'yo andito lang ako. Tell me, Maryann."
"I don't no, Ate."
"Gusto mo bang umuwi tayo sa Pilipinas para magpatingin tayo sa albularyo, para alam natin kung bakit buntis ka. Ang pagkakaalam ko kasi meron ka nong umuwi tayo rito."
"No! Ayoko, Ate." mariing tanggi niya.
"Okay kung ayaw mo sabihin mo sa akin ang totoo, para matulungan kita. Maryann, hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko sa kalagayan mo ngayon."
"Ate, isang linngo palang tayo rito nang may nararamdaman na akong kakaiba," pag uumpisa niya.
"A-anong kakaiba?" napakunot ng noo pa si Aipha.
"Ate, Aipha! Nararamdaman ko na parang may gumagamit sa akin, gabi-gabi!" Napahagulgol siya.
"What? Paano?"
"Hindi ko alam Ate. Kasi nararamdaman ko lang habang tulog ako paggising ko masakit na ang katawan ko pati rito," Turo niya sa kaselanan.
"May. God, hindi ka-kaya si..."
"Ate. No! Patay na siya! I kill him!" agap na turan niya."Ate, I don't like this kailangan mawala siya?" ang nasa sinapupunan ang tinutukoy.
"No! Maryann, wala siyang alam sa bagay na ito malaking kasalanan 'yan sa Dios. At isa pa, dugo at laman mo ito."
"Ate, hindi ko siya anak. Anak siya ng demonyo! Kailangan mawala ito!" Medyo malakas na pagkasabi niya. At nangingining na ang katawan nito.
"Maryann, relax okay," aniya sa kapatid at kanyang niyakap ito. Hindi napigilan ni Aipha ang pag alpas ng luha.
Kahit siya naguguluhan sa nangyayari sa kapatid. Buntis ito paaano? Kung sakali man na si Mike ito. Patay na ito. Ang ibig bang sabihin nito buhay ang kaluluwa nito at sinisipingan ang kapatid? Kinalibutan bigla si Aipha sa naiisip. Pero kung may boyfriend sana ang kapatid hindi siya mag iisip ng ganon pero sabi naman wala. Ano itong nangyayari kababalaghan ba? uso pa ba ito lalo at nasa America sila. Niyakap na lang ni Aipha ang kapatid ang damayan ito ang higit na kailangan nito ngayon.
MANILA.
Kahit anong hanap ni Leo, nang trabaho walang tumangap sa kanya dahil sa naging kaso niya hindi naman puwede na hindi sabihin na ex-convit siya dahil malalaman din nila ang totoo." Ahhh! Ayoko na dito, mas gusto ko pa sa loob ng bilangguan. Damn ano ang gagawin ko para makabalik ako, kailangan ko bang pumatay ng tao? Oh shit! Noon nga di ko nagawang pumatay ng walang kalaban-laban. Magnakaw na lang kaya ako sa banko. Tama mang holdap ako ng banko tapos susuko kaagad ako sa mga pulis," turan niya sa sarili. Disperado na siya lalo pa't walang tumatangap sa kanya. At agad nasiyang tumayo para isagawa ang plano. Kinuha niya ang jacket pero bago niya isinuot ito may dinukot muna siya sa bulsa nito. Pero iba ang kanyang nakuha.
"Attorney. Lucio Scalante," basa niya sa calling na nakuha niya mula sa bulsa ng jacket.
"If you need help call me Leo, maybe I can help you," naisip niyang ani ng matandang tinulungan niya sa pagtatangakang holdapin ito. Kaya naman maupo muli siya sa higaan. Nagdalawang isip na gagawin ba ang kanyang plano."Tatawagang ko ba siya? At humingi ng tulong upang magkaroon ako ng trabaho, baka naman hindi rin niya ako matulungan kasi isa akong ex-convict. Isa siyang Attorney, baka husgahan din niya ako!"
"Bakit di mo subukan, Leo?" ani ng isip niya.
"Oh, ano ba ang gagawin ko? Bahala na kung saan ako dalhin ng akin paa sa araw na ito, sa mabuting landas ba o sa masama?"
Hindi na siya bumalik sa bahay nila ni Mike. Dahil gusto niyang kalimutan ang tungol sa pamilya. Ang mga kamag-anak naman niya na mga babae dinala sa mental kaso hindi nagtagal isang-isang nagpakamatay ang mga ito. Hindi nila matangap ang lugar na kinalalagyan nila.
Paglabas ni Leo sa pinto. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan sabay bigkas nang."BAHALA NA!"

Komento sa Aklat (84)

  • avatar
    Rosaly

    wow!!! Ganda ng story I love it!!!!!

    29/12

      0
  • avatar
    peratercharisa

    done🥰

    27/06/2025

      0
  • avatar
    Laranang Pearl

    this is so awesome

    16/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata