LOS ANGELES. Anin na buwan ang lumipas. "KAMUSTA na ang pakiramdam mo ngayon, Maryann?" "Mabuti naman na, Ate." "Mabuti naman kong ganon, buwan na rin kasi ang nakalipas pero ang nakikita ko sa iyong mata Maryann, meron pa rin pait ito." "Ate. Hindi naman ganon kadali na makalimutan ang nangyari di ba?" "Oo. Alam ko, andito lang ako Maryann, handang tulungan ka magsabi ka lang sa akin, ha!" Niyakap ang kapatid. "Oo. Ate, alam ko 'yan ikaw ang nagbibigay ng lakas sa akin. Thank you so much!" maluha-luhang anito. "Ate, anong rason bakit sila kumakain nang tao?" Ngayon lang nagtanong ni Maryann sa ate. "Gusto mo bang pag usapan sila?" Tumango si Maryann sa ate. "Nag research ako. At nagtanong-tanong na rin bago tayo bumalik dito. At may isang matanda akong nakausap, ang sabi kilala niya ang mga taong iyon. Dati raw matitino sila. Pero kalaunan bigla silang nagbago at naglaho sa lugar nila ewan nila kung saan sila nagpunta. Iyon pala nagtago sila sa liblib na lugar malayo sa mga tao. Nang tignan nila ang bahay ng mga ito, mabaho at may natagpuan silang ulo ng bata...taggutom sa kanina ng isang buwan dahil sa mga pesteng sumalanta sa mga pananin nila." "Teka. Ate, dahil doon kumain sila ng tao?" "Siguro sa gutom na rin nila. At ayaw nilang mamatay pa." "Kaya sila ang pumapatay para mabuhay? No sense Ate. Maraming paraan para mabuhay puwede naman damo na lang ang kinain nila kaysa tao." "Well hindi natin alam ang tunay na dahilan. Baka may something pa, Maryann." "Bakit parang mga baliw sila. Ate, wala sa tamang pag-iisip? At ang hayop na lalaking iyon bakit hindi siya kumakain ng tao? Kung tao ang kinakain ng magulang nila." "Iyan ang hindi ko na masagot, Maryann." "Ibaon na nating sila sa limot, Maryann. At burahin mo sa isip mo ang nangyari sa iyo." "Pipilitin ko. Ate." "Gawin mo, Maryann. Lumabas ka, hangout with your new friends. Makakatulong ito sa iyo." "Sige, Ate. Gagawin ko salamat sa ha. Lagi na kitang susundin lahat ng sasabihin mo sa akin, dahil alam kung para sa ikabubuti ko ito." "Good girl, sige na pahinga ka na." Tumango si Maryann. Tinungo na ang silid. Nang wala na ang kapatid napaisip si Aipha. Kung buhay ba si Leo. Kamusta na kayo ito kung buhay pa."Ah, bakit ko ba siya iniisip? Dapat ay hindi. Aipha, erase!" Hinilot ang sintido para mawala ang bumubulabog sa isipan. Sa totoo lang lagi naman pumasok sa isip ang binata binabalewala lang niya. Sa tingin kasi niya hindi ito nakaligtas sa nangyari. Ayaw naman niyang tumawag sa tita para tanungin kung buhay ito o patay na. Dahil gusto niyang ibaon sa limot ang lahat.
MANILA PHILIPPINES. Nakakulong si Leo sa BJMP Iligan. Umuusad ang kaso laban sa kanya inamin niyang siya ang pumatay sa mga pamilya. Pero hindi naniniwala ang korte sa kanya lalo pa at maraming bungo ang nakita sa lugar. Pansamantalagang nakabinbin ang kaso. Hinihintay ang hatol sa kanya. "Leonardo Gonzales. Bukas na ang hatol sa iyo." Walang kaimik-imik si Leo, habang nag sasalita ang director. "Mukhang hindi ka masaya sa ibinalita ko sa ito, Leo. Puwede kang hatulan nang not guilty dahil walang testigo na laban sa iyo." "Sir, kung maaari ayoko ng lumaya pa o lumabas pa rito, para sa akin ito na ang tahanan ko hangang sa kamatayan ko." Para kay Leo, ano pa ba ang silbi kahit na not guilty pa ang hatol sa kanya. Wala rin siyang pamilya. So, bakit pa siya lalabas dalangin pa niya na sana habang-buhay ang ihatol sa kanya na pagkabilanggo. "Leo, iba ka talaga, lahat ng nakakulong dito gusto nilang lumaya. Pero ikaw ayaw mo!" "Sir, dahil wala na akong babalikan pa sa labas. At isa pa, may bahid ng masama ang pangalan ko!" "Leonardo Gonzales, lahat ng tao nag kakamali. Ikaw ang mali mo lang prinutektahan mo ang iyong pamilya. At alam kung hindi ikaw ang may gawa sa nangyari." Ayaw nang pag usapan ni Leo, ang nangyari hanggang kamatayan niya hindi sasabihin kung sino ang pumatay sa pamilya lalo na sa pinsan si Mike. "Hindi ko alam, Sir. Pero ayaw ko talagang lumabas pa rito." "Think about it, Leo. Bata ka pa may magandang buhay pa na naghihintay sa 'yo sa labas. Kahit isang tao ba walang mahalaga sa iyo?" Dahil sa tanong ng director. Sumagi sa isip ni Leo ang babaeng nag patibok ng kanyang puso sa unang pagkakataon. "Hmmm, silent mean meron pa ngang taong mahalaga sa 'yo sa labas, Leo?" Umaling naman si Leo dito."I don't think so. Sir, kasi wala na siya rito sa Pilipinas." "You mean she's not here?" Napatingin naman si Leo. Sa director dahil sa ginamit nitong salita na she's. "Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin, Leo. May something ba sa sinabi ko?" Napangiti naman ng bahagya si Leo sa director."Nothing, Sir, I just wondering why you use the word she's." Napatawa si director."Tama ba ako sa word ko na iyan Leo, na she's nga. Then dapat masaya ka. Kung sakaling not guilty ang hatol sa iyo hanapin mo siya." "Paano ko gagawin iyan, Sir? Wala nga siya rito?" "Leo, nasa earth lang kayong dalawa, ano ka ba. Kung siya ang destiny mo kahit malayo pa kayo sa isa't isa, gagawa ng paraan ang tadhana. Kaya maghanda ka na and pray for it na sana not guilty ang ihatol sa iyo ng korte." Tumango na lang si Leo, sa director. Hiling niya sana ay guilty ang hinahatol sa kanya. "IKAW, Leonardo Gonzales. Pinawawalansala nang korteng ito. Dahil walang testigo at ebidensiya na magtiturong ikaw ang may gawa sa patayan iyon. Court order." Talagang mapapawalang sala siya dahil kahit siya muntik nang mamatay, mabuti at nadala pa siya sa hospital. Napabuntong-hininga ng malalim si Leo. Ayaw man niya pero walang siyang magagawa pa. Sa araw rin iyon lalabas na siya ng kulungan. "Oy! Leo, lalabas ka na ano ka ba. Bakit wala kang kagana-gana?" sabi ng kasama na bilanggo. "Talagang wala akong gana na lumabas, gusto mo ba palitan mo na lang ako ikaw na ang lalaya," tugon niya rito. "Kung puwede lang ba Leo. Bakit hindi gustong-gusto ko nang lumaya na, para makita ko na aking pamilya gustong-gusto ko na silang makapiling muli. Pero hindi naman puwede di ba?" "Oo. Kosa, hindi nga puwede, kaya ikaw Leo. Sige na lumabas ka na hanapin mo ang magandang buhay mo sa labas, hindi na namin kailangan pang sabihin na mag pakabait ka sa labas dahil alam namin lahat dito na mabait kang tao," sabi ng isa pang kasama niya. "Salamat sa inyo," sagot niya. "Leo Gonzales, ano ba bilisan mo!" Naiinis ng wika muli ng warden. Wala naman ng magawa pa si Leo. Pag katapos niyang pirmahan ang kanyang release paper. Agad na siyang lumabas sa kulungan."Ano ang gagawin ko rito sa labas pakiramdam ko wala na akong puwang dito?" tanong niya sa sarili. At siya'y napabuntong-hininga ng malalim. Naglakad na siyang papalayo sa itinuring na niyang kanyang tahanan hanggang sa kanyang pagtanda. Dahil sa nangyari ipinasya ni Leo na pumunta na lang nang Maynila. Roon walang nakakakilala sa kanya. Alam niyang maging tahimik ang buhay sa magulong diyudad dahil nga walang nakakakilala sa kanya. LOS ANGELES. A week later. "Ate Aipha, nahihilo ako. At ang sama ng tiyan ko!" Sapo ni Maryann ang ulo. "Ano bang kinain mo kanina, ha?" Inalalayan ni Aipha ang kapatid na maupo. "Nagkape lang naman ako kanina Ate, kasi wala akong ganang kumain ng almusal." Dahil sa sinabi ng kapatid napatitig si Aipha rito."God, sana hindi totoo itong naiisip ko ngayon 'wag naman sana," aniya sa kanyang sarili. "Ate, bakit ganyan ka kung makatingin sa aking, nakakakaba ka naman, eh?" "Ha? wa-wala, hindi lang kasi ako maka paniwala na mag kasama na tayong muli," dahilan niya sa kapatid. "Sige na Ate, magpapahinga muna ako parang tinatamad ang pakiramdam ko," paalam nito. "Oh sige. Ikaw na ang na bahala sa pagkainan mo papasok na ako sa akin trabaho, ha. "Oo. Ate, ako ng bahala sa sarili ko, ingat ka." "Oh, siya, mamaya sa pag-uwi ko if you need anything just gave me call okay." "Okay Ate, bye," sagot niya at pumasok na siya sa kanyang silid. Habang nasa trabaho naman si Aipha hindi mawawala sa kanyang isipan ang kalagayan ng kapatid." Paano kung buntis nga siya. God, h'wag naman po sana, baka hindi matangap ito ng kapatid ko." "Hi, Aipha, for you?" Pukaw ng taong nasa harapan pero hindi niya napapasin ito. Sapagkat lumilipad ang isipan. "Hey, Aipha. what wrong are you okay?" Tanong at sabay wagayway pa nito ang kamay sa mukha ng dalaga. Natauhan naman bigla si Aipha sa ginawa nito."Oh. Hi, what did you say?" tanong niya. "Oh my gosh, Aipha. Your mind is racing somewhere, perhaps you're thinking of your boyfriend, am I right?" "No!" Sabay iling niya. "Oh, don't lie, Aipha?" "I'm not, Martha." "Okay you say so. Oh, this before I forgotten. Sir, ask me too gave you." "What is this, Martha?" "I don't no open it and you will know, Aipha." Agad naman binuksan ni Aipha ito imbitasyon ito ng kanilang boss, napupunta sila manonood ng orchestra. Matagal nang may gusto sa kanya ito kaso wala siyang madamang pagtatangi rito. Kahit na sinabi nang friend na lang sila. Heto pa rin ito patuloy na lumalapit sa kanya. "Aipha, what?" na excited bigla si Martha. "Nothing," sagot niya at agad niyang ibinalik ang papel sa loob ng envelop. At kanyang inilagay sa bag niya. Dismayadong napatitig si Martha kay Aipha. Isa 'tong lawyer na FBI agent. "Don't give me that look, Martha. I cannot tell you anything, you know that." Dahil sa kanyang sinabi nag kabit-balikat na laman ito. "I'm going know, Aipha," sabi nito. "Okay. Thank you," tugon niya sabay ngiti pa. Tumayo si Aipha tinungo ang opisina ng boss nila. kumatok muna siya. "Come in," sabi ng nasa loob. Agad pumasok si Aipha. "Yes, Aipha?" Nakangiting sabi nito. Nilagay ni Aipha ang envelope sa ibabaw ng lamesa nito."Sir, sorry I can't come, just give to other that." "Aipha?" "Please, Sir. Sorry!" Lumabas na siya para malinaw rito na hanggang boss o kaya kaibigan lamang sila. MANILA. "Ah! Ang hirap maghanap ng trabaho, sana hindi na lang ako lumabas ng kulungan!" turan ni Leo, sa sarili. Dahil bawat maaplaya niya na hindi angkop sa kanyang tinapos sinubukan niya pero dahil sa nakulong siya hindi nila tinatangap ang binata. Kahit na kawalipikado naman sa kakayahan nito. Habang siya ay naglakad papauwi na sa munting tirahan nang may mamataan siya."Walanghiya tila hinuholdap ang kotseng iyon, ah!" Dahan-dahan niyang nilapitan ang sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
wow!!! Ganda ng story I love it!!!!!
29/12
0done🥰
27/06/2025
0this is so awesome
16/04/2025
0Tingnan Lahat