"Mommy i'm so sorry.. i'm really really sorry.." umiiyak na sabi ni Jane habang inaalo ito ni Lucia. Limang araw na rin simula nung nangyaring paghihiwalay nila ng anak nito pero hanggang ngayon ay di parin niya matanggap ang ginawang pakikipaghiwalay nito sa kanya. Pagkatapos ng pag uusap nilang yun ni Coleen ay wala siyang ibang nagawa kundi umiyak lang ng umiyak. Saka na lang niya narealize lahat lahat at sinubukang habulin si Coleen sa airport pero nakaalis narin ito. Ginawa niya lahat para sundan ito kinabukasan pero nakarating sa mga magulang niya ang nangyari at di sila nito tinulungang makaalis para habulin si Coleen sa Spain. Lumapit din siya sa Lolo Altheo niya dahil alam niyang marami itong connections na pwede nitong magamit pero nakausap na pala ng Daddy niya ang matanda at sinabihang wag na wag siyang pahintulutang makaalis para masundan si Coleen. Few days and nights have pass pero wala na siyang ibang ginawa kundi magmukmok at umiyak nalang. Kinausap naman siya ng Mommy niya na hayaan na muna si Coleen at antayin nalang niyang makabalik ito saka niya ito kausapin. Di na rin kasi niya ito macontact kahit anong gawin niyang tawag sa secretary nito dahil nagpalit na rin ito ng number. Ngayon naman ay nandito ulit sya sa mansion ng mga Tan dahil tinawagan siya ng Daddy Enrique niya kagabi na dalawin naman daw sila. Laking pasasalamat parin niya at di galit sa kanya ang mga magulang at kapatid ni Coleen kahit alam naman ng mga itong may kasalanan din siya kung bat humantong sa ganun ang relationship nila. Pinayuhan pa ng mga ito na wag niyang susukuan si Coleen at tutulungan siya ng mga itong makausap ito kapag nakabalik na ito ng Manila. "Jane hija tama na yan... Its been what? 4 days? Baka magkasakit kana niyan... " alo alo ng matanda ang yakap yakap na si Jane. Nasa garden kasi sila na katatapos lang maglunch ay dun na nila naisipang magkwentuhan. Lalo lang umiyak ang dalaga ng marinig ang mga kwento ng Donya tungkol sa anak niya kung gaano siyang kamahal nito. "She'll come back soon hija.. Kilala ko ang batang yun.. Papalamigin lang nun ang sitwasyon at pasasaan bat sya mismo ang pupunta sayo para makausap ka.. Mahal na mahal ka ni Coleen, sarado lang talaga ang utak nun kapag galit sya..." "Kahit kami nga ng Daddy Enrique mo di din pinakikinggan nun.." "What if talagang ayaw na niya sakin Mommy? Pano kung----" "Shhh... May tiwala ako sa anak kung yun hija.. Alam ko na kahit minsan galit na galit siya alam niya parin ang tama at mali at kung ano ang makakapagpasaya sa kanya.. " "Di ko na alam Mommy.. Nung narinig ko yung mga sinabi niya na pagod na siya and she wants to break up with me parang pakiramdam ko seryoso siya.. na ayaw na niya talaga sa akin... Because i know nasaktan ko na naman siya dahil sa pagiging matigas ng ulo ko..." Tinapik tapik lang naman ng matanda ang likod niya saka siya hinarap dito. "Marerealize nya rin na di ka niya kayang mawala sa buhay niya anak.. Ngayon lang nagkaganyan ang batang yan nung nakilala ka niya. Alam kong mapapatawad ka rin niya kapag handa na siyang makinig sa mga sasabihin mo.. Wala na nga lang tayong magagawa kundi hintaying maging okay siya.. Kilalang kilala na namin si Coleen. Pag sarado ang utak niyan sa mga sinasabi namin ganyan talaga ang ginagawa niya. Iiwas lang sa amin yan ng iiwas para di namin siya makausap. But.... Kapag handa na yang makipag usap sa amin siya na mismo ang gumagawa ng paraan para makita kami.." Napakaswerte niya talaga sa mga magulang ni Coleen dahil ramdam na ramdam niya kung gaano siya kagusto ng mga ito para sa anak nila. Kaya naman wala na siyang sasayangin pang panahon once na nalaman niyang nakabalik na ito ng Manila. Di siya susuko hanggat di niya ito nakakausap. Ngayon pa bang mahal na mahal na niya ito at alam niyang dahil din sa kanya kung bat sila nagkaganito ngayon. Kaya di siya titigil sa kakasuyo dito. Kaya nga kahit gaano pa ito katagal bumalik handa parin siyang maghintay dito kagaya nung bumalik ito noon galing barko at sinuyo suyo siya para kausapin. Ilang pagtataray at pagsusungit din ang ginawa niya dito pero di rin ito basta basta sumuko at hinarap lahat ng katarayan at ginawang pagtatabuyan niya dito. At naniniwala siyang mahal parin siya nito. Naglalakad na silang dalawa papasok ng bahay ng salubungin sila ni Enrique na may kasamang magandang babae na nakahawak pa sa braso nito. "Jamie darling long time no see!" Linapitan naman ito ni Lucia at hinalikan sa pisngi. Si Jane naman at nakatayo lang at tila naguguluhang nagpapalit palit ng tingin sa mga ito. "Jamie si Jane nga pala siya yung kinikwento ko sayo nung tumawag ka nung nakaraan..." Parang natulos sa kinatatayuan si Jane ng lumapit sa kanya si Jamie saka siya niyakap at hinalikan sa pisngi nito na parang wala lang. "Finally...." nasabi lang nito na nagingiti ngiti pa. "Hija okay ka lang ba? Si Jamie pala.. Anak siya ng pinsan kong si Phenn, alam mo bang sikat na Architect na yan sa US? Kaya nga nagulat nalang ako ng malaman ko na halos dalawang buwan na pala yang pabalik balik dito dahil sa isang important project nya daw dito..." "Hi Jane.." ngumiti ito ulit sa kanya kaya napilitan na din siyang ngumiti dito. Napansin niya ang pagiging makulit at masayahing aura nito. "H... hello...." nahihiyang bati nito sa dalaga na medyo ikinataka ng mag asawa. Napansin kasi nila ang pagiging uncomfortable niya sa bisita. "Ahmmm.. I'm sorry for what happen.. I... I'm just teasing Coleen that time..." Nagtataka namang napatingin dito ang mag asawa na ngayon ay pati sa kanya ay nakatingin na rin. "Have you two met?" Enrique. "Jamie?" Tanong din ni Lucia na ikinangiti lang ni Jamie saka tiningnan si Jane. Alam din kasi ng mag asawa ang kakulitan nito. Sa lahat ng magpipinsan ay ito lang ang alam nilang medyo malapit kay Coleen dahil di din nagkakalayo ang edad nito dahil mas matanda lang ito ng dalawang taon dito. "Nagmeet kasi kami ni Col that time Tito, Tita.. and nalaman ko nga na may problema siya. You know.. Di naman nakakapaglihim din sa akin yun. Kaya nakilala ko si Jane.." ngumiti ulit ito saka tumabi kay Jane. "And?" Nagtatakang sabi ni Enrique. "I kiss Coleen to tease her when we see Jane waiting for her in Col's place.." itinaas na naman nito ang dalawang daliri na nakapeace sign na naging habit na ata nito. "Kayong dalawa talaga puro kayo kalokohan kapag nagsama kayo." Iiling iling na sabi nalang ni Lucia na niyaya sila sa sofa. Dun na sila nagkwentuhan ng kung ano ano pa at dahil matagal ding hindi nakita at nakausap ng mag asawa si Jamie. Nakilala din tuluyan ni Jane ng tuluyan ito at mas naging close pa ata ang dalawa na nung huli ay sila nalang ang nag uusap na inabot na rin ata ng paglubog ng araw. Kinwento kasi ni Jane lahat lahat dito pati na rin ang nangyaring break up nila na pinakinggan naman ni Jamie. May mga nalaman pa siya tungkol kay Coleen dahil sa mga kwento ni Jamie sa kanya na lalong nagpasabik sa kanya na makita at makasama ulit ito.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Ganda Ng kwento
17/01
0sana mga update pa nag GL
01/10/2025
0nice story i love it
28/07/2025
0Tingnan Lahat