Graduation

"You look more stunning and sexy Coleen! Mas maganda talaga na dito kana lang sa Pilipinas para asikasuhin ang family business niyo.. May oras kapa kasi sa pamilya mo at para na rin sa amin.. hahahaha!" Ryan.
"I agree. Atleast diba... Kahit pa san sang bansa ka lumilipad e nakakapagwine up kapa at para ipamper ang sarili mo.. Look at you..." Punong paghahanga na puri naman ni Alexis habang pinapasadahan ng tingin ang kakarating lang na si Coleen. Tumawag kasi ito sa kanila bago pa ito makabalik ng bansa galing Madrid para sabihin na lumabas sila at may isa pang inportante itong sasabihin.
Sa Italian Resto nalang na pag aari ni Sandy nila naisipang magkita dahil ito na rin naman ang nagpresenta sa kanila at di daw ito pwedeng basta basta umalis habang wala ang asawa na kasalukuyang nasa Milan para sa business meeting. Si Sandy naman ay nakangiting paupo na rin matapos personal na asikasuhin ang menu nilang magkakaibigan.
"Wag niyo nga akong pinagbobobola. Mas stress pa nga ako sa kumpanya kesa dun sa barkong pinagtatrabahuan ko ng ilang taon. I feel like 10 years has been added to my real age because of so much pressure and stress since nahawakan ko ang kumpanya." Pagtataray naman ni Coleen na hawak hawak ang cellphone nito at may kinakalikot na kung ano.
Tinawanan naman ito ng mga kaibigan pero di parin natapos ang pagpupuri ng mga ito sa kanya. Di din kasi maikakaila ang ganda niya ngayon at kakaibang kislap sa mga mata nito. Di na niya sinabi pa sa mga ito na pinaghandaan niya rin ito dahil bago pa siya umalis ng Spain ay talagang pinamper niya ang sarili at nagrelax siya ng isang buong araw para naman makapagpahinga.
"Iba talaga ang nakikita ko sa mga kinikilos mo beb simula nung nakita kitang naglalakad papasok ng resto..."
"Now tell me.. Ano ba talaga ang rason at pasikreto kang umuwi at kami pa ang unang kinita mo?" Nakangiti na ring sabi ni Meg dahilan para mapunta sa dalaga lahat ng atensiyon nila na tila naghihintay ng sagot habang nakangiti.
Ibinaba naman ni Coleen ang cellphone na hawak niya sa mesa saka ngumiti ng ubod ng tamis sa mga ito.
" I'm getting married." Halos di pa ito lumabas sa bibig ni Coleen na di rin alam kung paano uumpisahan ang sasabihin. Nagtataka namang di nakaimik ang mga ito na naghihintay pa ng susunod na sasabihin niya.
"Ofcourse we know you're getting married!" Napatampal naman sa noo si Sandy bago inikot ang mga mata niyo.
Alam din naman kasi nila halos lahat ng tungkol sa nalalapit na kasal ng kaibigan nilang si Coleen dahil isa sila sa unang kinakausap ng dalaga nung nag umpisa itong macurious sa nangyayari sa katawan nito hanggang sa magplano na nga itong magpropose kay Jane Mondragon. Wala na rin kasi itong itinatago pa sa kanila dahil nung panahon na nalilito pa ito sa nararamdaman niya ay tanging sila lang ang nasasandalan nito. Nahihiya pa kasi ito nung una at di alam kung paano ioopen sa mga magulang niya ang sinasabi nitong late identity crisis kuno.
"Next week." Coleen rolled her eyes while whispering something.
"Whattttttt?! Next week na?" Meg.
"I thought you are still planning for it... Na ...." nakataas naman ang kilay ni Alexis na nagtataka rin pero halata sa sarili ang sobrang excitement para sa kaibigan nila.
Speechless naman ang iba pero ngumiti na rin dahil sa sinabi ni Coleen.
"Jane graduated two days ago right? So i planned to make a surprise for her as a gift to her graduation. Di niya kasi alam na nakauwi na ako from Madrid. Nagtatampo pa nga ata siya dahil di ako nakauwi nung graduation niya.. Alam ko na special sa kanya yung araw na yun pero marami akong kailangang asikasuhin para sa wedding namin.."
"Di ko naman pwedeng sabihin sa kanya yun. Kaya hinayaan ko nalang na magtampo siya.."
Kwento pa ni Coleen habang nakatingin sa kanya ang mga kaibigan at nakangiti habang pinapakinggan siya.
"How about Tito Enrique and Tita Lucia?" Ryan.
"And Jane's parents? Diba pinagplanuhan na nila ang kasal niyo?" Meg.
"Oo nga! Excited pa nga ang lahat nung mabasa sa nilabas na statement ng Daddy mo na this December sana ang target date nila para sa wedding niyo.."
Napabuntong hininga naman si Coleen sa sinabi ni Sandy.
Simula kasi ng naging usap usapan noon ng mga tsismosa at tsismosong mga reporter ang madalas na may nakakakita sa kanila ng anak ng billionaire na si Altheo Estrella ay kung ano ano na ang mga balitang lumabas sa dyaryo. Kilala kasi ang parehas na pangalang Tan at Estrella sa business world dahil sila lang naman ang nangunguna dito dahilan para di maiwasang hindi pag usapan na tinalo pa ata ang sikat na mga artista. Kaya naman di na niya napigilan ng nagsalita sa press ang Daddy niya at i announce sa lahat ang tungkol sa kanila ni Jane at kung gaano nila ito katanggap. Buti na lang at nasa Madrid siya noon dahil kung hindi, baka nagtatago na siya at pinuputakte ng mga reporters.
Nagulat pa noon si Coleen dahil akala niya ay di tatanggapin ng karamihan ang tuluyang pagputok ng issue tungkol sa issue ng kasarian niya pero laking gulat niya ng marami pa ang natuwa at humanga sa kanya dahil di siya nahihiyang umamin sa pamilya niya. Ito namang Daddy niya e inunahan pa talaga sila ni Jane dahil nag uusap na ang mga ito pati ang pamilya ni Jane tungkol sa pagpaplano ng gaganaping big wedding ng taon.
" I already think about it a hundred times. And because i dont think papayag sina Daddy sa gusto ko and i trust you guys... Kayo na muna ang una kong sinabihan. Kilala niyo ako... I want a simple celebration, that's why i need to hide this from them. At sana tayo tayo na muna ang makaalam nito. Kailangan ko pang isurprise si Jane bukas.. Di niya kasi alam na nakauwi na ako.."
"Even my parents, kinausap ko kasi ang secretary ko na wag sabihin kay Kuya o kay Daddy at Mommy na patago akong umuwi ngayon. I just want to surprise Jane... " Coleen.
"Oo naman! You can count on us..." Sagot naman ni Meg na yinakap pa si Coleen dahil nasa tabi niya lang ito. Sumang ayon naman ang iba na biniro biro pa ang dalaga at natutuwang tinanong pa siya tungkol sa plano niya. Pinag usapan nila buong dinner ang plano kung paanong isusurprise si Jane dahil alam ni Coleen kung gaano kagusto din nitong mapabilis ang kasal nila.
" And because sa wakas makakasal na rin ang kaibigan natin na akala natin ay tatandang dalaga na..." inirapan naman ni Coleen ang katabing si Meg na tumayo pa habang hawak ang red wine sa baso.
"Dun tayo dederecho sa bar ko after ng dinner natin for another celebration!!" Tuloy na sabi ni Meg na ikinatuwa ng iba. Di nila pinansin ang ilang napapatingin sa table nila dahil sa hiyawan at asaran dulot ng ibat ibang excitement para sa kaibigan nila.

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    Bernadeth Belando

    Ganda Ng kwento

    17/01

      0
  • avatar
    blackswan

    sana mga update pa nag GL

    01/10/2025

      0
  • avatar
    Noemi Cabindol

    nice story i love it

    28/07/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata