Pagtatampo

" Nagpaalam kana ba kay Mommy? " Narinig pa nila ang pagbuntong hininga ni Coleen sa kabilang linya.
"Yes babe, pumayag naman siya e.. Basta daw magpaalam din ako sayo para alam mo..."
"Payag kana babe please? Uuwi din naman kami agad, saka birthday naman ni Heidi eh.." Paglalambing ni Jane dito.
Nakacrossfinger naman si Yasmin habang si Charlotte at Kylie naman ay nag aabang sa sagot ni Coleen sa kabilang linya kung saan naka loudspeaker pa ito para dinig na dinig nila. Walang pakialam namang abala sa paglipstick si Wendy na di man lang sila tinapunan ng tingin.
"May magagawa pa ba ako? Pumayag na si Mommy saka kahit di mo sabihin alam kong nakabihis kana."
Sinenyasan ni Jane ang mga kaibigan na tumahimik dahil pinipigilan lang ng mga itong tumawa ng malakas sa sinabi ng girlfriend niya.
"Just don't drink too much okay.. Nung isang gabi lasing ka daw umuwi sabi ni Mommy.. Alam mong di ko nagustuhan yun Jane." Nakikinita ni Jane ang magkasalubong na kilay ng girlfriend niya habang sinasabi yun sa kanya. Narinig niyang parang may kausap ito sa kabilang linya dahil parang may sinesermunan pa ito.
"I need to go. May importante lang akong kailangang ayusin.."
"Sige babe.. Wag kang magpakapagod dyan ha.. Miss na miss na miss na kita.." Jane.
"Just be good okay. Wag mong pasakitin ang ulo ko Jane.. wag uminom ng sobra. Di basta pinapayagan kita gagawin mo na lahat ng gusto mo.." Alam ni Jane na kapag tinatawag siya nito sa real name niya ay seryoso ito.
"Opo mahal kong prinsesang masungit... i love you..."
"I love you too.. I really need to drop this call. Tatawagan nalang kita mamaya para icheck ko kung nakauwi kana." Yun lang at naputol na ang international call ng dalaga sa kanya.
Naka assign ito ngayon sa Madrid dahil nagkaproblema ang isa sa malaking kumpanya ng mga Tan na nakabase doon. Mag iisang buwan na ito doon at apat na beses palang siyang nakakabalik sa Manila para lang bisitahin sya pati ang pamilya niya. Pero ilang araw lang din ito at kailangan ding makabalik ng Madrid dahil di nito pwedeng pabayaan ang kumpanya nila doon na unti unti naman ng bumabangon.
"Jane alam mo na ha, bat kasi nalasing ka nung isang gabi e late naman na tayo nagpunta ng La Viente." Tanong ni Yasmin habang sinisipat nito ang eyeliner na inilagay nya. Nakita naman nito na tumigin lang si Wendy.
"Alam mo para ka ng kaluluwa ni Coleen, wala nga siya dito pero lagi mo nalang tinatalakan itong kaibigan nating ito." Sumabat din naman si Charlotte na siyang nagmamaneho ng sinasakyan nila papunta sa elite bar na pakay nila kung saan gaganapin ang birthday celebration ni Heidi.
"Because may point naman si Coleen no.. Engage kana Jane oy! Syempre dapat isipin mo din si Coleen saka mararamdaman nun. Pasaway ka din naman kasi.."
"Sorry na po lola Yasmin, di na mauulit. Inasar kasi ako nung Diana na yun na weak daw ako sa alak dahil tinanggihan ko siyang magbottoms up e.. akala niya naman uurungan ko sya."
Tinutukoy ni Jane ang anak ng senator na si Diana Reyes na isa ring party goer na kahit ata kelan ay lagi syang gustong bwisitin hanggang maubos ang pasensya niya.
"Kasama ba dun yung biglang pagkiss niyo?" Itinirik ni Charlotte ang mata niya na halata ang pagkadisgusto sa Diana na yun na inikaguhit niya ng inis sa mukha na binaling nalang sa pagmamaneho.
"I can't believe na pinatulan mo ang malanding yun na halata namang gustong gusto kang matikman kaya ka laging trip asarin at lapitan." Kylie.
Napailing iling lang din naman si Wendy pagkatapos tingnan si Jane na nakangisi pa. Kilala niya kasi ang kaibigan na alam niyang marunong din makipaglaro kung sa laro lang din naman ang pag uusapan.
"Come on guys.. Don't tell Coleen what happen okay? You know me guys better.. Binigyan ko lang ng aral yung malanding yun." Paliwanag ni Coleen.
"Wen please? I know mas close kayo ni babe... At kilala mo naman ako when it comes to those kinds of women like that daughter of that senator whatsoever." Maarteng sabi ni Jane na hinawakan pa sa balikat si Wendy.
"Wag mo na ngang pagpapatulan ang mga ganun girl, she's just a waste of time.. Napagalitan kapa tuloy ng jowa mo. Alam mo namang magsusumbong si Tita Bella dapat nagpaumaga kana sa bahay." Singit ni Kylie.
"Ayan! Mga kunsintidora din kasi kayo. Kaya lahat tayo nasasabon ni Tita Isabella e.. na ngayon pati si Coleen. Dalawa na silang sasabon sa atin kakakunsinte natin sa bruha na 'to. Isa pa Jane ha.. pasalamat ka kaibigan kita. Kissing is a bih issue now lalo na magkakaasawa kana! Jane, respect nalang din sana kahit sabihin mo na for fun lang yun.." Wendy.
Nag uumpisa na naman ang mainit na diskusyon sa paligid nila.
"Stop it nga... Gagraduate naman na tayo in a week diba.. Saka ngayon ngayon lang to. I know how to handle myself.. Saka alam niyo naman na pagbalik ni babe di na naman ako makakalabas ng di sya kasama..."
"Nagkataon lang talaga na nalasing ako the other night... Please Wen? Promise di na talaga mauulit yun..." Biro pa ni Jane na inirapan lang ni Wendy.
"Let's just leave this conversation and just enjoy for later." Wendy.
Habang tumatagal din kasi naging mas malapit na sina Wendy at Coleen dahil dati dumadalaw dalaw ito sa ate Meg niya sa bahay nila kaya mas nakilala niya ito. Madalas din kasi na nagkukwento ang ate Meg niya tungkol dito at kung ano ano pa dahilan para mas lumalim ang pagkakakilala niya dito na dati'y akala niyang typical na masungit at isnabera lang.
"Diba graduation na natin in a week? Napag usapan na ba ninyo ni Coleen ang kasal niyo?" Pag iiba ng topic ni Kylie.
"Napapag usapan na ng mga parents namin. Alam niyo naman ang mga yun at atat na atat ng makasal kami kagaya ko. Si babe lang talaga ang problema.."
"Pero seryoso na talaga siya sayo?"
Mabilis namang dumapo sa braso ni Charlotte ang hawak na pamaypay ni Jane na bigla nitong hinampas sa kanya pagkatapos ng tanong niya.
"Aray! I'm driving!"
"I'm just asking okay? I mean... Siya kasi......"
Tinitigan naman nila ng masama ang nakapeace sign na si Charlotte na umiiwas pa kay Jane dahil sa mangangain nitong mga tingin bago pa nakangising itinutok ang mata sa kalsada.
"Well... May point din naman si Charlotte eh.. Si Coleen, kilalang kilala na sa pagiging strict at nangunguna sa business world sa ngayon dahil sa magaling na strategy nito at maayos na pakikipag usap..."
"Don't get me the wrong way Jane.. Parang kapatid na kita.. At sinasabi ko to para din sayo.."
Seryosong sabi ni Wendy sa kaibigan nila na di na napigilang umimik.
"Gagraduate na tayo.. Dapat alam na natin na di na tayo puro bar at night outs. We should know how to maturely set our goals and prepare for the future.. Lalo ka na Jane.. we are all known for our family name at dahil sa sophisticated at elegante at makamundong ginagalawan natin.."
"I can't get your point.. What's wrong with me." Complain ni Kylie. Isa kasi ito sa kaibigan nila na baguhan lang din sa circle of friends nila pero agad din naman nilang nakasundo di lang dahil anak ito ng Vice President ng Pilipinas kundi dahil may similarity sila na naging dahilan kung bat nagustuhan nila ang isat isa.
Nagtatanong din naman ang ibang nakatingin kay Wendy dahil sa sinasabi nito.
"Why don't you just pin point your finger on me. Alam ko naman na sa akin na naman ang punta ng usapan." Inirapan pa ito ni Jane saka tumingin sa cellphone upang kunway may tingnan dito.
"Nag aaway ba kayo?" Yasmin.
"NO!!!" Halos sabay na sabi ni Jane at Wendy.
"Alam mo naman na mahal ka namin Jane, diba girls?" Sunod na sabi ni Wendy at sumang ayon naman ang mga ito sa kanya at nakinig nalang sa litanya niya ulit.
"I know na mahal mo si Coleen.. Pero as a friend concern lang kami sa parehas sa inyo.. Jane, you know now how to set your limits. Lalo na engage na kayo ni Jane at pinagpaplanuhan niyo na rin halos ang kasal niyo.."
"Is this about again dun sa kiss? I told you it was just pure fun... Kilala niyo ako..."
"Okay.... I get your point Wen and i'm sorry... Di naman dahil lang dun e di na ako seryoso kay Coleen o kaya niloloko ko lang sya. I know it's wrong, natrigger lang din ako and i'm sorry.." Jane.
"I don't think we should continue this talking.."
"Isa pa nandito na tayo. Let's just call it a day and burn the night till we have fun.."
Magkasunod na sabi ni Charlotte at Kylie para matigil na ang dalawa sa seryosong pinag uusapan. At dahil nasa parking na rin sila ng kilalang elite bar na pakay nila kaya minabuti na lang nilang mag enjoy at sulitin ang gabi.
Tinuon na lang nilang magkakaibigan ang pagsasaya ng gabing yun sa birthday ni Heidi at di na rin muli pang inopen ni Wendy ang tungkol dun dahil kilala niya si Jane na di rin naman makikinig sa kanya. Hinayaan nya na lang ito dahil alam din naman niya na marunong na rin iyong magdesisyon at ramdam niya din naman kung gaano nito kamahal ang kaibigan ng kapatid niyang si Meg.

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    Bernadeth Belando

    Ganda Ng kwento

    17/01

      0
  • avatar
    blackswan

    sana mga update pa nag GL

    01/10/2025

      0
  • avatar
    Noemi Cabindol

    nice story i love it

    28/07/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata