Homepage/The Lady Marine Engineer/
Parents Knows Best
"Mom? Dad? What are you two doing here?"
Nagulat pa silang dalawa ng maabutang masayang nagkukwentuhan ang kani knilang mga magulang sa sala. Nilingon naman sila ng mga ito ngumiti lang sa kanila na mukhang di nagulat na makita silang magkasama. Ang alam kasi nilang dalawa nasa bakasyon pa ang mga ito.
"Kumare, kumpadre andito na pala ang hinihintay natin eh.." Nakangiting sabi ng Daddy ni Jane bago tumayo upang salubungin sila. Nagtataka man ay humalik silang dalawa sa mga ito saka nakipagkamustahan.
Tumawa naman si Don Enrique ng mapansin ang nahihiyang si Jane na nagbigay galang sa kanya.
"Hija.. Pasensya na at di ko na mapigilang hindi imbitahin ang Daddy at Mommy mo.. Excited lang talaga kami ng Tita mong magkausap usap tayo at sabay na maghapunan." Enrique.
"Hindi alam ng dalawang ito ay mdalas na rin kaming nag uusap.. Akalain mo ba naman at magugulat na lamang kami na nagkakasundo na pala kayong dalawa.." Sang ayon naman ng Daddy ni Jane na inakbayan pa si Coleen na napipilan na ring ngumiti.
"Nagtataka pa kami kung sino ang babaeng dahilan ng pagka ubos ng mga tanim ko sa harding american roses dahil sa paulit ulit na paglalambing ng anak naming ito para bigyan ko siya.. " nakangiti ding kwento ni Lucia na ikinapula ng mukha ni Coleen lalo na ng tingnan ito ni Jane.
"Ikaw yung nagpapadala sa akin daily ng bulaklak?" Parang may idea na rin naman si Jane noon pero ayaw lang niyang umasa na sa dalaga talaga ito nanggagaling.
"Na tinatapon mo lang naman." Kunwaring pagsusungit naman ni Coleen na naglungkot lungkutan pa.
"I did'nt know babe... Wala ka naman kasing sinasabi eh... "
Tinawanan lang naman ng mga matatanda ang dalawa na ngayon ay seryosong nag uusap.
"Nako sa hapag nalang natin ituloy ang kwentuhan at ng mas ganahan tayong mag usap.. Ikaw naman Coleen wag mo ngang inaaway ang mapapangasawa mo!" Yaya naman ng Mommy ni Coleen na inakbayan din si Jane at inilayo kay Coleen para maunang magtungo sa dining table. Baka sumunod na lang daw ang Kuya ni Coleen na si Vincent dahil may inaasikaso pa ito sa kumpanya.
Magkatabi sina Jane at Coleen habang magkakaharap naman ang mga magulang nila na abala parin sa pagkukwentuhan na tila ilang taong di nakapag usap. Hanggang matapos ata ang dinner nila ay di nauubusan ang mga ito ng pag uusapan na sinasang ayunan na lang ng dalawa.
"Kumpadre, may alam akong magandang simbahan at may malapit na magandang reception dun sa may daang hari .. Mukang maganda yung lugar na yun para dun ikasal ang mga anak natin." Tinutukoy ni Enrique ang kilalang simbahan ngayon na madalas pagdausan ng mga kasal.
"Pwede ring sa Balesin, let's check that place. Ang alam ko maganda din doon na parang dun sa tinutukoy mo kumpadre.." Nakangiti namang mungkahi ni Joaquin na may kinakalikot sa cellphone nito bago ipakita sa mag asawang Tan na mukha namang humanga sa nakita nila.
" Coleen hija.. Alam mo naman na parang totoong anak na rin kita noon pa kahit di mo pa nakikilala ang nag iisang anak ko.." tumingin naman si Coleen sa Tito Joaquin niya at ngumiti. Naramdaman pa ng dalaga ang paghawak ni Jane sa kamay niya na nasa ilalim ng table.
" Gusto kong Daddy na rin ang itawag mo sa akin at Mommy na din sa Tita Isabella mo tutal malapit na rin naman kayong ikasal ng anak namin.."
Tumango naman at ngumiti si Coleen bago sumagot sa ama amahan niya nung nasa barko pa sya.
"Jane anak, di ko na rin uulitin ang sinabi ng Daddy mo ha.." buong sigla din namang mungkahi ni Lucia na ikinatawa pa ng iba. Agad namang sumingit ulit si Enrique at nakatingin sa mag asawang Mondragon habang may sinasabi.
"How about the wedding before my birthday?"
Excited na sabi ng Don na malawak ang pagkakangiti.
"Kailangan na pala nating pagpalanuhan ang mga bisita pati na yung paggaganapan." Isabella.
"Pero alam mo Kumpadre, mukhang maganda rin yung sa Cruise Ship gaganapin para maiba naman.. I find it unique and memorable.." Joaquin.
"At dapat maisaayos na natin yung mga invitation ng mas maaga par-----"
Natigilan ang mga ito ng biglang tumikhim si Coleen at nagsalita.
"Gusto ko po sana kami ni Jane ang magpaplano ng kasal namin.." nahihiya pero seryosong sabi ng dalaga habang hawak ang kamay ni Jane na sumang ayon din.
" And ayoko naman pong mismong kasal naming dalawa kayo pa po yung masstress, gusto naman namin na magrelax lang kayo habang naghihintay sa kasal namin.."
"One more, about the dates and location.... pag uusapan po muna naming dalawa.."
"Hija di naman ata pwede yun, syempre gusto din naming asikasuhin mismo namin lahat para sa inyo.." Isabella.
"Oo nga anak.. Hayaan niyo nalang na kami na ang mag asikaso.." Lucia.
"Anak, pagbigyan mo nalang kami ng Daddy Joaquin mo.. Aba'y ikaw na ang bunso namin at si Jane naman ang nag iisang anak nila kaya gusto naman namin na espesyal ang kasal ninyong dalawa.." Enrique.
"Ako na ang bahala sa legalization ng kasal mga balae may kilala akong pwedeng maglakad nito since di pa legal ito dito sa Pilipinas."
Nagpapalit palit nalang naman ng dalawa sa pagtingin sa bawat isa na tuloy tuloy sa pagsalita at nagmumungkahi ng kung ano ano. Kung mag usap ang mga ito ay tila di na ata silang dalawa kasali sa usapan kaya napailing na lang si Coleen sa mga ito habang inuubos ang nasa plato niya.
"Excuse me Mom dad, maglalakad lakad lang po kami ni Coleen." Paalam ni Jane na sinang ayunan naman ng mga ito saka itinuloy ang walang katapusang diskusyon.
Nilingon pa ng dalawa ang mga magulang nila pero busy talaga ang mga ito habang pinag uusapan ang kasal nila.
"Babe, magbibihis lang ako saglit." Paalam ni Coleen ng makapasok sila sa kwarto nito.
"I can't believe them.. Ni hindi man lang nila tayo napapansin kanina sa harap ng pagkain dahil mas excited pa ata silang pinag uusapan ang kasal natin." Sabi ni Jane na pabagsak pang humiga sa kama ni Coleen.
"My Dad's birthday is 3weeks from now babe, at gusto niyang before his birthday yung kasal.. Pero ang gusto ko sana after nalang ng graduation mo.. "
Tumingin naman si Jane dito habang nakikinig.
"Two months nalang naman graduation mo na.. Saka marami pa din akong kailangang ayusin.."
"After my graduation?"
"Babe.. halos 3 months pa yun.. April yung graduation namin.." nahimigan ni Coleen na may iba sa boses ni Jane kaya lumapit ito dito pagkatapos niyang magbihis ng tshirt.
"Babe.. Ayoko namang kasal natin pero yung parents natin yung sasagot sa lahat. May mga naipon na rin naman ako saka may plano pa akong kailangan ayusin before the wedding.. Mas okay nga na mga June or July para mapaghandaan natin."
"So you're saying na gusto mong imove pa ng date?" Jane.
"Sana Babe... Para talagang mapaghandaan natin lahat..." hindi man sabihin ni Jane pero nahalata ni Coleen na may lungkot sa mga mata ng girlfriend niya kaya tumabi siya dito at tumingin rin sa kisame at hinawakan ang mga kamay nito.
"Babe.. Sana maintindihan mo ako. Di mo alam kung gaano kita gustong gustong pakasalan agad at tumira sa isang bubong kasama ka.. Pero kailangan nating paghandaan ng mabuti lahat.."
" Alam mo na halos lahat ng pinagdaanan ko at kilala mo na rin ako.. Di ako yung tipo ng tao na aasa nalang sa mga magulang ko.."
"Gusto ko lang na makasal tayo agad.. Wala naman akong pakialam kung saan tayo titira o kung sobrang bongga ng kasal.." Biglang bumangon naman si Jane.
"Gusto ko lang din masigurado na umalis ka man o ilang araw man tayong di magkita atleast kasal na tayo at sa akin kapa rin uuwi.. Ayoko lang na mawala ka ulit.." napabangon na rin si Coleen ng marinig niya ang paggaralgal ng boses ni Jane.
"Kung gusto man ng parents natin na sila na ang mag asikaso ng kasal natin thats because they love us.. Ayaw lang nilang tayo yung mag isip din sa kasal at dahil masaya sila para sa ating dalawa.." Jane.
"Babe... " hinawakan niya ang mukha nito at ihinarap sa kanya.
"You don't get my point.."
"Kung iniisip mo naman na aalis na naman ako o iiwan ka. Di na ako mawawala ulit okay? Di na kita iiwan.. you know how i love you right?" Pinunasan pa ni Coleen ang mga luha sa mata nito.
"Then let's get married soon.." Parang batang pakiusap nito sa dalaga.
"Babe... Look at me.."
"Magpapakasal din naman tayo after ko ayusin lahat.. We don't have to rush things, ang sa akin lang gusto kong maayos lahat lahat ng kakailanganin natin ng di umaasa sa mga parents natin.."
Ilang segundo ring namayani ang katahimikan sa paligid nilang dalawa.
"Ok.. If that's what you want." Sagot nalang ni Jane na niyakap naman ni Coleen at hinalikan sa buhok.
"L.... Let's go outside.. Baka hinahanap na nila tayo."
Umalis na si Jane sa pagkakayakap ni Coleen at tumayo ito habang inaayos ang sarili at pinupunasan ang mga mata niya.
Alam ni Coleen na di naiintindihan ni Jane yung sinasabi niya at mukhang di rin totoo ang pagsang ayon nito sa kanya ng sabihin nitong siya na lang ang bahala.
Naglakad na si Jane papunta sa pinto ng mabilis namang niyakap ni Coleen ang dalaga habang nakatalikod ito sa kanya sa isinara ang pinto para di ito makalabas.
"Babe naman..." nakikiusap na sabi niya sa dalaga. Ramdam na ramdam kasi niya na di ito okay at mabigat ang loob nito.
"Ayokong mag away tayo dahil lang dun.." pabulong na sabi niya habang yakap yakap parin ito. Naramdaman pa niya ang muling paghikbi nito dahil sa pagsinghot nito. Kaya dahan dahan niya itong ihinarap sa kanya.
"I know you're not okay kahit sabihin mo sakin na okay ka at okay lang sayo lahat.."Coleen.
"W...wag nalang nating pag usapan babe.. let's just go.. Baka hinahanap na nila tayo.. Maggagabi na ri------- hmmmmmmmmmmhh.."
Di na pinatapos ni Coleen si Jane sa sinasabi nito ng sakupin niya ang mga labi nito ng mainit na halik. Halik na mas pinalalim niya at pinaglakbay niya pa ang dila niya sa bibig nito na nakasara at tila ba ayaw siyang papasukin pero ng dahan dahan niyang paglakbayin ang mga kamay niya papasok sa suot nitong uniform ay kusang bumuka ang bibig nito para pakawalan ang mga mumunting ungol. Kaya naman sinamantala niya yun at ipinasok ang malilikot niyang dila. Naramdaman din niya ang unti unting pagyakap nito sa kanya at ang pagpapaubaya nito ng dahan dahan itong sumandal sa likod ng pintuan at hinayaang maglakbay ang mga kamay ni Coleen sa katawan niya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (25)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ganda Ng kwento
17/01
0sana mga update pa nag GL
01/10/2025
0nice story i love it
28/07/2025
0Tingnan Lahat