Surprises

Pagkatapos pirmahan ni Coleen ang mga papeles na dala ni Mr Winston ay agad naman siyang naligo para puntahan si Trishia. Kanina pa kasi siya nito kinukulit ng malamang nasa bansa na siya.
COLEEN'S POV
It's past 6pm at katatapos ko lang maligo at maayos ang sarili ko. Nagsuot rin ako ng formal dress ko dahil sabi ni Trish ay ito raw ang isuot ko. Weirdo rin minsan ang babaing yun at ito pa ang napiling ipasuot sakin e magkikita lang naman kami. Sabi niya rin ay magtetext at tatawag daw siya before seven.
Buti naman at may mga dress pa ako dito sa penthouse ko na naiwan pa nung dito ako nagtitigil habang inaayos ko ang mga papel ko noon para sumakay ng barko. Dalawa kasi ang inuuwian ko nun, sa mansion at dito.
Sina Daddy at Mommy nga pala saka si Kuya. Di pa nila alam na nandito ako, siguro mamayang after na lang namin mag usap ni Trish. Pupunta na lang ako ng mansion para isurprise sila. Sigurado matutuwa sila.
Pagkatapos ko icheck ang sarili ko sa harap ng salamin at nakapaglagay ng red lipstick ay napangiti ako sa nakita ko.
Perfect.
Isang simpleng above the knee straight cut, black dress ang napili kong isuot. Sigurado marami na namang mapapanganga sa itsura ko. Hahahaha! Nangingiting sabi ko sa sarili ko.
Pagkababa ko ng hotel ay agad naman akong inihatid ng isa sa vip personnel ng hotel papunta sa kotse ko. Ngumiti na lang ako ng mapansin ko na halos ata lahat ng madaanan ko ay nakatingin sakin lalo na ang mga kalalakihan na ikinatayo ng kilay ko.
Nagddrive ako papunta ng CBCT Tower ng magring ang cellphone ko.
"Where are you. I'm on my way." Sabi ko sa tumawag na alam ko namang si Trish dahil alam kong siya lang naman ang nakakaalam ng number na ginagamit ko ngayon.
"San kana banda? Nagbago kasi ang desisyon ng kausap ko. Puntahan mo nalang ako sa address na ibibigay ko. Its a hotel near the CBCT Tower. Malapit lang yun kaya di ka mahihirapan. Text ko sayo ang pangalan ng hotel. Nagbilin na rin ako na darating ka kaya sasamahan ka nalang paakyat ng personel dun. I badly need to cut this, andito na siya e. Sige na. Bilisan mo ha."
Tooot...
Toot....
Toot...
At namatay bigla ang tawag niya. Grrr! What's with Trish? Alam naman niya na ayokong magpupupunta sa ibang lugar o hotel man yan kasi pupunta pa ako sa bahay mamaya. Ayokong may masayang na oras. Inuna pa yung client kuno niya. Mapagalitan nga mamaya. Abat binaaan pa ko!
Nung nagvibrate ang phone ko ay binasa ko agad ito at nakita ko nga ang hotel address na binigay ni Trish kaya naiinis akong nagdrive at hinanap yun.
Nakita ko din naman ito agad dahil halos malapit nga lang din ito sa Company Building namin. Pagkabigay ko ng susi sa receptionist ng hotel ay dederetso na sana ako pero nagulat ako dahil may naghihintay na pala akin.
Iginide niya ako paakyat ng hotel at iniwan ako sa pinto bago pumasok sa isang Huge Function hall. Sabi niya ay nasa loob daw si Trish at hinihintay ako na ikinataka ko naman.
Sosyal naman ata nung client niya at sa function hall pa sila nag usap about business matters. Bahala nga sila. Kumatok na ako sa pinto at binuksan naman ako ng nakangiting mga lalaki na nakablack suit. Napanganga pa ako ng makita ko na may party pala sa loob at maraming tao na alam kong kapwa mga mayayaman dahil rin sa kasuotan nila.
"Welcome Miss Coleen, they're waiting for you.." Nakangiting turan ng lalaking nakablack suit sakin na nagpasingkit ng mata ko.
Bat kilala ako nito?? Baka naman nasabihan na ni Trish. Pero bat party? Sabi kasi ni Trish ay may kausap lang siyang client. What party?
Ughhhh! Lukaret na yun. Lagot siya sakin! Buti na lang nagdress ako kung hindi nakakahiya. Balak ko pa naman sanang magshorts nalang kanina saka simple tee.
"Tito Enrique and Tita Lucia, finally my special gift for you has arrived. Fresh from Brazil, Ladies and gentlemen let us all welcome Coleen Brylle Tan, the daughter of the Wedding Anniversary celebrants!" Umi-echo pa sa tenga ko ang boses ni Trish galing sa mic.
What is this?
Para akong di makagalaw sa kinatatayuan ko ng humawi ang mga tao sa harapan ko at binigyan ako ng daan para makapunta sa gitna kung saan nakita ko doon ang halos maiyak na si Mommy at Daddy, pati na rin si Kuya na nakangiting naglalakad papunta sa kinatatayuan ko.
Bruhang si Trish! Di man lang sinabi sakin na may ganito. Saka paanong nangyari yun e lastweek pa yung anniversary nina Daddy at Mommy? Eto ang ayoko. Lahat na naman ay nakatingin sakin. Pakiramdam ko tuloy para akong matutunaw sa mga matang nakatingin sakin na para bang binabasa ang buong pagkatao ko.
Meaningfull din naman pala ang pagpamper ko sa sarili ko kanina pati ang pagsabi saken ni Trish na magsuot ng formal.
"How are you my beautiful sister? Long time no see, we missed you.." Nakangiting sabi ni Kuya ng makalapit na ito sakin. Hinalikan niya ako sa cheeks saka niyakap ng mahigpit.
"Kuya what's all of this? Akala ko ba tapos na ang wedding anniversary nina Daddy at Mommy?" Pabulong na sabi ko dito habang magkayakap pa din kami.
"Speak later sis, Dad and Mom is waiting. Shall we?" Yaya ni kuya kaya naman umabre siyete na ako sa kanya saka naglakad papunta sa kinaroroonan nina Mommy at Daddy.
"You have a lot of explaining to do later. Dati ako ang unang nakakaalam sa mga plano mo.." May himig ng pagtatampo sa boses ni Kuya.
Sasagot pa sana ako pero di pa kami nakakarating sa gitna ay sinalubong na ako ng umiiyak na si Mommy at nakangiting si Daddy. Walang sawa nila akong hinalikan at niyakap paulit ulit.
"Mom, they're watching us.. Dad, I thought you already done celebrating your wedding anniversary a week ago?" Nagtatakang tanong ko. Ako pa ang nasurprise sa mga nangyayari.
"We jut missed you so much Coleen.. Salamat sa surprise anak, buti at nakauwi ka.." Umiiyak na sabi ni Mommy.
"Anak, Trishia just surprise us, di namin akalain na nandito ka kaya masayang masaya kami. About this? Late celebration na rin kasi nga alam mo naman na napakabusy namin ng Kuya mo.." Sabi naman ni Daddy.
Nagyakapan naman ulit kami at nakisama na rin si Kuya na wala ng ginawa kundi guluhin ang buhok ko na kinainis ko naman kaya para kaming mga bata na nag aasaran, hanggang sawayin kami ni Mommy.
Ipinakilala na nila ulit ako sa mga business partners at iba pang kaibigan nila Daddy at Kuya saka sa iba pang nandoon. Kaya kahit ayoko naging masaya na rin ako dahil sa wakas magkakasama kami ulit kahit saglit lang na naman. At masaya na kaming nagkwentuhan nung nasa table na kaming buong pamilya.
Nagpasalamat naman ako kay Trish na sa huli ay nilapitan ko at kunwari'y inaway dahil sa ginawa niya.
Its a long night but i really enjoyed it, because i'm with my whole family after a long month of sailing.
Pagkatapos ng party ay sumama na muna si Coleen pauwi ng mansion nila. Naglambing ang Mommy niya kaya naman dun na rin ito natulog sa kwarto ng Mommy at Daddy niya habang nasa pagitan naman siya ng dalawa.
Ang kuya naman niya ay umuwi sa sariling bahay nito dahil buntis ang asawa nito at nasa stage pa ng paglilihi at kinabukasan na lamang daw sila dadaan sa mansion.
Nakatulog na rin siya agad pagkatapos magshower dahil sa pagod at puyat dahil sa tuloy tuloy na byahe niya.
Nagbilin na lang siya na gisingin siya ng maaga dahil magjojogging pa siya at marami pa siyang kailangang ayusin.

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    Bernadeth Belando

    Ganda Ng kwento

    17/01

      0
  • avatar
    blackswan

    sana mga update pa nag GL

    01/10/2025

      0
  • avatar
    Noemi Cabindol

    nice story i love it

    28/07/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata