Book 2: Epilogue

(After a year)
[Eli]
Hindi ko makuhang umupo sa tabi. Panay ang lakad ko habang naghihintay sa doktor. Nag la-labor si Fujiko at isisilang niya ang Triplets naming lalaki.
"Anak, try to calm down baka ikaw naman ang esugod namin sa loob. Andun ang ate mo sa loob hindi niya hahayaang may mangyari sa mag ina mo. Isa pa matapang si Fujiko."
"Dad hindi ko talaga kaya. Nakita ko kanina kong paano siya nasaktan."
"Anak, alam kong hindi ko maiintindihan ang pinagdadaanan mo ngayon dahil kailan man hindi na magbubuntis ang ate mo. Pero at least try to relax okay?"
Dumating ang parents ni Fujiko at agad ko silang niyakap. Malaki na rin ang tiyan ni mommy Helen kaya si daddy Maki maagap sa bawat galaw niya. Nagtatanong sila kung kumusta na si Fujiko sa loob sakto namang lumabas si ate nang nakangiti.
"Congratulations Zach, father kana naman. Fujiko and the babies are doing fine. Dumarami na ang Shin."
Ilang sandali pa ay pumasok kami sa suite room namin at mahimbing na na tutulog si Fal halatang pagod sa pagbubuntis at sa pag eeri. "I love you wife, thank you for giving me another Trio. Kung ayaw munang dagdagan ay okay lang."
"I love you too hubby lahat ay magaan dahil andiyan ka."
"Andito na kami... saan si baby?" Masayang sigaw ni Princess na hinanap agad ang mga kapatid.
"Mom, ako ang magpapangalan ng isa. Nag drawn by lot kami sa labas kung sino ang pwedeng mag suggest ng pangalan."-King
"At? Anong name ang ibibigay mo?"
"Ace po mas mataas sa King."
"I like it. Thanks, King." Ngiti ni Fujiko
"Pop ikaw anong napili mo?" Tawag ni King kay daddy Maki.
"Ahhh gusto ko Knight."
"Thanks, dad. I love Knight."
"Ako, I choose Bishop," ani ni Queen na ngumiti.
"Ace, Knight, and Bishop... cute thanks sa inyo," ani ko.
"Here are the babies...."
Masayang dumating si ate Rella at kasunod ang tatlong nurse na tulak tulak ang nilalagyan ng mga babies. Lahat ay nagkakagulo dahil gusto nilang makita ang baby brother nila. Nang makita ko ang mukha nila ay napangiti ako. Ang tatlo kasi ay puro kamukha ni Fal at gender lang ang nakuha sa akin.
"Wife ang daya. Ako ang gumawa bakit lahat kamukha mo?" Naka simangot na ako.
"Ganun daw talaga yun pag malaki ang pag-ibig mo sa akin. Dahil kung kamukha sila sayo meaning ako naman ang patay na patay sayo."
"Ganun ba yun? Sige hayaan muna. Mahal na mahal nga naman kita."
[Fujiko]
Sa lahat pinagmamasdan ko ay si ate Rella na nakatingin kay Seohki. Paano tumulo kasi ang luha niya. Habang nakatingin kay Seohki na umiiyak din. Naalala na naman siguro niya ang baby niya kung nabuhay ito. Nang magpaalam sila ay nagpaiwan si ate Rella. May sinabi siya sa akin na nagpalaki ng mata ko. Magtatanong na sana ako ng biglang bumalik si Seohki dahil naewan niya ang phone sa mesa.
"Seohki..." tawag ni ate
"Bakit po mommitta?"
"Gusto mo bang magkaanak?"
"Huh? Hindi huh."
Umalis si Seohki at nagkatinginan kami ni ate. Naupo din siya at nag-iisip. "You think ayaw nga niya?"
"Magbabago din ang isip niya lalo na kung sasabihin mon—-"
"Sunshine, uuwi na ba tayo?" Dumating si kuya Yama at hinalikan si ate hindi ko tuloy natapos ang sasabihin.
"Kayo ayaw niyo ba ng anak?" Tanong ko.
"Ayaw niya pero gusto ko. Kaya nagpa surrogacy ako. Anak namin. I have healthy eggs na pina freeze ni mommy noon ganun din kay Czar. In five months time makikita na namin ang anak namin."
"WHAT? YOU STILL DID IT?"
"Yes! Gusto kong makita ang lahi natin. Sa edad natin hindi na natin kaya pero capable pa tayo!"
"Wow! As in?" Hindi maka paniwala si kuya.
"Yup! And it's a twin. A girl and a boy!"
"JESUS! I DIDN'T EXPECT THIS FROM COMING!"
"And they look like you and me."
Naiyak si Kuya na niyakap si ate. Nahawa ako. I wish Seohki would accept ate Rella's offer. Habang buhay na siya hindi pwede magka anak. Pero surrogacy can help her. Maraming ilan na tutol sa idea ng surrogacy. Pero para sa akin bakit ba pipigilan ng karamihan ang kaligayahan ng mga taong gustong magkaanak? Wala silang choice kung meron bakit mas gugustohin nilang iba ang magsilang sa anak nila kung kaya naman nila. Karamihan lalo na sa simbahan find this evil doing. Pero para sa akin. Happiness is always a choice. Hindi kasama dito ang simbahan o relihiyon sa pagpili mo sa tingin mo'y magbibigay sayo ng kaligayahan.
[Seohki]
Habang nakikita ko ang bagong babies ni mama ay naiyak ako hindi ko mapigilan kanina ang umiyak. Naaalala ko ang baby sana namin ni Raiden. Sana hindi ako malungkot ngayon. Kanina habang nag offer si mommitta ay naiyak na naman ako. Kaya ko kayang magkaroon ng anak na ibang ama? Normal sa sa aming pamilya ang surrogacy kaya hindi na yun big deal. Kumuha ako ng bag at naglagay ako ng kaunting damit at nagulat si Queen nang makita ako.
"Saan ka pupunta?"
"Kyoto, Japan. Bibisitahin ko si Raiden."
"Did you ask permission?"
"No. I have to go."
Wala sa kanila ang pumigil. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa airport. Inilabas ko ang phone at tinawagan si tito Tama.
"Seohki...."
"Tito T, nasa airport na ako. Pwede mo ba ako ekuha ng ticket? Pupunta ako ng Japan."
"Nang mag-isa? Ang mama mo?"
"Hindi niya alam. Please tito."
"Okay."
Kumain muna ako at tamang tama dahil naka send na sa aking phone ang e-ticket ko. Agad akong lumapit sa counter at nag check in. "Rai... i miss you. Kumusta na anak natin dyan?" Natigil ang pag iiyak ko ng may katabi din akong babaeng umiiyak. Lahat ata may problema ngayon kaya ipinikit ko nalang ang mata ko. Pagbaba sa eroplano ay nakita ko ang katabi kong babae kanina. Kaedad marahil ni mamala pero mas bata si mamala pero maganda siya. Nahihirapan siya sa dala niya.
"Kailangan mo ng tulong ate?"
"Ahh nako pasensya kana. Ganito siguro pag nagkaedad na." Sabay kaming lumabas ng airport pero ako susunduin ako ni tito T.
"Taxi ka po?"
"Hindi susunduin ako ng amo ko."
"DH ka po dito?"
"Caregiver ako. Heto nakatandaan ko na ang pagiging caregiver. Naaliw na ako sa pinagtatrabahuan ko kaya nakalimutan ko na ang mag asawa."
"Bakit ka po umiiyak kanina?"
"Kasi... twenty five pa ako nang mag abroad sa Kuwait, sa Qatar, Dubai hanggang dito sa Japan. Nagtitiis ako dahil sa mga kapatid ko. Nang umuwi ako yung dati kong kasintahan siya pala ang naasawa ng kapatid ko. Kita mo isinuko ko ang sarili buhay para sa kanila pero sila nakuha lang mag-asawa."
"Mahal mo pa ang guy?"
"Hindi na. Nasasaktan lang ako kasi I wished to have a family too. Pero wala na kung may chance lang sana kahit anak na lang." Natahimik ako at naaalala ko ang offer ni mommitta. Maybe i can't forget Raiden pero life must go on. It would be nice if may anak ako.
"Kahit hindi siya anak ng lalaking gusto mong maging ama ng mga anak mo?" Wala sa sariling tanong ko.
"Babalik pa ba siya? Kung oo sige hintayin mo hanggang sa mapagod ka pero paghindi... do the right choice. Make yourself happy. I'm sure makakaintindi siya." Umiyak ako at niyakap siya. Para kaming baliw na nag-iyakan at nag-yakapan. "Athena Luna."
"Seohki Shin. Ate kung gusto mo ng anak i can ask my mommitta's help. Ako man hindi na ako pwedeng magkaanak pero through surrogacy ay pwede pa."
"Talaga? Sige..."
Nagpalitan kami ng number ng may tumawag sa kanya ang amo nya hindi daw siya masundo. An idea hit me at pinigilan ko siya. Ilang sandali pa ay dumating si Tito T at bingo! Natulala siya sa ganda ni ate Tina. Ganun din si ate kay tito T. "Tito, hatid natin si ate Tina. Hindi siya masundo nang amo niya."
"Athena Luna."
"Tamadao Kajiwara."
Alam ko need nila ng time to be alone kaya ako nalang ang nagpaalam na mag taxi. Nagpababa ako sa libingan ng mga Yamaguchi. Nagulat ako nang makita kong may dumalaw dahil nagkalat ang mga mafia.
"Saan ka pupunta?" Sita ng isang Yakuza.
"Let her in. Andito siya to pay a visit." Nagulat ako ng makita ko si Kimura na mukhang galing sa pagiyak.
"Sir." Yuko ko pero inakbayan niya ako at dinala sa loob.
"Hindi ko inaasahan ang pagdating mo. It's been over a year. Hindi mo pa ba nakakalimutan si Raiden?"
"Malabo na huh yatang makalimutan ko siya. Wala na sigurong mamahalin ang puso ko kundi siya."
"I envy the love you feel for him. Sana ganyan din ako mahalin ng unang babaeng minahal ko. Raiden is lucky na makilala ka."
"Masaya din po akong malaman na nagkabati na kayo before siya nawala. Kahit pano masasabi kong nabuo siya dahil sa pagmamahal ninyo."
"Seohki... Raiden wants me to give you the Yamaguchi's wealth." Napalingon ako sa kanya.
"Sir, hindi ko po kailangan ng pera. Lumaki po akong katulong noon. Na may simpleng pangarap. Yun ay makatagpo ng taong magmamahal sa akin. Isa na si Raiden dun. Wala na po akong hihilingin. May pera ang magulang ko. Si papalo hinati nya na rin sa amin ang pera ng mga Matsunaga. Mayaman na ako kung tutuusin. Kung mabubuhay ng yaman ng mga Yamaguchi si Raiden tatanggapin ko ang offer ninyo."
"You're a nice woman Seohki. Just like your mother. Can I ask you one favor Seohki?"
"Sige po ano yun?"
"Maari mo bang huwag kalimutan ang apo ko kahit lilipas ang mga taon at mag-aasawa ka na? Maari mo parin ba siyang balik-balikan? Baka kasi hindi ko na kayang dala—-"
"Hindi na po ako mag-aasawa. At pangako po babalik-babalikan ko siya dito pag may pagkakataon."
"Salamat Seohki. Maraming-maraming salamat."
Naunang umalis si Kimura at naewan akong nakaupo sa pagitan ni Raiden at Taeko."Rai... kumusta kana? Si Taeko kumusta? Rai...magagalit kaba kung sasabihin kong ayokong mag move on? Hindi ko kaya miss na miss na kita. Masakit parin ang isiping iniwan nyo ako ng ating anak. Pero wag kang mag-aalala Okay lang ako. Mas masaya sana kong kasama ko kayo. Rai, i made up my mind. Gusto kong magkaanak. Kahit impossible na sa akin gusto kong may pag-uukolan ng pansin. At lalo na nang may tatawag sa aking mommy. Sana maintindihan mo. Mahal na mahal kita. Always.... forever.... and ever till eternity."
[Queen]
Natulala akong nakatingin sa kisame. Hanggang ngayon gaya ni ate mahirap parin ang maka move on. Pero at least ako if gusto kong magkaanak pwede eh siya hindi na. Tumagilid ako saka ko nakita si daddy na papalapit. "Tatanongin niya kaya ako kay ate?"
"Get up! May ipapakita ako sayo."
"Surprise?"
"Pwede kung magustuhan mo. Wala kasi akong maisip gawin to cheer you up."
Sakay kami ni daddy sa sasakyan niya ng huminto kami sa sementeryo. May malawak na lupain sila daddy dito. "Sigurado kang may ipapakita ka sa akin?"
"Yes."
Naglakad kami hanggang sa nakita ko ang puntod. Dalawa na may malaking larawan ni Taeko at Raiden. Napahinto ako at napaiyak. Ang saya ni Taeko sa larawan at nakangiti. Agad kong nilapitan ang puntod at hinawakan ang larawan niya. "Taeko...."
"Anak, wala akong magawa para sa inyo ng ate mo. Ni hindi rin nahanap si Taeko dahil sa hirap ng lugar. Si Raiden nasa Japan. Alam ko nahihirapan kayo. Kaya nagpagawa ako dito ng fake tomb nila para kung ma miss nyo sila. May lugar kayong mapupuntahan. Hindi niyo na kailangan dumayo sa Japan at Korea."
"Daddy..."
"I know what it is to feel in love. Cause I love your mom so much. What I don't know is what it feels like to lose someone. Sana kahit papano nakatu—" Tinakbo ko ng yakap si daddy. At umiyak ako ng umiyak sa kanya.
"Thank you so much, dad. It means a lot to me."
"Queen, hindi ko e aalis sayo ang isipin siya at ma miss siya. Sana lang bumangon ka. Live again and be happy. I love you anak. I hate seeing you crying when you thought we were not around. Na miss namin ng mommy mo ang katarayan mo and dating Queen na kilala namin."
"Salamat dad. Promise babangon ako. Nangako na ako kay Taeko na babagon ako."
"I'll wait for you in the car."
Tumalikod na si daddy at naiwan akong mag-isa. Agad kong hinarap ang larawan ni Taeko. "Tae...i miss you. I owe you my life kaya hinding-hindi ko ito sasayangin. Tutuparin ko ang mga pangarap ko. Alam mo ba? Nag audition ako with mamala. Were going to tape my first album. I will sing, just like my mamala, music will be my life from now on. Hahakbang lang ako Tae, pero i will never forget you. Dadalawin parin kita kada birthday mo at death anniversary mo. Kahit saan ako dalhin ng buhay. You will remain in my heart. My first love." Naglakad na ako palayo. Bago ako tuluyang lumabas sa gate ay nilingon ko siya. "I love you Tae. Till the end."
(AFTER 2 YEARS)
[Fujiko]
Natutulog pa ako nang may mga maliliit na kamay na kumukurot sa ‘kin. Pagmulat ko nang mata ay ang tatlo kong makulit kasama si Eli. Agad akong bumangon at hinalikan sila. "Happy birthday boys." Masayang humingi si Ace ng toys, pagkain naman kay Bishop at gusto na ani Knight maglaro, ang pinaka hyper sa tatlo. "Yes, we will maliligo lang si mommy okay?" Tumayo na sila at nagsimula nang tumakbo balik sa kwarto nila. Naiwan akong nakatitig kay Eli. "Pagod kana bang maging sub-yaya?"
"Hell no! I love to be part of their lives."
"Good. Now, go check on Fuji and Raven lego lang ako." I kiss him and hug him saka tumayo. A year after my Trio unexpected na nagbuntis ako kay Fuji. Yes, lalaki na naman. Sumuko na kaming madaragdagan ang tatlo’ng babae. This time lahat kuha kay Eli, pati ang hangin. Maybe I love him more and more each day. Maybe ako nga ang umere but Eli spent most of the sleepless night caring the boys, making their bottles and even changing their diaper kahit pa busy o pagod pa siya from work.
Nasa student congress si Seohki kaya iniwan niya sa akin ang anak niya, si Raven. Iwan kung what changed her mind but as soon as she came back from Japan, she talked to ate Rella about the surrogacy. After a year, isinilang si Raven Kim. She looked just like me, just like Seohki. At ang bait niyang baby. I see how Seohki take care of her. Everytime uuwi siya from school ay nilalambing niya agad ang anak niya. Siya ang personal na nag-aalaga dito. Gusto niyang maging doktor someday at suportado naming ni Eli ang mga pangarap niya.
May gagawing party mamaya. Nagpa-cater na lang kami ng foods. May gagawa na rin ng decoration sa likod bahay. Kami lang naman, ang younger brother ko, ang anak ni ate Rella at anak ni Tama. Yes, nag-asawa na siya. Happily married na rin siya doon sa babae’ng nakilala ni Seohki sa plane. Tama naman siya sa paghihintay dahil pinagpala siya sa isang napakabait at mapagmahal na babae na alagang alaga siya. Ipinagyabang pa niya sa akin ang larawan nila sa kasal dahil hindi ako nakadalo.
"Happy birthday!" Malakas na sigaw ni King at may dalang regalo para sa tatlo. He grew up handsome like Zacharias, Eli's dad. Nag-aaral siyang maging pilot kasi gusto daw niyang makita ang buong mundo. Sumunod si Fourth na maraming dala’ng regalo. Medyo sakit sa ulo naming ni Eli dahil minsan napapabayaan ang pag-aaral dahil sa hilig niya sa racing, pero nag promise namang hindi ibabagsak. Sumunod si Third na siyang busy sa pag su-supervise sa decoration. He will be a good chef someday. Pinupog ng halik ni Fifth ang tatlo at agad din hinanap si Fuji, ang kanyang pinaka favorite sa apat. Looking at him akala ko talaga mag-aasawa siya right after senior high pero biglang umalis si Akiko.
3 years fly fast mas tumangkad sila. They looked like a combo of Eli and me. Minsan they look like Eli minsan din ako. As they grow older, they looked very handsome. Ang cute nga ng combo namin eh. Masasabi ko lang we have good genes. Dumating si CJ na dala ang mga malalaking sasakyan na ibat-ibang kulay agad na pinagkakaguluhan ng tatlo. Sumunod si EJ at DJ na may dala ring gift sa tatlo at lahat na sila ay nag-aagawan sa tatlo. Dumating sina mommy at daddy with my little brother na 100% kamukha ni daddy pero mana kay mommy ang kakulitan. Mas inuna pa nilang yakapin ang mga apo nila kaysa sa akin kaya napasimangot ako buti na lang agad tumakbo sa akin ang little brother ko at binigyan ako ng bulaklak at hinalikan ako saka tumakbo sa gawi si Gabe ang mas kasundo niya.
"Oy, nag je-Jelly siya." Ani ni Eli na karga si Raven at Fuji.
"Slight."
"Alam mo wife, sa dami ng apo niya alam ko wala siyang favorite pero sa anak syempre ikaw lang yun!"
"Eh sira! Dalawa lang kaya kaming anak at ang bata pa ni Kaede!" Kinuha ko si Raven at naglakad na ako para makita ang likod bahay. Humahangos na dumating si Seohki at agad ngumiti nang makita ang anak. Ganun din si Raven na malaki ang ngiti nang makita ang ina. “How’s congress?”
“Boring, wala si Raven sana dinala ko na lang siya.”
Nasa sala kami at nag-uusap-usap. "Uuwi kaya si Queen? Na miss ko na ang babaeng yun." Tampo ni King at kinuha ang phone at mukhang tatawagan si Queen.
"Syempre noh ako pa!" Nabigla kami nang nakita namin si Queen na nasa pintuan. Dinumog agad siya ng yakap ng mga kapatid. Every year lang umuuwi si Queen dahil sa busy niya sa careeeer at pag-aaral niya. Sumikat si Queen sa pagiging singer. Naging artista din siya at ngayon ay part time model. Mas sumikat pa siya nang malaman nilang apo siya ni Darlene, bukod sa magkaboses sila. Pero hindi niya itinigil ang pag-aaral. Malayo ang narating ni Queen. Akala ko hindi siya mag move on. "Sorry, I'm late. Dinaanan ko pa kasi si Taeko." Natahimik kami sa sinabi niya. Hindi pa nga siya naka move on maybe by status but not by heart. "Asan na ang celebrant?" Agad tumakbo ang tatlo kay Queen at isa-isa niya itong binigyan ng bracelet na may pangalan nila. Binigyan din niya si Fuji. Saka tumingin kay Raven. "Sa favorite kong pamangkin”, binigyan niya nang painting set si Raven kasi gifted siyang bata. Isang taon palang siya nang marunong na siyang mag kulay-kulay. Na discover namin yun nang makatulogan ni Seohki ang project niya at kinuha ni Raven ang kanyang oil pastel at kinulayan ito. Embis magalit sa anak ay idinikit pa eto ni Seohki sa wall. Bumagsak siya pero masaya siyang makitang magaling ang anak niyang mag drawing. Mula noon binibigyan niya ito ng pastel at papel at ngayon gamay na niya ang pagkukulay. Binilhan pa siya ni Eli ng maraming coloring book. Mukhang inubos lahat ni Eli ang coloring book sa national bookstore.
Naging masaya ang birthday party. Kantahan dito at doon. Parang reunion ang nangyari. "Ang saya ng lahat sana kahit mag-asawa na sila ganun parin ang bonding at closeness nila." Ani ni Eli na maluha luhang nakatingin sa aming mga troubles.
"I love you hubby. Salamat at pinasipa mo ako sa paaralan kaya ako napunta dito sa bahay."
"Salamat din wife at nag insist kang manatili. Salamat at hindi ka agad umuwi ng Japan."
"Wala na akong mahihiling pa. Masaya si mommy at daddy. Si ate Rella at Kuya Yama ganun din. Kahit si Tama ay masaya na din. Tayo, at least hindi ka nambabae."
"Nah, wala na akong makikitang hihigit pa sayo wife. Ikaw Lang ang nag-iisang babae na mamahalin ko habang buhay o kahit sa kabilang buhay pa."
"Pag magtapos sila saan mo sila ilalagay?"
"Nag-usap na kami ni daddy at tutulungan niya ako."
"Daddy? Ayaw mo ba siyang tawaging kuya?"
"Mas gusto ko daddy. Para sa akin, after kong magka amnesia siya lang ang daddy ko. Bumalik man ang memorya ko o hindi. Alam kong masaya ako kasi may ate ako na parang ina ko. May asawa ako at mga anak. May in-laws ako na mababait. Wala na akong mahihiling pa. Lahat ibinigay na ng dios."
"Kaya dapat dalas dalasan natin ang pagsisimba. Para makapag thank you tayo nang personal. Balak ko ring mag tayo ng Foundation para sa homeless children."
"Yeah. God showers us with abundance at ibabalik natin yan by helping others."
"Ang bait mo ata ngayon. HIndi ko na narinig ang hangin mo."
"Nah, nawala nga sa akin. Pero hintayin mong lumaki si Fuji. Tingin ko mas malala pa siya sa akin."
"Halata na nga eh bata pa lang signal number three na."
"Tara maki-join na tayo."
*Every now and then we find a special friend. Who never lets us down. Who understands it all. Reaches out each time you fall. You're the best friend that I've found. I know you can't stay. But a part of you will never ever go away. Your heart will stay.*
Naiyak kaming nakinig sa kanta ni Queen. May luha din ang mata niya. Si Seohki yakap-yakap ang anak. Si mommy at daddy nagsasayaw. Humilig ako kay Eli. The boys are looking at Queen na may paghanga.
*I'll make a wish for you. And hope it will come true. That life will just be kind. To such a gentle mind. If you lose your way. Think back on yesterday. Remember me this way. Remember me this way.*
Hinayaan lang namin si Queen. Walang pigil ang agos ng luha niya. Tumayo na si King at niyakap siya. Isang ngiti lang ang isinukli niya sa kakambal.
*I don't need eyes to see. The love you bring to me. No matter where I go. And I know that you'll be there. For evermore a part of me you're everywhere. I'll always care. I'll make a wish for you. And hope it will come true. That life will just be kind. To such a gentle mind. If you lose your way. Think back on yesterday. Remember me this way. Remember me this way.*
"Queen, wish I could bring Taeko back, I hate seeing you like that."
"Hindi ko parin siya makalimutan mom. I tried..." umiiyak si Queen habang yakap ni King. Awang awa ito sa kapatid. Nakita ko ang pagtayo ni Seohki. Nahiga sila sa duyan sa may garden. Panay turo ni Raven sa buwan at bituin pero panay lang agos ng luha niya. Naiyak ako kasi wala akong magawa.
"In time... makakamove on din sila."
"Sana nga Eli, kasi hindi ko na kayang makikita silang ganyan."
Kahit drama ang ending masaya akong makitang suportado parin nila ang isat-isa. Nagkakasundo sila at masaya. Magiging masaya ako kung makikita ko silang magmamahal ulit. By that time sisiguraduhin kong makukuha nila ang pagibig na yun dahil ayoko nang makita silang nasasaktan. "In time mga anak. In time.... tutulungan ko kayong makuha ang lalaking mamahalin ninyo. Ayoko nang makita kayong ganito."
...end

Komento sa Aklat (65)

  • avatar
    Marrietta Dulos

    marunong ka dapat umintindi Ng asal

    03/07

      0
  • avatar
    Christian Bunayog

    good story

    02/01

      0
  • avatar
    Mokong Sonato

    tanks

    20/10

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo