logo text

Chapter 40: Attack

[Fal]
Lumabas kami ni daddy at nagulat ako nang makita ko si Kimura. Na kangiti siya sa akin. May mga dumating ding maraming Yakuza. "Sino sila dad?"
"Mga Hanagata. Dalhin mo ang lahat ng Akaki at kayo ang umataki sa mga Shinigawa. Kami ang bahala sa mga Iwata."
"Paano si Kimura?" Tumingin si daddy kay Kimura. Tumingin din ako sa kanya.
"TAPOS NA ANG PAMUMUNO KO BILANG HARI. MAY BAGO NA KAYONG HARI. PERO HINDI KO HAHAYAAN ANG SINO MANG LALAPASTANGAN SA BAGONG HARI. UBUSIN N"YO ANG LAHAT NG SHINIGAWA AT IWATA. PAGBASAKIN NINYO ANG DATING YAKUZA. AT ISISILANG NATIN ANG BAGONG YAKUZA."
"Pagbabago? Sinong hari?"
"Buhay si Raiden anak. At siya ang bagong hari ng Yakuza."
"Ano?"
"Kailangan itago ni Kimura si Raiden para protektahan ito."
Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa sinabi ng daddy na buhay si Raiden. "Paano nabuhay si Raiden? Nakita ako ang mga tama niya sa baril."
"Tama. Masama parin ang mga tama niya kaya dinala muna ito ni Kimura sa safe na lugar. Hindi niya dapat malaman ang nangyari sa kasintahan niya kundi mawawala ang lahat ng pinaghirapan ni Kimura."
"Bakit tinanggap ni Raiden ang pagiging hari?"
"Wala siyang choice. Wala ring choice si Kimura. Hindi naman siya ganun ka sama gaya nang tingin ng iba sa kanya. Mabait siya at mapagmahal." Naglakad ako palapit kay Taeko at yumuko siya sa akin at pinitik ko ang noo niya.
"Queen teacher... isa ka palang Akaki at anak ng Hari ng underground kaya pala magkasing tapang kayo."
"Lulusob tayo Tae... pero gusto ko nasa tabi lang kita maliwanag?"
"Opo. Ahh teacher anong tingin n'yo kay Kimura?"
"Buhay si Raiden kaya malamang hindi siya gagawa ng isang bagay na tiyak niyang ikagagalit ni Raiden kung di mawawala ang lahat ng pinagpaguran niya."
"Alam mong buhay si Raiden?"
"Bakit? Alam mo rin?" Tumango si Taeko at yumuko.
"Kaya tinanggap ni Raiden ang pagiging hari dahil papatayin kaming apat. At ako ang uunahin ni Kimura. Hindi kaya ni Raiden na mamamatay ako sa harapan niya kaya nakipag kasundo siya kay Kimura."
"Kung ganun. Kailangang malinis natin ang mga maduming Yakuza ng sa ganun ay walang hadlang sa pamumuno ni Raiden. Tama si daddy. Kailanman ay hindi maiiwasan ni Raiden ang kapalaran niya. Kung hindi natin kayang bagohin ang buhay ni Raiden. Tutulungan natin siyang maging isang mabuting hari ng mga Yakuza." Dala ang mga Yakuza ng Akaki ay nilusob namin ang mansion ng mga SHINIGAWA lahat nang humarang sa amin ay hindi naming binibigyan ng chance na lumaban.
"Queen...." tawag ni Tama
"Bakit?"
"Hindi sila mga Shinigawa. Wala akong nakitang mga Shinigawa."
"Kahit sino pa sila kailangan natin silang iligpit." Nagpatuloy kami ni Taeko sa paghahanap ng pagpasok namin ay biglang lumabas ang mga yakuza.
"Teacher... ako nang bahala dito. Tumakbo kana."
"Queen of underground... ikaw nga... ngayon natin masusubukan ang galing mo. Nakakatawa. Kamukha mo pa si Masaki."
"Tatay ko siya!"
"Talaga? Maganda yun! Ibig sabihin nag-aaway-away na ngayon sina Masaki at Kimura."
"Sino ka ba?"
"Ako si Hotaka Shinigawa."
"Ahhh... ikaw pala yan. Duwag ka pala at nagtatago. I bet sa mga oras na ito ay ubos na ang mga Iwata at ang mga hinarang mong mga taohan sa labas."
"Kung ako sayo kailangan mong mahanap ang mga bihag namin dahil baka ngayon patay na sila."
"Teacher ako na dito."
"Hindi. Hindi mo sila kayang lahat. Alam kong hindi nila papatayin si Seohki dahil meron silang kailangan sa mga Yamaguchi. Hanapin mo si Queen. Siya ang nanganganib. Pakiusap Tae iligtas mo si Queen. Iligtas mo ang anak ko."
"Anak mo si Queen?"
"Yun ang sinabi daw ni President Shin. Kaya uubosin ko sila at mabubuhay ako para sa mga anak ko."
"Hindi muna makikita ang mga anak mo Queen."
"Tingnan natin kong sino ang hindi aabutan ng bukas. May reason kung bakit nabuhay ako. At ngayong unti-unti na akong nagiging kompleto ay may reason na ako para mabuhay. Itataya ko ang buhay ko sa katanang hawak ko. Ikaw kaya mo ba yung gawin?"
"Gaya mo hindi pa ako pwedeng mamatay! Dahil gusto ko pang makita ang ang anak ko na maging Hari ng Yakuza."
"Pasensyahan pero mukhang hindi mo na makikita ang anak mo dahil ililibing na kita dito ng buhay!"
"Wala naman problema eh kung hinayaan lang ni Kimura ang anak kong si Kaiden ang siyang maging hari. Pero ang Raiden na yun ang kinuha niya. Kaya aalisin ko siya sa pwesto. Papatayin ko silang maglolo."
"Hanggang buhay kami ng ama ko poprotektahan namin ang mga Yamaguchi."
"Yaaaaaahhhh....." sugod ng mga Shinigawa
"Taeko ngayon na hanapin mo si Queen."
[Taeko]
"Queen hahanapin kita. Hintayin mo ako. Hindi ako papayag na sasaktan ka nila." Wala na akong nakitang kalaban maliban sa mga Akaki.
"Nasaan si Queen?" tanong ni sir Tamadao.
"Nasa Basement. Kasalukuyan niyang nilalaban ang mga Shinigawa."
"Shit!"
"Tama, nasaan ang anak ko?" Agad kaming napalingon sa bagong dating na si Masaki.
"Nasa basement siya lalabanan niya ang mga Shinigawa. Pinalabas niya ako para hanapin si Queen ang anak niya."
"Tama paghiwalayin mo ang mga tao suyurin ninyo ang lahat ng pwede nilang pagtaguan." Tumakbo na siya pero pinigilan siya ng lalaking kamuka ni Akiko. At ibinigay ang katana niya.
"Pareho pala sila ng paboritong weapon ni teacher, hindi lang pala sa hitsura sila magkapareho kundi sa lahat pala ng bagay."
"Tayo na!"
Binaybay ko ang daan papunta kagubatan na kasunod ang ibang Yakuza. Nang makita ko ang sapatos ni Queen. Agad kong tinahak ang daan at nakita ko nga si Queen na nakagapos at binitay sa puno malapit sa bangin.
"Queen..." tawag ko dito at lumingon sa akin ang mga dumukot sa kanya."
"Tae...." tawag ni Queen at umiyak na.
"Ililigtas kita. Humawak ka lang ng mabuti."
"I love you Tae. At hindi ako papayag na mag break tayo."
"Patawad Queen mahal din kita. Sorry sa nasabi ko. Ayoko din maghiwalay tayo."
"Tayo na ulit?"
"Bakit? Pumayag ba ako nang nakipagbreak ka?"
"Nagliligawan kayo sa gitna ng panganib? Anong akala ninyo nasa shooting kayo?" hindi namin pinansin ang Yakuzang may hawak sa lubid na karugtong nang kay Queen.
"I love you Tae."
"I will always love you, Queen."
"Pambihira! Mamamatay na puro parin I love you." natawa akong napaling.

Komento sa Aklat (65)

  • avatar
    Marrietta Dulos

    marunong ka dapat umintindi Ng asal

    03/07

      0
  • avatar
    Christian Bunayog

    good story

    02/01

      0
  • avatar
    Mokong Sonato

    tanks

    20/10

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata