logo text

Chapter 21: Raiden's Revenge

[Raiden]
Nakatayo na kami sa harapan ng gate, rinig ko mula sa kinatatayoan ko ang kabog ng dibdib ni Mizuki kaya tinapik ko siya saka umatras. "Rai, kung sakaling mamamatay ako ngayong gabi, maari mo bang sa Pilipinas mo ako ipaburol?" Nakita ko ang luha sa kanyang mga mata kaya niyakap ko siya. "I am dead anyway. Ako lang naman kasi ang prinsepang pulubi."
"You will not die tonight okay? I'll make sure of that!"
Binalikan ko ang bag na dala ko at inilabas ko ang specialized gloves para mahawakan ko ang poison na itinusok ko sa palaso na siyang gagamitin ko mamaya. Once na alog ito ay magkakaroon ito ng activation at sasabog oras na mangyari yun ay mapupuno ng usok ang kapaligiran at tama namang lalabas sila.
"Here is your mask. At paano mo sila mapapalabas aber?"
"Watch ang learn Miz." Agad kong kinuha ang powder bomb na gawa sa asin at paminta na may sulfur. Kaunti lang ang damage nito pero malaki ang tunog na akala mo ay C4 sa laki. Sa tibay ng pintuan ng gate alam ko di ito tatablan.Pero enough para magkagulo sila. "Takpan nyo ang taenga ninyo and get ready sino man ang lalabas barilin nyo agad." Agad kong pinana ang powder bomb sa gate at bigla itong sumabog. Ilang sandali pa ay nagkakagulo na ang mga yakuza sa loob. Sunod-sunod kong pinana ang mga olader sa bawat alam kong dadaanan nila. Ipinana ko pa ang ibang powder bomb sa mga bintana sa second Flor at third floor. Hindi muna kami gumalaw hanggat hindi namin napalabas ang kalahating bahagda sa mga taohan ni Kimura.
"Mizuki, humanda ka sa pagco-cover sa akin, ako ang sasalakay sa loob." Pagbilang ko ng tatlo ay agad akong pumasok. Maraming patay na yakuza ang nakabulagta sasahig. Agad akong sumenyas na abante. "Emiko check the perimeter."
"Wala na sila diyan. Nasa second gate silang lahat. marami sila na inabangan kayo. Maghiwalay kayo."
"Hindi. Ako na ang gagawa ng paraan." Agad akong umakyat sa itaas nang unang gate. Binuklat ko ang bag at inilabas ko ang remote controlled helicopter. Ang kaibahan sa helicopter ko ay may dala itong bomba at lason pwera nalang kung hindi nila babarilin. "Raiden tingin mo nakakatuwa? We're in the middle of the war kaya walang puwang ang maglaro ka."
"Yeah your right. I am playing for their death." Nasa mataas na ito ng part ng himpapawid nang bigla nila itong pinaputukan at natawa ako. "Opsss wrong move!" bigla kaming nakarinig nang pagsabog.
"What have you done?"
"Tayo na! Papasukin na natin ang second gate."
Ginamit ko ang bomb ni Taeko to destroy the gate. Halos patay na ang mga yakuza dito. Agad nakipag putokan ang mga kasama ko sa mga tumatakas na yakuza. Naghiwalay kami ni Mizuki habang ako hinahanap ko ang mag amang Yamaguchi. May nakita akong paparating na yakuza sa daanan ko agad ko itong binaril. Nang lagpasan ko ito ay nakita ko si Takomi na nakangising hinintay ako.
"Sinasabi ko na nga ba eh. Ikaw yan Raiden Ken. Hindi talaga ako nagkamali. Ikaw ang nagmana kay daddy."
"Hindi ko kilala ang sinasabi mo. Nandito ako para patayin kayo."
"Handa kang patayin ako na uncle mo?"
"Hindi kita kilala. Sino kaba?"
"Sige. Total mamamatay din lang naman ako may aaminin ako sayo."
"Alin? Na hindi mo totoong anak si Kaiden? Alam ko na yan. at wala akong pakialam sa inyo.
"Makinig ka! Hindi si Daisuke ang tunay mong ama."
"Talaga? Hahaha sa tingin mo maniniwala ako? At anong paki ko sa Daisuke na yun?"
"Dapat malaman mo ang katotohanan."
"Na ano? Na pinapatay ninyo ang nanay ko? Pagbabayaran ninyo nang mahal yun."
"Hindi kaba nagtataka kung bakit hindi ka itinuring ng ama mo na anak? Yun ay dahil hindi mo siya ama."
"At sino ang ama ko? Ikaw?"
"Ako."
"Sinungaling!"
"Una kong naging kasintahan ang mama mo kahit patago. Nang sabay kaming ipakasal ni daddy ay iniwan ako ni Alice. Hindi pa niya alam noon na buntis siya. Nagtrabaho siya sa bar nang magustuhan siya ni Daisuke. Naging sila hanggang sa nalaman niya na buntis siya. Pero nalaman ni daddy ang lahat kaya inutos niyang ipapatay si Alice dahil kamuktikan kaming magpatayan noon dahil sa mama mo. Galit an galit si daddy dahil tinuhog kaming magkapatid ni Alice at dito ay ang kaalamang buntis ito. Sa pagkakaalam ko ay is Daisuke ang ama dahil yun ang sabi ni Alice. Nang ipinanganak ka niya doon ko nalamang hindi ka totoong pitong buwan dahil anak kita. Nang malaman kong anak kita huli na kinuha kana si Daisuke. Wala akong magawa kundi tingnan ka sa malayo lalo na't buntis na din ang asawa ko."
"Tingin mo kakaawaan kita dahil pinagtapat mo sa akin ang katotohanan?"
"Tinago ko si Alice habang nasa poder ka ni Daisuke. Hanggang sa tumakas siya at nagbalik. Inamin niya kay dady at kay Daisuke na ako ang ama mo at hindi si Daisuke kaya siya pinatay ng ama mo. Mula noon naging malaki ang gap naming magkapatid."
"Mga hayop kayo!"
"Sa akin iniwan ni daddy ang leadership ng mga Yamaguchi dahil ako lang ang may anak, Ikaw at si Kaiden. Hindi pwedeng iwan ng daddy kay Daisuke ang lahat dahil hindi niya maipagpapatuloy ang lahi dahil baog siya."
"Ang galing ng kwento mo."
"Ngayong alam muna ang buong estorya ng pamilya natin alam mo na rin siguro sa kahit na anong paraan kukunin ka ni daddy dahil ikaw lang ang tanging taga pagmana ng Yamaguchi."
"At sa tingin mo papayag ako?"
"Kung yan lang ang magliligtas sa buhay ng babaeng mahal mo hindi mo ba gagawin?"
"F*ck!"
"Raiden, anak, malaki ang Yakuzang binuo ni daddy higit pa sa pagkakaalam mo. Malalaman mo ang lahat kapagtinanggap muna ang lahat bilang tagapagmana."
"NEVER! PAPATAYIN KO KAYO!"
"Sige, taposin mo ang buhay ko. Total matagal ko nang gustong wakasan ito para makasama ko ang mama mo. Pero bago yan, iligtas mo muna ang babaeng mahal mo."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Si Leandro, sinabi na niya sa lolo mo na ang babaing mahal mo at ang ina nito ay ang pumatay sa pamilya niya at sa buong yakuzang pinadala niya sa Pilipinas. Sa mga oras na ito pinaghahanap na ang babaeng yun. Kailangan mong iligpit ang Leandrong yun kung gusto mong mabuhay ang babaeng yun pero wala kanang oras."
"F*ck! Seokhi! Hindi! Hindi ko hahayaang saktan ninyo si Seohki. Hindi ko hahayaang saktan ninyo siya at nang anak ko!"
"Bun-tis ang babaeng mahal mo? Magkaka apo na ako sayo?"
"F*ck! Kung ama kita tulungan mo ako! Tulungan mo akong iligtas si Seohki!"
"Galit na galit si daddy. Walang makakapigil sa galit niya. Pero may alam akong paraan."
"Ano yun?"
"Tanggapin mo ang leaderahip ng Yamaguchi kapalit ng bu—-*BANG*"
Kitang kita ko ang pagbagsak ni Takomi sa sahig na duguan at walang awa itong binaril ni Kaiden na nakangiti pa.
"TAKOMI! GUMISING KA! TUTULUNGAN MO PA AKONG ILIGTAS ANG ANAK KO!"
"An—ak... patawarin mo ako mahal kita, huwag mong hayaang makuha ni Kaiden ang dapat ay para sayo, ipaglaban mo ang pagiging Yamaguchi mo gaya ng ginawa ng nanay mo kapalit ng buhay niya ang kilalanin kang apo ni Kimura Yamaguchi!" Bigkang pumikit si Takomi at nalagutan na ito ng hininga. Kahit anong pilit kong gisingin siya ay hindi na siya nagising pa.
"AMA!!"
"Touch naman ako sa eksina ninyong mag-ama. All this time pala ikaw ang anak niya kaya ganun nalang kung epursigi niya na sayo ipamana ang lahat ng ari-arian ng mga Yamaguchi. Wala na ang ama mo at esusunod na kita!"
"Pagbabayaran mo ng mahal ang ginawa mo sa ama ko!"
Bago pa makaputok si Kaiden ay nauhan ko na siya pero dumaplis lang yun dahil sa ma otoridad na boses na tumawag sa akin. "RAIDEN KEN YAMAGUCHI!"
"KIMMUURAAA...."

Komento sa Aklat (65)

  • avatar
    Marrietta Dulos

    marunong ka dapat umintindi Ng asal

    03/07

      0
  • avatar
    Christian Bunayog

    good story

    02/01

      0
  • avatar
    Mokong Sonato

    tanks

    20/10

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata