[Raiden] Kadarating ko lang dito sa Tokyo with Emiko. Agad naming pinag-aralan ang floor plan ng palasyo ng mga Yamaguchi. Agad na break ni Emiko ang mga codes ng lock ng bahay. Pero hindi agad kami sumugod dahil kulang ako sa tao. Isang linggo pa ang hihintayin ko bago sila makomplete dahil hindi ko sila lahat pwedeng esabay sa pagsakay. "Napasok ko na ang spy fly natin at mukhang may meeting ang mga Yakuza." "Kunan mo nang mga larawan." Agad kong pinag aralan ang bawat hakbang na gagawin ko. Hindi biro ang mga gagawin kong pag ataki. Hindi madaling kalaban ang mga Yamaguchi. Kahit kinatatakutan sila sa underground dahil sa mga trabaho nila ay nererespeto naman silang mga mamamayang angkan sa Japan. Mayaman ang mga Yamaguchi. Ilang naglalakihang building ang pag-aari nglolo ko. Esama pa ang mga hotel, casino at resort. May sarili din silang bangko, kung saan bawat kilalang clan sa Yakuza ay dito naka pundo ang kanilang yaman kaya alam kong hindi basta basta matatanggap ni Kimura ang nanay ko. Ang mga Yamaguchi ay mayroong 850 na clan. Halos 60 percent ng population ng Japan ay hawak nila dahil sa sila ang may pinaka malawak na natala na pamilya sa kasaysayan. Sa pagkakaalam ko ay may mahigit isang daang libo ang mga tauhan ni Kimura Yamaguchi. Kaya kailangan ko ng Army sa digmaang ito. "Lima lang ang nakita ko. Pero may secret meeting si Kimura at Kajiwara." "Secret? Na hindi alam ng iba?" "Tama." Tiningnan ko ang mga anyo ng larawan. Sila ang iba pang group ng Yakuza na nasa ilalim ng payong ni Kimura. Walang sino man ang maglakas loob na salungatin si Kimura maliban sa akin. "Raiden look at this..." Pinakita sa akin ni Emiko ang screen kung saan kuha ng fly spy ang eksina ng awayan ni Takomi at Kaiden. Pinalapit ni Emiko ang spy sa hawak ni Kaiden. "DNA? Hindi anak ni Takomi si Kaiden? Ibig sabihin ikaw lang ang solong taga pagmana ng mga Yamaguchi Rai? Congratz ang yaman-yaman mo na pautang naman!" "Wala akong pakialam sa mga yaman nila." "Sayang naman kasi. Basta huh pag manalo tayo ibibigay mo sa akin ang isang resort ninyo sa Osaka." "Whatever wala rin akong balak tumira dito. Sa pilipinas ko gusto kasama si Seohki at ang baby namin." "Ayeeehh paano kaya gumawa nung baby? Ma try nga!" "Oy... oyyy ang trabaho natin ayusin mo!" Kinabukasan ay dumating si Taeko at Mizuki. Sila ang nagpuslit sa iba pang gagamitin namin. Si Emiko sana base lang bilang eyes and ears ko. Pero kami ni Mizuki ang papasok sa Yamaguchi. Si Taeko ang bahala sa back up. Agad nag thumbs si Mizu sa akin upang ipaalam na ready na ang lahat kasama nila Taeko ang iba pa naming tauhan habang bukas darating ang huling taohan ko. "Rai dali tingnan mo." tawag sa akin ni emiko at nakita ko sa screen ang pagdating ni Leandro na mukhang nagmamadali at galit na galit. "Masama to. Dati-rati kasama niya ang anak niya pero ngayon bakit siya lang mag isa? I think something went wrong sa pinas kaya sumugod siya dito. Wait lang tatawagan ko ai Akiko." Naghihintay kami habang kinuntak ni Emiko si Akiko na may malaking pasa sa pisngi, panga at nakabenda ang braso. Napatayo kaming lahat sa hitsura niya. "Relax buhay pa ako. Wag kayong exag!" "Anong nangyari diyan! Bakit ganyan ang hitsura mo?" may pag-aalalang tanong ni Mizuki na pinakasundo niya sa lahat kasi pareho silang may sapak ni Akiko. "Hay si Seohki kasi pasaway!" "Anong nangyari kay Seohki?" bigla kong sapaw nang marinig ko ang pangalan ni Seohki. "Ehhh... ewan ko dun biglang nademonyo ang utak. Feeling ko talaga Raiden ang anak ninyo may sapi paglabas. Yun bang may split attitude? From mabait to kriminal. Kasi labis akong nagtataka kung ba—" "CUT IT SHORT! ANONG NANGYARI KAY SEOHKI!" "OO NA! Pinatay ni Seohki si Samantha tsaka yung nakalaban kung goons tapos pinanakaw niya sa akin ang bomba ni Taeko at pinasabog niya si Christopher. Nakaligtas si Leandro pero nawawala si Seohki." "F*CK!" "Relax kalang. Mukhang wala naman kinalaman si Leandro sa pagkawala ni Seohki." ani ni Taeko na binantayan ang monitor with Leandro waiting for Kimura. "Si teacher Fal?" "Palihim nilang pinahanap si Seohki ni sir Eli. Pinaghahanap kasi siya ng batas kawawa nga si teacher, hinimatay daw sabi ni Queen." "Sh*t! Babalik ako ng Pilipinas!" Nabahala ako sa sitwasyon ni Seohki at ang baby namin pero pinigilan ako ni Taeko at Emiko dahil nakahanda na ang lahat. "Paano si Seohki?" They assure me na teacher Fal and sir Eli will do everything para mahanap ito kaya dapat naka focus lang ako dito sa Japan. "Hindi ka dapat mag-alala kay Seohki, Rai kasi sa nakikita ko kaya naman niya ang sarili niya. Bilib na talaga ako sa anak mo paglabas. May lolang demonya at lolong signal number four ang hangin at tatay sa yakuza. Graveh ang lakas kumapit sa loob." "Akiko please find her!" "Oo gagawin ko na. Alam kong mahal mo siya. Sige na aalis na ako pinatawag ako ni teacher Fal." Nawala si Akiko ay nahulog ako sa mantinding pag-iisip. Kinausap ako ni Taeko ng masinsinan, ito na daw ang tamang oras para umataki kami habang hindi pa na brainwash ni Leandro si Kimura dahil gagawa daw ito ng kahit anong reason para maigante ang anak at apo. "Maghanda ka Mizuki, ngayong gabe ay papasukin natin ang palasyo ng Yamaguchi." "Kaya ba natin ang mga nakaharang na mga tauhan ni Kimura?" ani ni Mizuki na kahit magaling siya ay nakaramdam pa rin ng takot dahil hindi nga madali ang giyerang susuongin namin. "Taeko e gawa mo kami ng poisonious smoke ng olander. Yan ang ibabato namin sa kanila." "Okay walang problema. Dapat magsuot din kayo ng mask para hindi kayo madali. Makamandag ang usok ng olander kaunting usok lang susuka ka ng dugo." Kinagabihan ay naka all suit kami ni Mizuki na may built in bullet proof na at elastic e galaw at e takbo. Dala ni Mizuki ang mga bomba, baril at kanyang katana habang nasa akin ang poinsonous gas ng olander. May baril din ako at ang aking pana. Bawat nga tauhan ko sa pamumuno ni Ringo ay binigyan ko ang stone bomb na parang mga holen lang para magamit nila pag sobrang marami na ang kalaban. Itinuro sa amin ni Emiko ang daan sa likod bahay na konti lang ang bantay pero iba ang nasa isip ko. Hindi ako duwag tulad ng tatay ko kaya kung maghahamon ako ng away gusto ko harapan. "Hindi." "Anong hindi? Sa likod kayo para konte lang ang kalaban." "Kailan man ay hindi ko lalabanan ng talikuran si Kimura. Alam nating marami sila. Pero mas marami mas madali silang mauubos kaya sa harapan tayo ng gate papasok." "Baliw kaba? Suicide yun!" galit na sigaw sa akin ni Taeko na may kasamang sapak at natawa ako, ibang iba siya sa Taeko noon, mukhang namana niya ito sa pagiging brutal ni Queen, parang si teacher lang may sapak ang bawat pangaral. "Anong tinatawatawa mo diyan? "Alam ko suicide ang gagawin ko. Ipapakita ko lang kay Kimura na hindi ako takot mamatay. Kaya umpisahan na niyang iharap sa akin ang kanyang best army dahil uubusin ko silang lahat." "Sure kana ba diyan Rai?" "Affirmative."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
marunong ka dapat umintindi Ng asal
03/07
0good story
02/01
0tanks
20/10
0Tingnan Lahat