Homepage/Troubles in my heart/
Chapter 15: To hide and pretend
[ Taeko ]
Tiningnan ko ang lahat ng kailangan ni Raiden dahil ilalagay ko sila sa capsule. Para hindi mahirap e puslit sà airport lalo pa't mga halos bomba ang dadalhin nila. "Buntis si Queen?" Ani ni Raiden at siniko ako. Hindi niya talaga ako tinantanan kanina pa.
"Huh? Si Queen?"
"Bakit may iba ka pa bang bubuntisin maliban kay Queen?"
"Hahaha nagpapatawa ka naman Rai--- playing safe kami ni Queen. Kayo ba ni Seohki ano?" Bigla siyang namula napaghahalataan ko tuloy. "Sarap sabihing... Ikaw ang nakabuntis ulol."
"We only did it once. Nakalimot kami. Possible bang mabuntis si Seohki?"
Sarap sabihing "OO buntis siya gago! Patay ka sa nanay niya!" pero na kokonsensiya din ako. Wala kaming sekreto sa isa't isa. "Rai... I don't know if i have to tell you this kasi nag promise ako kay Queen. But you are my brother too. Alam kong wala ako sa lugar na pangunahan si Seohki pero ayoko naman na ako na itinuring mong kapatid ang siyang magtataksil sayo."
"Parang kinabahan ata ako sinasabi mo ahh. Ano bayan?"
"Promise me hindi ka mag re-react ng kahit na ano. Just pretend na wala kang alam."
"Ano ba kasi yan?"
"Promise me. Ayokong magalit si Queen sa akin. Promise me!"
"Sige na I promise. I act as if walang alam."
"Ok."
"Buntis si Queen ano?"
"Hindi si Queen. Kundi si... Seoh---ki." Parang rebulto sa tigas si Raiden. Nahulog na sa sahig ang tablet niya hindi parin siya gumalaw. Nakatulala lang siya."Pare-pare okay ka lang?"
"Bun--tis--- si Seohki?"
"Bakit ako ang tatanungin mo? Ako ba nakadali dun? Yun ang sabi ni Queen. Nakita ko rin ang ebedinsya."
"Kaya siya umiiyak kanina? Dahil buntis siya? Bakit di niya agad sinabi sa akin?"
"Syempre nag-iisip pa yun. Hindi madali yun tol lalo na pag-sabihin niya kay teacher Fal at sir Eli."
"Tournament bukas. Hindi siya dapat lumaban."
"Ayun...nag-iisip ka na rin bilang ama. Maganda yan. Kaya ikaw, pag punta mo sa Japan dapat bumalik ka ng buhay. Alalahanin mo si Seohki at ang magiging baby ninyo. Hay, tagal pa ng two years. Gusto ko na rin magka anak kami ni Queen."
"Kahit anong mangyari gagawin ko ang lahat maging safe lang si Seohki at ang anak namin."
"Yan.... yan ang dapat."
"Sinong buntis?" Ani ni Emiko kasunod ang dalawang makulit.
"Sa game bukas magpatalo kayo kay Seohki." Tumaas ang kilay ng tatlo sa deretsahang utos ni Raiden. "Buntis si Seohki. Act normal na wala kayong alam."
"Bu-bu-ntis? Paano si teacher Fal?" tanong ni Emiko na tila tinablan din ng takot.
"Kakausapin ko sila ni Sir Eli."
"Papatayin ka nun." pananakot ni Akiko kay Raiden.
"Bobugbugin oo pero papatayin? Malabo, hindi naman siguro nila papatayin ang magiging son-in-law nila diba? Paano nalang si Seohki."
"Sige para sa inaanak ko handa akong magpatalo kay Seohki. Pero mas maganda kung huwag na lang siyang sumali." ani ni Mizuki. Biglang tumayo si Raiden at naglakad palabas. "Saan siya pupunta?"
"Mamamanhikan o hihingin ang kamatayan niya." ani ko habang tumatawa.
[ Raiden ]
Masayang nag-uusap si teacher Fal at asawa niyang si sir Eli ang parents ni Seohki. Sa totoo lang ngayon lang ako nakaramdam ng takot. Hindi pala madali kausapin ang magulang ng babaeng mahal mo. Andyan yung takot baka ayawan ka o baka patayin ka.
"Raiden? Bakit ka nandito?"
"Maari ko huh ba kayong makausap?"
"Tungkol saan ba?"
"Kay Seohki po."
"Anong problema mo sa anak ko?" Ani ni sir Eli na mukhang galit na agad.
"Teacher Fal, pwede po bang exempted na lang si Seohki bukas?"
"Bakit exempted? Walang ganun Raiden. Lahat nagtraining meaning lahat sasali sa tournament."
"Teacher... sir... alam kong isang kapangahasan ang gagawin ko ngayon. Handa po akong mabugbug ngayon. Pero sana po pakinggan n'yo muna ako sa sasabihin ko sa inyo."
"Magsalita ka binata."
"Buntis po si Seohki." Hinintay ko ang violent reaction ng mag-asawa pero tulala parin sila. Tumayo silang dalawa at nagpalakad-lakad. "Walang planong ipaalam ni Queen at Seohki sa akin. Naawa lang si Taeko sa akin at nabahala sa kalagayan ni Seohki para bukas."
"Kung papatayin kita ngayon makakatulong ba yun sa anak ko?" deretsang tanong ni teacher Fal.
"Huh?"
"Keep pretending that you don't know."
"Fal...." apila ni sir Eli.
"Teacher...."
"Aalis ka papunta ng Japan. Mas maganda kong walang may alam na buntis siya. I don't know how but I hope this will work out. Just pretend. Go with the act."
"Anak natin----"
"STOP! Ito ang makakatulong kay Seohki. This will make her safe and the baby. Sana lang huwag siyang ma apektuhan sa pag-alis mo."
"I can't believe this!"
"Believe me Eli... ito lang ang alam kong way para huwag ma lagay ang buhay ni Seohki sa alanganin. Sa pag alis ni Raiden lalo pat----walang katiyakan ang misyon niya masasaktan lang siya."
"F*ck! Hoy binata! Ito ang tatandaan mo huh? Dapat mabuhay ka! Dapat balikan mo ang anak ko! Ako ang papatay sayo pag 'di ka bumalik tandaan mo yan!"
"Mahal na mahal ko po si Seohki sir. Kung papapayag kayo ni teacher Fal papakasalan ko po siya pag 18 na siya."
"Fal e check mo rin si Queen baka buntis din. Sabi ko naman sayo e patali muna ang dalawang yan."
"Sige na Raiden. Ako na ang bahala sa Tournament bukas."
Naglakad ako pabalik ang kwarto namin. Nang makita ko si Seohki sa labas ng kwarto. Nag-iisip kong kakatok o hindi. Gusto ko siyang yakapin at sabihin ingatan niya ang sarili niya ang ang baby namin pero gaya ng sabi ni teacher Fal, ito ang best na solusyon dahil manganganib din ang buhay niya at ang magiging anak namin kung malalaman ng lolo ko na magkaka-apo na ito sa tuhod.
"Seohki....?"
"Raiden...?"
"May kailangan ka ba sa akin?"
"Huh? Ano kasi----ahhhmmmm.... pasensya kana di kita na meet agad kanina. Masama kasi pakiramdam ko."
"Dapat pala nagpapahinga ka ngayon hindi yung nagpapahamog ka."
"Tournament bukas. Medyo kinabahan ako."
"Halika ka sa loob. Malaki ang kama ko tabi tayo nang ganahan akong lumaban bukas."
"Baka makita tayo ni mama at papa na mag---"
"Akong bahala sagot kita."
Tahimik na ang kwarto. Naka patay na rin ang ilaw maliban sa laptop ni Emiko na may dina-download. Pero may narinig kamig ingay sa kwarto ni Taeko.
"Ano yun?"
"Baka si Taeko lang. Minsan kasi malikot yan matulog."
"Akala ko may ibang tao."
"Baka nga. Malay mo may gustong mag milagro."
"Huh?"
"Wala. Pasok na."
Agad kaming nahiga sa kama. Our first night was not the time na magkasama kami palagi sa buong kwarto sa condo. It was the night na masyado lang kaming sabik na magkita ang isa't isa to the point na lumagpas kami. Actually kaya kong magpigil, but not when Seohki kept on teasing me.
Honestly, mahina ako pagdating sa kanya. I can't think straight. After that wala na. We kiss and touch pero dun lang. Pero heto na nga, nag bunga ang isang beses. Pero hindi ko makapa ang regret, in fact i am happy too bad nasa wrong timing dumating si baby, kung kailan pa I haveto leave her and her mom.
"Rai... I have something to tell you."
"About what?"
"About... something that it's hard for me to say."
"Maghihintay ako princess hanggang sa kaya munang sabihin sa akin."
"Queen said, your leaving for Japan the day after tomorrow."
"Is that why you're here?"
"I'm just scared that you will leave before we even say goodbye to each other. You will come back right? You will comeback for me yes?"
"Dead or alive I will come back to you."
"When you come back I have a surprise for you."
"Really? I'm excited."
"You think you'll gonna like it?"
"If it came from you yes! I will like it."
"Rai, bumalik ka. Pag hindi ka babalik hahanapin kita. I swear hindi na kita bibitawan pag makita kitang muli. You will hate me for being annoying and clingy pero I will stay kahit itulak mo ako palayo."
"I love you Seohki. You complete me. When you turn 18 will you marry me?"
"Yes! Yes! Of course, I'll marry you!"
"Sweetdreams baby. Sweetdreams princess."
Tinapik tapik ko si Seohki. Nakatulog na siya nang hinaplos ko ang mukha niya at naiiyak ako. Naiyak ako kasi aalis ako. At wala ako sa tabi niya habang ipinagbubuntis ang anak namin. "Nay... heto sa tabi ko ang babaeng pinakamamahal ko. Ang ganda niya nay diba? Mabait po siya, malambing pero maldita. She is perfect for me. "Nay, I will be a father soon. Ang saya ko nay, ang saya-saya ko. I can't believe that i created a life inside of her. Buo na rin ako sa wakas. Nay, I promise to love her and only her for the rest of my life. Hindi ako tutulad kay Daisuke Yamaguchi, mabubuhay ako para sa kanya nay at mamamatay din ako para sa kanya. Pero nay, natatakot din po ako... natatakot ako para sa magiging buhay niya at nang anak namin. Tama si teacher Fal. Now I get it. Hindi dapat malaman ng iba na buntis si Seohki. It will put her life and the baby in danger. Remember how they try to kill you? Hindi ko hahayaan na mangyari yun sa kanila nay." Pinahid ko ang luha at hinaplos ko ang kanyang maamong mukha saka ko siya niyakap. "Seohki... baby.... I'll do everything. Walang sino mang pwedeng manakit sa inyo. Pangako."
"Rai--- gising kapa? Tulog na..." Pinahid ko ang luha saka siya niyakap nang mahigpit.
"I love you both. Always. If makalimot akong balikan ka... please find me...find me...."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (65)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
marunong ka dapat umintindi Ng asal
03/07
0good story
02/01
0tanks
20/10
0Tingnan Lahat