logo text

Chapter 11: Trouble University

Fal]
Andito ako sa bahay ni Leandro hindi para makipag negosasyon. Gusto ko lang siyang makita after niyang matanggap ang regalo ko sa kanya.
"Maam, tuloy daw po kayo."
"Manang, sino ang and'yan?"
"Si sir Chris lang po at sir Leandro."
Pagkatapos magpasalamat sa katulong ay pumasok na ako. Agad kong nakita si Leandro pero wala si Christopher. Pasimple akong nakiramdam sa paligid at nakita ng mata ko ang paggalaw ng halaman malapit sa pintuan saka ko nakita si Christopher na may hawak na baril at nagtatago.
"Welcome ba ako dito Leandro?"
"Of course naman. You're a family."
"Then how come nasa likuran ko si Christopher at nagtatago na may hawak na baril? Kalaban ba ako sa tingin n'ya?"
"Walangg hiya kang babae ka. Papatayin kita ngayon. Hindi ang  mga  Yakuza ang papatay sayo kundi ako!" tutuok sa akin ni Christopher ng baril
"Sure ka bang marunong kang humawak n'yan? Alam mo Christopher hindi ako takot sa baril. Ang kinakatakutan ko ay ang sarili ko mismo dahil baka makalimot ako at sa susunod na eregalo ko ay ulo muna."
"WALANG HIYA KA PAPATAYIN KITA!"
"Bakit ka nandito?"
"Gusto kong malaman kong kung nasaan ka na sa plano mo."
"At sa tingin mo sasabihin ko?"
"For sure hindi pero ito lang ang masasabi ko. Huwag na huwag kayong gagawa ng mga bagay na pagsisisihan ninyo."
"May gana kapang manakot huh?"
Kumuha ako ng bato sa table na kulay blue for decoration agad kong tinapon sa gawi ni Christopher at nabitawan nya ang baril. At napasigaw ito sa sakit. "The Yamaguchi will kill you."
"No, 'cause I will kill them all!"
"Ang yabang mo!"
"Don't do anything stupid Leandro dahil baka hindi mo magustohan ang gagawin ko."
"I want to see what you can do."
"All right. It seems to me that you are not scared seeing those heads. Watch out soon it will be yours inside that box or your son or maybe someone dear to you? Ciao...."
[ Leandro ]
"Ginagalit talaga ako ng babaeng yun. Ang lakas ng loob na pumunta dito."
"Paano niya nagawa yung kanina. Maliit lang ang bato pero ang sakit."
"Itigil mo yan. Umalis ka na at maghanap ka ng pwede nating utosan. Kailangang mapasabog natin ang Trouble U at mapatay natin ang babaeng yan." Umalis ang anak ko. Naiwan akong hinihilot-hilot ang ulo ko. Saka ko tinawagan si Michelle I need her ngayon.
"Baby...?"
"I need you, sweetheart.
"I'm coming."
Dalawang oras lang ang ipinaghintay ko at dumating si Michelle. There is something change in her.
"How are you, sweetheart?"
"I'm pregnant Leandro. Now that your wife is dead you have to marry me. I don't like my parents to know that I am your mistress."
"I make you pregnant? I like that. We will get married soon. For now, please the old man."
[ Christopher ]
Andito ako sa lugar na nerekomenda ng kaibigan ko. At katatagpuin ko si Tux, ang lalaking may halang na kaluluwa. Agad kong nakita ang lalaking may malaking katawan at maraming tattoo.
"Anong kailangan mo at nandito ka?"
"Kailangan ko ang serbisyo mo.May papasabugin kang building at may papatayin kang babae para sa amin ng father ko."
"Magkano?"
"Name your price."
"Dalawang milyon."
"Ang maha—-"
"Makakaalis kana."
"Sige deal. Gusto ko mawala ang Trouble University sa Pilipinas maliwanag? Pag matapos mo yun ibibigay ko ang kalahati."
"Saan ako kukuha ng bomba?"
"Here... bumili ka. Kung kinakailangan lagyan mo ang bwat sulok ng school at bawat floor gawin mo. I want that damn school destroyed maliwanag?"
"Areglado."
Umuwi ako sa bahay nang makita ko si daddy at Michelle na naglalambingan. Agad na uminit ang ulo ko. Hindi ako pabor sa pagtataksil ng ama ko sa aking ina. "Chris, halika I have a very important announcement to you. Michelle is pregnant and we will get married soon."
Sa galit ko ay nilampasan ko lang sila. I can't stand seing that gold digger. Imbis maasar ay sinimulan kong tawagan ang number ni Sabrina at Samantha pero wala talaga. Sinimulan ko ring tawagan ang bestfriend niya pero wala itong alam. Bigla akong nakaramdam ng takot. "May nagyari kaya sa kanila nang di namin alam?"
[ Fal ]
"Wife where have you been? Kanina pa ako naghihintay sayo."
"Ahh, may binisita lang akong kaibigan."
"Gutom na ako."
"Edi kumain ka."
"Hindi mo ba ako ipaghahanda?"
"Dios ko naman Eli, pati pa yun?"
"Sige nga wag nalang."
"Oo na magbibihis lang ako."
"Love you wife. Baka pwede this week dalawin naman natin ang mga bata. I miss them."
"Not this week but next week? May special training kasi sila. Ayokong maabala."
"Fine."
Me and Eli have a very peaceful dinner together. Nagpahangin din kami sa garden ni Fifth saka pumasok sa loob ng bahay at natulog. It was in the middle of the night when my phone rang nonstop and Eli woke me up.
"Hello?"
"Teacher Fal! We have bad news."
"Taeko ang late na para sa bad news mo. Ano ba yun?"
"Wala na ang Trouble U. May nagpasabog nito. Talagang hindi basta-basta ang gumawa dahil talagang sira ang buong building."
Nabitiwan ko ang phone. Wala na akong narinig pa kay Taeko. Lahat ng sinabi niya ay nag play lahat sa utak ko. Habang ang kamay ko ay nanginginig sa sobrang galit.
"Fal may problema ba?"
"Maraming bata ang nawalan ng paaralan dahil sa kanya. Humanda siya. Ngayon niya maramdaman ang sakit." Tumayo ako at nagbihis. Na litong bumangon si Eli at sinundan ako.
"Ano bang nangyari Fal? Sino ang tumawag?"
"Si Taeko. Eli... wala na ang Trouble U. May nagpasabog dito."
"ANO???"
"Si Leandro. Siya ang may gawa."
"Wala talaga siyang awa. Pero bakit nakabihis ka? Saan ka pupunta?"
"I want to see the school."
"Sasama ako."
Pagkababa namin ay agad kaming sinalubong ng mga police. Maraming tanong pero wala kaming sinagot. Sinabihan ko na si Eli na huwag mag comment. Naiiyak ako nang makita ang paaralang naging pintuan sa akin upang matagpuan ko ang puso ko. Ang mga pasaway kong estudyante at ang mga alaala. "Humanda ka Leandro. Ibabalik ko ang sakit sayo."
"Teacher Fal..." tawag ni Taeko sa akin ng makita ako.
"Palagyan mo kay Mizuki ng camera ang labas ng bahay. Pati na rin sa front ng office ni Eli at parking. I wanna know kong may inutusan pa siyang tao para patayin kami."
"Teacher Fal. Kanina guest ni Leandro ang kabit niya."
"Kabit niya? Sige, sabihin mo kay Raiden na dukutin ang babae. Gustong makita ni Leandro kung gaano ako kasama? Makikita niya. Kung hindi siya nasiyahan sa mga Yakuzang regalo ko? Pwes hindi ko siya bibiguin ngayon."

Komento sa Aklat (65)

  • avatar
    Marrietta Dulos

    marunong ka dapat umintindi Ng asal

    03/07

      0
  • avatar
    Christian Bunayog

    good story

    02/01

      0
  • avatar
    Mokong Sonato

    tanks

    20/10

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata