Baby

Miguel's Pov
Isang buwan na ang lumipas at hanggang ngaun ay hindi ako nagpapakita kay Kath. Binalaan nya na ako nuon na baka magkaproblema sita sa mga katrabaho nya pero siyempre matigas ang ulo ko eh pinagpatuloy ko pa din ang panliligaw at pangungulit kay Kath.
Speaking of panliligaw ay napagdesisyunan ko na dahan dahanin ang panliligaw sa kanya. Sa totoo lang nung inimbitahan ko siya sa birthday ni ate Ella ay ang intensyon ko lang ay ang makasama siya. Pasalamat ko na lang at avid fan si ate Ella ni Bobitang Manunulat kaya nagkaroon ako ng dahilan. Naalala ko nung pagtapos namin na magpunta sa birthday ni ate Ella ay hinalikan ko siya. Ewan ko ba, kapag kasama ko siya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ayun nahalikan ko siya. Gulat na gulat nga si Kath. Nang dumampi ang aking labi ay nabuhay ang mga dugo at ugat ko. Siyempre kasama na ang aking alaga.
Sobra namang galit ang naramdaman ko nung nagkaroon ng insidente sa cafeteria. Napako ako sa kinaroroonan ko nung nagsisisigaw na si Kath. Sobra naman kasi si yung babaeng nang away kay Kath. Naalala ko pa ang mukha ni Kath na sobrang lungkot at ang mga sinabi nya sa akin pagkatapos nya akong sampalin.
"Masaya ka na? Sinabi ko na sayo ang mangyayari kapag pinagpatuloy mo ang kalandian mo. Bakit ka ba kasi nagplano ng ganito? Masaya ako sa buhay ko ng nakatago ako at hindi nila nakikilala. Atleast hindi nila ako mahuhusgahan ng ganito! Simula ngayon ay huwag na huwag ka nang lalapit sakin!" sigaw sa akin ni Kath.
"Kath...."  yun lang ang nasabi ko sa kanya. Dali dali naman itong lumabas ng cafeteria. Gusto ko sana itong sundan kaya lang ay may kailangan muna akong pagsabihan. Lumapit ako sa babaeng umaway kay Kath.
"Simula ngaun mag empake ka na at pwede ka nang umuwi. Simula din sa araw na ito ay tanggal ka na sa publishing company. Hindi ko tinotolerate ang mga taong masasama ang ugali. Sa lahat pa naman ng ayoko ay ang taong dakdak ng dakdak pero wala pa namang napapatunayan. Ikaw ba, ilan libro na ba ang nagawa mo? Malaki ang ambag ni Bobitang Manunulat sa company. Ikaw ano na ba naiambag mo? Ilan taon ka ba nakakabuo ng libro, halos isang taon na ay hindi pa nasusundan ang gawa mo tama ba?" sabi ko. Binasa ko kasi lahat ng file ng mga writers at editors.
"Boss Miguel kasi...... Ano kasi...." utal na sabi nya.
"Shut up! Ayoko nang makita ka pa!" galit na sabi ko bago ako tumalikod. Kaso agad nya hinarangan ang daraanan ko at hinawakan nya ang kamay ko.
"Boss Miguel, huwag nyo na po ako tanggalin. Parang awa nyo na. Hindi ko na uulitin." pagmamakaawa nya. Tinapik ko ang kamay nya at saka ako umalis.
Nang makarating ako sa lobby ay natanaw ko si Kath na papalabas ng hotel. Agad kong hinabol ito. Sumigaw pa ako para marinig nya ako at huminto sana siya kaso dali dali pa siyang sumakay ng taxi. Nanlumo ako. Alam ko naman na may mali ako. Napansin kong nasa likod ko pala ang mga kaibigan ni Kath.
"Pakisabi sa supervisor nyo ay siya na bahala sa lahat. Ipagpatuloy nyo ang team building." sabi ko dito saka pumunta sa kotse ko at umalis.
Isang buwan na akong patuloy na nagpapadala ng bulaklak at sorry card kay Kath. Gusto kong bigyan muna siya ng space pero hinding hindi ko siya susukuan. Ipagpapatuloy ko pa din ang panliligaw sa kanya sa ayaw at sa gusto nya. Tama nga sila kuya Gab at kuya Joseph. Kapag nakita mo na daw ang babaeng para sayo ay wala ka nang balak pa itong pakawalan. Lagi mo na daw iisipin ang babaeng  gusto mong makasama habang buhay. Napipicture ko na siya ang magiging ina ng mga anak ko. Natigil ako sa pagmumuni muni ko ng biglang nagring ang phone ko.
"Hello kuya Gab, bakit ka napatawag?" tanong ko.
"Nasaan ka?" tanong nya.
"Nasa opisina ko sa hotel." sagot ko.
"Pwede ka bang pumunta dito sa ospital? May regalo kasi ako sayo hahaha!" masayang sabi ni kuya sa kabilang linya.
"Ano na naman kalokohan yan kuya Gab. Kung may iuutos ka eh sabihin mo na lang agad. Madami pa akong ginagawa." sabi ko pero sa totoo lang wala naman talaga akong ginagawa. Hindi ako makapagtrabaho kakaisip ko kay Kath. Pero hindi naman ako nagpapabaya sa trabaho ko.
"Bahala ka kung ayaw mo basta masasabi ko lang masosolve na ang problema mo pag pumunta ka dito." sabi nya bago nya binaba.
Kunot noo akong tumayo at umalis. Ang creepy naman ng kapatid ko ngayon. May tama ba yun at kung anu ano pa ang sinasabi. Pamysterious pa si kuya Gab. Sumakay ako ng sasakyan ko at nagpunta ng DT hospital. Habang papunta ako ng opisina ni kuya ay nadaanan ko ang isang VIP room na para sa mga friends at relatives namin. Napatingin ako at nakita ko na nandun si kuya Gab, kausap ang isang babae na nakatalikod. Pamilyar ang babaeng ito sakin. Nakaramdam ako ng bilis ng tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses nito.
"Gabriel, pwede naman kami sa ibang kwarto. Pwede kami sa semi private room. Ang laki ng kwarto para sa amin. Isa pa mukhang malaki ang babayaran ko dito." sabi ni Kath.
"Huwag kang mag alala, for relative and friends namin ang mga VIP rooms sa ospital ko. Kung bayarin lang naman ang pinoproblema mo ay huwag kang mag alala, libre na to." sabi ni kuya Gab. Napangiti ako sa kuya ko.
"Okay ka lang Gab? Libre na? Malulugi ang ospital mo kapag ganyan ka." sabi ni Kath.
"Dont worry hindi ako malulugi, maniningil naman ako. Hindi sayo, kundi kay Migs. Kaya relax ka lang." sabi pa ni kuya Gab.
Napakunot naman ang noo ko sa pasyente na nakahiga sa hospital bed. Pamilyar ang mukha nya. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang bata.
"Kath......" mahinahong tawag ko sa kanya. Napalingon naman ang mga ito sa akin.
"Andyan ka na pala Migs. Nakuha mo na ba sa opisina yun ibibigay kay mama?" tanong ni kuya sabay kindat pa sa akin.
"Oo iniwan ko sa lamesa ulit. Lumabas lang ako para hanapin ka." pagpapatuloy ko sa kasinungalingan ni kuya Gab. Bumaling naman ako kay Kath.
"Hi Kath! Kumusta ka naman? Sino yang pasyente nyo? Kapatid mo?" tanong ko.
"Hindi anak nya daw." nakangising sabi ni kuya Gab. Minsan nagiging creepy talaga ang kuya ko. Tulad ngaun ang sarap batukan, hindi naman siya ang tinatanong ko.
"May anak ka na Kath?" takang tanong ko.
"Ah... Ano kasi...." napalingon ito kay kuya Gab.
"Oo anak nya nga. Nakakatuwa nga eh, may hawig sating mga Dela Torre ang bata. Coincidence di ba. Kahawig nya si papa nung maliit pa." masayang sabi ni kuya. Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi ni kuya Gab.
"Kath, ilang taon na ang bata? Anak ko ba siya?" tanong ko kay Kath. Humarap sakin si Kath na natulo ang luha at tumango siya.
"Damn!" sigaw ko.
"Bunganga mo! Marinig ng anak mo yan." saway sakin ni kuya Gab.
Agad akong napayakap kay Kath na patuloy pa din ang pag iyak. Pinunasan ko ang luha nito at saka hinalikan sa noo.
"Thank you Kath!" pasasalamat ko. ko.
"Hindi ka galit sakin?" tanong nya.
"Bakit naman ako magagalit? Masaya pa nga ako. Nagkaanak ako sayo. Kaya tama lang na pakasalan mo ako." masayang sabi ko.
"Ano? Bakit may kasal pa?" tanong ni Kath.
"Para mabigyan ng buong pamilya ang anak ko. Hindi rin naman ako papayag na iba ang apelyido ng anak ko. Kailangang Dela Torre ito. Isa pa yung kasal, pambawi mo sakin dahil itinago mo sakin ang anak ko." sabi ko habang nakayakap pa din kay Kath.
"Ay ano to? Nawala lang ako saglit para kunin ang mga gamit ni baby Zach tapos may kalandian ka na Kath." sabi nung babaeng bagong dating. Umalis naman si Kath sa pagkakayakap ko at tinulungan ang babae.
"Migs, siya si Yna, bestfriend ko. Yna siya naman si Migs at ang kapatid nya na si Gabriel." pakilala ni Kath.
"OMGosh! Siya si hot future mo? Kamukhang kamukha ni Zach!" biglang napatakip ng bibig si Yna.
"Alam na nila." sabi ni Kath.
"Talaga? Ano na next? Kasal na ba? Makakaroon na ng buong pamilya si Zach?" tanong ni Yna. Mukhang makakasundo ko ang bestfriend ni Kath.
"Yna!" awat ni Kath.
"Don't worry, yun naman talaga plano ko kahit hindi ko pa alam na may anak ako. Ayaw pa lang akong sagutin ni Kath. Kapag sinagot nya ako ay kasal agad." masayang sabi ko.
"Ay! Sana ol!" masayang sabi ni Yna. Naiiling iling si Kath sa bestfriend nya.
"Teka bago kayo magsaya diyan ay unahin muna natin ang bata. Kailangang salinan ng dugo ang bata. Pwede ka ba Migs? Hindi kasi ka parehas ng dugo si Kath at ang anak nyo." sabi ni kuya Gab.
"Oo naman. Pagkakaitan ko ba ng dugo ang bata, anak ko kaya yan eh." sabi ko.
"Ay kinikilig ako! Buti na lang pala at siya ang napili mong bubuntis sayo noh. Ay!" napalingon kami sa sinabi ni Yna.
"Napili?" takang tanong ko.

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    15Rayearth

    nice

    02/09/2025

      0
  • avatar
    DagamiJanice

    Pinagpuyatan ko basahin Hanggang dulo sana kaso ending mabibitin ka Pala 😭😭😭😭😭

    18/04/2025

      1
  • avatar
    LibertyMaxxwel

    hai po kailan po next chapter still waiting po thank u

    22/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata