Homepage/It's Always Been You/
Argument
Kath's Pov
Hindi ako tinantanan ni Thea at ni Jean kagabi panay tanong sila ng tanong sa tungkol sa pag alis namin ni Migs kagabi. Lalo na ang paghalik sakin ni Migs. Kung itong mga bago kong kaibigan ay panay ang tanong sakin lalo na siguro yung mga witch na may gusto kay Migs. Bakit naman kasi nya ako hinalikan? Nakakainis! Binigyan pa ako ni Migs ng problema. Malamang lalo na naman ako pagpipyestahan ng mga witch.
"Wala ka bang balak bumangon at magpaliwanag samin? Pati ba naman kami paglilihiman mo pa eh kitang kita na namin." sabi ni Thea. Napabuntong hininga ako. Kagabi pa sila kulit ng kulit.
"Tama kayo, nanliligaw nga si Migs sa akin. Kagabi ay nagpunta kami sa birthday ng hipag nya. Mga fan pala sila ng libro ko kaya ako ang ginawang surprise guest ni Migs. Nakakatuwa nga dahil yung isang hipag nya ay may collection ng lahat ng libro ko. Pati nga ang mama ni Migs ay nagbabasa ng mga libro ko. Siya nga pala yung cake at cookies bigay ng mama ni Migs." paliwanag ko.
"Aayyyyy!" tili ng dalawa.
"Huwag nga kaung sumigaw dyan." saway ko sa kanila.
"Nakakatuwa parang meet the family ang nangyari kagabi. Naku for sure ay botong boto sila sayo. Sabi mo nga avid fan mo sila. Teka ano mga itsura nila? I mean may masungit ba o matapobre? Totoo ba ang balita na lahat sila ay mababait?" tanong ni Jean.
"Totoong sobra nilang babait. Wala ngang nagsungit sa akin dun. Nakakahiya nga kasi ako lang ang outsiders dun." sabi ko. Well technically hindi na ako outsider dahil mommy ako ng isang Dela Torre. Naisip ko nga, mapapatawad kaya nila ako sa pagtatago ko kay Zach. Sobrang yaman nila at makapangyarihan, malamang pagnagkortehan ay talo ako.
"Eh ang paghalik naman sayo ni boss Miguel? Kayo na ba? Pansin ko lang ha, ikaw lang ang natawag sa kanya ng Migs. May something na ba?" Tanong ni Thea.
"Wala! Bago pa kasi siya naging boss natin ay nagkakilala na kami. Isa pa eh Migs ang gusto nya itawag ko sa kanya eh. Nagagalit pa kapag boss ang tawag ko." sabi ko.
"Sagutin mo na si boss Miguel, mukha namang seryoso sa iyo." sabi ni Thea.
Sana nga ganun kadali. Hindi ko naman sa kanila masabi na may Zach na involve at baka magalit sakin si Migs at ang pamilya nya. Pero teka bakit sila magagalit? First of all hindi ko kilala si Migs o nakita man lang ang kanyang mukha nung gabing nagtalik kami. Sobrang lasing ko lang ng gabing iyon. Pero parang may mali talaga nung gabing iyon. Nakaramdam kasi ako ng sobrang init at feeling ko gusto kong maghubad pagkatapos kong uminom ng isang baso ng wine nung gabing yun. Ay ewan nangyari na, wala na akong magagawa pa kahit may mali ng gabing yun o wala.
"Sapat na yung narinig namin. Botong boto kami na maging kayo." sabi ni Jean.
"Baba na tayo para mag almusal. Teka di ba nakita ni Nessy yung halikan nyo ni boss Miguel? Naku sigurado yang pag iinitan ka na naman nila. Inggit kasi." sabi ni Thea.
"Yun na nga inaalala ko eh. Binigyan pa ako ng problema ni Migs. Bahala na!" sabi ko.
"Huwag kang mag alala nasa likod mo lang kami. Ipagtatanggol ka namin." sabi naman ni Jean.
Bumaba kami papuntang cafeteria. Pumasok kami at dumiretso sa kuhanan ng mga pagkain. nang matapos kami ay pumwesto kami sa bakanteng lamesa. Nag aalangan pa nga ako kasi nasa harapan namin sina Nessy. Panay nga ang tingin nila sa amin.
"Ang landi talaga. Malamang ikaw na naman ang bida dahil sa kakalandi mo ng sobra kay boss Miguel. Hindi ka nahihiyang humarap sa aming lahat? Ginagamit mo ang katawan mo para sa kasikatan." sarkastikong sabi ni Nessy.
"Nessy!" sabay na awat nila Jean at Thea.
"Problema nyo? Pinagtatanggol nyo pa eh kitang kita naman kagabi na nakikipaghalikan siya kay boss Miguel. Hindi ba totoo ang sinabi ko?" maarteng sabi ni Nessy.
"Maghapon nga siyang kasama ni boss Miguel." sabi nung isang alagad ni Nessy.
"Tama! Kitang kita namin nung umalis sila ng maaga tapos gabi na bumalik." gatong pa nung isang babae.
Napapikit ako. Kaya ayokong nalabas ng bahay ay dahil sa ganitong eksena. Konting kilos mo lang huhusgahan ka. Bakit ba may mga taong mas gustong manakit ng iba.
"Nessy tumigil ka na!" sigaw ni Jean.
"Bakit? Idedeny nyo pa? Pagtatakpan mo? Ano kayang mukhang ihaharap nyan pagnagkaanak siya. Malamang kamumuhian siya ng mga anak nya. Biruin mo sumikat mama nila dahil sa pagbebenta ng katawan." panlalait ni Nessy.
"Sobra ka na Nessy!" sabi ni Thea.
Tumayo ako sa sobrang galit ko. Lumapit ako sa kanya at saka siya sinampal. Napahawak kamay si Nessy sa pinge nya sa sobrang lakas ng sampal ko. Natahimik ang tatlo at naramdaman kong nakatitig samin lahat ng nasa cafeteria. Tinitigan ko maige si Nessy.
"Sobra ka na! Kilala mo ba ako para pagsalitaan ako ng ganyan! Alam mo ba ang pinagdaanan ko para husgahan mo ako ng grabe. Wala kang alam! Bakit? Ganyan ba ang ginagawa mo para sumikat? Nilalandi mo ba ang mga taong may matataas ang katungkulan para makapagpublish ng libro? Kaya mo ibinibintang sa iba dahil siguro gawain mo! Eh ano naman kung makipag mabutihan ako kay Migs. Binata siya at dalaga ako. Kaya ka galit na galit sakin dahil ako ang nilalapitan ni Migs at hindi ikaw!" galit na sabi ko. Bumaling ako ng tingin sa dalawa.
"Kayong dalawa kung si Nessy ang nilalandi ni Migs, masasabi nyo rin ba sa kanya na malandi sya? Matatanggap nyo? Sama kayo ng sama sa kanya eh ginagawa lang kayong alalay nyan. Mag isip isip nga kayo! Kung ako sa inyo ay mag isip na lang kayo at magsulat ng magandang libro para may mga pakinabang kayo hindi yung panay kayo panlalait ng iba! Wala pa kayong nararating ay ganyan na kayo!" galit na sabi ko. Humarap naman ako kina Thea at Jean.
"Nawalan na ako ng ganang kumain. Pagpatuloy nyo lang ang pagkain nyo. Kita na lang tayo sa kwarto." sabi ko sa kanila.
Agad akong lumakad palabas ng cafeteria pero bago ako makalabas ay nakita ko si Migs sa pinto nito. Huminto muna ako sa harap nya at saka siya sinampal ng malakas.
"Masaya ka na? Sinabi ko na sayo ang mangyayari kapag pinagpatuloy mo ang kalandian mo. Bakit ka ba kasi nagplano ng ganito? Masaya ako sa buhay ko ng nakatago ako at hindi nila nakikilala. Atleast hindi nila ako mahuhusgahan ng ganito! Simula ngayon ay huwag na huwag ka nang lalapit sakin!" sigaw ko kay Migs.
"Kath....." mahinahong sabi ni Migs.
Dali dali akong lumabas ng cafeteria at umakyat sa kwarto namin sa hotel. Nang makarating ako ay agad akong nag empake. Wala akong pakialam kung magalit sila sakin dahil sa pag alis ko. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang mayakap si Zach. Nang matapos ko ang pag eempake ay agad akong bumaba ng hotel at saka pumirma ng pag out sa front desk. Pagkalabas ko ay agad akong pumara ng taxi. Narinig kong panay tawag ng tawag sakin ni Migs. Sumakay agad ako sa taxi at sinabihan ang driver na umalis agad. Tumingin ako sa likod at nakita ko na nakatayo duon sina Migs, Thea at Jean. Mababakas mo sa kanila ang lungkot.
Ilang oras din bago ako nakauwi. Agad kong binuksan ang pinto at hindi na kumatok dahil may susi naman ako. Nadatnan ko sina Yna at Zach sa kwarto namin. Tinabihan ko ang mga ito at saka niyakap si Zach. Hindi ko mapigilan ang maluha sa sobrang galit ko. Dahil sa hindi ko mapigilan humikbi ay nagising ko si Yna. Humarap siya sakin at nagtanong.
"Ano bang nangyari? Gusto mo bang ikwento sakin?" mahinahong sabi nya.
Ikinuwento ko ang lahat ng nangyari. Ikinuwento ko sa kanya pati ang pag imbita sakin ni Migs at ang pagkikita namin ng pamilya nito. Tinitigan ko si Yna na nakapokerface. Maya maya ay bigla itong sumigaw.
"Naku pasalamat siya wala ako sa pinangyarihan kundi masasabunutan ko siya hanggang sa makalbo siya! Palibhasa naiinggit siya sayo dahil ikaw ang pinapansin ni Migs. Siguraduhin nya lang na hindi kami magkikitang dalawa dahil kung magkita kami ay naku pasensyahan na lang kami. Sarap nya kayang lagyan ng sili sa bibig!" gigil na sabi ni Yna.
Lumipas ang isang buwan na hindi ako naglalalabas ng bahay. Hindi nangungulit si Migs pero araw araw nya akong pinapadalahan ng bulaklak na may kasamang sorry card. Nagiguilty tuloy ako sa pagsampal ko sa kanya. Gaya nga ng sabi ni Yna ay wala naman itong masamang ginawa o intensyon sakin. Nadamay lang naman siya kasi siya ang dahilan kung bakit nag aalburoto sa galit si Nessy. Natigil ako sa pagsusulat ng marinig ko ang malakas na iyak ni Zach. Lumabas ako ng kwarto at lumapit sa kanila.
"Kath, inaapoy ng lagnat si Zach at ayaw tumigil sa pag iyak. Siguro dapat na natin dalhin ito sa ospital." sabi ni Yna.
Dali dali ko namang kinuha si Zach. Inaapoy nga ng lagnat ang aking anak. Ibinigay ko muli si Zach kay Yna at saka nag empake ng mahahalagang bagay tulad ng gatas at mga damit ni Zach in case lang na baka maconfine siya. Pagkatapos ay dinala na namin si Zach sa ospital. Agad namang inasikaso si Zach sa DT hospital. Sinabihan ako na kailangan kunan ng dugo si Zach para malaman kung anong sakit nito. Naaawa ako sa anak ko nang umiyak ito dahil tinusukan ito ng karayom.
"Kath?" napalingon ako sa nagsalita.
"Gabriel." banggit ko sa pangalan nya. Nakatitig ito kay Zach ng ilang minuto saka bumaling ng lingon sakin.
"Anak mo?" tanong nya. Tumango lang ako.
"Huwag kang mag alala, ipapaasikaso ko ng mabuti sa mga doktor ang anak mo." sabi pa nya.
"Salamat doc." sabi naman ni Yna. Maya maya ay umalis na si Gabriel. Napatingin ako kay Yna ng kalabitin nya ako.
"Kapatid ba siya ni Migs? May hawig kasi siya kay Zach. Alam mo ang creepy nya. Bago umalis ay ngumiti ito nang nakakaloko." sabi ni Yna.
Nanlaki ang mata ko ng marealized ko ang sinabi ni Yna. Syete! Doctor nga pala siya. May alam na kaya si Gabriel?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (15)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
02/09/2025
0Pinagpuyatan ko basahin Hanggang dulo sana kaso ending mabibitin ka Pala 😭😭😭😭😭
18/04/2025
1hai po kailan po next chapter still waiting po thank u
22/07/2024
0Tingnan Lahat