Another Blessing

Migs Pov
Nagulat kami ng mawalan ng malay si Kath. Dali dali ko naman na dinala ito sa ospital. Ako lang at si Robert ang nagdala kay Kath. Gusto sana sumama ni ate Blessy kaso pinigilan ito ni kuya Leo. Si Yael din ay hindi na pinasama kasi baka makatunog ang mga kaaway. Dinala namin si Kath sa DT hospital. Malapit lang naman ito. Agad naman kaming inasikaso dahil kilala ako na isang Dela Torre. Habang tinitignan si Kath ng mga doktor sa loob kami ng emergency room ay tinext ko si kuya Gab para malaman nya na nandun kami sa ospital nya. Tapos tinawagan ko din si Yna. Habang kinukuhanan ng dugo si Kath ay nagising ito.
"Anong nangyari sakin? Bakit ako nasa ospital?" tanong ni Kath.
"Nahimatay ka kasi at hindi ko alam kung anong nangyayati sayo love. Nasa ospital tayo ngaun ni kuya Gab." sagot ko sa kanya.
"Anong sakit ko doc?" tanong ni Kath sa doctor. Halatang nag aalala ito.
"Antayin lang po natin sandali yung resulta ng laboratory ninyo." sabi ng doctor.
Tahimik lang kami ni Kath habang hinihintay ang mga resulta. Hawak ko ang kanyang kamay dahil kinakabahan ito. Hindi naman umaalis ang doktor sa tabi namin. Siguro nasabihan na ito ni kuya Gab na asikasuhin kaming mabuti. Maya maya naman ay dumating na ang resulta. Binasa ito ng doktor tapos ngumiti sa amin.
"Congratulations Mr. and Mrs. Dela Torre. You are pregnant!" masayang sabi ng doktor. Nanlaki ang mata ko at natulala saglit.
"Sigurado po kayo doc?" tanong ko. Tumango naman ang doktor. Hinampas naman ako ni Kath pero mahina lang.
"Para kang sira. Doktor yan alangan naman magbiro yan." natatawang sabi ni Kath.
"Sinisigurado ko lang love." natatawang sabi ko.
"Kailangan muna maconfine ng ilang araw si misis kasi medyo mataas ang presyon nito. Anemia ang isa pa sa dahilan kung bakit sya maputla." sabi ng doktor.
"Sige doc gawin ninyo ang dapat gawin para sa ikabubuti ng asawa ko at ng anak ko." sabi ko. Tumango ang doktor at saka umalis.
"Ngiting ngiti ka dyan." sabi sakin ni Kath.
"Syempre sobrang saya ko dahil magkakaanak na naman tayo. Hindi ko kasi nakita at naramdaman nung nagbuntis ka kay Zach dati." sabi ko.
"Sorry..." malungkot na sabi ni Kath. Hinawakan ko ang mga kamay nya at hinalikan.
"It's okay love. Alam ko naman na hindi mo sadya ang mga nangyari nuon. Hindi mo ako kilala. Hindi ako galit sayo love, nanghihinayang lang ako kasi gusto ko nasa tabi mo lang ako palagi dahil alam ko na mahirap ang magbuntis." nakangiting sabi ko sa kanya.
"Anong nangyari sa bestfriend ko!" naghihisterikal na sabi ni Yna. Kakadating lang nya. Mukhang madali nya kaming nahanap kasi nasa labas ng pinto si Robert.
"Ayos lang ako. Huwag ka magsisisigaw dyan at nakakahiya sa ibang pasyente. Rinig na rinig yang sigaw mo sa mga katabing kwarto." inis na sabi ni Kath.
"Beshie naman, sobra kaya akong nag aalala sayo. Hindi lang ako pati pamilya ko. Muntik na nga sumugod lahat ng pamilya ko nung makatanggap ako ng tawag kay papa Migs. Anong bang nagyari sayo?" sabi ni Yna.
"Grabe buong pamilya talaga hahaha." sabi naman ni Kath habang tawa ng tawa.
"Nakakainis ka tatawanan mo pa kami eh sobra kami nag aalala sa iyo." inis na sabi ni Yna. Napailing na lang ako. Inaasar na naman ni Kath si Yna.
"Huwag ka na mag alala. Tawagan mo na din ang pamilya mo at sabihin na wag nang mag alala at okay na si Kath. Kaya nahimatay si Kath ay buntis ito. Kaya wag na kamo silang mag alala." sabi ko.
"Ah kaya naman pala. Buntis lang pala. Wait! What? Jontis ka na naman? Hala!" sabi ni Yna.
"Oa mo. Nakakapagtaka bang mabuntis ako eh may asawa ako? Nuon nga eh isang beses lang nabuo agad tapos ngaun magtataka ka pa eh gabi gabi kami magkatabi." sabi ni Kath.
"Ay oo nga noh. Wait lang tawagan ko lang sila tatay. Nag aalala kasi yun masyado sayo." sabi ni Yna. Tapos lumayo konti at umupo sa sala set tapos tumawag sya sa pamilya nya.
Ako naman ay nagchat sa pamilya ko. Sinabihan ko sila na huwag nang pumunta kasi delikado. Pero mapilit si kuya Gab. Sila na lang daw ni ate Ella ang pupunta. Kaya naman ay nagtext ako kay kuya Leo agad. Sabi naman nya ay okay lang dahil ospital nya naman yun. Hindi na mahahalata ng kalaban.
"Love, papunta sila kuya Gab at ate Ella mamaya o bukas." sabi ko.
"Naku nag abala pa sila pumunta." sabi naman ni Kath.
"Ayos lang yun. Mas maganda nga na pumunta si kuya Gab. Nangako ako kay Yael na ipapageneral check up ko yung anak nya. Nag aalala ako na baka kapag tumagal pa bago nya ipacheck up eh baka lumala na yung sakit ng bata. Tapos kung kailangan ng neurosurgeon eh si kuya bahala dun." paliwanag ko.
"Naku papa Migs maraming salamat sayo. Naku makukutusan ko talaga tong Gigi na to. May sakit na pala ang pamangkin kong maganda na mana sakin tapos hindi nila sinasabi sakin." inis na sabi ni Yna.
"Baka nahihiya sayo. Teka lang kahapon ka pa. Kapag maganda sayo lagi nagmamana? Genes kaya ni Gigi at Yael yun. Wala kang ambag dun kaya hindi sayo mana ang pamangkin mo." sabi ni Kath.
"Lam mo beshie, ang bad mo. Walang basagan ng trip. Eh sa gusto ko mana sya sakin eh." nag eemote na sabi ni Yna.
"Mag asawa ka na kasi. Ayan oh dalawa na manliligaw mo. Si Robert at kuya Tony. Ang choosy mo pa eh wala na kayang makakahandle dyan sa pagkaloka loka mo." sabi ni Kath.
"Lah pareho lang tayo. Pasalamat ka natitiis ka ni papa Migs. Kaya nga tayo nagclick kasi parehas tayo loka loka." sabi ni Yna sabay irap.
"Atleast maganda pa din ako. Di ba love?" proud na sabi ni Kath.
"Aray naman! Oo na tanggap ko na. Bakit kasi hindi mo ako ginising nung nagbuhos ng kagandahan si Papa God. Ang selfish mo kaya beshie." sabi ni Yna. Naiiling na lang ako sa usapan ng dalawa.
"Siya nga pala Yna, sunduin mo na yung pamangkin mo na ipapagamot. Mas maganda matignan na siya ngayon habang nasa ospital kami. Hindi ko alam kung ilang araw kami dito. Bukod kasi sa pagbubuntis eh anemic si Kath. Kailangan maconfine ng ilang araw." paliwanag ko.
"Yan kasi beshie ang hilig mo kasi sa gabi magsulat. Naging Picolo ka tuloy. Ipapadala na kita sa planetang Nemic eh." sabi ni Yna.
"Sira ulo ka talaga. Kakapanuod mo yan ng dragonball eh. Lumakad ka na at sunduin mo na pamangkin mo. Dalian mo. Huwag magpakalat kalat sa daan Sisa. Magpass ka muna sa kakahanap mo kay Crispin at Basilio." biro ni Kath.
"Oo na nga. Hindi naman ako mananalo sayo. Aalis na ang person. Babye." sabi ni Yna tapos umalis. Lakas talaga ng trip nitong magkaibigan na ito.
"Love, paano na yan baka madelay yung pagpunta natin sa resthouse ni daddy. Paano sila kuya Leo. Baka makaabala ako sa kanila." nag aalalang sabi ni Kath.
"Ako nang bahala. Siguro pag labas mo na lang. Palamigin muna natin yung sitwasyon. Sabi kasi ni kuya Leo may nagmamatyag sa kilos natin. Kung si kuya Leo inaalala mo eh papabalikin ko na lang o di kaya turing nyang bakasyon ito. Huwag ka mag alala love, babayaran ko naman sila ng malaki pati na ang ibang tauhan nya." sabi ko.
"Hala baka mamulubi ka love." nag aalalang sabi ni Kath.
"Barya lang yan. Isa pa sobrang saya ko dahil binigyan mo ako ng isa pang baby." sabi ko.
"Hala ang lakas ng aircon. Nilalamig ako sa pinagsasasabi mo. Barya talaga?" sabi ni Kath. Tumawa na lang ako.
Totoo naman na barya lang sakin ang ibabayad ko kina kuya Leo at sa mga tauhan nito. Nakalimutan ata ng asawa ko na bilyonaryo ako. Ilan ang hotels ko at may cruiseships pa ako. Bukod dun may ilan pa ako mga investment sa ibang mga businesstulad na lang yung bar na ibinigay ko sa dati kong kaibigan. Sa amin kasi magkakapatid ako ang pinakamayaman. Sumunod si kuya Joseph tapos si Seb. Si kuya Gab ang huli pero milyonaryo pa din yun. Madalas kasi langing binibigay sa charity ang pera nya kaya naman nababawasan ang kayamanan nya.
"Mabuti pa matulog ka na lang love. Magpahinga ka mabuti para sa baby natin." sabi ko.
"Mabuti pa nga." sagot nya.

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    15Rayearth

    nice

    02/09/2025

      0
  • avatar
    DagamiJanice

    Pinagpuyatan ko basahin Hanggang dulo sana kaso ending mabibitin ka Pala 😭😭😭😭😭

    18/04/2025

      1
  • avatar
    LibertyMaxxwel

    hai po kailan po next chapter still waiting po thank u

    22/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo