Found You

Migs Pov
Kanina pa nakatingin ang lalaking iyon kay Kath. Kanina pa din ako naiinis. Sarap dukutin ang mata nung lalaki na yun.
"Siya nga pala Migs si Gigi ang kapatid ko na sumunod sakin. Tapos eto naman si Yael ang asawa nya." pakilala Yna. Tapos nakipagkamay sila sakin.
"Miguel Dela Torre. Migs for short." sabi ko habang nakikipagkamay. Gusto ko sanang durugin ang kamay ng lalaki na to kaso nakakahiya naman sa pamilya ni Yna.
Habang nakain kami ay panay tanong ni Yna sa kapatid nyang babae.
"Kamusta ang buhay nyo mag asawa Gigi? Siguro naman nagtino ka na. Dalawa na ang anak mo kaya dapat umayos ayos ka na." sabi ni Yna.
"Matino na ako ate. Nag aalaga ako ng dalawa kong anak. Maayos ang trabaho ni Yael. Mag iisang taon na siya sa DT hotel. Malaki ang sahod nya dun kumpara sa ibang naging trabaho nya." sabi nung Gigi.
"Saan? DT Hotel?" tanong ni Yna. Napatingin naman sakin si Yna.
"Anong trabaho mo dun?" tanong ko dun sa Yael.
"Bellboy Boss." sabi nung Yael. Pinagkadiinan nya ang salitang boss.
"So alam mo? Kilala mo ako?" tanong ko ulit sa kanya. Tumango lang ito.
"Boss mo?" tanong nung Gigi sa asawa nya.
"Oo. Boss nya. Siya kasi ang may ari ng hotel na yun." sabi ni Yna.
"Ay ang yaman pala ng napangasawa mo ate Kath. Sino nga pala yung nasa labas?" tanong ni Gigi. Hindi pala nila kilala si Robert. Bukod tanging si Yna at tatay nya lang ang may alam. Pakiusap kasi yun ng pinsan ni Kath.
"Si Robert. Bodyguard ni Kath." sabi ni Yna.
"Kala ko syota mo na. Kelan ka ba mag aasawa ate?" tanong pa ni Gigi.
"Kapag nakahanap na ako ng papabols." sabi ni Yna.
"Meron na hindi ba? Si kuya Tony?" tanong ni Kath.
"Hindi ko naman sigurado kung seryoso yun eh." sabi ni Yna.
"Pede naman si Robert." biro ni Kath tapos tumawa ng tumawa. Mapang asar talaga tong asawa ko.
"Yuck! Si Tony na lang kaysa sa damuhong lalaki na yan." sabi ni Yna.
"Ayaw mo ng foreigner ate?" tanong nung Gary. Umirap na lang si Yna. Tapos tawa pa din ng tawa ang asawa ko.
"Naku sayang wala yung iba nyo pang mga kapatid. Namimiss ko tuloy yung mga maiingay na yun." sabi ni Kath.
Maya maya ay tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko at nakalagay si kuya Leo. Nagpaalam ako kay Kath na lalabas muna at sasagutin ang tawag. Lumabas ako kung nasan si Robert. Sinagot ko ang tawag.
"Hello Migs?" tanong ni kuya Leo.
"Hello kuya Leo. Kamusta? May balita na ba?" tanong ko sa kanya.
"May na trace ako na lalaking kausap dati ng daddy ni Kath. Tinanong ko sa pinsan ni Kath kaso sabi hindi nya kilala. Maghahanap pa ako ng ibang impormasyon sa tao na yun. Isesend ko pala yung picture na nakuha namin sa CCTV maya maya. Kamusta kayo dyan." tanong ni kuya Leo.
"Wala naman problema." sabi ko.
"Nasa tabi tabi lang ang mga bantay nyo. 24/7 silang nakabantay sa inyo. Salitan mga yun kaya wag kayong mag alala. Kung may problema tawag ka lang agad." sabi pa ni kuya Leo.
"Sige kuya salamat." sabi ko saka pinatay nya ang tawag.
Inaya ko si Robert sa loob pero ayaw nitong pumasok. Mas maige na daw nakaalerto. Pumasok ako sa loob at naabutan ko ang asawa ko na binibigay ng laruan ang dalawang bata. Parehas babae . Isang 3 taon at isang 1 taon. Binigyan ni Kath ng tag isang malaking manika. Tuwang tuwa naman ang mga bata.
"Kuya Migs inom daw kayo nila tatay. Papabili daw sya ng alak." sabi ni Gary.
"Huwag na kayong bumili. Meron kaming binili na alak. Teka papakuha ko kay Robert." sabi ko. Nagdala nga pala ako ng 5 bote ng imported na alak. Chinat ko si Robert tapos binigay nya sakin ang alak bago lumabas ulit.
Ibinigay ko ang alak sa tatay ni Yna. Tuwang tuwa nga ito dahil ngaun lang daw sya makakainom ng ganung alak. Habang nag iinuman kami dumating ang sinend sakin na picture na sinasabi ni kuya Leo. Binuksan ko ito at pinagkatitigan. Hindi ako pedeng magkamali sa nakikita ko. Kinuhanan ko si Yael ng picture ng patago tapos sinend ko kay kuya Leo. Agad naman tumawag si kuya Leo.
"Kuya." sabi ko.
"Imbitahan mo sa hotel mo para makausap. Pupunta ako bukas. Hindi pwede sa bahay ng kaibigan nyo. May nakitang pabalik balik na nakamotor. Kailangan mapangalagaan ang seguridad ninyo." sabi ni kuya Leo sa kabilang linya.
"Madali lang yan. Yun lang ba?" tanong ko.
"Huwag ka muna magbabanggit o kahit sino sa inyo ng tungkol kay Nicolas. Baka mamaya may nakikinig sa inyo. Bulungan mo na lang ang mga kasama mo o itext mo." sabi pa ni kuya.
"Sige naintindihan ko." sabi ko saka pinatay ang tawag.
Nagpatuloy kami sa inuman. Kahit inis ako dito sa Nicolas na ito kakatitig sa asawa ko ay tiniis ko alang alang sa pakay namin. Agad kong tinext ang namamahala sa hotel ko para alamin ang schedule ni Yael. Tamang tama may pasok ito bukas. Bukas ko na sya kakausapin tungkol sa pagkatao nya.
"Siya nga pala iho bakit kayo napadalaw bigla." tanong ng tatay ni Yna.
"Gusto ko po kasing makapagrelax ang asawa ko. Nagiging sakitin na po kasi. Gusto ko pong magstay kami sa probinsya ng ilang araw tapos makapagrelax at makapagsulat din si Kath at the same time. Nagrereklamo po kasi na wala syang masulat. Wala syang inspiration eh naiistress na po kaya inaya ko magbakasyon. Ayaw naman po nya sa ibang bansa kaya sabi ko sa probinsya na lang. Tapos nagsuggest si Yna na dito na lang sa Cebu. Kaya ayun po dito kami napadpad. Pinagbigyan kasi ni Kath si Yna para makadalaw sa inyo." paliwanag ko sa kanila.
"Mabuti naman at dito kayo napunta. Namimiss na namin ang aming panganay at si Kath. Teka bakit hindi nyo kasama ang anak nyo?" tanong ng tatay ni Kath.
"Hindi na po pinasama ng mama ko kasi para makapagpanginga daw po ng maayos ang asawa ko. Naaalagaan naman po mabuti ang anak namin." sabi ko.
"Ah ganun ba? Eh ikaw Yael hindi ba nagnenegosyo ka dati? Anong nangyari sa inyo? Bakit hindi kayo nagsasabi samin?" tanong ng tatay ni Yna kay Yael.
"Medyo naging maselan po ang pagbubuntis ni Gigi. Tapos sumabay pa ng pagkakasakit ng anak kong panganay. Ibinenta ko po ang water refiling station business ko po kasi wala na akong ibang mapagkunan ng pera. Hindi na po kami lumapit sa inyo kasi sabi ni Gigi ay nagkasakit si Inay. Ayaw na po namin na makadagdag pa sa problema nyo." paliwanag ni Yael.
"Kamusta ang bata?" tanong ko.
"Hindi pa matukoy ang sakit. Kailangan namin ipatingin sa espesyalista. Malaking gastusin daw ang kailangan at sa malaking ospital kami need pumunta. Mag iipon muna ako bago ko sya patignan." napailing na lang ako dahil pagtumagal pa na di napapatignan ang bata ay baka lalong lumala.
"May naipon ako konti gamitin nyo muna at baka kailangan nang mapatignan ang bata." nag aalalang sabi ng tatay ni Yna.
"Naku nakakahiya na po." sabi ni Yael.
"Pumunta kayo sa DT hospital. Bibigyan ko kayo ng sulat at ibigay nyo sa namamahala sa ospital. Itatawag ko sa kuya ko angpagpunta ninyo. Tama ang itay nyo baka lumala yan kapag nagtagal pa. Kung hindi kasi matukoy ng ospital dito eh malamang eh malamang hindi simple ang sakit ng anak mo." sabi ko.
"Salamat pero nakakahiya sa iyo. Bakit mo kami gusto tulungan?" tanong ni Yael. Oo nga bakit nga ba?
"Simple lang kasi bata ang may sakit. Isa pa pamangkin ni Yna yan. Kahit hindi ako mag alok ng tulong sa inyo ay alam ko naman na gagawa ng paraan ang asawa ko para tulungan ang bata. Kaysa mastress ang asawa ko ay ako na gagawa ng paraan. Isa pa magagalit ang mama ko at asawa ko kapag nagwalang bahala ako. Ayoko kayang matulog sa sala." sabi ko. Natawa naman sila.
"Kuya ospital nyo yun di ba?" tanong ni Gino. Tumango ako.
"Sa kuya ko ang ospital na yun. Pinamahan kasi kami ng papa namin ng kanya kanyang business. Si kuya Gab ay yung ospital. Si kuya Joseph naman yung DT Architecture tapos sakin ang DT hotels tapos sa bunso namin na si Seb ay ang DT University. Kaya madali kitang matutulungan sa mga problema mo sa pag aaral. paliwanag ko kay Gino.
Maya maya naman ay lumapit na si Kath sa akin. Medyo masama pa din ang pakiramdam nya. Uuwi muna kami sa hotel. Si Yna ay magpapaiwan sa bahay nila.

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    15Rayearth

    nice

    02/09/2025

      0
  • avatar
    DagamiJanice

    Pinagpuyatan ko basahin Hanggang dulo sana kaso ending mabibitin ka Pala 😭😭😭😭😭

    18/04/2025

      1
  • avatar
    LibertyMaxxwel

    hai po kailan po next chapter still waiting po thank u

    22/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata