Homepage/It's Always Been You/
Yna's Family
Migs Pov
Kasalukuyan kaming nasa bahay ng pamilya nila Yna. Magiliw na sinalubong ng pamilya ni Yna si Kath. Mukhang maganda ang naging samahan nila nuon. Nasabi ni Yna sa amin na 7 silang magkakapatid. Tapos si Yna ang panganay at sumusuporta sa kanilang lahat. Yung 3 nyang kapatid na mga sumunod sa kanya ay nagsipag asawa na. Tapos ang natitira sa puder ng magulang nya ay ang 3 mga binatilyo na pinag aaral ni Yna. Naipakilala na kami ni Kath sa magulang ni Yna. Kasalukuyan kaming nasa salas at ibinibigay ni Kath ang mga pasalubong nya. Si Robert naman ay nakatambay sa labas ng bahay.
"Grabe ate Kath ang dami mong pasalubong sa amin." sabi ng isang kapatid ni Yna na si Gary.
"Konti lang yan. Ang tagal ko na kasi hindi nakabisita sa inyo." sagot ni Kath.
"Naku iha baka naman naubos na namin ang pera mo dahil sa mga pasalubong mo. Tapos binilhan mo pa kami ng mga pagkain. Nakakahiya kasi wala man lang kaming napaghanda sa inyong pagkain." sabi ng nanay ni Yna.
"Inay naman para naman akong ibang tao nyan. Ayos lang po iyon. Pamilya na ang turing ko sa inyo kaya paminsan minsan eh gusto ko makapagbigay sa inyo." sabi pa ni Kath.
"Aba eh sobra sobra na ang pagbibigay mo samin. Binigyan mo na ng trabaho si Yna tapos nagbigay ka pa samin ng bahay at lupa." sabi naman ng tatay ni Yna.
"Ano ka ba tay, eh simpleng bagay lang yan kumpara sa pag aaruga at pagprotekta sakin. Kung hindi dahil sa inyo baka napahamak na ako. Tapos hinayaan nyo na lagi kong kasama si Yna kahit na mapanganib. Hayaan nyo na ako itay." sabi ni Kath.
"Sya nga naman itay pabayaan nyo na si Kath kasi nde naman papaawat yang babae na yan. Hayaan nyo susuklian ko ng pag aalaga si Kath at ang kanyang baby. Isa pa mayaman kaya ang napangasawa ni Kath." sabi ni Yna.
"Sira ulo kang bata ka nakakahiya sa asawa ni Kath." sabi ng tatay ni Yna.
"Eh totoo naman kaya nde maghihirap si Kath. Sabi ko nga sa kanya eh ihanap ako ng tulad ni papa Migs para naman makaahon sa buhay." biro ni Yna.
"Aba ay sira ulong bata ka!" galit na sabi ng nanay ni Yna tapos hinampas nya si Yna. Nagtawanan naman kami.
"Naku naman ate gusto mo ba mahighblood si inay? Sya nga pala ate Yna may napili na po akong school pagkagraduate ko. Kaso nagdadalawang isip po ako dahil mahal po ata ang tuition dun." sabi ng isa pang kapatid ni Yna na si Gino.
"Aba saan naman yan? Naku walang mahal mahal sakin lalo pa eh lagi kang may honor. Sige mag apply ka tapos ako bahala sayo. Saan ba yan at mapuntahan natin." proud na sabi ni Yna.
"Ate sa Maynila po. Balak ko nga po na mag apply ng scholarship para naman hindi ka mahirapan. Kaso nag aalala ako sa titirahan ko at gastusin sa ibang mga bagay." sabi pa ni Gino.
"Huwag mong alalahanin yun. Kung kailangan tumambling ni ate magkaroon lang ng maraming pera eh gagawin ng ate. Anong school ba yan at para masearch ko?" tanong ni Yna.
"Sa D.T. University. Gustong gusto ko dun mag aral kasi ang balita ko kapag nakagraduate ka dun eh sila pa tutulong sayo magkatrabaho kaagad." napangiti naman ako. Totoo naman yun. Mahal talaga ang tuition sa school na iyon.
"Hala naku mahal nga dun." nag aalalang sabi ni Yna.
"Teka love hindi ba sa inyo ang school na yun?" tanong ni Kath. Tumango ako.
"Sa amin nga. Actually kay Seb na yun." sagot ko.
"Pwede mo ba ipasok si Gino?" tanong pa ni Kath.
"Oo naman. Gusto mo ba ilibre ko na ng tuition si Gino?" tanong ko. Tumango si Kath.
"Naku iho nakakahiya sa iyo." nag aalangan na sabi ng tatay ni Yna.
"Ayos lang po iyon. Sa kapatid ko naman po iyon eh. Maliit na halaga lang po iyan kumpara sa pag aalaga nyo at paggabay kay Kath. Pamilya na po ang turing ng asawa ko sa inyo kaya ganun na din po ako." sabi ko.
"Kuya, bakit po ang mahal ng tuition fee sa inyo? Totoo po bang pagnakagraduate ako eh ang school mismo ang tutulong magkatrabaho ako." tanong ni Gino.
"Totoo yun. Mahal talaga ang tuition sa school na yun kasi hindi biro ang mga facilities dun. Tapos ang mga prof dun ay mga high class. Kumbaga nagiinvite kasi ang kapatid ko ng mga prof na galing sa mga kilalang school tulad ng Harvard kapag need ng prof na pwede magtrain sa mga student. Kaya naman mahal ang tuition pero matututo ka talaga at magkakatrabaho. Pero madami ka naman pwedeng applyan para mapababa ang tuition fee mo. Meron kasing programa si Seb na para sa mga kapos na estudyante na mag apply ng part time na trabaho tulad na lang ng pagtututor, di kaya librarian at madami pang iba. Kaso kailangan mo imaintain ang grades mo. Tapos pagkagraduate mo pede kang mag apply ng trabaho sa mga business namin. Ginagawa kasi namin priority na bigyan ng trabaho ang mga nakagraduate sa school na yun. Pasasalamat ba sa pagtangkilik nila sa school namin kaya ang daming nag aapply duon para makapasok." paliwanag ko. Nakita ko naman na napangiti ang pamilya ni Yna.
"Oh yun naman pala eh. Sige go go go na." sabi ni Yna.
"Ako din!" sabi naman ni Greg na bunsong kapatid ni Yna.
"Grumaduate muna kayo ng senior high at ayusin nyo ang grades nyo." sabi ni Yna.
"Kaso ate baka matagalan ako sa pag aaral." nag aalalang sabi ni Gino.
"Teka ano ba aapplyan mong course sa college?" tanong ni Kath.
"Gusto ko kasing maging doktor eh. Kaso nag aalala ako sa lahat ng gastusin." sabi pa ni Gino.
"Huwag ka na mag alala. Yung tuition ako na bahala. Ilalagay kita sa scholarship. Tapos yung titirahan mo sa Maynila, eh kami nang bahala ni ate Kath mo. Pwede kang tumira sa dorm o di kaya sa hotel ko. Yung sa internship mo pwede ka sa ospital ni kuya Gab. Tapos sa ibang pangangailangan mo pwede kang mag apply ng trabaho. Pwede na nga kitang ipasok sa hotel ko eh." sabi ko.
"Tama! Naku marami naman pala paraan. Yna huwag mo na alalahanin pa ang gastusin ni Gino. Ibigay mo na lang ang sinasahod mo sa magulang mo at iba pang pinag aaral na kapatid." sabi ni Kath.
"Naku hindi na ako tatanggi pa dyan. Grasya na yan oh." natatawang sabi ni Yna.
"Oh ayan solve na ang problema ko." masayang sabi ni Gino.
"Kami din kuya Migs ha." sabi ni Gary.
"Walang problema. Magsabi lang kayo kay ate Kath nyo at ayusin nyo ang grades nyo para hindi ako mapahiya sa kapatid ko." sabi ko.
"Naku salamat talaga iho." sabi ng tatay ni Yna. Tumango lang ako. Di ako nag aalangan tumulong kasi nakikita ko na mababait talaga pamilya ni Yna.
"Teka asan pala ang tatlo nyong ate?" tanong ni Kath.
"Si Gigi na sumunod kay Yna papunta na dito kasama ang asawa nya. Si Gara may sakit daw ang anak kaya hindi makakapunta. Si Grace naman ay natanggal sa trabaho at wala daw sya pamasahe. Nasa Mindanao na kasi sila ng asawa nya." sabi ni Inay.
"Eh bat di nya sinabi. Sana nabigyan ko ng pamasahe para naman sama sama tayo kahit ilang araw lang." inis na sabi ni Yna.
"Malamang nahihiya na yun ate. Wala kasi silang trabaho mag asawa. Nakikitira lang sila sa pamilya ng lalaki. Napag initan kasi ata sila sa trabaho sa factory kaya ayun. Hindi na sinabi sau kasi madami na daw sila utang sayo." sabi ni Gino.
"Ha! Others ba sila? Naku talagang babae na yan masasabunutan ko talaga sya at masisipa ko asawa nya. Hala tawagan nyo para umuwi dito. Malaki naman itong bahay. Magtinda kung walang mahanap na trabaho." galit na sabi ni Yna.
"Teka kung trabaho lang naman eh pwede kaming tumulong ni Migs. May branch sya ng hotel dito sa Cebu. Love baka pwede mo sila mabigyan ng trabaho. Ano nga pala natapos nila?" tanong ni Kath.
"Highschool lang. Nabuntis kaya hindi na nakapagpatuloy ng pag aaral. Sakit ko talaga sa ulo yung mga kapatid kong babae. Kakaiba kami ano, babae pa ang sakit sa ulo. Buti na nga lang si Gigi tumino nung nagkaasawa. Sampung taon din kasi ang agwat ng napangasawa nya." sabi pa ni Yna.
"Tawagan mo na yung iba nyong ate. Bibigyan ko ng pamasahe o ipapasundo ko para naman sama sama tayo kahit ilang araw lang. Yung anak ni Gara ipacheck up natin sa ospital malapit dito." sabi pa ni Kath.
"Maiba pala ako Yna, napansin ko kasi na panay G ang pangalan ng mga kapatid mo bakit ikaw Y." tanong ko. Nagtinginan si Kath at si Yna tapos nagtawanan sila.
"Duh! Nickname ko lang ang Yna. Pasosyal ba. Ang baho kasi ng pangalan ko eh. Ang daming papangalan bakit Gina pa." sabi ni Yna.
"Anong masama sa Gina?" tanong ko. Nagtataka naman ako dahil tawa ng tawa si Kath.
"Duh! Pagsamahin mo kaya ang pangalan ko tapos apelyido. Ang sagwa. Gina tapos Lao. Katunog ng ginalaw. Tsaka di ba." sabi pa nya tapos natawa ako.
Habang nagkakainan ay dumating ang kapatid ni Yna na si Gigi kasama ang asawa at dalawang anak. Napansin ko na panay tingin ng asawa nung Gigi kay Kath. Hinawakan ko ang kamay ni Kath at saka tinitigan ko yung lalaki. Ngumisi naman ito sakin.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (15)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
02/09/2025
0Pinagpuyatan ko basahin Hanggang dulo sana kaso ending mabibitin ka Pala 😭😭😭😭😭
18/04/2025
1hai po kailan po next chapter still waiting po thank u
22/07/2024
0Tingnan Lahat