Blessy

Kath's Pov
Maaga kaming nagising ni Migs dahil sa darating naming bisita. Tatlong araw na simula ng nakipag usap kami kay kuya Leo. Ngayong araw sila bibisita dito sa bahay at darating din ang pinsan ko mula sa Finland.
"Love, nakatulog ka ba ng maayos? Inumaga ka na sa pagsusulat mo. Kaya mo ba? Gusto mo matulog ka muna ulit. Gigisingin na lang kita kapag nandyan na ang mga bisita." nag aalalang sabi ni Migs.
"Okay lang ako Love, nakatulog naman ako ng mahigit 3 oras. Matutulog na lang ulit ako mamaya. Isa pa excited ako kasi makikilala ko na ang pinsan ko na sumagip sa buhay ko. Kaso nagtataka ako sa sinasabi ni kuya Leo. Mama ko at mama ng pinsan ko ay magpinsan? maharlika din ba si mama niya? Isa pa wala namang royalties sa bansang Finland. Ang gulo ni kuya Leo." sabi ko.
"Halika na sa baba at nang makapag ayos ayos na." sabi pa ni Migs. May bigla naman akong naalala.
"Teka hindi ka pa magaling ah. Kaya mo na ba lumakad lakad?" tanong ko sa kanya.
"Ano ka ba love, kaya ko na. Konti na lang at pwede nang tanggalin ang cemento sa paa ko. Pwede na nga sana kaso pinagtitripan ako ni kuya Gab. Ayaw pa nyang tanggalon kasi tinatamad daw sya." inis na sabi niya.
"Ay talaga hahaha. May ganun palang ugali si kuya Gab. Naku for sure tinuturuan ka lang ng leksyon nun. Minsan kasi matigas ulo mo eh. Halika na nga baba na tayo." pag aaya ko.
Bumaba kami mula sa 3 floor ng mansion. Nandun kasi ang kwarto namin. Yung second floor ay kina kuya Gab, kuya Joseph at sa mga anak nila. Yung 3 floor ay kay Migs at Seb at sa mga anak namin o magiging anak. Maraming kwarto ang mansion. Madalang na magamit ang 2 floor kasi sina kuya Gab at kuya Joseph ay may sarili nang bahay at sa tabi lang ng mansion. Nag uumpisa na nga din magpatayo si Migs ng bahay. Nang makababa kami ay nadatnan namin ang buong pamilya ng asawa ko na. Nandun na din si kuya Leo na may kasamang isang magandang babae at 2 naggugwapuhang bata. Napatingin sakin ang magandang babae at nagsimula itong lumuha. Tumakbo naman ito agad sa akin nung makababa ako ng hagdan at agad yumakap sa akin.
"Salamat at ligtas ka. Natutuwa ako at nakita kita ulit." umiiyak na sabi nya. Napayakap din ako ng mahigpit. Kaya pala simula pa lang masyadong magaang ang loob ko sa kanya.
"Salamat. Salamat sa pagliligtas mo sa akin at sa hindi mo pag iwan sakin simula nung maospital ako. Tatanawin kong malaking utang na loob ito." naiiyak na sabi ko.
"Ano ka ba, pamilya kita kaya lahat gagawin ko para masiguradong ligtas ka." sabi nya.
"Ipagpatuloy na lang natin ang pagkukwentuhan sa dining area. Magsikain na tayo." pag aaya ni mama.
Inaya ko naman si ate Blessy sa hapag kainan. Umupo sya sa tabi ko at katabi namin ang mga asawa namin at mga anak nya.
"Siya nga pala ito si Luther at ito naman si Hunter. Mga anak namin ni Leo." pakilala ni ate Blessy. Ang cute ng kambal, magkahawig sila. Tingin ko nasa 10 taon gulang ito. Humalik naman sa pisnge ko ang kambal.
"Ah yung baby ko na si Zach baka tulog pa. Mamaya ipapakita ko sa iyo." sabi ko.
"Siya nga pala paano ba kayo naging magpinsan? Tama ba ako na may royal blood kayo? Sa pagkakaalam ko walang royalties sa Finland ah." tanong ni ate Jordan habang sinusubuan ang mga anak niya.
"Tama kayo. Sa bansang Netherlands kasi kami talaga nakatira. Yung mga lola namin ang magpinsan at malayong kamag anak namin ang dating reyna duon. Si daddy ko ay isang count at nde isang duke na gaya ng sinabi ni Leo. Pero actually may malayo din kaming kamag anak na duke hahaha. Naguguluhan kasi tong asawa ko pagdating sa pamilya ko." sabi ni ate Blessy.
"Talaga? Eh ano tunay mong pangalan?" tanong ni ate Ella.
"Ako nga pala si Lady Blessy Emery Visser. Anak ako ni Count Thomas Julian Visser. May half brother din ako na si Sir Isaak Markus Visser.  pinsan mo din siya. Ang family mo kasi ay umalis ng Netherlands simula mamatay ang lola mo. Namuhay ng tahimik at simple ang mama mo kasama ang pinsan mong si Henry. Si Henry at ang daddy nito ay miyembro ng isang sikretong organisasyon sa Finland. Para hindi kayo mapahamak ni Mama mo ay lumayo ang pamilya ni Henry sa inyo. Madalang silang makipagkita sa pamilya mo sa Finland. Umalis ang mommy mo at nanirahan sa Pilipinas tapos napangasawa ang daddy mo. Walang nakakaalam sa pamilya mo ang tungkol sa pagkatao mo kundi ang daddy mo lang. Kaya malamang ay hindi mo ako kilala kasi minsan lang kita nakita nung bumisita ako sa Finland at kasama mo ang mommy at daddy mo. Nagbakasyon ata kayo nuon." kwento ni ate Blessy.
"Teka kung may katungkulan si Henry na pinsan nya ay bakit hindi siya matulungan nung kasalukuyang nasa puder si Kath ng uncle nya." tanong ni Migs.
"Bawal kasi makialam si Henry sa Pilipinas o sa ibang bansa. Kaya naman tumawag si Henry sa organisasyon na pinamumunuan ni Leo. Sikreto lang ito. Ngaun bibisita si Henry dahil nabalitaan nya na kasal na si Kath sa iyo Migs. Bilang huling kamag anak ni Blessy dahil namatay na din ang pamilya ni Henry ay gusto lang nyang makasigurado na ligtas ang kaisa isa nyang pamilya." sabi pa ni ate Blessy.
Madami pang kinuwento si ate Blessy habang nakain kami. Nakakatuwa nga eh para kaming matagal nang magkakakilala. Tapos naging magkakilala din ang pamilya nila kuya Leo at ang pamilya ni Migs. What a small world talaga. Ang sarap isulat nito sa susunod kong libro. Nang matapos kami ay nagpatuloy kami ng kwentuhan sa sala.
"Ay talaga? Ikaw si Bobitang manunulat? Fan na fan mo ako! Kita mo nga naman at pinsan pala kita!" sabi ni ate Blessy.
"Naku san damakmak nga ang libro mo sa bahay. Pati mga kasambahay namin at pamilya nito ay binibigyan ng libro mo. Kada bili nya sa bookstore eh mga 20 or more copies. Pinakamadami ay 100 pieces at pinamigay nya nung anniversary dati ng hotel ko." kwento ni kuya Leo. Napangiti naman ako sa kanila.
Nakatanggap ng tawag si kuya Leo na nasa gate na ng mansion ang pinsan ko. Agad naman nila itong pinapasok. Nung magbukas ang pinto ay agad akong lumapit at yumakap kay kuya Henry.
"Kuya Henry! I'm so glad you are here! I miss you!" sabi ko sa kanya.
"I miss you too baby girl or should i call you My lady?" tanong ni kuya Henry habang nakangiti ito.
"Nah! Baby girl is fine. Namiss ko kayang marinig sayo yan. Hahaha." masayang sabi ko.
"Teka ate Kath, tinatagalog mo sya. Baka hindi nya maintindihan. Nakakahiya kung magtatagalog tayo tapos hindi nya maintindihan." sabi ni Seb.
"Don't worry, nakakaintindi siya ng tagalog. Kailangan sa trabaho niya ang mag aral ng iba't ibang language. Lalo pa at sa Pilipinas napatira si Kath." paliwanag ni ate Blessy.
Pinakain muna ni Mama Letty ang pinsan ko at ang mga tauhan nito. Nandun si Robert at ang crush ni Yna na si Walter. Si Robert ay inatasan ni kuya Henry na magbantay sa amin nung umuwi kami ng Finland  at namamahala sa negosyo ko. Hindi naman ganun kapanget si Robert gaya ng sabi ni Yna. Oa lang talaga si Yna. Pero mas gwapo pa talaga si kuya Tony kaysa kay Walter at Robert hahaha. Hindi ko lang alam kung anong nangyari sa kanila. Si Yna ang gusto ay si Walter kaso may asawa na ito.  Crush lang naman daw sabi ni Yna.
"Ay papa Walter! I'm glad you are here! I miss you!" sigaw ni Yna habang nababa kasama si baby Zach.
Ibinigay naman ni Yna sakin ang anak ko at saka hinatak si Walter papuntang garden. Sumunod naman si Robert. Si kuya Henry naman ay nakipag usap kay Migs at kay kuya Leo sa library.
"At eto na ang baby mo? Ang cute! Nakuha nya ang mata mo na blue tapos kamukhang kamukha ng pamilya ni Migs ang baby mo. " masayang sabi ni ate Blessy.
"Oo nga eh. Kulay lang ng mata nakuha sakin. Ikaw din naman eh. Ang gwapo ng mga anak mo. Mana sa daddy nila. Dalawa lang sila?" tanong ko.
"Hindi actually triplets yan. Miracle babies ang mga yan. Lalo na ang angel namin. Panganay siya sa kanila at tagapagligtas ng namin." sabi ni ate Blessy. Kinuwento nya sa akin ang mga pangyayari nung magbuntis sya hanggang sa nanganak siya. Miracle babies nga.
Masaya kaming nakikipagkwentuhan. Inaya nga kami ni ate Blessy na bumisita sa bahay nila at para daw makilala ko ang pamilya ni kuya Leo. Nahiya tuloy ako ng mapagselosan ko pa si ate Lala na kakambal ni kuya Leo. Maya maya naman ay lumabas sila Migs sa library. Lumapit naman si kuya Henry sakin. Hinawakan niya ang pisnge ni baby Zach.
"This is the last time i will meet you. This is for your own good. Take care of your baby. I will miss you and this little boy. Miguel will now take good care of you. You can still contact Robert. He will still manage the company. Tell him what you want with your properties. If you want to sell it or not. I need to go now. Take care." sabi ni kuya Henry. Niyakap naman nya kami ni baby Zach. Bago ito umalis kasama sila ate Blessy at pamilya nito.
Hindi na ako umangal at tanggap ko na ito na ang huli naming pagkikita dahil para sa seguridad ko. Nandyan naman si ate Blessy. Hindi pa din magsink in sa akin ang mga natuklasan ko pero masaya ako at may bago akong pamilya na nagmamahal sa akin. Niyakap naman kami ni Migs at saka bumulong sa akin.
"Ako nang bahala sa inyo. Hindi ko kayo pababayaan ni baby Zach. Gusto mo gawa pa tayo ng isa pang baby Zach? Ay pwedeng baby girl naman?" biro ni Migs. Natigil kami ng makarinig kami ng ingay.
"Sino siya Yna?" tanong ni kuya Tony. Kararating lang nito. Mukhang mag uusap usap sila nila Migs.
"I'm Robert. Yna's future husband." malumanay na sabi nya.
"Ano?" sabay na sigaw ni Yna at kuya Tony. Tumawa naman ako ng malakas. Hindi ko mapigilan ang tawa ko dahil sa reaction ng mukha nila kuya Tony at Yna.
"Bestfriend!" sigaw ni Yna. Naku mukhang galit na ang loka loka. Napansin kong nakatingin silang lahat. Tapos tumingin sakin si Robert at saka kumindat sa akin.
"Love...." malumanay na sabi ni Migs. Inilapit ko ang tenga ko at saka bumulong kay Migs. Sapat lang na siya lang ang makarinig.
"Nagbibiro lang si Robert. Inaasar lang si Yna. Bakla kasi siya." sabi ko. Lumayo naman ako sa tenga ni Migs at humarap sa kanya. Nagtawanan kaming dalawa na ikinalito ng iba naming kasama.
"I object!" sigaw ni kuya Tony na lalong nagpalakas ng tawa namin ni Migs.

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    15Rayearth

    nice

    02/09/2025

      0
  • avatar
    DagamiJanice

    Pinagpuyatan ko basahin Hanggang dulo sana kaso ending mabibitin ka Pala 😭😭😭😭😭

    18/04/2025

      1
  • avatar
    LibertyMaxxwel

    hai po kailan po next chapter still waiting po thank u

    22/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata