Homepage/It's Always Been You/
Back Off
Kath’s Pov
Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari sa akin. Sobra akong busy sa pagpaplano ng pagpupublish ng libro ko at sa gagawin naming mga pakulo. Maghapon kong kausap ang team ko nang makaramdam ako ng gutom. Nagpresinta na akong bumili ng pagkain dahil alam ko naman na pagod na ang team ko. Pagkadating ko sa canteen ay biglang tumahimik ang paligid. Naririnig ko naman sila kanina pa sa labas at alam ko na ako ang pinag uusapan nila. Pumunta ako agad sa counter para umorder at makaalis agad dahil ayokong marinig ang mga sinasabi nila na puro paninirang puri.
“Sobra talagang yabang! Akala mo siya ang may ari ng publishing. Halata mo naman na nilalandi niya si boss Miguel.” sabi ng isang babae. Hindi ko kilala ang mga ito mukhang mga baguhan.
“Oo nga ang yabang. Masyadong mataas ang tingin sa sarili, hindi naman kagandahan.” sabi pa nung isa.
Natawa na lang ako sa mga naririnig ko. Teka manalamin muna siya bago niya ako husgahan. Hindi naman sa pagmamayabang pero kahit naman sino makakakita sa itsura niya ay pagtatawanan siya. Ang kapal kaya ng make up niya lalo na yung foundation niya sa mukha. Nagpatuloy ako na lang ako sa pag order. Wala akong balak patulan sila. Lumapit sa akin ang isang babae at tinabig ako. Hindi ko parin siya pinansin.
“Kita mo napakasama ng ugali, hindi man lang nagsorry.” sabi nung pangatlong babae. Tumaas ang kilay ko at tinignan ko siya.
“Seryoso ka? Kanina pa ako nakatayo dito at naghihintay ng order ko. Hindi ba ikaw ang bumangga sakin?” mataray na sabi ko. Napansin kong nagkakagulo na ang lahat at nag uusyoso. Lakas kasi ng boses ng impaktita na ito. Bagay nga silang magkakaibigan. Parang may mga megaphone ang mga bunganga nito.
“Hindi porket na magaling ka magsulat ay pwede mo nang tapakan ang lahat ng writer dito. Sino ka ba? Ikaw lang ba ang kailangan ipublish ang libro? Bakit hindi mo kami pagbigyan kumita?” sabi nung babae. Nagulat na lang ako ng buhusan niya ako ng kape. Ang isa ko pang kinagulat ay ang pagsulpot ni Migs. Pinupunasan ang damit ko na tinapunan ng babae. Buti na lang hindi na ito gaanong mainit dahil kung hindi ay panay paso na ako.
“Anong nangyayari dito? Sinong may gawa nito sa bagong may ari ng publishing na ito?” tanong ni Migs. Naku eto na po, mukhang malalaman na nila. Papakiusapan ko pa nga lang sana si Migs dahil ayokong may makaalam nito.
“Sir Miguel, hindi po namin kayo maintindihan. May bago pong may ari ang publishing na ito?” tanong nung head editor ng publishing.
“Oo, at si Kath ang bagong may ari ng Blue Publishing. Lahat kayo pumunta sa meeting room. Now!” galit na sabi ni Migs.
Lumabas kami agad ng canteen at nagpunta sa opisina ni Migs. Binigyan niya ako ng pamalit. Buti nalang may tshirt siya doon at pantalon. Nilagyan ko na lang ng sinturon ang pantalon para hindi mahulog sa akin. Tinupi ko din sa ibaba kasi masyadong mahaba sakin. Matangkad kasi ni Migs.
“Anong nangyari Love at binuhusan ka ng kape ng babaeng yun?” tanong ni Migs.
“Hindi ko alam sa kanya. Hindi ko na nga pinapansin nung panay parinig nila sa akin kaso sumobra na nung binangga ako at gusto pa na ako magsorry. Kasalanan ko ba na hindi bumenta mga libro nila?” paliwanag ko.
“Mukhang malaki ang inggit nila sa iyo. Dati mo na bang nararanasan ito?” tanong ni Migs.
“Hindi naman. Kasi nga nagtatago ako di ba. Walang nakakakilala sa akin.” sabi ko.
“Tara na sa meeting room. Makakatikim silang lahat sa akin.” galit na sabi ni Migs.
Nagpunta kami ng meeting room. Pagdating namin doon ay tahimik silang lahat. Pinagmamasdan ko ang mga babae kanina na panay ang parinig sa akin na ngayon ay mga nakayuko. Nandoon lahat ng mga editor, mga writers at iba pang empleyado. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ako sanay sa ganitong atmosphere. Hindi ako sanay na marami ang nakatingin sa akin.
“Hindi ko gusto ang mga nakita ko at narinig. Ganyan ba kayo mag trato sa iba niyo pang mga kasamahan? Ngayong nalaman niyo na si Kath ang may ari ng publishing ay tahimik kayo. Paano kaya kung ordinaryong empleyado ay baka patuloy niyo pa din pagtulungan. Hindi namin kailangan ng bully sa kumpanyang ito. Ano tatahimik na lang ba kayo? Wala ba kayong mga bibig?” galit na sabi ni Migs.
“Sorry po Ms. Kath.” sabay sabay na sabi nung tatlong babae. Tumingin sa akin si Migs na parang sinasabi kung okay na ba sakin ang sorry nila.
“Okay! Sa totoo lang hindi ko nagustuhan ang mga ginawa niyo. Tahimik akong tao at wala sa inyo na nakakaalam ng mukha at pagkatao ko. Ang kilala niyo lang ay si Bobitang Manunulat. Naitago ko ito ng matagal na panahon. Kung ano man ang meron ako yun ay dahil pinaghirapan ko, pinagpuyatan at pinag isipang mabuti ang mga sinusulat ko. Nagsimula din ako sa mababa. Marami akong naisulat na hindi maganda. Marami akong beses na nareject ng editor ko. Pero hindi ako sumuko. Naiinggit kayo sa akin? Gusto niyong mapublish ang mga libro niyo? Pwes eh di magsulat kayo ng maganda. Imbes na magdadadakdak kayo sa iba ay ituon ninyo ang mga sarili nyo kung paano ba mas mapapaganda ang mga sulatin nyo. Kami ng team ko ay nagtatrabaho at nagpapakapagod sa pagpublish ng libro ko.” sabi ko.
“Sorry po Ms. Kath. Hindi na po mauulit.” sabi nung isang babae.
“Dapat lang hindi maulit at hindi ako papayag na may mangyari pang ganito ulit. Noong ang daddy ko ang namamalakad dati dito ay walang ganito. Lahat disiplinado. Walang nagrereklamo kasi fair ang daddy ko sa lahat. Ganun din ang gagawin ko ngayong nabawi ko na ang kompanya na dating pag aari ng daddy ko. Gusto ko lang malaman nyo na lahat ng libro babayaran ko nang naaayon sa mga gawa nyo. Kaya dapat simulan nyo nang magseryoso sa pagsusulat dahil lahat kayo ay may pag asa na ipublish ang libro nyo. Makakaasa ba ako sa magandang samahan natin simula ngayon? Hanggat maaari kasi ay ayaw ko na magtanggal sa inyo. Makakaasa ba ako?” tanong ko.
“Yes Ms. Kath.” sabay sabay na sabi ng mga empleyado ko.
“Mommy, Daddy, nandito na si baby Zach! Ay ang daming tao! Anong meron?” sabi ng kakarating lang na si Yna na buhat buhat ang anak ko. Kinuha ito ni Migs at hinalikan sa pisnge. Nagsimula na naman magbulong bulungan ang mga tao sa meeting room.
“Para naman hindi na kayo magbulong bulungan dyan at mag isip pa nang kung ano ano ay sasabihin ko na ang mga katanungan nyo sa isip. Yes, anak namin ni Migs ang batang ito. Si Migs at ako ay matagal nang magkakilala. Si Migs ang tatay ng anak ko at ang asawa ko. Kaya yung mga babae dyan na nagpapantasya sa asawa ko ay sorry na lang kayo. Back off! Oh ayan open book na ang buhay ko dahil itinuturing ko na kayong lahat na pamilya. Kaya sana ay magkaisa na tayo at magrespetuhan sa kumpanyang ito. Sige na, magsibalik na kayo sa kanya kanya nyong mga trabaho.” sabi ko. Nagsialisan naman isa isa ang mga empleyado ko.
“Ay wow! Ikaw pa ba yan Kath!” Napabuntong hininga ako at saka tinapakan ang paa ni Yna. Minsan talaga ang bunganga nito walang preno. Naseseryoso ako tapos bibirahan niya ng biro. Marami pa namang hindi pa nakakalabas. Malamang narinig naman ito ng ibang empleyado.
“Aray naman Kath! Paa yun ah!” reklamo nya.
“Hindi ka ba nakainom ng gamot? Wala na naman preno yang bunganga mo.” sabi ko.
“Ikaw naman, naninibago lang ako sayo. Makabunganga ka naman. Bibig lang. Nakakapanibago ka kasi. Marunong ka nang magbakod ng sayo. Kita mo ang ngiti ni Migs nang iannounce mong asawa mo siya.” bulong sakin ni Yna. Napatingin ako kay Migs na masayang nilalaro si Zach.
“Eh ano naman. Kaysa matapunan na naman ako ng kape dahil sa mga inggitera at dahil gusto nila si Migs ay mabuti na iannounce ko na lang.” sabi ko kay Yna.
“Ay may ganung pangyayari. Sayang na late ako ng dating. Sana nakalbo ko kung sino man ang gumawa nun sayo.” gigil na sabi ni Yna.
“Wala na. Tapos na. Naayos ko na. Mabuti na lang at wala ka dahil baka lalong lumala. Teka nga bakit ba nandito ka at kasama mo pa si Zach?” tanong ko.
“Hindi kasi namin mapatahan si Zach. Nagdadahilan ata para makita kayo. May isa pa pala akong masamang balita. Nasa news ka kanina. Kilala na nila ang mukha ni Bobitang Manunulat. May mga video at pictures na iba’t ibang lalaki ang kasama mo sa club. Alam ko naman na hindi ikaw iyon at alam ng mga nakakakilala sayo na hindi ikaw yun. Sinisira ni Olga ang imahe mo. Anong gagawin mo ngayon? Dapat ata na gumawa ka na ng aksyon kundi baka hindi lang imahe ang masira sayo pati na ang buhay nyo.” sabi ni Yna. Napaisip ako. Hindi na nga dapat pinapalagpas pa ang mga ganitong bagay. Sino ang naglabas ng imahe ko sa tv. Dapat na ngang malaman ng tao na iba ang Kath sa litrato. Tinawag ko si Migs at lumingon ito agad.
“Migs kailangan kong magpapresscon. May nagkalat ng litrato ko. Pwede mo ba akong tulungan?” tanong ko. Ngumiti naman siya sa akin. Ibinigay ni Migs sa akin si Zach at saka nilabas ang cellphone nya.
“I’m glad you asked. Hintayin nyo ako sa opisina at may tatawagan lang ako.” sabi ni Migs.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (15)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
02/09/2025
0Pinagpuyatan ko basahin Hanggang dulo sana kaso ending mabibitin ka Pala 😭😭😭😭😭
18/04/2025
1hai po kailan po next chapter still waiting po thank u
22/07/2024
0Tingnan Lahat