The necklace

Migs Pov
"Hindi pwedeng sya yan!" napatingin kami ng sumigaw si Kath.
"Sinong sya?" tanong naman ni Yna
Unti unting tumulo ang luha ni Kath. Hinawakan ko ang kanyang pisnge at pinahiran ang mga luha nya ngunit patuloy pa din ang pagdaloy nito. Niyakap ko na lang si Kath at hinaplos ang kanyang likod.
"Ano bang nakikita mo Kath? Tumahan ka na dyan at sabihin mo samin." medyo naiiritang sabi ni Yna.
"Ang braso...... Titigan mo ang braso nya." nauutal na sabi ni Kath. Nanlaki ang mga mata ni Yna at sumigaw.
"Pakshet!!! Si demonyitang Olga! Hindi ko makakalimutan yung peklat nyang yun!" sigaw ni Yna.
"Teka sino si Olga?" tanong ko sa dalawa. Nagtinginan naman si Yna at Kath.
"Si Olga ay ang pinsan ni Kath na mortal enemy ko. Mabait lang siya pagkaharap si Kath at ang mga magulang ni Kath pero sa totoo lang demonyita yan." sabi ni Yna.
"Sobra ka naman makademonyita. Ganun ba katindi ang ugali nyan para sabihan mo ng ganun?" tanong ni Seb.
"Ay naku kung alam nyo lang. Hindi na nga ako magtataka kung kasabwat sya ng mga magulang nya para pahirapan si Kath. Madalas din nya akong pinag iinitan kapag hindi nya nakukuha ang mga gusto nya. Tulad ng hindi pinahiram ni Kath yung kwintas na regalo ng mama nya. Nung lumabas ng kwarto yun ay bigla ba naman akong tinulak sa hagdan. Mabuti na lang at hindi ako gaanong nasaktan. Ay naku kung iisa isahin ko ang lahat ng ginawa sakin ni Olga ay baka nakagawa na ako ng isang buong libro." sabi ni Yna.
"Bakit hindi mo sinabi sakin?" tanong ni Kath.
"Natatakot kasi ako sa mga magulang ni Olga. Hindi ako takot para sa sarili ko kundi para sa mga magulang ko. Hindi lang naman isang beses nila sinaktan ang mga magulang ko. Isa pa ayaw nila tatay sabihin ko sayo at ayaw ni tatay magkagulo kasi baka mawalan sila ng trabaho. Ang kinatatakutan kasi nila tatay eh ang hindi ka mabantayan. Ibinilin ka kasi ng parents mo sa mga magulang ko. Malaki kasi ang utang na loob namin sa parents mo kaya ang pag aalaga sayo Kath ang ginawang daan nila tatay para tumanaw ng utang na loob. Isa pa ang inaalala ko ay baka hindi mo kami paniwalaan. Pinsan mo yun eh at nabibilog ni Olga ang ulo mo." paliwanag ni Yna.
"I'm sorry." sabi ni Kath na patuloy pa din ang pag iyak.
"Naintindihan ka namin huwag kang mag alala. Magaling lang talagang magmanipula ang pamilya ni Olga." sabi pa ni Yna.
"Sigurado ba kayong siya si Olga?" tanong ni mama.
"Sigurado po ako. Hindi ko po malilimutan yung peklat nya sa braso. Ako po kasi ang may gawa nun." sagot ni Yna.
"Anong ginawa mo sa kanya at nagkapeklat sya ng ganyan?" tanong ni Seb.
"Akala kasi ni Olga ako yung nagsusumbong kay Kath na nasa kanya yung kwintas ni Kath. Bata pa lang sila eh pinag iinteresan na ni Olga ang mga gamit ni Kath. Kaya naman sinubukan nya akong ikulong sa attic ng bahay nila Kath. Tinakot nya ako at nagpanggap na multo habang nakakulong ako sa madilim na attic. Wala sila Kath nuon kasi nagbakasyon ito sa Finland. Ang mga magulang ko naman po ay napag utusan ng daddy ni Kath na maglinis sa bahay bakasyunan nila. Kami ni Olga at pamilya nya ang natira sa bahay. Dahil sa sobrang takot ko ng mga panahon na iyon ay nakakuha ako ng isang bagay at pinaghahampas ko sa multo. Sa braso ko ito natamaan at isa pa hindi ko alam na matulis na bagay pala iyon. Sa pagkakaalala ko payong siya na sira. Kaya naman nahiwa ang braso nya. Nakailang hampas din ako at yan ang naging peklat kasi masyadong malalim ito."paliwanag ni Yna.
"Ang galing mong umasinta. Yung peklat nya naging krus. Hahaha!" birong sabi ni Seb.
"Eh anong nangyari pagkatapos? Paano ka nakawala? Nalaman ba ng mga magulang ni Kath at ng magulang mo ang nangyari?" sunod sunod na tanong ni mama.
"Lumabas si Olga na duguan. Hindi ko nga po nakilala si Olga na sya yung multo. Nalaman ko na lang po na sya pala yun dahil sa sugat. Isa pa nung umuwi ang mga magulang ni Kath ay nalaman po nila dahil nagsumbong si Olga sa mga ito. At galit na galit sakin ang parents ni Olga. Pero ipinagtanggol ako ng mga magulang ni Kath. Nung sinabi ng daddy ni Kath na may cctv sa loob ng malaking bahay ay natauhan sila Olga. Pinalayas sila ng daddy ni Kath." paliwanag pa ni Yna.
"Teka nasaan ka nuon. Alam mo ba ito?" tanong ko kay Kath.
"Wala akong kaalam alam dahil nagbakasyon ako sa Finland. Nagpaiwan ako duon ng isang buwan. Wala namang nagsabi sakin ng mga bagay na yun. Nung nagkita kami ni Olga sa school ay tikom ang bibig nya. Hindi nya sakin masabi ang dahilan. Ayoko naman mangulit. Nalaman ko na lang ang lahat ng pinaggagagawa ni Olga at pamilya nito nung mapatira na ako sa pamilya ni Yna." sagot ni Kath.
"Sure ba kayong si Olga yan? At ano ang motibo nya sa panggagaya sa iyo?" tanong ni mama kay Kath.
"Hindi ko po alam ang motibo nila. Magkahawig kami ni Olga pero hindi po ganyan katulad." sabi ni Kath.
"Oo nga mukhang may pinaretoke siya dyan. Gayang gaya nya na kaya ang itsura ni Kath. Para na nga kayong identical twins." sabi pa ni Yna.
Habang nag uusap kami at nanunuod ng cctv ay napansin ko na pumasok yung babae sa kwarto nila Kath habang si Ryan ay nagmamasid sa bintana malapit sa pinto. Nakita naming parang sumigaw si Ryan kaya lumabas ang babaeng kamukha ni Kath at pumasok ito sa kwarto ni Yna. Alam ko ang kwarto nila dahil nuong nabisita ako sa kanila ay napasok ko na ang kwarto ni Kath. Dumating si Yna at nagtalo sila nung babae. Nung makalabas si Yna ay may kinuhang envelope yung babae at dali dali silang lumabas.
"Tingin mo Kath, ano yung nakuha nung kamukha mo?" tanong ko.
"Listahan yan nung mga ari arian ng mga magulang ko na nawawala. Bago mamatay yung attorney ay naibigay sakin yang kopya na yan. Umamin ito na si uncle Shrek ang may kagagawan ng lahat ng pagkawala ng mga ari ariang minana ko sa mga magulang ko. Gagamitin ko sana po itong ebidensya laban sa kanila." sabi ni Kath.
"Bakit parang hindi ka nag aalala? Hindi ba dapat mataranta ka kasi wala nang ebidensya?" tanong ni mama.
"May kopya pa po ako niyan. Yung original po. Ako lang po at si Yna ang nakakaalam ng lahat. Matagal na pong nangyayari samin yan ni Yna. Kaya nga po ako natatakot at panay kami tago ng tago ni Yna kay uncle Shrek kaso palagi nya kaming natutunton." sabi ni Kath.
"Mabuti pala at nadala ko na lahat yung mga alahas mo bago pa sila maghalungkat. Siguro kung nakuha ni Olga yung kwintas mo eh siguradong lagot tayo. Kaya lang paano natin makukuha yung kabiyak nung kwintas eh mukhang malabong makita mo yung lalake. Bakit kasi sa dami dami ng bibigay mo yung kabiyak pa ng kwintas mo." sabi ni Yna. Kumunot ang noo ko.
"Hahaha! Si kuya nagseselos na. Kita mo nakakunot na ang noo. May pinagbigyan ba naman si Kath ng kwintas at lalake pa. Hahaha!" pang aasar sakin ni Seb. Di ko napigilang batukan sya.
"First love ni Kath kaya yun. Sinagip kasi nung batang lalake yung buhay ni Kath. Nakidnap kasi si Kath nung bata pa siya. Eh saktong nandun din yung batang lalake. Pareho silang nakidnap. Tapos nung makatakas sila at natagpuan ng mga pulis, bago sila magkahiwalay ay ibinigay nya yung kabiyak na kwintas sa batang lalake para palatandaan. Isa pa sinabihan kasi nung lalake na papakasalan siya pagtanda nila. Eh landi ng lola mo kaya naman ibinigay nya ito. Biruin nyo nawala ang alaala ni Kath sa ilang bagay at pangyayari pero ang kwintas at ang kwento ng batang lalake ay di nya nakalimutan." natatawang sabi ni Yna. Kinurot naman ito ni Kath sa singit.
"Hinanap mo ba siya?" tanong ni mama. Hindi ko alam kung bakit nabilis ang tibok ng puso ko.
"Hinanap ko po." sabi ni Kath.
"Pamilyar ang kwento na yan sakin. Parang narinig ko na din yan. Teka, saan ko nga ba narinig?" tanong ni Seb sa sarili nya.
"Teka yan ba yung suot mo?" tanong ni mama at tumango si Kath.
"Opo yun nga po." sagot ni Kath.
"Pamilyar talaga ang kwintas. Nakita ko na siya pero hindi ko alam kung saan. Ipakita mo nga ulit." sabi ni mama. Natatakluban kasi nung damit ang kwintas ni Kath.
Inilabas ni Kath ang kwintas at laking gulat ko nang makita ko ito. Napatakbo ako sa kwarto ko at may kinuha. Dali daling bumalik ako pumunta ako sa harap ni Kath.
"Nakakagulat ka naman. Bakit ba bigla ka na lang tumakbo?" tanong ni Kath. Binuksan ko ang kahon na dala ko.
"Pakshet!" sigaw ni Yna.
"Ikaw!" sigaw naman ni Kath.
"I knew it! Kaya pala iba ang nararamdaman ko sayo. It's always been you, Kath" masayang sabi ko.

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    15Rayearth

    nice

    02/09/2025

      0
  • avatar
    DagamiJanice

    Pinagpuyatan ko basahin Hanggang dulo sana kaso ending mabibitin ka Pala 😭😭😭😭😭

    18/04/2025

      1
  • avatar
    LibertyMaxxwel

    hai po kailan po next chapter still waiting po thank u

    22/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata