logo text

Telling the reason

Migs Pov
Nag iiiyak si Kath ng magising. Agad namang lumapit si Yna at pinatahan si Kath. Matagal din bago mapatahan ito.
"Ano bang nangyari sayo at nagkaganyan ka na naman." tanong ni Yna.
"Natatakot ako Yna. Nagkita na naman kami ni uncle Shrek. Natatakot akong matunton nya tayo." natatarantang sabi ni Kath.
"Huwag kang mag alala. Tutulungan tayo ni Migs at nang pamilya nya." sabi ni Yna.
Tumingin si Kath ng may pag aalala sa amin. Lumapit ako kay Kath at hinawakan ko ang mga kamay nya. Malamig ang mga kamay nito. Namumutla din ito. Humarap ito sakin at saka ako nagsalita.
"Duon muna kayo mamalagi sa mansion. Safe kayo duon. Alam mo naman kung gaano kahigpit ang security duon. Tutulungan ka namin Kath kaya mapanatag ka. Kung maaari sana ay pagkatiwalaan mo kami. Pwede bang sabihin mo sa amin ang nangyayari sayo? Para naman matulungan ka namin ng maayos." sabi ko
"Madadamay kayo." sabi nya.
"Simula ng makilala kita Kath ay may pakialam na ako sayo lalo na ngayong may anak na tayo. Damay na talaga ako at hindi ako papayag na may mangyari sa inyo. Priority ko ang kaligtasan ninyo." sabi ko.
"Sige na Kath. Ayaw mong sabihin sa akin at sa pamilya ko ang lahat nang nangyayari sayo dahil madadamay kami. Alam namin wala kaming kalaban laban sa tito mo pero ngayon nandyan na sila Migs at alam ko na kaya ka nila tulungan. Parang awa mo na ayoko nang makita kang ganyan palagi. Taon taon tayong nagpupunta sa cruiseship at sinasamahan kita dahil alam kong may malalim kang dahilan. Pero sana naman ngayon ay sabihin mo na sa amin." nagmamakaawang sabi ni Yna.
"Bigyan nyo pa siya ng konting oras baka hindi nya maipaliwanag ng maayos ang mga sasabihin nya. Pakalmahin muna natin. Mas maganda siguro sa mansyon na tayo mag usap para kasama sila mama, papa at buong pamilya." sabi ni kuya Gab.
Ginawa namin ang sinabi ni kuya. Pumayag naman si Kath na umuwi sa mansion at kasama si Yna. Napagkasunduan namin na si Yna na lang ang kukuha ng mga gamit nila Kath kasama si kuya Tony para din naman ligtas si Yna. Hindi ko alam kung gaano kadelikado ang sitwasyon pero mas maige na ang handa para sa kaligtasan nila.
Bumiyahe kami papuntang mansion. Iisang kotse lang ang ginamit namin. Si kuya Gab ang nagdadrive at ako nasa harap din. Sila Kath, Zach, Jenny at Yna ang nasa likod. Naging kalmado naman si Kath sa palagay ko kasi medyo nababawasan na ang panginginig nito at hindi na siya maputla. Nang makarating kami sa mansion ay napamura si Yna.
"Ano ka ba! Bunganga mo! Marinig ng anak ko ang mura mo." saway ni Kath.
"Grabe kayo. Alam kong malaki pagsinabing hacienda pero ang lupain nyo malaking malaki. Nakakalula." manghang sabi ni Yna.
"Nakikita mo ba yung nasa harapan? Yun yung mansion. Yung medyo maliit dun sa kanan ay kay kuya Gab na bahay." sabi ko.
"Holly shit! Mansion yan? Kala ko palasyo tapos may bababang hari at reyna. Grabe kayo! Kayo na ang mayaman. Bakit naman kasi nagsabog ng kayamanan ang Diyos ay sinalo nyo nang lahat. Di man lang kayo nagtira sa mga katulad kong dukha." biro ni Yna. Nabatukan naman siya ni Kath.
Natawa na lang kami sa reaction ni Yna. Sabagay kapag may bisita ay ganyan din sila magreact. Nang makarating kami sa mansyon ay bumungad ang buong pamilya namin. Kinarga agad ni papa si Zach at si mama ay niyakap si Kath. Hindi naman napigilan ni Kath na umiyak.
"Tahan na. Huwag kang mag alala nandito kaming lahat para sayo. Pamilya na tayo." sabi ni mama kay Kath.
"Naaalala ko po kasi ang mga magulang ko huhuhu..." umiiyak na sabi ni Kath.
"Sabi ko naman sayo ay ituring mo na kami ni Emilio na mga magulang mo. Halika na at pumasok na tayo. Sa sala tayo mag usap usap. Naitawag na sa amin ni Gabriel ang nangyari." sabi ni mama. Tumango lang si Kath.
Nagpuntahan ang lahat sa sala. Naglapag si mama ng mga juice at cookies para sa aming lahat. Kumpleto kami. Ang mga bata ay dinala sa playroom kung saan laging natambay ang mga bata kasama ng mga yaya nila. Sinadya ni mama na ipagawa yun para sa mga apo nya. Naupo kami lahat sa sala. Katabi ko si Kath at si mama naman ay nasa kabilang gilid ni Kath.
"Kaya mo na bang magkwento sa amin? Kung hindi ka pa handa ay pwede naman natin pagpaliban ang pag uusap." sabi ni mama.
"Kaya ko na po. Kaso lang po nag aalala po ako dahil madadamay po kayo sa problema ko." sabi ni Kath.
"Huwag kang mag alala samin. Kaya namin pangalagaan ang mga sarili namin at ang lahat ng taong mahahalaga sa amin." sabi ni papa.
"Marami din kaming koneksyon na makakatulong sa problema mo kung sakali. Nandyan si kuya Tony na isang abogado at may ari ng security agency. Pede din syang hacker hahaha." masayang sabi ni Seb.
"Umpisahan mo nang magkwento. Kahit ako na matagal mo nang kasama ay wala akong kaalam alam sayo." sabi ni Yna.
"Naaksidente po kami ng mga magulang ko. Wala po akong masyadong matandaan sa nangyari. Nawalan po ako ng alaala nung magising ako sa ospital. Nagpapabalik balik ako sa cruiseship kung saan ko nakita si Migs dahil gusto kong maalala ang lahat ng nangyari nung naaksidente kami. Ang sabi lang po kasi ng uncle Shrek ko at ng asawa nya ay ako ang may kasalanan kung bakit naaksidente ang mga magulang ko pati na ang pinsan ko na anak ni uncle Shrek. Hindi malabong kasama ko ito dahil lagi kaming magkasama kapag nagcucruise kami na pag aari ng ama ni daddy." kwento ni Kath.
"Kung magkapatid ang uncle mo at papa mo eh bakit magkaiba sila ng apelyido?" tanong ni kuya Joseph.
"Magkapatid po sila sa ina. Anak po ni grandma sa pagkadalaga si uncle. Nagahasa po daw ang grandma ko bago sya nakasal kay grandpa. Siguro po 5 years old na po si uncle Shrek bago makasal ang grandparents ko. Kaya Mercado po ang apelyido nya. Ayaw pong gawing Pineda ng grandparents ko si uncle Shrek. Hindi ko po alam ang dahilan. Apelyido po ng grandma ko ang dala nya. Kaya kinaiinggitan po ni uncle Shrek si daddy dahil lahat ng ari arian ay ibinigay kay daddy." paliwanag ni Kath.
"Sa inyo ba yung cruiseship? Paano nabenta ng uncle mo ito at ang Blue publishing company?" tanong ko.
"Sa daddy ko po talaga yun. Nang mamatay ang grandparents ko ay kay daddy binigay ang lahat ng ari arian. Nagbigay naman po sila sa uncle ko kahit papaano. Yun po ang farm ng mga Mercado. Nang naaksidente po ang magulang ko ay nakagawa po ito ng last will. Nakapangalan po sa akin lahat. Dahil minor ako at si uncle lang ang natitira kong kamag anak ay nagkaroon sila ng access sa mga ari arian ko. Bata pa po ako kaya wala akong alam sa nangyayari. Nang tumungtong na ako sa tamang edad ay nalaman kong naibenta nang lahat ang ari arian namin. Pati ang pera ko sa bangko ay simot." paliwanag pa ni Kath.
"So naghirap ka? Walang natira sayo na kahit ano?" tanong ni ate Ella.
"May naiwan pong mga alahas at mahahalagang gamit sakin sina daddy. Parang alam po nila ang mangyayari. Naipagkatiwala po ito sa mga magulang ni Yna. Binigay ko na sa pamilya ni Yna ang bahay at lupa sa Cebu. Tapos itinira ko po ang natitirang pera at alahas sa sarili ko." paliwanag ulit nya.
"Ang galante mo naman. Namigay ka ng bahay at lupa. Pero paano ka nabuhay. At saan ka tumitira?" tanong ni ate Jordan.
"Kaya ako nakapagbigay ng bahay at lupa kina Yna dahil bilang pagganti sa lahat ng kabutihan nila. Hindi nila pinag interesan ang mana ko at sa halip ay inalagaan nila ang bahay at inintay nilang tumungtong ako sa tamang edad bago isoli sakin. Malakas po ang loob kong ibigay sa kanila dahil meron pa po akong minana sa pamilya ng mommy ko sa Finland. Sapat na po iyon sa akin. Ang Blue publishing lang po ang gusto kong mabawi dahil gusto po ni daddy na ako ang mamahala nito. Duon po kasi sila nagkakilala ni mommy kaya mahalaga sa kanila ito." kwento ni Kath.
"Saan nagsimula ang trauma mo? At bakit ka natatakot sa uncle mo?" tanong ni kuya Gab.
"Nang nawala sina mommy at daddy ay sa kanila ako ibinilin ng abogado. Dahil kamag anak ko daw sila. Isinisisi nila sa akin ang pagkawala ng pinsan ko na anak nila pati ang pagkawala ng mga magulang ko. Pinagbubuhatan po ako ng kamay ng uncle at auntie ko kapag hindi ako pumirma sa mga papeles para maibenta nila ang mga ari arian. Nuon sa tuwing hindi ako pumapayag na pumirma ay may ginawa silang hindi maganda. Naaksidente po ang tatay ni Yna at sila ang may kagagawan. Ang cruiseship at Blue publishing ang hindi maibenta benta ni uncle Shrek dahil nakalagay sa last will na kapag 18 lang ako ay saka pwedeng ibenta ito kung gugustuhin ko. Walang sinuman ang makakagalaw nito. Pero hindi ko alam kung papaano nya naibenta ang mga ito ng wala akong kaalam alam." sabi ni Kath.
"Grabe naman pala ang uncle Shrek mo. Teka bakit ba uncle Shrek tawag mo dun? Di ko mapigilan matawa sa pagbanggit mo nun." tanong ni Jenny.
"Kamukha kasi ni Shrek ang uncle nya." sagot ni Yna.
"Maige pa Gab tawagan mo si Tony. Para sa mga legal action na pwedeng gawin. Para mabawi ang cruiseship at Yung publishing company." sabi ni papa.
"Hindi ko na po hahangarin ang cruiseship. Ang Blue publishing lang po ang gusto ko." sabi ni Kath. Napatingin naman sila sa akin.
"Hindi na kailangan Pa. Ako ang nakabili nung mga iyon. Ipinangalan ko na kay Zach ang Blue publishing at siyempre si Kath ang mamamahala." sabi ko. Nanlaki ang mga mata ni Kath at napaluha ito.
"Thank you! Babayaran kita. Sabihin mo lang kung magkano." sabi ni Kath sakin.
"Hindi naman pera ang gusto kong ibayad mo." nakangiting sabi ko.
"Ano?" sabay sabay nilang tanong.
"Bayaran mo ako ng sagot na oo o yes kapag handa ka nang magpakasal sakin." ngiting sabi ko. Nahampas tuloy ako ni Kath sa gulat nya.
"Yun oh! Dumada moves si kuya Migs." biro ni Seb.
"Boto na ako sayo! Yes na Kath!" kantyaw ni Yna.
"Magtigil kayo! Hayaan muna natin si Kath na makapagpahinga. Hindi biro ang mga ikinuwento nya at ang balikan ang mga masasamang nangyari sa kanya. Ihatid ko na sila sa guest room." sabi ni mama.
Umalis sila mama at ang mga babae. Kaming mga lalaki ang natira.
"Tawagan mo na si Tony para mapagplanuhan ang gagawin sa uncle Shrek ni Kath." sabi ni papa. Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni papa imbes na magseryoso.
"Pati ba naman ikaw papa nakikitawag ng uncle Shrek." natatawang sabi ni Seb.
"Nahawa kasi ako kakatawag ni Kath. Hahaha!" natatawang sabi ni papa.
"Magseryoso na tayo." sabi ni kuya Joseph. Tumango naman ang lahat.
"Dapat malaman muna natin ang nangyaring aksidente." sabi ni kuya Gab.

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    15Rayearth

    nice

    02/09/2025

      0
  • avatar
    DagamiJanice

    Pinagpuyatan ko basahin Hanggang dulo sana kaso ending mabibitin ka Pala 😭😭😭😭😭

    18/04/2025

      1
  • avatar
    LibertyMaxxwel

    hai po kailan po next chapter still waiting po thank u

    22/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata