Homepage/It's Always Been You/
Trauma
Migs Pov
Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito si Kath. Nakatulala lang siya mula kanina at umiiyak. Mabuti na lang at nakatulog si Zach dahil hindi ko alam kung paano sila aasikasuhin. Mabuti at nakisama ang anak ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kanina kaya tinawagan ko si kuya Gab. Dumating naman ang mga kapatid ko pati na din sina ate Ella at ate Jordan. Hindi nagsalita si Kath kanina kahit tinatanong siya nila ate Ella. Parang may kumurot sa puso ko habang nakikita si Kath na ganun.
"Tulog na si Kath. Pwede mo na bang iexplain samin ang nangyari? Mukhang may trauma si Kath." sabi ni kuya Gab.
"Trauma?" tanong ni ate Ella.
"Mukhang nga. Parang ganyan si Jordan dati." sabi ni kuya Joseph.
"Tara dun tayo sa couch. Baka magising pa sa ingay natin si Kath. Iwanan na lang nating bukas ang pinto ng kwarto." sabi ko.
Nasa loob kasi kami ng kwarto sa opisina ko kung saan namin inihiga si Kath. Binigyan ito ng pampatulog ni kuya Gab. Sa kwarto na yun duon ako madalas natutulog kapag subsob ako sa trabaho. Lumabas kami ng kwarto at naupo sa couch.
"Kausap ko kanina ang isa kong kliyente. Siya yung nagbenta ng cruiseship sa akin. Habang nag uusap kami eh dumating si Kath galing sa mall. Uncle pala ni kat si Mr. Mercado. Nung makita pa lang ni Kath ang uncle nya eh nanginig na ito. Nung makalabas si Mr. Mercado ay nagsimula na siyang umiyak. Wala din nababanggit si Kath na kahit ano sakin. Nung tinawagan namin si Yna ay halata mo ang pag aalala sa boses nito at sinabi na bantayan ko maige si Kath at huwag kong iwan. Kahit ako naguguluhan. Pauwi na nga pala si Yna. Siguro siya ang makakapagpaliwanag ng lahat." paliwanag ko.
"Mukhang ngang si Yna lang makakasagot sa mga tanong natin." sabi ni ate Jordan.
"Bakit naman nagpunta si Mr. Mercado dito? Teka marami nang bad record yung tao na yun. Nakipagdeal ka sa kanya?" tanong ni kuya Joseph.
"Hindi! Gusto nya ibenta ko sa kanya ang Blue publishing company." sagot ko.
"Oh yung bago mong bili na kompanya kung saan nagtatrabaho si Bobitang Manunulat. Bakit naman nya gustong kunin." tanong naman ate Ella.
"Sabi ni Mr. Mercado ay sa kapatid nya daw ito. Tapos naalala ko may nabanggit si Kath na sa daddy nya ito kaya gusto nyang bilihin. Binenta lang daw ng uncle nya. Natawa nga ako sa tawag nya sa uncle nya, uncle Shrek daw sabi nya kay Yna kanina." sabi ko.
"Magkapatid? Bakit hindi magkaapelyido?" tanong ni Seb.
"Ewan natin. Malay mo anak sa labas. Masama ugali eh." sagot ni ate Ella.
"Anong plano mo kuya Migs?" tanong naman ni Seb.
"Balak ko muna dito pansamantala habang inaalam ko muna ang mga bagay bagay." sabi ko.
"Bakit hindi mo iuwi sa bahay. Tutal malaki naman ang mansion. Matutuwa si mama at isa pa safe sa mansion." sabi ni kuya Gab.
"Malaman ko. Gusto ko muna makausap si Yna. Siya nga pala kuya, nasan si kuya Tony? Kailangan ko ang serbisyo nya." sabi ko.
"Naku ayun tulog na. Lasing na lasing na. Ginawang tubig ang alak." biro ni Seb.
"Sumunod ka?" tanong ko kay Seb.
"Oo. Akala ko nga nandun ka na." sabi sakin ni Seb.
"Bukas mo na kausapin si Tony kapag nasa katinuan na." sabi ni kuya Gab.
"Naku nagchat si Jenny. Masama daw ang panahon kaya hindi sila makakabiyahe. Baka bukas pa daw ng umaga sila makasakay ng eroplano." sabi ni ate Jordan.
"Kung ganun ay umuwi muna kayo. Bukas na lang tayo mag usap usap." sabi ko.
"Okay ka lang ba dito? Uwi na lang kayo sa mansion. Mas safe kayo duon." nag aalalang sabi ni kuya Joseph.
"Pag nagising siguro si Kath. Okay lang naman kami." sabi ko.
"Maige pa maiwan na lang ako. Kayo na lang muna ang umuwi. Para mabantayan ko ang kalagayan ni Kath." sabi ni kuya Gab.
"Oo nga. Nag aalala din ako kay Kath kapag nagising. Mabuti nang may doktor na titingin. Sige mahal ko alis na kami. Iniintay na ako malamang ng kambal." paalam ni ate Ella.
Nagpaalam sila isa isa at saka umalis. Naiwan kami ni kuya Gab sa sala ng aking opisina. Busy si kuya Gab sa pagkalikot ng laptop ko.
"Kamusta yung nagtatraydor sa kompanya mo? Nahuli mo na ba?" tanong ni kuya Gab.
"Hindi pa. Medyo parang sanay sila sa ganung gawain. Walang mga bakas. Pero ramdam ko na mahahanap ko din ang traydor sa kompanya ko." sabi ko.
"Ahhhh!!!!!" agad kaming tumakbo sa kwarto ng makarinig kami ng sigaw. Lumapit ako agad kay Kath na namumutla at naliligo sa pawis. Sigaw ito ng sigaw. Niyakap ko agad siya ng mahigpit.
"Mommy, Daddy, sorry!!!!! Sorry!!!!" paulit ulit na sigaw ni Kath. Agad naman na tinignan ni kuya ang kalagayan ni Kath.
"Bibigyan ko ng pampakalma si Kath. Mukhang malalim ang trauma nya." sabi ni kuya Gab. Binigyan ito ng pampakalma at ilang sandali pa ay nakatulog itong muli.
"Mukhang hindi maganda ang nangyari sa kanya. May nababanggit ba sayo si Kath tungkol sa magulang nya? Mukhang yun ang dahilan ng trauma nya." sabi ni kuya Gab.
"Nabanggit nya lang na naaksidente sila ng magulang nya. Yun lang ang nabanggit nya sakin. Baka si Yna ang makakapagsabi satin ng lahat." sagot ko.
"Kailangan mapagamot si Kath. Mas makabubuti na dalhin mo siya sa isang Psychologist." sabi pa ni kuya Gab.
"Naisip ko na yun. Pero tulad ng sabi ko, kailangan ko munang makausap si Yna." tumango si kuya sa sinabi ko.
Nang mapansin namin na kalmado na si Kath at mahimbing na natutulog ay bumalik kami sa sala ng aking opisina. Nahiga si kuya Gab sa sofa samantalang ako ay bumalik sa trabaho ko. Agad naman akong tumigil sa pagbabasa ng mga papeles dahil hindi ako makaconcentrate dahil sa pag iisip sa nangyayari kay Kath. Mabuti na lang ay sinilip ko ang mag ina ko dahil nakita kong gising si baby Zach. Agad ko tong binuhat at inilabas ng kwarto. Naupo ako muli sa pwesto ko kanina. Kinandong ko si baby Zach at saka ko sya nilaro.
"Baby, what happened to your mommy?" parang tangang tanong ko sa bata. Alam ko naman na hindi ito makakasagot. Pero ngiting ngiti si baby Zach habang hinahawakan ang mukha ko.
Nilibang ko ang sarili ko sa pag aalaga kay Zach at pansamantalang nalimutan ko ang pag aalala kay Kath. Pinadede ko na rin ito. Buti na lang at naalala ko ang bilin ni Kath sa pagtimpla ng gatas ni Zach. Hindi ko namalayan na umaga na pala.
"Nasaan si Kath?" tanong ni Yna na kararating lang kasama si Jenny.
"Nasa kwarto tulog. Binigyan ng pampakalma ni kuya Gab kaya nakatulog ng maayos. Maupo muna kayo at nang mapag usapan natin ang nangyayari kay Kath." sabi ko. Tumayo naman si kuya Gab at umayos ng upo sa sofa.
"Naku pasensya na kuya Gab at nagising ka namin. Sobrang nag aalala kasi itong si Yna." paumanhin ni Jenny.
"Okay lang, don't worry. Gusto ko din malaman ang sitwasyon ni Kath. Hindi nyo ba ito dinala sa isang psychologist? Mukhang malalim ang trauma nito." sabi ni kuya Gab.
"Oo nga, ano bang nangyari sa kanya? Bakit panay banggit nya sa magulang nya at panay ang sorry?" tanong ko kay Yna.
"Una sa lahat wala din akong masasabi sa inyo kundi ay ang naaksidente sila ng magulang nya. Sinagip daw siya ng magulang nya kaya siya nakaligtas. Bukod dun ay wala na. Pangalawa ay matagal nang nagpupunta sa isang psychologist si Kath. Umpisa pa lang nung bata siya. Ang uncle Shrek nya at ang asawa nito ang nasama sa kanya. Sa totoo lang duda ako sa doktor na yun kasi hindi naman nagaling si Kath. Ewan ko ba kay Kath kung bakit pa siya nagtitiwala sa taong yun." paliwanag ni Yna.
"So matagal na palang nararanasan ito ni Kath. Pero nagtataka lang ako bakit kapag kausap natin siya ay sobrang masayahin nya. Hindi mo makikita na may pinagdadaanan ito. Isa pa nakakapagsulat siya ng magagandang libro." sabi ni Jenny.
"Ganun naman talaga ang mga may trauma o may pinagdadaanan sa buhay. Ang alam ko ay itinatago nila ang mga masasamang pangyayari sa buhay nila sa likod ng mga ngiti. Mabuti pa ay magrerecommend ako ng magaling na psychologist. Pwede ding psychiatrist kung kinakailangan. Mabuti pang huwag na siyang bumalik sa dating psychologist nya." sabi ni kuya Gab.
"So anong plano ngaun?" tanong ni Jenny.
"Kadalasan kapag ganito si Kath ay inuuwi ko sa Finland si Kath. Kaso kung magpapagamot si Kath ay hindi muna kami aalis. Ang Blue publishing company lang naman ang pakay nya kung bakit kami bumabalik dito sa Pilipinas. Mas maige nang lumipat kami ng bahay para safe. Kinukutuban kasi ako na nahanap na ni Shrek ang bahay ni Kath." paliwanag pa ni Yna.
"Kung wala kayong matutuluyan ay pwede muna kayo sa mansion. Safe na safe duon. Hindi kayang pasukin ng uncle nya ang hacienda Dela Torre." sabi ni kuya Gab.
"Pwede ba? Hindi ba magagalit ang pamilya nyo? Baka madamay pa kayo sa problema namin ni Kath" nag aalalang tanong ni Yna.
"Pamilya ko na sila Yna. Anak ko si Zach at ina si Kath ng anak ko. Priority ko ang kaligtasan nila. Huwag kang mag alala mas magiging masaya ang pamilya ko." sabi ko.
"Ang sarap naman pakinggan. Mapapasana ol ka na lang. Meron pa bang tulad nyo na natitirang single. Pakilala nyo naman ako. Nakakainggit si Kath." natatawang sabi ni Yna. Binatukan ito ni Jenny.
"Teka lang bakit ba sobrang gustong gustong mabawi ni Kath ang Blue publishing company?" tanong ni Jenny.
"Sa magulang nya kasi ito. Inihabilin ito ng daddy nya sa kanya. Duon nagkakilala ang mga magulang nya. Si daddy nya ang nagtayo ng kompanyang yun at ang mommy nya ay isang editor. Kaya sobrang mahalaga kay Kath ito. Kaya Migs pwede bang ibenta mo na lang sa kanya ito para naman mabawasan ang alalahanin nya sa buhay." pakiusap ni Yna sakin.
"Don't worry matagal ko nang inilagay sa pangalan ni baby Zach ang kompanya at si Kath ang gusto kong mamahala." sabi ko.
"Wow sana ol talaga! Di bale konting kembot na lang ay sasagutin ka na ni Kath." sabi ni Yna.
"Paano mo naman nasabi?" tanong ko.
"Hindi mo ba nararamdaman? The fact na pumunta siya sayo ay malaking sensyales na ito. Isa pa kita namin sa mukha nya na nag aalala ito kaya nagpresisnta ito na maghatid ng papeles." sabi ni kuya Gab.
"Oo nga. Namiss ka nga nya nung hindi ka nagpapakita sa kanya. Hindi kaya makapagsulat yun ng maayos." nakangiting sabi ni Yna.
"Paano ba yan, nakakaamoy na ako ng kasalan. Abay ulit ako ha!" masayang sabi ni Jenny.
Napangiti ako sa sinabi nila. Sana nga ay totoo ang sinasabi nila. Wala na akong mahihiling pa kung kami ang magkakatuluyan. Sisiguraduhin kong gagawin ko ang lahat para maging ligtas ang mag ina ko.
"Da..... Da....." masayang sabi ni baby Zach.
"Naku mukhang masaya ang baby nyo. Aba baby Zach, marites ka na rin ba? Sobrang tahimik mo at kanina ka pa nakikitsismis dyan. Nalimutan na nga ng daddy mo na hawak ka nya." nagtawanan kami sa sinabi ni Yna. Tama sya nakalimutan ko nga si baby Zach na hawak ko pala. Tahimik kasi.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (15)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
02/09/2025
0Pinagpuyatan ko basahin Hanggang dulo sana kaso ending mabibitin ka Pala 😭😭😭😭😭
18/04/2025
1hai po kailan po next chapter still waiting po thank u
22/07/2024
0Tingnan Lahat