Homepage/It's Always Been You/
The fake Kath
Migs Pov
"Hindi talaga ako yun Migs. Maniwala ka. Hindi nga ako nalabas ng bahay kaya paano ako makikipagkita kay Ryan. Isa pa lagi kong kasama si Yna o sila Ella at Jordan." paliwanag ni Kath. Lumapit ako kay Kath at hinawakan ko siya sa pisnge.
"Naniniwala ako sayo love. Alam kong hindi ikaw yun. Di ba sinabi ko sayo nuon na may naging girlfriend ako at nagpanggap na Kath. Malamang siya yun. Kamukhang kamukha mo kasi." sabi ko.
"Pero sino siya? Bakit siya nagpapanggap na ako? Naguguluhan na ako." takang sabi ni Kath.
"Wala ka bang kapatid? O sabihin nating kakambal?" tanong ko. Maski ako nagtataka na din.
"Wala. Mag isa lang talaga akong lumabas sa mommy ko. Isa pa kung meron man, walang dahilan ang parents ko na ipamigay siya dahil may kaya kami at kayang buhayin kaming magkapatid. Kung katulad ni Jordan na nawala o dinukot eh hahanapin siya ng parents ko at sasabihin din nila sakin ang mga bagay na yun." paliwanag ni Kath.
"May punto ka dun." sabi ko.
"Sobrang hawig ba namin? Nagcucurious ako sa itsura nya." sabi ni Kath.
"Magkamukha talaga kayo. Konti lang ang pinagkaiba nyo. Sa boses pero slight lang ang difference. Ang magkaiba ay ang kulay ng mata nyo. Dati nagcocontact lense sya ng kulay blue kaya paniwalang paniwala ako. Nahuli ko siyang nagtanggal nito at sabi sakin matagal nang brown ang mga mata nya. Gusto nya lang magkaroon ng blue na mga mata kaya nagcontacts sya." sabi ko.
"Paano mo nalaman na hindi ako yun?" tanong nya. Ngumiti ako.
"I have my ways. Saka mo na malalaman kapag kasal na tayo. Hahaha!" masayang sabi ko. Hinampas nya naman ako.
"Ikaw talaga ang loko mo. Di pa nga kita sinasagot eh tapos kasal agad." sabi nya.
"Siyempre kapag sinagot mo ako eh kasal agad. Saan pa ba papunta yun. Anyway bakit ka nga pala nandito?" tanong ko.
"Ah oo nga pala. Pinadala ni Gab itong mga papeles. Importante daw ito. Hindi sila makakapunta kaya ako na nagprisinta na magdala nito." sagot ni Kath.
"Dumating na pala ito. Oo mahalaga ito at ibinilin ko na huwag ipapahawak kung kanikanino lalo pa at may taksil sa kompanya ko." sabi ko.
"Kamusta ka naman? Naayos na ba problema mo?" nag aalalang tanong ni Kath. Ngumiti ulit ako sa kanya.
"Don't worry kaya kong resolbahan ito. Hindi pa tapos at hindi ko pa nahuhuli ang taksil sa kompanya ko pero i'm sure malapit na. Teka diba sabi mo gutom ka na? Ano nga pala yang dala mo?" sabi ko hang nilalaro si baby Zach habang karga ko.
"Ay muntik ko nang makalimutan. Nagpadala si Ella ng mga pagkain para hindi na daw tayo bumili sa labas. Nag aalala sila baka hindi ka pa nakain." sabi nya.
"Oo nga sobrang busy. Sige kain na tayo." sabi ko. Inihanda naman ni Kath ang mga dala niya sa lamesa at ako naman ay ibinaba sa stroller si baby Zach. Naglalaro ito ng dala nilang laruan.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang dalawang taong nagpapasaya sa buhay ko ngayon. Nawala lahat ng pagod ko simula ng dumating sila kanina. Hindi na naiilang si Kath makipagkwentuhan sakin. Nakakatuwa lang kasi maganda at mabait si Kath na dahilan kung bakit botong boto ang pamilya ko sa kanya. Mabuti na lang at nagkaroon kami ng baby kaagad kasi parang ang baby ang naging dahilan kung bakit kami naging okay na dalawa.
"Uuwi ba kayo kaagad ni baby? May gagawin ka ba? Pwede bang dito muna kayo?" tanong ko.
"Okay lang naman sakin. Wala naman akong gagawin. Nakapagpasa na ako ng sinulat ko kaya pwede na akong magbreak muna. Isa pa wala si Yna ngayon kasi sinama ni Jenny na magbakasyon." sagot ni Kath.
"Ihahatid ko na lang kayo mamaya. Gusto ko lang kayong makasama ng matagal. May kailangan ba si baby para maipabili ko ang isa sa staff ko ng kailangan nya." sabi ko.
"Naku wala naman gaano. Pwede naman ako na lang bumili sa labas. May bibilhin kasi dapat akong libro. Diaper lang naman at konting fruits ang kailangan ni baby Zach. Marami pa naman akong gatas na dala." sabi nya.
"Tamang tama may malapit mall sa tabi ng hotel kaya pwede kang sumaglit duon." sabi ko. Tumango naman si Kath.
Nang matapos kaming kumain ay pinatulog ni Kath si baby. Madali naman itong nakatulog. Ako naman ay bumalik sa mga ginagawa ko.
"Iwan ko muna sayo si baby Zach. Saglit lang ako. Ibigay mo lang ang gatas nya kapag nagising." sabi ni Kath habang inilalagay ang cellphone sa bag.
"Tawag ka lang kung gusto mong magpasundo." sabi ko.
"Pasaway ka talaga. Ang lapit lang ng mall tapos papasundo pa ako. Sige na aalis na ako." sabi ni Kath at saka umalis.
Tulog pa naman si baby kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa trabaho. Maya maya ay nagring ang telepono ko.
"Sir nandito na po si Mr. Mercado. Papapasukin ko na po ba?" sabi ng isa kong empleyado.
"Sige papasukin mo." sabi ko sabay baba ng telepono.
Bago pa man makapasok ay nagising ang baby ko. Binuhat ko ito at inihiga sa braso ko at saka ko naman binigyan ito ng kanyang gatas. Di naman nagtagal ay bumukas ang pinto ng aking opisina.
"Magandang hapon sayo Mr. Dela Torre." bati ni Mr. Mercado. Napansin kong titig na titig ito sa batang nasa braso ko.
"Maupo ka Mr. Mercado. Siya nga pala ano ang maipaglilingkod ko sayo?" tanong ko.
"Sino yang bata na yan? Pamangkin mo?" tanong ni Mr. Mercado
"Anak ko." simpleng sagot ko. Kita sa mukha nya ang pagtataka.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Tutal naman matagal na tayong magkakilala. Balita ko ikaw ang nakabili ng Blue publishing company. Maaari mo bang ibenta sa akin yun? Actually sa kapatid ko yun. Nagkaproblema lang kaya ko naibenta ito." sabi nya. Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
"At bakit ko naman ibebenta ang kompanya na yun?" tanong ko.
"I'll double the price. May sentimental value lang kasi ang kompanyang iyon sa akin." sabi pa nya. Ewan ko ba kung bakit para akong hindi naniniwala sa kanya. Parang hindi maganda ang kutob ko.
"Pasensya na Mr. Mercado pero hindi ko maibebenta sayo ang kompanya. Hindi na kasi nakapangalan ang kompanya sa akin kundi sa mag ina ko. Mahalaga din kasi ang kompanyang yun sa kanya. Kaya pasensya na at hindi ko kayo mapagbibigyan." sabi ko.
"Baka pwede ko siyang pakiusapan." pagpipilit nya. Nagulat ako ng biglang umiyak ang anak ko. Sakto naman na bumukas ang pinto at dumating si Kath. Tuloy tuloy ang lakad nya papunta sa amin.
"Anong nangyari kay baby Zach? Bakit umiiyak?" tanong sakin ni Kath.
"Ewan ko. Biglang umiyak bago la dumating." sagot ko. Kinuha nya ang anak namin at nilagay nya sa braso nya at dahan dahan itong tinapik. Sinenyasan ko naman siya na maupo sa silya ko.
"Katherine!" sigaw ni Mr. Pineda. Sabay kaming napalingon ni Kath sa kanya.
"Uncle... anong..... ginagawa mo.... dito?" nauutal na tanong ni Kath. Napansin kong parang nanginginig si Kath. Hinawakan ko ito sa balikat.
"Mahal kong pamangkin, ako dapat ang magtatanong sayo nyan? Ang tagal na kitang hinahanap, dito lang pala kita matatagpuan." sabi pa ni Mr. Mercado.
"Teka, pamangkin? Magkamag anak kayo?" tanong ko. Napatingin ako kay Kath. Nangingilid na ang kanyang luha. Parang may mali. Naramdaman ko na napahawak ng madiin si Kath sa kamay ko.
"Mag usap tayo Katherine. Hinihintay ka na ng tiya Sonya mo." nakangising sabi ni Mr. Mercado. Hindi naman nagsasalita si Kath.
"Sa susunod na lang kayo mag usap dahil may importanteng lakad kami ngayon. Kung wala na kayong sasabihin Mr. Mercado ay maaari na ba kayong makaalis." sabi ko.
Lumapit naman si Mr. Mercado sa lamesa ko at saka tumapat kay Kath. Yumuko ito at humarap sa mukha ni Kath at pagkatapos ay saka nagsalita.
"Tandaan mo ang ginawa ng papa mo. Sabi ko naman sayo na kahit anong tago mo ay makikita pa din kita. May apo na pala ako, hindi mo man lang sinabi sa amin." nakangising sabi ni Mr. Mercado at pagkatapos ay tumalikod ito at umalis.
Nagulat ako ng mapahagulgol si Kath. Kinuha ko sa kanya si baby Zach na tulog ulit at saka binaba sa stroller nya. Humarap ako kay Kath na ngayon ay nakatayo na at patuloy pa din ang kanyang pagluha. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Anong problema love? Sabihin mo sakin. Baka makatulong ako." tanong ko.
Hindi ito nagsalita. Humigpit ang yakap sa akin ni Kath. Patuloy pa din ang kanyang pag iyak. Siguro ay mga mahigit na 30 minutes din kami sa ganung posisyon. Bumitiw ito sa akin at naupo.
"Wala na akong lakas. Pwede mo bang iabot sakin ng bag ko, kukunin ko lang ang cellphone ko." sabi nya.
Inabot ko naman sa kanya ang bag. Kinuha nya ang kanyang cellphone at nagdial.
"Yna, sagutin mo." sabi nya.
Inulit ni Kath ang pagdial at di naman nagtagal ay sumagot si Yna.
"Yna..... Nagkita kami ni Uncle Shrek!" sabi ni Kath.
"Migs." sabi nya at pagkatapos ay tumango tango ito at nagtaka naman ako ng ibigay nya sakin ang cellphone.
"Migs, huwag mo aalisan ng tingin si Kath. Huwag mo muna siyang payagang makaalis. Uuwi agad ako! Kung maaari isama mo muna si Kath. Parang awa mo na, huwag mong iiwanang mag isa ang mag ina mo. Dalhin mo sila sa ligtas na lugar." nag aalalang sabi ni Yna.
"Sige." sabi ko kahit sobra akong nagtataka. Anong nangyayari? Bakit nanginginig si Kath habang kausap ang Uncle nya? Bakit ganun na lang mag alala si Yna?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (15)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
02/09/2025
0Pinagpuyatan ko basahin Hanggang dulo sana kaso ending mabibitin ka Pala 😭😭😭😭😭
18/04/2025
1hai po kailan po next chapter still waiting po thank u
22/07/2024
0Tingnan Lahat