logo text

Bonding with the girls

Kath's Pov
"Mabuti na lang pala at pumayag na itong si Kath na makabonding tayo at makasama si baby Zach." sabi ni Jordan
"Oo nga. Hindi talaga ako makapaniwala na magkasingtanda lang ang kambal ko at si baby Zach. Sobrang malihim talaga itong si Migs." sabi naman ni Ella.
"Siya nga pala Kath, kamusta ang sinusulat mo? Bakit hindi mo kasama si Yna?" tanong ni Jenny.
"Nasa publishing company. Pinagsubmit ko ng mga natapos ko nang mga sinulat. Kailangan na kasing makita ng editor ang mga sinulat ko. Gusto kasi nilang maagang ipublish ang book 2 ng huli kong sinulat. Ang sakit nga sa ulo kapag nirarush ako. Buti na lang halos patapos na ako bago magkasakit si baby Zach." paliwanag ko sa kanila.
Kasalukuyan kasi kaming nasa bahay ni Ella. Tinawagan nila ako para magbonding daw kami. Simula nang maospital si baby Zach ay palagi kaming dinadalaw ng mga ito kaya nakapagpalagayan ko na rin ng loob. Pati nga si Yna ay naging kaibigan na nila lalo na ni Jenny. Palibhasa parehong walang mga anak kaya minsan nagkakayayaan silang dalawa na gumimik. Isang linggo na ang nakakalipas nang lumabas kami ng ospital at sa isang linggo palagi kaming nasa bahay ng isa't isa.
"Mga sis magpapaalam na muna ako. Kailangan kong mag inventory sa restaurant. Gusto ko ding magliwaliw muna kasi nastress ako sa exam namin." sabi ni Jenny.
"Sino kasama mo? Baka naman kung ano ano na ang ginagawa mo Jenny." sabi ni Jordan.
"Wala akong kasama. Gusto ko lang magbeach. Ikaw naman ate Jordie alam mo naman na matino ako." sagot ni Jenny.
"Ate Jordie ka dyan!" sabi ni Jordan.
"Gusto mo tawagan si Yna, para naman magkaroon ka ng kasama?" tanong ko.
"Pwede ba? Mga 4days to 1 week lang naman. Sembreak kasi namin." sabi pa ni Jenny.
"Okay lang naman sakin ewan ko sa ate mo." sagot ko.
"Wala naman akong magagawa. Basta bawasan nyo kalokohan nyong dalawa ni Yna." bilin ni Jordan.
"Yehey! Sige tawagan ko na lang si Yna. Salamat Kath." sabi pa ni Jenny bago umalis.
"Kain na tayo bago pa lumamig ang pagkain." sabi ni Ella.
"Pwede ba akong sumabay?" tanong ng kararating lang na si Gabriel. Lumapit ito kay Ella at humalik sa labi.
"Oh bakit ang aga mo? Di ba bukas pa uwi mo?" tanong ni Ella.
"Nagbago ang schedule ko. Napaaga yung operasyon. Kaya umuwi na ako. Pero may lakad kami ni Joseph at Tony mamaya. Ewan ko lang kung susunod sina Migs at Seb subsob sa trabaho ngayon yung dalawang yon." paliwanag ni Gabriel.
"Ay oo nga. Tumawag si Joseph sakin may problema daw na naman si Tony. Bakit ano ba problema nun?" tanong naman ni Jordan.
"Well yung nililigawan nya eh lumabas ng kumbento at nakipagrelasyon sa may asawa. Ewan ko ba naman sa babaeng yun sa may sabit pa nakipagrelasyon eh nandyan naman si Tony na binata. Ngayon kay Tony nalapit para sa legal battle dahil dinemanda ng asawa. Ay naku pakibatukan nga si Tony para sakin kapag pumayag na maging abogado ng malanding babaeng yun. Sarap lagyan ng sili ang keps ng babaeng yun!" napanganga kami sa sinabi ni Ella.
"Paano mo nalaman lahat yan?" tanong ni Jordan.
"Lagi ko ding kachikahan si Tony kapag di nya makontak si Gab." nakangiting sabi ni Ella.
"Teka sweetie, saan mo naman natutunan yang paglalagay ng sili sa keps. At ano ang keps?" tanong ni Gabriel.
"Keps, yung down there na gusto mong sisirin hahaha. Yung tinatakpan ng panty." natatawang sabi ni Ella.
"Ngayon lang kita narinig na nagsalita ng ganyan. Nakakatakot pala na magkaroon ako ng kabit. Baka malagyan mo ako ng sili sa brief ko. Hahaha!" biro ni Gabriel.
"Subukan mo lang! Di lang sili ilalagay ko." banta ni Ella.
"Siyempre kanino pa ba matututo yan kundi sa librong binabasa ni Ella." sabi ni Jordan sabay tingin nila sa akin.
"Alam mo kapag tinitignan ko si Kath parang napakahinhin nya kabaliktaran siya ni Bobitang manunulat. Napaka wild at loka loka nun sa mga ginagawa nyang libro. Di talaga mapagkakamalang si Kath si Bobitang manunulat." sabi ni Ella. Habang nasubo ng ulam namin na kare kare.
Napayuko na lang ako at tinuloy tuloy ko ang pagkain ko. Minsan talaga nahihiya din naman ako sa ibang naisusulat ko. Ewan ko ba minsan kasi kung ano pumasok sa utak ko bigla ko na lang isinusulat. Minsan din exaggerated ako magkwento sa libro. Well bentang benta naman sa mga nagbabasa kaya lalo akong naeengganyo magsulat.
"Siya nga pala sweetie, may lakad ba kayong tatlo? Pwede ba akong makisuyo. May ipapadala akong important files kay Migs. Hindi kasi pwedeng ibang tao ang makahawak nun. May importante kaming pupuntahan ni Tony. Baka malate kami sa lakad namin." sabi ni Gabriel.
"Meron kasing spy sa company nya.  Kaya wala syang ibang pinagkakatiwalaan duon maliban kay Liam na sekretarya nya. May taong naninira sa reputasyon ng DT hotel at lately lang muntik nang masunog ang DT hotel sa Cebu." balita samin ni Gab.
"Ay grabe naman yun. Naku eh di stress na stress si Migs nyan." sabi ni Jordan.
"Hindi nga sya nauwi ng ilang araw na. Halos sa opisina na sya natutulog. Naresolba na naman nya ang damage sa Cebu pero ang problema nya sa Manila hindi pa." sabi pa ni Gab.
"Naku hindi ako pwede, may darating kasing mgastocks para sa coffeeshop. Kailangan kasing ako ang tumanggap." sabi ni Ella.
"May check up si Dj mamaya pwede ko naman daanan bago kami umuwi." sabi ni Jordan.
"Naku babakunahan si Dj diba? Baka mahirapan ka. Teka nasaan ba si Liam?" tanong ni Ella.
"Si Liam kasi ang nag asikaso sa Cebu. Hindi kasi makapunta nun si Migs dahil kay Zach." paliwanag ni Gab.
"Gusto nyo ako na lang? Kung okay lang sa inyo. Huwag kayong mag alala mapagkakatiwalaan naman ako. Daanan ko na lang bago kami umuwi ni baby Zach." prisinta ko.
"Alam naming mapagkakatiwalaan ka namin Kath hindi mo na kailangan patunayan samin yun. Kaso lang hindi ba hassle sayo yun?" tanong ni Gab.
"Hindi naman." sabi ko.
"Tamang tama, maganda na pumunta kayo ni Zach kay Migs para naman mawala ang stress nun. Makita nya lang si Zach eh gagaang na ang pakiramdam nun.  Isa pa dalahan mo na din ng pagkain. Minsan kasi nalilimutan nun kumain kapag busy." sabi ni Jordan. Tumango na lang ako.
Nagprisinta ako dahil gusto ko naman makabawi kay Migs. Halos araw araw nya kaming dinadalaw. Ni hindi ko ito nakitaan na may problema. Si Migs nga nakadalaw samin kahit busy sya eh ano ba naman yung maghatid ako ng importanteng papeles sa kanya. Hinintay ko lang magising si baby Zach bago kami umalis. Nagpadala na lang ng pagkain si Ella para hindi na daw kami bumili. Agad akong pumasok habang tulak tulak ko ang stroller ni baby Zach nang makarating kami sa DT hotel. Lumapit ako sa receptionist.
"Miss saan po ba ang opisina ni Miguel Dela Torre?" tanong ko.
"May appointment po ba kayo?" tanong ng babae. Medyo may pagkasuplada ang babaeng ito.
"Wala eh. Pero may importante akong ibibigay." sabi ko.
"Iwan mo na lang dito at kami na lang ang magbibigay. Hindi basta basta natanggap ng bisita ang may ari ng hotel." sabi nya.
"Hindi pwedeng iwan. Importante kasi ito. Pwede pakitawagan na lang at pakisabi na inutusan ako ng kuya nya." mahinahong sabi ko kahit inis na inis ako sa kanya.
"Ganyan naman kayong mga malalandi, gagawa ng paraan makapasok lang ng opisina ni Sir Miguel. Nagsama ka pa ng bata. Hindi ka ba naaawa sa bata at ginagamit mo siya. Baka mamaya sabihin mo anak yan ni Sir." mataray na sabi nya. Napabuntomg hininga na lang ako. Ayaw kong patulan ang babaeng ito.
"Sige miss pakitawagan na lang at hihintayin ko na lang siya sa lounge area." sabi ko pa sabay talikod sa kanya.
"Maghintay ka sa wala." narinig kong sabi ng babae tapos nagtawanan sila ng kasama nya.
Mahigit isang oras na akong naghihintay. Hindi nasagot si Ella at Jordan para masabi kay Migs. Hindi ko rin naman makontak si Migs. Wala naman akong ibang number ng kapatid nya. Buti na lang at tulog ang anak ko kundi baka makalbo ko yung babaeng na yun. Alam kong sinasadya ng babae na huwag tawagan si Migs. Nangisi pa habang nakatingin sakin. Kundi lang importante ang papeles na hawak ko eh hindi ako maghihintay ng matagal. Idinayal kong muli ang number ni Migs. Pagkatapos ng tatlong ring ay sinagot nya ito.
"Hello Kath." sabi nya.
"Finally sumagot ka din. Nandito kami ni baby Zach sa baba ng hotel. Pwede mo ba kaming puntahan kasi hindi ako pinapasok." sabi ko.
"Nandito kayo? Kararating nyo lang ba?" tanong nito.
"Hindi, kanina pa kami dito. Mga isang oras na mahigit." sabi ko.
"Fuck! Bababa na ako." narinig kong sabi nya bago nya pinatay ang tawag.
Hindi naman nagtagal ay dumating si Migs. Lumapit ito sa amin at humalik sa pisngi namin ni baby Zach.
"Tara na." sabi nya.
Naglakad kami paalis sa lounge area. Akala ko didiretso na sya pero lumapit pa ito sa receptionist. Nakita ko ang mga babaeng receptionist na nakanganga. Napangisi naman ako habang nakatingin sakin ang babaeng kausap ko kanina.
"Sino sa inyo ang nakausap ni Kath? Magsalita kayo kundi parepareho ko kayong tatanggalin sa trabaho!" galit na sabi ni Migs.
"Sir kasi...." nauutal na sabi ng isang babaeng.
"Walang magsasalita? Ganyan ba kayo natrain ng manager nyo? Tawagin nyo ang manager nyo!" sigaw ni Migs. Grabe ngayon ko lang ito nakitang galit na galit. Maya maya ay lumapit sa amin ang isang lalaki. Si Ryan.
"Sir Miguel bakit po?" tanong nya Migs pero ang tingin nya sa amin ng anak ko.
"Hindi mo ba nasabihan ng tamang pagtanggap ng bisita ang mga empleyadong hawak mo? Kanina pa nag aantay si Kath. Hindi nyo man lang itinawag sa akin kung kakilala ko sya. Buti natapos agad ang meeting ko! Pinag antay nyo ng isang oras ang mag ina ko!" galit na sabi ni Migs. Nagising naman si baby Zach sa lakas ng boses ni Migs. Kinarga ko si baby Zach at hinawakan sa braso si Migs.
"Huminahon ka nga. Nagising ang anak mo sa lakas ng boses mo. Pwede bang umakyat na tayo at gutom na ako." sabi ko. Bumuntong hininga ito.
"Mamaya ko na kayo ulit kakausapin. Mananagot sakin ang nagpaintay sa mag ina ko. Pagsabihan mo yan manager kundi pati ikaw tatanggalin ko." banta ni Migs.
Kinuha sakin ni Migs si baby Zach para buhatin bago kami tumalikod at saka nagtungo sa elevator. Habang nag iintay kami sa elevator ay may humawak sa braso ko.
"Kath, akala ko ba tayo na? Iniwanan ko na si Lyka at sumama ako sayo. May nangyari na nga sa atin nung isang araw. Hindi mo sakin sinabi na may anak ka na. Hindi ba sabi mo break na kayo ni Sir Miguel? Ano to Kath?" sabi ni Ryan.
"Ako? Hindi nga ako naglalalabas ng bahay eh. Hindi ako yun." sabi ko.
"Ikaw talaga yun Kath." pagpipilit ni Ryan.
"Imposible ang sinasabi mo. Hindi ako yun!" sabi ko.
"Malamang iba ang nakausap mo. Imposibleng si Kath yun dahil gabi gabi akong nagpupunta sa bahay nya. Malamang nabiktima ka ng impostora na Kath." paliwanag ni Migs kay Ryan.
"Pero...." hindi na natuloy ni Ryan ang sasabihin nya nang inaya na ako ni Migs sa kakabukas lang na elevator. Pumasok kami at bago sumara ito ay nagsalita si Migs.
"Huwag kang mag alala nabiktima na din ako ng babaeng yun."

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    15Rayearth

    nice

    02/09/2025

      0
  • avatar
    DagamiJanice

    Pinagpuyatan ko basahin Hanggang dulo sana kaso ending mabibitin ka Pala 😭😭😭😭😭

    18/04/2025

      1
  • avatar
    LibertyMaxxwel

    hai po kailan po next chapter still waiting po thank u

    22/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata