The reason

Kath's Pov
Titig na titig sakin sina Migs at Gabriel. Hinihintay kasi nila ang paliwanag ko sa sinabi ni Yna. Kung hindi ko lang talaga mahal tong bestfriend ko ay matagal ko na itong pinatapon sa Finland. Dahil sa kadaldalan ni Yna mabubuko ang pinakatatago kong lihim.
"Nag iintay kami Kath." sabi ni Migs.
"Pwede bang unahin natin si baby Zach bago ko ipaliwanag yung binanggit ni Yna." sabi ko. Tumango naman si Migs at Gabriel.
Inasikaso naman agad ni Gabriel ang anak ko. Dinala nila si baby Zach at sinabihan kami ni Yna na mag intay na lang sa kwarto. Kampante naman ako dahil alam kong hindi pababayaan ang anak ko lalo pa at pamilya nila si baby Zach.
"Alam mo ang daldal mo talagang babae ka. Ngayon paano ko ipapaliwanag ang sinabi mo. Naku! Kung hindi lang talaga kita kaibigan eh baka pinakain na kita sa buwaya." sabi ko kay Yna.
"Ikaw naman, nadulas lang naman ako. At saka sabihin mo lang sa kanila ang totoo. Feeling ko nga matutuwa pa yung mga yun eh." sabi ni Yna.
Natahimik ako sa kinauupuan ko sa couch. Nag aalala pa din ako kay baby Zach kahit na alam kong di nila ito pababayaan. Napayuko ako at nagdasal. Napaangat ako ng ulo dahil may humawak sa kamay ko. Nakatabi na pala sa akin si Migs nang di ko namamalayan. Napaluha ako at hindi ko alam kung bakit.
"Tahan na, hindi papabayaan ng kuya ko ang anak natin. Magtiwala ka sa kanya. Kahit loko loko yun, magaling na doktor yun." sabi ni Migs.
"Alam ko naman, kaya lang di ko maiwasang mag alala." sabi ko.
Inakbayan ako ni Migs at idinantay ang ulo ko sa balikat nya habang ang kaliwa nyang kamay ay nakahawak pa din sa kamay ko. Gumaang ang pakiramdam ko sa ginawa nya.
"Ehem! Pwede huwag masyadong sweet. Nilalanggam ako. Magpasintabi naman kayo sa single oh. Nakakainggit." natawa ako sa sinabi ni Yna.
"Naiinggit ka ba? Gusto mo padala kita kay Robert! Panira ka ng mood. Nag eemote pa kaya ako." kunwaring iritang sabi ko.
"Yan ang wag na wag mong gagawin! Isusumpa kita kapag pinagkita mo kami ni Robert na yun!" sabi nya.
"Para hindi ka na mainggit gusto mo pakilala kita sa mga kaibigan ko?" tanong ni Migs.
"Mga papabols ba? Kasing yummy mo ba?" napailing na lang ako sa tanong ni Yna. Inaatake na naman ng kalokohan.
"Siyempre mas gwapo ako dun. Pero sakto na kagwapuhan nila." pagyayabang naman ni Migs.
"Ay ang lakas ng confidence natin ah. Pero in fairness gwapo naman talaga kayong magkapatid. Meron ka pa bang ibang kapatid? Bakit sa kaibigan lang? Di mo ko type maging sister in law?" sunod sunod na tanong ni Yna.
"Yna!" sigaw ko.
"Pasensya na taken na mga kapatid ko. Pero madami ka pa ding pagpipiliang mga pogi kong kaibigan." sabi naman ni Migs.
"Ay gusto ko yan! Naku boto na ako sayo para kay Kath." masayang sabi nya.
"Wow ang galing mong kaibigan! Pagkakanuno mo ako para sa boylet?" tanong ko.
"Good catch na yang si Migs. Choosy mo pa ha. Gwapo at yummy na yan. Ikaw minsan talaga bagay sayo ang pangalang Bobitang manunulat. Pede ding tangang manunulat." sabi pa nya.
"Si Robert o tatahimik ka?" banta ko sa kanya.
"Ikaw naman, di ka na mabiro. Sige na tuloy nyo lang paglalampungan nyo. Iidlip lang ako." sabi pa ni Yna.
"Sino si Robert?" bulong sakin ni Migs.
"Masugid na manliligaw ni Yna. Kaso di nya type." sagot ko.
Tumahimik ang paligid. Napansin ko na nakatulog na si Yna. Inaantok na din ako. Pareho kaming pagod sa pag aalaga kay baby Zach.
"Maidlip ka muna. Gigisingin na lang kita kapag nandito na ang baby natin." sabi ni Migs.
"Okay lang ba?" tanong ko.
"Oo naman! Kailangan may lakas ka pagbalik ni baby. Sige maidlip ka na. Gusto mong humiga?" tanong nya.
Tumango ako at saka inalalayan ako makahiga sa hita nya. Hinahaplos nya ang ulo ko kaya di ko namamalayan na unti unti na  akong nakatulog. Nagising ako ng biglang may sumigaw.
"Asan na ang apo ko!" napadilat ako at napabangon. Mama pala ni Migs ang dumating.
"Ma naman eh! Bakit ka ba nasigaw? Nagising tuloy si Kath." tanong ni Migs sa mama nya. Napatingin sakin ang mama ni Migs.
"Anong ginagawa ni Bobitang manunulat dito? OMG! Ikaw ang naanakan ng anak ko?" nag aalangan napatango ako.
"Ay bakit may Dyosa dito? Nananaginip ba ako?" sabi ni Yna habang nakatingin sa mama ni Migs.
"Ay gusto ko itong batang ito!" masayang sabi ni mama ni Migs.
"Ay gusto din kita mam ganda. Pwedeng ambunan mo lang ako ng konting ganda?" biro ni Yna.
"Magtigil ka nga Yna! Hindi ka ba nakainom ng gamot mo at inaatake ka ng kabaliwan mo. Patapon kaya kita sa mental o baka gusto mo kay Robert." banta ko sa kanya.
"Kaya nga tayo nagclick kasi loka loka tayong pareho. Sige na nga tatahimik na ako. Ang unfair talaga ni papa God, bakit di ako binato ng kagandahan. Kainis naman kayo mam ganda, sinalo nyo naman po lahat." napailing na lang ako sa mga sinasabi ni Yna.
"Seryoso na tayo. Ano nang sabi ni Gab? Asan na ang apo ko?" tanong ng mama ni Migs.
"Ma, parating na sila kuya kasama ang baby. Kinailangan pa kasi nilang obserbahan. Sinalinan kasi ito ng dugo." paliwanag ni Migs.
"Ay oo nga pala nagbigay ka ng dugo kay baby Zach tapos ako pa ang pinagpahinga mo." nag aalalang sabi ko.
"Ayos lang ako, konti lang naman ang kinuha nya. May reserba naman kasi kami. Magbibigay na lang ako sa ibang araw ng pang reserba." sabi nya.
"Malakas pa sa kalabaw yang anak ko, huwag kang mag alala dyan. Mas mahirap ang mag alaga ng anak. Kaya tama lang na natulog ka." sabi ng mama ni Migs.
"Eto na po ang baby." sabi nung nurse na kakadating lang kasama si Gabriel. Inilipat nila si baby Zach sa kama.
"Sige nurse Rica, isunod mong icheck ang room 20. Palitan ng bandage ang sugat nya." tumango ang nurse at pagkatapos ay umalis na.
"Kamusta ang bata, Gabriel? " tanong ng mama ni Migs.
"Ayos na ang bata, ma. Kailangan na lang bantayan ang lagnat nito. Huwag kayong mag alala, babantayan ko ang bata. Nagpaalam na ako kay Ella na hindi muna ako uuwi. Nung malaman nya na anak ni Kath ang pasyente eh parang gustong lumipad papunta dito hahaha. Pero sinabihan ko na bukas na lang pumunta." paliwanag ni Gab pagkatapos ay lumingon sakin ang mama nila.
"Siya nga pala, paano kayo nag kaanak ni Miguel?" tanong sakin ng mama ni Migs.
"Ah kasi po...." napatingin ako kay Yna. Si Yna naman ay tumango lang.
"Oo nga Kath, di ba may sasabihin ka samin?" sabi ni Gab. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi na talaga ako makakawala sa pagsasabi ng totoo.
"Teka, gusto nyo ng popcorn? Malatelenovela po kasi yang kwento nya. Pwede nga pong pangmovie eh hahaha. Labas muna po ako at bibili ng kape." masayang sabi ni Yna saka siya lumabas.
"Nuong maaksidente po kami ng pamilya ko ay namatay ang mga magulang ko. Ako naman po ay gasgas lang ang natamo ko. Sinagip nila ako kaya hindi ako napuruhan. Bumaba kasi kami ng cruiseship tapos sumakay sa isang yatch. Kaso nasunog ang yatch, naitulak nila ako sa dagat pero sila natrap sa loob ng kabina." naluluhang sabi ko.
"Sorry iha." sabi ng mama ni Migs. Ngumiti ako sa kanya.
"Nang dahil sa aksidente na iyon ay sabi po sakin ng doktor ay hindi na ako magkakaanak. Hindi ko po alam kung paano at bakit. Nalaman ko na lang nung nagpacheck up ako sa puson dahil irregular po ang menstrual cycle ko. Dun ko nalaman na mahihirapan daw ako manganak. In short nagtry ako na makipagtalik para malaman kung mabubuntis ako o hindi. Sakto naman po na si Miguel ang nakita ko. Sinundan ko ito nung makainom ako ng alak kaunti tapos ayun may nangyari po. Hindi ko naman po alam na mabubuntis ako kaagad na taliwas sa sinabi ng doctor ko." kwento ko.
"Eh bakit hindi mo sinabi o kinontak si Migs?" tanong ni Gab. Napakamot ang ulo ko.
"Una hindi ko kasi siya matandaan eh. Pangalawa, sino ba naman aamin na kinasangkapan ko siya sa katangahan ko. Natatakot din akong mareject ang anak ko." paliwanag ko.
"Mabuti na lang at ako ang natipuhan mo. Kita mo magandang lahi ang lumabas. Sabi nga ni kuya Gab, junior namin si baby Zach kasi kamukhang kamukha naming magkakapatid." sabi ni Migs.
"Sorry po. Nung sinabi po kasi ng doktor na magtry ako habang bata pa eh ginawa ko po sa takot kong hindi na magkaanak at mag isa sa buhay. Pasensya na po talaga." hingi ko ng dispensa sa mama ni Migs.
"Naku okay lang sakin yun! Tuwang tuwa ako ngayon dahil ikaw ang mama ng apo ko." sabi ng mama ni Migs.
"Huwag kang mag alala, walang maninisi sayo. Masayang masaya pa nga ang kapatid ko eh." sabi ni Gab.
"Ganun naman pala eh, kelan po ang kasal?" tanong ni Yna na bumalik. Malamang nakalimutan nito ang wallet nya.
"Yna!" awat ko.
"Aba kung ako masusunod bukas na bukas papakasalan ko siya. Pero nangako kasi ako na manliligaw muna ako." nakangiting sabi ni Migs. Napalingon kami sa pinto ng may biglang nagsalita.
"Asan ang pamangkin namin?" tanong nila Joseph at Seb.
"Ay syete! Mga papabols! Pwedeng magpalahi?" masayang sabi ni Yna.

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    15Rayearth

    nice

    02/09/2025

      0
  • avatar
    DagamiJanice

    Pinagpuyatan ko basahin Hanggang dulo sana kaso ending mabibitin ka Pala 😭😭😭😭😭

    18/04/2025

      1
  • avatar
    LibertyMaxxwel

    hai po kailan po next chapter still waiting po thank u

    22/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata