BLAKES POV Sino ba ang hindi mawawala sa mood kung yung pinaghiraan mong plano para sa anniversary ng school ay biglang iniba ang setup. Nakakaputangina silang lahat. Kung pwede lang na patayin ko lahat ng walang kwentang myembro ng SSG ginawa ko na. Isa pa tong si Hera. Hahawak nalang dun pa sa may bubog. At sino ba kase may sabing makinig siya sa pinaguusapan namin? Hindi paba sapat na muntik siya mamatay at muntik na akong mamatay? Hindi ko maiwasang hindi mapakunot noo habang hawak hawak ang nagdudugo niyang kamay. Asan naba ang doctor? Bakit ba ang tagal, tangina naman gusto na ba talaga nilang mamatay! “I am sorry, I didn’t mean to hurt too, I am just upset.” Paliwanag ko sa kaniya. Kahit ako hindi ko alam kung bait ba ako nagpapaliwanag sa kaniya. Para bang otomatiko lagi yung bibig ko. Walang awat sa pagsasalita. And this woman who lays on the ground cover by her own blood is my secretary Xao. Alam niyang ayokong may nagbabago o nakikielam sa mga pinaplano ko. Lalong lalo na kung pinagpaguran ko ‘yung plano at basta basta sila makikielam. I ask for their opinions but they always stare at me blanky whenever I gather a meeting. At ngayon na 5 days akong wala sa school makikielam sila at magmamarunong sa lahat? Saan nila nakuha ang ganun kalakas na loob. “Mas-,” magsasalita na sana ang doctor na pinapunta ko ngunit agad ko naman ‘tong binato ng baril sa ulo. “Check her wound!” Bulyaw ko dito. Dahilan kung bakit ito napaluhod habang nangangatal na tumayo. Lampa. Mabagal na nga kumilos hindi pa marunong umilag. Nagkakalampugan na ang loob ng dala-dala niyang suitcase habang may tumutulong dugo sa kaliwang parte ng ulo nito. Tatanga tanga kumilos. Hera cut her hair. Kaya naman mas lalong gumanda ang awra niya. Ano ba ‘tong sinasabe ko? Hera cut her hair. Period. The day that my sister Bria reveals her secret identity as the crown princess of Vampires who was supposed to be the empress of vampires on the bloody moon- was also the day that I never forget. (FLASHBACK) “Gagawin kitang Hari at ako ang magiging Reyna mo!” umalingawngaw ang sinabi ni Bria sa tenga ko. Hindi ba siya nadidiri sa mga sinasabi niya? Magkapatid kami sa papel. I treat her as my big sister, she protects me in harm. And now she’s telling me to rule this world with her? “Sige.” Madiin kong sabi dito. “Pero mangyayari lang ‘yon kung mamamatay ako!” buong tapang kong inilabas ang buntot ng dragon at ihinanda ito. Kitang kita ang panlilisik ng mga mata ni Bria ng makita niya ang ginawa ko. Ang buntot ng dragon ay mas mahapdi kaysa sa lahat ng ispada ‘pag dumampi ito sa balat ng isang bampira. Para itong lason na maaring lumagas sa buong angkan ng mga ito. “Sa tingin mo ba papayag akong hindi ako mamuno sa araw na ‘to?” nanlaki ang mga mata niya habang sinasabi niya ang mga salitang ito. Ibinukas niya ang kaniyang palad habang may mga salitang binibigkas. Pagkatapos ng isang minute ay natatabunan na ito ng itim na mahika. Para itong ipo-ipong itim na siyang bumabalot kay Bria. Lahat ng bampira na halos umabot na bilang na isang daang libong mandirigmang bampira ay naghugis paniki at sabay sabay na lumipad upang pumunta sa itim na ipo-ipong bumabalot kay Bria. Inikot ko ang buntot ng dragon sa ere at malakas itong hinampas sa lupa upang maka pwersa ako ng malakas at makatalon ng ere. Hindi pa man ako nakakalapit sa itim na pwersa ay tumalsik ako ng malakas dahilan kung bakit tumama ang likod ko sa isang puno ng kawayan. “Arg,” hindi ko na napigilang mapadaing dahil sa bukod na tinamaan ako ng pana sa dibdib ay hinampas naman ako ng malakas sa puno mula sa himpapawid. Hindi na rin naiwasang magsuka ng dugo. Hindi na kase ako cultivator isa nalang akong tao. Kung wala akong dugo ng Chai tiyak akong kanina pako namamatay dahil sa mga dugat na natatamo ko. "Do you think it's that easy to leave this place?" yung boses ni Bria ay tiyak na maririnig sa kahit anong parte ng kontinente. Para itong may speaker kahit saan pumunta. Pinilit kong tumayo kahit na sinasabing ayaw na ng mga tuhod ko. Buti nalang at sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa kamay ko kaya hanggang ngayon ay nasa kamay ko ang buntot ng dragon. Kumapit ako sa sa kawayan na siyang pinaghampasan ng likod ko. Mariin akong kumakapit palikod habang dinadausdog ang likod ko upang makabwelo ako ng tayo. Huminga ako ng malalim bago tuluyang makatayo ng maayos. At sa tingin niya ba tulad pa rin ako ng batang Blake Chai na kailangan ang proteksyon niya? Nanlisik ang mga mata ko at nilatigo ng malakas ang puno ng kawayang nasa harap ko. Wala pang isang Segundo ay agad itong natumba at nawala sa paningin ko. Sa pangalawang pagkakataon ay ihinampas ko ng buong lakas ang buntot ng dragon na siyang naging dahilan kung bakit malakas na pwersa akong nakatalon ng malakas. Tumayo ako ng tuwid sa tuktok ng kawayan habang mahigpit na hawak ang buntot ng dragon sa kaliwang kamay ko. Ngayon ay nasa kabilang tuktok ng kawayan si Bria. Iba na ang kasuotan niya sa mga oras na ito. Mahahabang pangil, pulang mga mata, at mahabang pulang kasuotan. Mayroon na din siyang mahabang sungay sa kaniyang uluhan. Ang kaniyang mga mga kuko ay mahahaba at matutulis. Wala ng mga paniki o bampira ang makikita sa madalim at malamig na lugar na ito. Ang bilog na buwan lamang ang nagsisilbing ilaw upang makita naming ang isat-isa sa gitna ng himpapawid. “Alam mo ang consequences ‘kung pipilitin mo ‘ko,” I said casually while staring intently into its eyes. I was not blinking despite the very strong wind blowing. “Huling beses ko na ‘tong sasabihin Blake, hindi ako papayag na hindi ako magtatagumpay sa gabing ito.” Medyo nagiba ang pananalita nito habang kumukulog ng malakas. “Then don’t blame me.” Malamig kong wika. Hinampas ko sa ere ang buntot ng dragon kasabay ng pwersado kong pagtalon. FLASHBACK END
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang ganda kaso hindi complete huhu😭
11/07/2025
0cool
09/05/2025
0so a Mera coll
31/03/2025
0Tingnan Lahat