Homepage/Stranger Be Mine/
Chapter 29
CHAPTER 29
"Let the battle begin..." I whispered on the air seeing our rivals waiting for us. Binitawan ko iyon sa pabalang at pilosopong tono.
"And the winner is— Blue Fire Gang." Pabirong sagot naman ni Reago.
"HAHAHA Wala pa nga! excited ka naman eh." Kinabo agad siya ng leader nila.
"Tara na, ilalaban natin 'to." Sabi ko.
Nauna akong mag lakad, muntik ko ng makalimutan na hindi pala ako ang leader dito. Nasa harap na ako ngunit natatawa akong tumalikod at pumunta sa likod ni Blade.
"Stay still madam, mahahalata tayo." Bulong nito.
"Ito na nga eh ito na." Sabi ko at nag papanggap na parang wala lang.
Nilakad namin ang malapad na field at habang naglalakad kami patungo sa gitna ay pasimple kong nilibot ang mga mata ko.
Ang malapad at malawak na field na ito ang siyang gumagawa at nag mamarka sa kasaysayan ng mga gangsters dito sa Pilipinas. Ang malawak na soccer field na ito na kilala ng karamihan na soccer field ay tinatawag naming battle field dahil dito ginaganap ang labanan ng mga gangsters kagaya ngayon. Hindi matatapos ang gabing ito ng walang ni Isa sa pagitan ng Blue fire gang at Dragons ang ma dedeklarang panalo at mamarka sa kasaysayan nila.
Isang kahihiyan para kay Blake Cortez kapag nagapi namin sila ngayong gabi.
Michael is on the nearest tree. Nasa taas siya ng puno nakita ko dahil sumilip ito ng naka tingin ako sa bandang kinaroroonan Niya. Naka upo ito sa sanga na parang wala lang at nag mamatyag sa paligid niya.
I opened my mic to speak up.
"Hide yourself more Michael itaas mo pa ang paa mo." Utos ko dito habang nanduon parin ang paningin ko sa pwesto niya.
Sinunod niya naman agad ito at untiunting inangat ang paa niya, dahan dahan upang hindi gumalaw ang sangang pipapatungan niya ng sa ganun ay hindi ito gumawa ng ingay.
"Good."
Papalapit kami ng papalapit sa grupo ni Blake at nakikita ko na ang mala demonyong ngisi nito.
"Blue Fire Gang huh." Sabi nito na tumango tango pa.
He is trying to under estimate us.
"Dragons huh." Panggagaya ni Blade sa uri ng pananalita ni Blake.
"No guns?" Tanong nito.
"Purely physical combat." Blade answered.
"I didn't know na may babae pala kayong myembro..." Naka ngising saad nito. Nasa akin ang paningin nito. Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa na para pang sinusuri kung sino ako.
Pinagdadasal ko na sana ay huwag niya ako makilala.
"Bagong myembro." Sagot Naman ni Blade.
"Ayos to ah... Boss pag nanalo tayo dito mukhang may bunos. Hahaha." Sabi ng isang kasamahan niya na parang siga.
Nag sitawanan silang lahat.
"Hahaha." Nakitawa din si Blade. "Hindi pa nga nag sisimula mananalo na kayo kaagad? Ang bilis ata hahaha." Nang iinsultong tawa ni Blade.
"Ano... Sisimulan na natin?" Nakangising tanong nito.
I opened my earpiece to make everyone hear what was about to happen here.
"Sisimulan natin, bali kinse silang lahat at sampo tayo..." Blade whispered.
"Isa isa sa kanila... Dalawa sayo... Tatlo akin." I whispered back to him.
"Si Blake?" Tanong niya.
"Ikaw ang unang aatake sa kanya... Simulan mo tatapusin ko."
And that was the plan.....
Nag bubulungan din ang mga myembro sa kabilang grupo na siguro ay kung paano kami gagapiin.
Isang ngisi ang pinakawalan ni Blake at siya ang naunang sumugod sa grupo namin.
"Katapusan niyo na!!!!" Sigaw nito at sinugod si Blade.
Walang salitang binitawan si Blade at basta nalang sinangga ang bawat atake ni Blake.
Isang lalakeng ka grupo ni Blake ang papalapit sa akin habang nakangisi itong umamba ng suntok. Hindi pa man tumatama ang kamao siya na target nito ang mukha ko ay mabilis ko ng inilagan ito dahilan ng mapa subsub siya.
Agad kong hinila ang braso niya upang hindi ito tuluyang matumba dahil sa lakas ng suntok na papakawalan Niya Sana.
Gamit ang tuhod ko at itinulak ko siya patayo. Masyadong matigas ang tiyan niya kung kaya't hindi ito masyadong nasaktan.
Humirit pa ito ng suntok ngunit mabilis ko na nahuli ang kamay niya at binalibag patalikod.
Hinawakan ko ang buhok niya kasabay ng pag hawak ko sa panga niya at buong lakas ba bibalibag ito dahilan ng pagkabali ng leeg niya.
Mangiyak iyak nitong itinaas ang kanyang kamay na parang sumusuko.
Sinipa ko ang likod nito dahilan para tuluyan itong matumba. Hindi pa man nakakabagsak ang katawan nito sa lupa ng nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang isang kasamahan nito na papalapit sa akin.
Sa posisyon ko ngayon, leg slightly bending while open, I get a chance to make my force on my foot.
Sinalubong ko ito ng sipa. Napaatras ito dahil sa lakas ng pagkakasipa ko dito. Pagkabawi niya sa balanse niya ay nag laban kami ng suntukan.
Suntok sa kaliwa at ilag sa kanan. Magkabilaan. Hanggan sa lumusot ang isang suntok nito at tinamaan ako sa braso ko.
Dahil malambot ang braso ko, agad ko naramdaman ang sakit dulot ng malakas na pag kakasapak nito.
Nanghihina ang kanang braso ko dahil sa impact ng pagkakasuntok niya ngunit hindi ko iyon ipinahalata. Hindi na ako lumaban sa mga kasunod pang suntok na binibitawan niya subalit puro ilag lamang ang ginawa ko.
Hinayaan ko siyang sumuntok ng sumuntok habang ako ay ilag ng ilag. Hinayaan kong humilom ang ngilo na nararamdaman ng kanang braso ko hanggang sa maramdaman ko na magaan na ulit ito. Mga halos isang minuto ang pag titiis ko sa pag ilag.
Kahit kaliwiti ako kahit papaano ay ang kanang kamay ko parin ang may pinakanalakas ng pwersa. Ang kaliwang kamay ko lamang ang nag cocontrol.
Nang maka kuha ng pagkakataon, walang bwelo bwelo ay sinuntok ko ito sa mukha. Buong pwersa at sunod sunod na suntok sa mukha ang na tamo niya.
Alam ko na sa mukha ko siya mapupuruhan dahil alam kung pitik lang iyon kapag sa tiyan.
Nahilo ito at nag pa duling duling dulot ng malakas na suntok.
"Tang..... Ina..." Ang tsnging salitang binitawan niya.
Umikot pa ako para maka sipa at... BOOM! sipa sa mukha ang naging dahilan ng pag tumba niya.
Habang naka tihaya ito sa mga damo ay tinapak ko sa kanyang dibdib ang kaliwang paa ko.
Pag lingon ko ay sinalubong ko kaagad ang isang suntok galing sa Isa pa nilang kasamahan ngunit mabilis akong naka ilag dito.
Matapos itong pumalpak sa unang pag suntok ay sinundan niya ulit ito ng isa pa. Sa pag kakataong ito ay sinalo ko na ang suntok niya.
Medyo masakit ang tama ng kamao niya sa palad ko kaya't napa atras ako dahil doon. Kumuha ako ng balanse at itinulak ang kamay niya. Nagpakawala ako ng suntok sa tagiliran niya at sinundan ng pag balibag sa kamay niya. Hindi pa man ito nakakaganti ng tuhurin ko naman ito sa tiyan. Dito ako nakakuha ng pagkakataon na dumakdak ng suntok hanggan sa matumba ito.
Medyo madilim na at ang mga ilaw ng sasakyan lamang ang nagsisilbing ilaw namin bukod sa until unting sumisilip na buwan.
Lumingon ako sa paligid ko at napagtanto na kakaunti nalang sa mga kalaban namin ang naka tayo kabilang na dito si Blake.
Si Blake at si Blade ngayon ang naglalabanan habang ang ibang natitirang kalaban ay pinagtutulungan ng mga kasamahan naming blue fire.
My earpiece tuned and Eunice speaks.
"Xy! Hindi pa sila ubos! May mga tao sa loob ng sasakyan nila at bumababa na sila." Sabi ni Eunice dahilan upang mapalingon ako sa sasakyan nila.
"May Isa pang sasakyan ang dumating back up nila!!" Si Leslie na naman ang nag salita.
"Hintayin natin na lumabas silang lahat at mag si labasan na rin kayo." Mahinang sabi ko ng sa ganun ay kami lang ang makakarinig.
Sinenyasan ko ang mga myembro ng Blue Fire Gang na sila ang sumalubong sa mga pababa sa sasakyan.
Natanaw ko na ang mabilis na sasakyan na papasok sa field na ito at alam ko na lulan nito ang mga tao ni Blake.
"Tsk! Akala mo ikaw lang ang marunong ng madumihang laban!" Sabi ko bago ako tumakbo sa kinaroroonan nila.
Hindi ako pwedeng mag salita dahil hindi pa ito oras para makilala niya kung sino itong nasa likod ng maskarang suot suot ko.
Alam ko na nakita ako ni Blade sa gulid ng paningin niya kaya gumawa siya ng paraan para kaming dalawa ni Blake ang mag laban.
Paikot silang nag suntukan hanggan sa makarating ako sa likod ni Blade. Sumuntok si Blake at inilagan ito ni Blade dahilan para ako ang sumalo ng suntok niya. Inilagan ko ito at hinuli ang braso niya.
Wala na akong pakialam sa paligid dahil narito na ang naging atensyon ko.
Inikot ko ang braso niya ngunit nakawala ito. Humarap siya sakin at tinangkang tanggalin ang maskara ko ngunit mabilis kung iniwas ang mukha ko. Mabuti na lamang at hindi na na hablot ang maskara.
Giving him a chance, umilag lang ako ng umilag sa mga naging atake niya hanggat sa makakuha ako ng pagkakataon na bumawi.
I attacked him on his vitals until he screams out of pain.
Hanggat kaya kong mag tiis na lumaban ay hindi ko gagawin ito pero dahil tamad na ako at napapagod na rin ako patawarin ako ni Zedreik pero gagawin ko to.
Sinipa ko siya sa itlog na naging dahilan upang mamilipit siya sa sakit.
"T-tangina!!! Hayup kang babae ka!!" Sigaw nito na namimilipit sa sakit.
Nilingon ko ang paligid. Kakaunti nalang ang mga natitira sa mga kalaban namin at iilan lamang sa mga kasamahan namin ang natumba.
"Tayo!!" Sigaw ko dito at hinila ito patayo.
Ng makatayo ito ay sinapak ko naman kaya natumba ulit ito. Sinipa ko pa siya dahilan ng magpa gulong gulong ito sa damuhan. Tinapak ko ang likod niya at hinuli ang mga kamay niya.
Inabot sa akin ni Eunice ang posas at itinali ko ito sa mga kamay ni Blake.
Nag pupumiglas ito na makawala kaya't hindi ko ito maitayo ng maayos.
Tinulugan ako ni Eunice na itayo siya saka ako bumulong sa tainga niya mismo.
"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na mahuhuli rin Kita?" Bulong ko na naging dahilan upang matigilan siya sa pag pupumiglas.
Matiim itong tumitig sa akin habang naka suot pa ako ng maskara. Inaaninag niya ang mga mata ko.
"Xaillie..." Hinihingal na anito.
Sa isang sapak ay naka tulog ito.
Tapos na rin ang laban. Tumba na ang lahat ng tauhan niya.
Itinayo nila ang mga kasamahan naming na tumba at nasugatan.
Nag labas si Blade ng kalibre 45 na baril at pinaulanan ng bala ang mga tao ni Blake.
"Clean it up Blade, mauuna na kaming umuwi iiwan ko kayo ng mga tauhan ko dito at linisin niyo itong field na 'to. I'll pay you triple because of this successful mission." Utos ko dito.
"Masusunod madam." Naka ngiti din Naman itong sumunod.
Hinayaan ko si Patrick at Michael na buhatin si Blake papasok sa sasakyan namin.
"Success!!" Sabay na sabi naming tatlo nina Leslie at Eunice.
Mag ka akbay naming nilisan ang lugar na iyon.
Another achievement, another battle has gone but it was just a start of another battle....
Kaunting oras na lamang ang hintayin namin at makakamit na namin ang hustisyang pinaglalaban namin.
Makakabalik na ako sa US becouse finally I finished my mission. Ibabalik ko na sa KSI ang natatanging bagay na pumipigil sa akin na maging malaya sa mundong naka sanayan ko ng sa ganun ay matahimik na Ang buhay ko. Ang buhay ng pamilya na bubuuhin ko.
To be continued~~I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (19)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I HIGHLY RECOMMEND THIS STORY. I LOVE IT!
11/05/2022
0good
13/09/2024
0I love the story
10/08/2024
0Tingnan Lahat