Homepage/Detective Lanswell/
EPILOGUE
DETECTIVE LANSWELL
by KalilaScribe
The Finale
Chaseah's POV
"Pupunta ka pa ba? Sure ka?," tumango ako kay Kuya. Dapat talaga akong pumunta. Alangang ipakita ko sa mga pstanginang yun na affected ako.
Oo affected ako pero hindi dapat.
"Of course! Okay lang ako noh," natatawang minake upan naman ako ni Chimlin.
"Alam mo beh, mas bagay kayo ni Deiron. My vote is for you!," masayang sabi nya. Tumawa nalang din ako.
Ang cute ni Ate Chimlin legit.
"Sawaddee ka," pasasalamat ko sa kanya. Nag apir naman kami. "Natutunan mo agad yan ah," humahalakhak sya.
Nagulat ako nang bigla nalang tumakbo si Ate Chim sa sink at sumuka. Nagkatinginan kami ni Kuya.
"Lah, gsgo. Buntis!," parang tsngang sabi ni Kuya dahilan para mapatawa ako. Lumingon samin si Chim saka tumingin kay Kuya na parang maiiyak.
Anmeron?
"Nahihilo ako," agad na ngumisi ako. "Sigurado to, congratiolations na agad," tatawa tawang saad ko.
"Pupunta muna kaming hospital. Susunod lang kami sa party," sumang ayon ako. Total tapos naman na yung make up. Umalis na sila para ipacheck up si Ate Chim.
Kinuha ko yung gown na binili sakin ni Kuya. Color black long sleeves sya na gown. Tapos meron ding black stilletos.
Agad akong nagbihis at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin.
'Mas maganda naman ako kay Saniyah diba?'
Ipinikit ko ang mga mata ko. Ket anong kumpara ko sa sarili ko kay Sani, sya pa rin ang gusto ni Deiron simula't sapol.
Siguro gjnamit nga lang talaga ako ni Deiron.
Napatalon ako sa malakas na busina sa harap ng bahay. Lumabas ako at napanganga ako nang makita si Ceirus.
"C-Ceirus?," tumawa sya saka pinisil ang pisngi ko. "Wala kang respeto. Kuya ang itawag mo sakin," napangiti ako. "Kuya."
Pinapasok ko sya sa loob ng bahay. "Anong gusto mong inumin, KUYA?," inemphasize ko talaga yung word na Kuya. Humalakhak naman sya.
"Sayang. Di na kita pwedeng tawaging babe," nahampas ko naman agad sya. "Kadiri ka!," reklamo ko.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan namin. Di ko alam kung paano sisimulan yung usapan about sa past.
"I'm sorry," nagkatinginan kami dahil magkasabay naming sinabi yun. "Ikaw na mauna," sabay ulit naming sinabi yun kaya pareho kaming natawa.
"Sorry," saad nya. Napatungo ako. "Ayaw kitang maging kapatid," umangat ang tingin ko sa kanya. Seryoso ang mga mata nya.
"Joke lang," saad nya saka humalakhak. Agad ko naman syang hinampas. "Eto talaga yung totoo. Sorry. Sorry sa lahat nadamay ka pa sa katarantaduhang ginawa ko," ngumiti lang ako saka niyakap sya.
"Gagi, wag mo ako yakapin. Kinikilig ako," agad ko ulit syang hinampas. Nakakadiri tong lalaking to.
Agad na binilisan ko na mag ayos kasi sabay nalang daw kaming pupunta sa party sa bahay nila Saniyah.
Wow. Family.
"Sure ka ba talagang pupunta ka?," nangunot ang noo ko. Mukha ba akong hindi sigurado sa buhay?
"Syempre naman," nakangiting sabi ko.
Ang totoo nyan di ko alam kung anong magiging reaction ko kapag nakita ko ulit sila. Sana naman di ako umiyak.
Pagdating namin sa venue ay andami na agad ng tao. Infairness, ang ganda ng bahay nila Saniyah. Pang sampung tao ata to eh. Iba talaga pag yayamanin napangasawa.
"SEAHH?!," boses palang alam kong si Saniyah yun. Tumatakbo syang lumapit samin habang hila yung anak nya.
Di na naawa.
"Uy, Ceirus!," tinanguan lang sya ni KUYA. Di ako comfortable tawagin syang kuya. Ceirus nalang.
"Tara pasok sa loob," iginiya nya kami sa sala ng bahay nya. Inikot ko agad ang paningin ko.
"Asan si Deiron?," gusto kong sapakin ang sarili ko sa tanong na yun. Nakita ko namang natigilan si Saniyah pero agad ding ngumiti. Siniko naman ako ni Ceirus.
"Andun sya kila Vyu at Noju," pinilit kong ngumiti saka tinanggap ang inalok nyang drinks. Nilingon ko yung anak nya. Nakangiti ito sakin.
"Hewo. Taylonnnn," nakangiting sabi nya saka inabot ang kamay nya sakin. Nagpapakilala ba sya?
"Hi, Taylon," humalakhak naman si Ceirus. "Taylon ba pangalan nyan?," tanong nito kay Saniyah.
"Sairon," tatawa tawang saad ni Saniyah. Napatampal ako sa noo. Bulol pala ampsta.
"Hi, Sairon. I'm Tita Chaseah," yumakap sya sa may paanan ko. Ang cute. Kamukhang kamukha ni Deiron.
"Close na kayo ah?," umangat ang tingin ko kay Deiron. Kasama nya si Vyu at Noju na agad akong kinawayan.
"Uy, musta?," saad ko saka sila nginitian. Iniwasan ko ang mga tingin ni Deiron. Nakakasakit eh.
Agad na lumapit sa kanya si Sairon kaya kinarga nya ito. Napangiti ako ng mapait. Akala ko pa naman haha.
First love never dies pala awit. Akala ko sakin na sya eh.
"May surprise ako sa inyo," nakangiting sabi ni Deiron. Nangunot ang noo naming lahat.
"Surprise? Gustoo ko yaaan!," may biglang sumulpot na babae na may kasamang batang babae. Siguro isang taon na mas bata kay Sairon.
"Guys, I want you to meet my panganay na anak," agad na binatukan nung babae si Vyu. "Anak your *ss," saad nito.
"My wife," nakangiting pakilala ni Vyu. Napangiti ako. May asawa na pala sya. "I'm Haiena. Nice meeting y'all," pakilala nya. Isa isa din kaming nagpakilala sa isa't isa.
Umupo kami sa isang table na para ata talaga samin kasi sakto lang kami eh. Tumunog yung cellphone ko kaya napatingin silang lahat sakin.
"Kuya West," saad ko. Binasa ko ang text nya.
'On the way na kami.'
"Di sya pupunta dito?," usisa ni Saniyah. "Pupunta. Nagpacheck up lang sila ng asawa nya," nakangiting sabi ko.
"ASAWA?!," napatawa ako sa reaction nila bago tumango. Nagpakuha naman si Saniyah ng dalawang extrang upuan.
"Yung asawa nya ay pinsan ni Deiron," saad ko. Nangunot naman ang noo ni Deiron.
"Si Ate Chimlin?," tumango ako sa kanya. Humalakhak naman sya. "So umuwi pala sya dito sa Pilipinas?," tumango ulit ako. Di ko alam sasagot ko ey.
"Hi everyone!," speaking of Kuya West, andito na sila. Kasama nya si Ate Chim na mukhang ayos na ang pakiramdam.
"Good news," agad na bulong sakin ni Kuya. Nagningning ang mata ko. "SABI KO SAYO EH?!," tatawa tawang sabi ko.
"Chim is pregnant. 2 weeks," agad na nag ingay ang mga kasamahan namin at kinongratulate silang dalawa.
"Huy, ako ang Kuya mo bat di mo ako tinatawag na kuya," natawa ako sa sinabi ni Ceirus. Parang bata.
"Edi KUYA!," singhal ko sa kanya. "Naku, kung di lang kayo mag Kuya shinip na namin kayo," sinamaan ko naman ng tingin si Saniyah.
Napatalon naman kami sa gulat sa malakas na ringtone ng cellphone ni Noju.
"Fvck," mura nya saka padabog na sinagot ang phone. "What do you need?."
"BOSSSS?! MAY KAILANGAN KANG PIRMAHAN URGENT?! NASANNN KAAA PUPUNTAHAAAN KITAA?!," napatawa kami sa lakas ng boses ng babae sa phone. Secretary nya ata.
"What the hell? Stay there. Bukas ko na yan pipirmahan," nagpipigil inis na sabi ni Noju. "NOOOOOO?! PUPUNTAHAN KITAAA DYAN SA LANSWELLSSSSSS RESIDEEENCE?!," nailayo ni Noju ang cellphone sa tenga nya nang bigla syang patayan ng kausap.
"Sino yun dude?," usisa ni Vyu. "My annoying secretary," nang aasar na tiningnan naman namin sya.
"WHAT?!," pinandilatan nya naman kami ng mata.
"BOSSSS?!," isang sigaw ang umalingawngaw sa paligid. "Sheez. Andito agad sya?," tatawa tawang tanong ni Vyu. Si Noju naman ay napatampal sa noo.
"Ang ganda ng secretary mo ah?," sumipol pa si Ceirus dahilan para samaan sya ng tingin ni Noju. Apaka babaero talaga.
"B-Boss, pirmahan m-mo na teka hinihingal ako weyt," tumukod pa sa tuhod yung babae saka hinampas yung folder sa ulo ni Noju. Napailing ako.
"Bat pumunta ka pa dito? Pwede naman akong dumaan sa office mama—," di na nakatapos ng pagsasalita si Noju nang salpakan nung babae ng tissue ang bibig nito.
"Pirma," wews. "Sino ba talagang boss sa inyo?," tatawa tawang tanong ni Kuya West. Pinakyuhan naman sya ni Noju saka ito pumirma sa papel.
"Okay na. You may now leave," ngumiti ang babae saka umiling. Bumaling ito samin. "Hi guys! I'm Jayega. Alam nyo ba natrapped kami last time ni boss sa elevator tapos pinagh—hmmn?!," agad na tinakpan ni Noju ang bibig nung babae. Humalakhak naman si Ceirus.
"Alam ko na agad ang kwento," nakangising saad ni Ceirus. "It's not what you're thinking! Mainit kasi sa loob at may tendency na masuffocate sya," depensa ni Noju. Inasar naman nila ng maigi si Noju habang todo kwento si Jayega. Andaldal ng secretary na to.
Ako naman nakatungo lang. Patingin tingin sa paligid. Hindi ako naoout of place pero naawkward ako. Lalo na sa twing dadapo yung tingin ni Deiron sakin tapos magtatama yung mata namin, umiiwas ako agad.
"Cr lang ako," paalam ko saka tumayo. Sasamahan na sana ako ni Ceirus pero tumanggi ako.
Sa totoo nyan di ko alam papuntang cr kaya di ko alam kung saan papunta ang daang to.
"Chaseah," nanlamig ako sa kinatatayuan ko. "Oh, Deiron? Anong ginagawa mo dito?," pinilit kong ngumiti kaso baka nagmukhang peke.
"Let's talk," agad nya akong hinila sa kung saan.
Sa sementeryo? Malapit lang pala dito sa bahay nila Saniyah at Deiron.
Pero nakaayos ang senenteryo. May tent. May mga pagkain at drinks. May onting mga upuan. Anong meron dito?
"Maya maya lang ay papunta na ang barkada dito. Magsasariling celebration daw," ah. Pupunta din pala kami dapat dito mamaya.
"Anong gagawin natin dito?," takang tanong ko. Di ako nakapalag ng hawakan nya ako sa pisngi.
"Bago sila dumating, gusto kong ipaliwanag ang side ko sayo," napabuntong hininga ako.
Ito na ata yung mga sagot sa katanungan sa isip ko.
"Unang una sa lahat, I just wanna say sorry. Totoo yung nararamdaman ko sayo dati," napangiti ako ng mapait. Totoo daw.
"Pero kasi—,"
"Pero kasi nauna talaga si Saniyah. Sya naman talaga yung unang babaeng minahal mo. Naiintindihan ko, Deiron," ngumiti ako ng mapait. Sakit ah.
"I'm sorry. I think I'm just infatuated that time na magkasama tayo," parang tinusok ng isang milyong karayom ang puso ko.
"There's this plan na gagamitin lang kita para mahuli yung mga Montevillus," di ko napigilan na sampalin sya. "Ginamit mo ko, Deiron," tumulo na ang mga luhang pinipigilan ko. Pwede naman akong maging mahina kahit ngayon lang diba?
"That's why I'm sorry. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Gusto ko na maging masaya ka rin," napatungo ako. Paano ako magiging masaya kung wala sya sakin?
"Alam mo, kung di ka nanghimasok sa buhay ko di magiging ganito ang lahat," mapait na sabi ko sa kanya. Umiling sya. "Gusto mo bang mabuhay sa kasinungalingan?."
Siguro. Mas gugustuhin kong mamuhay nalang sa kasinungalingan kung ganito din naman pala kasaklap yung mangyayari kapag nalaman ko yung katotohanan.
"Tinulungan kita, Chaseah. Tinama ko yung landas mo. Mali yung ginawa mong pagsanib sa kanila. At mali yung mahulog ka sa sarili mong kapatid," napahagulgol ako.
"Sa tingin mo nasa tama na ngayon yung landas ko? Akala ko kasi yung tamang landas papunta sayo. Hindi pala," niyakap nya ako kaya lalong lumakas ang iyak ko.
"Mahahanap mo rin yung tamang lalaki para sayo, Chaseah. I think we'd be better if we were just friends," napapikit ako.
Pinakamasakit na salitang narinig ko galing sa mga taong mahal ko. Ang galing naman ni tadhana makipaglaro. Talo ako eh.
"Kung hindi mo kapatid si Ceirus, di na sana kita papakialaman nun," napakuyom ang kamao ko. Bakit kasi naging kapatid ko sya? Kung hindi, edi sana di na nagkalapit pa kaming dalawa ni Deiron.
Umupo sya sa harap ng puntod ng Kuya nya. Tumabi ako sa kanya. Saka ko napansin na may jar na nakatabi sa puntod. Kay Dasha siguro.
"Gusto kong humingi ng tawad kay Dasha," napalingon kami kay Kuya West. Kasama nya si Ate Chim.
"Hindi ko na ata matutupad yung pangako ko sa kanya na sya lang yung mamahalin ko," umupo sya katabi ni Deiron. "Gusto kong pakasalan ang pinsan nyo. Pananagutan ko si Chim," nagyakap naman si Deiron at Kuya West kasabay ng pagdating ng iba pa naming mga kaibigan.
Tumayo na kami at umupo sa mga upuan. Ni hindi ko tinapunan ng tingin si Deiron at sinadya kong umupo malayo sa kanya.
"BABE!," nanlalaki ang mata kong tiningnan si Ceirus. "Kadiri ka!," singhal ko sa kanya.
"May surprise ako sayo!," nangunot ang noo ko. Napatayo ako nang makita si Ceira , si Carol, si Victor, at si Aldrich?
"A-Anong ginagawa nila dito?," takang tanong ko. Akala ko ay habang buhay na pagkakakulong ang kay Daddy at Aldrich. Habang si Ceira at Carol ay nasa probinsya?
"I have my ways," seryosong saad ni Deiron habang nakatingin sa mga mata ko. "Meron ka pang dapat malaman," saad nya na nagpakaba sakin.
"Hindi mo kapatid si Ceirus," literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Daddy.
"Pakiulit po?," parang tsnga kong sabi.
"Ceirus is not your older brother."
-----THE END-------
[Author's Note:
Sa sobrang bitin ng story na to, desurb talaga neto ng book 2. Di ko alam kung gagawan ko pa ba o sasadyaing bitin talaga ang librong to. Pero kung gagawan ko man, baka sa bakasyon pa kasi masyado akong busy sa school works. Meron akong draft ng new story which is yung 'Her Fictitious Journey'. Soon to he published. Sana magustuhan nyo xoxo.
Dito na nagtatapos ang kwento ni Deiron at Chaseah. Tragic kasi di sila nagkatuluyan pero dahil sadgirl ang author habang sinusulat ang story na to, damay damay na diz. Thank you sa mga nagbasa at nakaappreciate. Love you all mwa <3]
DETECTIVE LANSWELL
All rights reserved.
KalilaScribeI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (68)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
nice story,,book 2 po sana
07/11/2024
0good
19/07/2024
0ganda
26/06/2024
0Tingnan Lahat