Homepage/Detective Lanswell/
CHAPTER 49
DETECTIVE LANSWELL
by KalilaScribe
Chaseah's POV
"Oh, laya ka na. Gawa ka ulit ng kasalanan. Nabubusog mga mata ng mga lalaking detainee dito sa kagandahan mo eh," di ko alam kung biro ba tong sinasabi ng pulis na to. Ansarap sapakin nakakapstangina.
"Teka. Gusto ko munang makita si Victor Montevillus," saad ko sa pulis.
Gusto kong malinawan at tapusin ang lahat ng to. Agad naman akong iminuwestra ng pulis sa selda ni Victor.
Naabutan ko sya dung nakaupo sa gilid at may hawak na litrato. Napansin nya ata ang presensya namin kaya agad syang tumayo.
"C-Ceizian, anak," pinanatili ko ang lamig sa mga mata ko. "Wag mo akong tawaging anak," malamig na sabi ko.
"Gusto kong malaman ang katotohanan," agad namang inilabas ng pulis si Victor at pinosasan bago kami iginaya sa may upuan. Umupo na din ako at nilapag ang mga gamit ko sa lamesa.
"Maliit ka pa nun. Sa hospital, sabi samin ng doctor ay may sakit ka at di ka na aabutan ng matagal na panahon samin," tss. Buhay na buhay ako. Buhay sa kasinungalingan.
"Yun pala, inutusan ni Aldrich ang tauhan nya na si Mayor Arvon para ipalit ang anak nitong malapit ng mamatay sayo sa hospital. All this time, hindi pala si Ceizian yun," seryoso lang ang tingin ko sa kanya.
"Ibinigay ka ni Aldrich sa mag asawang pinaka pinagkakatiwalaan nyang tauhan. Yung mga tinuring mong magulang. Nung araw na namatay sila ay yung araw na dapat aaminin nila sakin na ikaw ang nawawala naming anak. Pero pinapatay sila ni Aldrich," nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.
Bumabalik lahat ng sakit. Yung katanungan ko sa loob ng maraming taon unti unti ng nasasagot.
"Naghiganti ako kay Aldrich. Ipinaghiganti ko ang mga magulang na itinuring mo, pinatay ko ang asawa nya. Inutusan ko ang mga tauhan ko—ang mga magulang ni Saniyah, na patayin ang asawa ni Aldrich. Gumanti pa rin sila at pinatay ang mga magulang ni Saniyah," all this time, pareho lang pala kaming biktima. Nagkaroon pa ng lamat ang pagkakaibigan namin.
"Di na ako gumanti pagkatapos nun. Alam mo bang unang kita palang namin sayong mag asawa magaan na agad ang loob namin?," nakangiting sambit nya. Tumungo lang ako.
May luhang tumakas sa mga mata ko pero agad ko ding pinunasan. Matatag ako.
"Gusto sana kitang makasama ng matagal kaso mukhang dito ako sa kulungan mamamatay," tumawa sya ng pilit. Napahikbi ako.
Di ko alam kung anong dapat kong maramdaman na makilala ang tunay kong mga magulang.
"Ang mommy mo nalang ang bahala sayo," tumingin ako sa kanya saka ko sya niyakap. "K-Kapatid ko po ba talaga si Ceirus?," malungkot na sabi ko.
"Oo, Kuya mo sya," napangiti ako. Salamat nalang talaga kasi nawala na yung feelings ko sa kanya.
Salamat kay Deiron. Dahil sa kanya hindi namali yung daang tinahak ko.
"Si Ceirus po? Nasaan na sya?," tanong ko. "Nasa mommy mo. Nung nakaraang linggo sya nakalabas," tumango ako at nagpaalam kay Daddy na bibisitahin ko sya araw araw.
Oo, Daddy na. Medyo awkward pero yun talaga ang dapat. Kung wala akong respeto sa kanila dati, ngayon meron na.
Paglabas ko ng station ay nakita ko agad si Kuya. Agad ko syang niyakap.
"Kelan ka lang nakauwi galing Thailand?," usisa ko sa kanya. "Kahapon lang. I'm with my wife," nanlaki ang mata ko sa narinig.
"MAY ASAWA KA NA?! AKALA KO BA—," di natapos ang sasabihin ko nang may makita akong babaeng maganda. Mukhang Thai.
Pero parang pamilyar.
"Paramg medyo kamukha sya ni Dasha, Kuya West," bulong ko kay Kuya. Tumawa sya. "She's Dasha's cousin," napatakip ako ng bibig.
Ano bang iniisip ng lalaking to?
Bakit nya pinatos yung magpinsan?
"Alam ko ang iniisip mo. Nasabihan ko na si Dasha tungkol dito," tumango nalang ako.
"Hi, Chaseah. I'm Chimlin," nagulat ako. "Kilala mo ko? Kwinento mo ba ako sa kanya, Kuya?," umiling si Kuya.
"I know you. Deiron talks about you so much," ngumiti ako ng pilit saka inabot ang kamay ko. "Nice to meet you, Ate Chimlin."
"Tara na," napatigil ako. "Yung gamit ko naiwan ko sa loob," nagpaalam akong babalikan ang gamit ko na nakapatong sa lamesa kanina. Nagpaalam din silang hihintayin nalang ako sa parking lot.
Si Saniyah kaya? Asan na sya? Wala na akong balita sa kanya. Sa pagkakaalam ko si Vyu ay may asawa na. At si Noju naman busy sa business.
Si Deiron naman, di na sya nakakapunta dito sa quarter simula nung naging isa na syang ganap na pulis. Pero nung on process pa sya, lagi nya akong binibisita. Kinekwentuhan ng mga na nangyayari sa labas.
Miss ko na sya at gusto ko na syang makita para sabihing pwede na nyang tuparin yung pangako nya sakin.
Masaya ako para sa kanya kasi kahit mag isa nalang sya, nagawa nya pa din at nalagpasan nya lahat ng hamon sa buhay.
"Oh babalik ka ba sa kulungan?," sita sakin ng pulis. Talagang masasapak ko to ng wala sa oras.
"Naiwan ko yung bag ko," pabalang kong sagot. Dumeretso ako sa inupuan ko kanina at buti naman andun pa yung bag.
Andito pa yung mga letter at regalo ni Deiron sakin. Tinatago ko ang lahat ng binibigay nya sakin.
"Ay psta!," reklamo ko nang may makabangga ako. Taena kita nyang may tinitingnan ako sa bag ko dapat sya na nagadjust.
"DI MO BA NAKIKITA OH?! MAY TINITINGNAN AKO?!," singhal ko sa kanya habang nagmamadali syang nilagpasan nang hindi tinatapunan ng tingin.
"Chaseah," nanlaki ang mata ko at awtomatikong napalingon. "Deiron?," gsgi. Abot mars ang ngiti ko ngayon.
"Kamusta ka na?," ngumiti ako. Lalapit na sana ako para yakapin sya nang maya marinig akong pamilyar na boses sa likod.
"BEYBBBB?! ASAN SI SAIRON?!," kinakabahan akong lumingon at di nga ako nagkamali sa pagkakarinig ko ng boses nung babae.
"Saniyah?," natigilan din syang napatingin sakin. "CHASEAH!," agad nya akong niyakap kaya yumakap ako pabalik.
"I'm so sorry sa lahat, Seah. Di ko sinasadya na madaming napahamak dahil sa kagagahan ko," humihikbing sabi nya. Napangiti ako.
"Di naman ako nagtanim ng galit sayo," saad ko saka sya hinagod sa likod. "Sure ka?," hinarap ko sya sakin saka nakangiting tumango.
"Sure," tumawa naman kaming dalawa saka muling nagyakapan. Sinulyapan ko si Deiron at nakangiti lang syang nakatingin samin kaya ngumiti din ako pabalik. Napansin kong nagbago ang hitsura nya.
"Kung hindi ka na nga talaga galit, aattend ka dapat mamaya ng reunion nating magkakaibigan?," nangunot ang noo ko.
'Reunion?'
"Aattend ka ah? Sa bahay namin, aasahan kita. Andun lahat ng mga kaibigan natin eh," alanganin akong tumango.
"Mommmyy," napatingin ako sa batang humila ng damit ni Saniyah.
Sobrang tagal ko atang nawalan ng balita sa kanya. May anak na sya?
"Nga pala, Seah. Si Sairon, anak ko," nakangiting pakilala ni Saniyah. Umupo ako para magkapantay kami ng bata.
"Hi, Sairon. Ako si Tita Chaseah," nakangiting sabi ko. Napakapamilyar ng mukha ng bata. Kamukha ni Deiron.
Kinabahan ako.
"Mali ka ng sabi Saniyah. Anak ko din yan," halos pagbagsakan ako ng langit at lupa sa narinig ko.
So tama nga ang naiisip ko.
Tumayo ako at nakangiti silang hinarap.
"K-Kayong dalawa?," tinuro ko sila. Nakita kong siniko ni Saniyah si Deiron.
"Mm. Saniyah is my wife," kinagat ko ang pang ibaba kong labi para pigilan ang pag iyak.
"Wow! Congratiolations! Ang cute ng anak nyo, kamukha mo Deiron kaya sabi ko sa isip ko pamilyar," saad ko saka bahagya pang tumawa. Ngumiti din silang dalawa sakin.
Ang sakit nun ah.
Sabi nya sakin 3 years ago, hihintayin nya ako. Yun yung naging motivation ko para magpatuloy at tiisin ang ilang taon sa loob ng selda.
Yun pala, dun din sya mapupunta sa babaeng una nyang nagustuhan.
Para saan pa yung mga pangako nya sakin nun? Di din naman pala nya tutuparin. Nakakatawa.
*/flashback/*
"Pasensya ka na sa nangyari. Kailangan talagang manaig ng batas," hinawakan nya ang kamay ko na parang sinasabi na okay lang ang lahat. Nakangiting tumango ako sa kanya.
"Okay lang. Alam ko namang may kasalanan talaga ako at dapat kong panagutan," bumuntong hininga sya.
"Totoo yung mga sinabi ko. I really like you. At hihintayin kita hanggang sa makalaya ka. Bubuuin ko yung pangarap ko na ikaw yung nasa tabi ko," napangiti ako saka sya niyakap.
"Salamat ah? Tinuwid mo yung landas ko," kung nagkataong wala sya, baka nasaktan na ako sa katotohanang gusto ko si Ceirus pero di kami pwede kasi magkapatid kami.
"Bibisitahin kita lagi dito para di mo maramdamang nag iisa ka," hinaplos nya ang pisngi ko dahilan para gumaan ang pakiramdam ko.
Walang araw na hindi ako binibisita ni Deiron. On process pa ang pagkapromote nya bilang isang pulis. Masaya ako kasi natapos nya yung task nya sakin dahilan para mas mapabuti ang lagay nya sa serbisyo.
Lagi syang nagdadala ng mga motivational messages at chocolates na paborito ko. Lagi nya din akong kwinekwentuhan sa mga nangyayari sa iba naming kaibigan.
That time, never syang nagkwento sakin about kay Saniyah. Ang sabi nya, wala na daw syang balita.
"Si Saniyah? Di ko na sya nakikita," umiwas sya ng tingin kasabay ng pagtunog ng cellphone nya.
"May tumatawag," nagpaalam sya na sasagutin ang tawag. Sinulyapan ko sya na ngumingiti habang may kausap sa cellphone.
"Si Tito Dev yung tumawag. Kailangan daw ako sa opisina," nakangiti akong tumango.
Pagkatapos ng araw na yun, di na sya nagpakita sakin. Sabi nung mga pulis dito, nadestino na daw sya sa ibang lugar. Sobrang naging malungkot ang mga naiwang taon ko na yun dito sa loob ng kulungan.
Laging tulala, lutang.
Umaasa at naniniwala pa rin ako nun na tutuparin nya yung pangako nya sakin. Yun pala di na mangyayari kasi nangako na sya ng habang buhay sa iba.
Ang masaklap sa bestfriend ko pa.
___________________________________________________________________________I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (68)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story,,book 2 po sana
07/11/2024
0good
19/07/2024
0ganda
26/06/2024
0Tingnan Lahat