Homepage/Detective Lanswell/
CHAPTER 48
DETECTIVE LANSWELL
by KalilaScribe
West's POV
"Hi, are you a citizen here?," nilingon ko ang babaeng nagsalita sa likod ko. "Mai ka," sagot ko in a Thai language saka umiling. Inalok nya ako ng dala nyang Cha Yen, thai iced tea.
"Mai ka, khun kob ka," tanggi ko. "Muka kang Pinoy. Akala ko Pinoy ka," napalingon ako sa kanya.
"Pinoy ako," nagningning naman ang mata nya. "Yun! Buti naman," bigla syang umangkla sa braso ko. Agad ko namang tinanggal ang pagkakahawak nya sa braso ko.
"Maldito," di ko sya pinansin at nagtake lang ako ng mga pictures.
Sa loob ng tatlong taong pamamalagi ko dito, ni minsan di ako nakaramdam ng happiness. Dream destination ko to pero pagtapak ko dito dala dala ko yung lungkot.
Ang hirap.
"Umiiyak ka?," hinawakan ko ang pisngi ko. Basa nga. Kinuha ko ang panyo ko saka pinunasan ito.
Embarrassing.
"Ang lungkot mo naman ata," inagaw nya ang camera na hawak ko. "Tingnan mo ang mga kuha mo. Walang mga buhay," binawi ko naman sa kanya ang camera.
"Wala ka ng pake," nagsimula na akong maglakad palayo. Bakit may babaeng bigla na lang sumulpot para inisin ako?
"Alam mo, mas gaganda yung pictures mo pag may puso," napapikit ako. Nakasunod pala sya sakin. Sinabayan nya ako sa paglalakad.
"I'm Chimlin. Half Thai, half Filipino," di ko sya pinansin. "Ikaw anong pangalan mo?," tumigil ako sa paglalakad saka sya hinarap.
"West. Now, leave me alone," tinulak ko sya dahilan para mapaupo sya. Tsk. Nakakainis.
Sa loob ng 3 years napuntahan ko na ata lahat ng gusto kong puntahan dito eh. Gusto kong isama dito si Chaseah kaso ngayong taon palang sya makakalabas sa kulungan.
Oo. Tatlong taon yung hatol sa kanila ni Ceirus. Habang si Victor naman at Aldrich ay habang buhay na pagkakakulong.
Nagdecide akong pumunta dito kasi si Chaseah nasa pangangalaga na ng mga tunay nyang magulang.
Isa pala syang Montevillus.
Wala akong ideya. Tinuring ko naman syang tunay na kapatid at masakit saking malaman na di ko pala sya tunay na kadugo.
Alam ko namang di sya pababayaan ng mga yun. Alam ko kung gaano nila kamahal si Chaseah—Ceizian.
Lahat na ata sila masaya na sa kanya kanya nilang buhay. Ako nalang ata yung hindi makamove on sa nakaraan.
That night, na dinala ko si Dasha sa hospital alam kong wala ng pag asa. Her heart already stopped beating before we reached the hospital but still, I hoped.
Pero wala na talaga. Iniwan na ako ng babaeng mahal ko.
It's been three years simula nung tragedy na yun. Hindi naging maayos ang buhay ko. Di ko na alam kung san na papunta.
God knows how much I want to be with her now. Gusto ko na sya ulit mayakap. Kaso di na mangyayari.
I looked up at the sky and smiled.
Hindi ako magmamahal ng iba bukod sa kanya. Hindi ako maghahanap at tatanggap ng ibang babae sa buhay ko.
"Sawaddee ka!," napapikit ako nang makita na naman ang babaeng nang inis sakin. "Ang ganda ng view bat iniiyakan mo?," di ko sya pinansin. Click lang ako ng click sa camera ket walang angle.
"Ee bpràyt!," did she just say 'fvck you'? Inagaw nya ang camera sakin at umaktong magpipicture.
She tooked a shot of the view infront us. Actually walang especial sa view ng isang cup na nakapatong sa blocks.
"Tingnan mo," inabot nya sakin ang camera. Namangha ako. How did she managed na bigyang buhay ang simpleng view na yun?
"Sabi ko sayo puso kailangan mo eh," tinuro nya pa ang dibdib ko saka nakangiting umalis.
Puso.
I smiled. Minuwestra ko ang camera ko. Pano ba lagyan ng puso to?
Inisip ko si Dasha. Napangiti ako saka pinitik ang camera.
"Wow! Ang ganda," lumingon ako. Andito pa pala sya. Tiningnan ko ang picture.
Sunset.
"Kaya mo naman pala eh," nakangiting sabi nya saka inabot sakin ang isang tinapay. "Sayo na," she said.
"Sawaddee ka!," paalam nya at nagwave ng hand paalis. Ngumiti ako.
Ang ganda pala pag lalagyan ng buhay yung pictures. Parang nagkakaroon ng kulay at memories.
"Uuwi ka bang Pilipinas? Pwede pasabay?," actually I decided na umuwi sa Pilipinas dahil next month na ang Death anniversary ni Dasha at ni Dandrell.
Yes. That night, pinatay ni Ceirus si Dandrell and he didn't survived.
"Next week magbobook na akong flight," saad ko. "Yey! Sama ako ah," it's been weeks since nagkita kami ng babaeng to.
Walang ginawa kundi inisin ako araw araw. Masyadong makulit at maingay. Di gaya ni Dasha. She's so matured.
"Tara na! Laro tayo!," I sighed then nodded my head. "Truth or Drink?," tanong nya pag tapat ng bote sakin.
"Drink," saad ko saka tinungga ang isang basong alak. "ANDAYA?! BAKIT?!," pagmamaktol nya. Muli nyang pinaikot ang bote at tumapat sa kanya.
"Truth," prenteng sagot nya. "Kelan mo ko titigilan?," deretsong tanong ko. Nakangiti syang umiling.
"Wala akong balak," ptek. Ano bang problema ng babaeng to?
"Oh truth ka," sabi nya pagkatapat sakin ng baso. Napabuntong hininga akong tumango.
"Bakit ka andito sa Thailand?," napahawak ako sa sentido ko. Nakaramdam akong hilo mukang tinamaan na ako ng alak.
"Pangarap namin tong puntahan ng girlfriend ko," nakita ko syang ngumiti. "Tama. Nakwento yan sakin ni Dasha," napaangat ang tingin ko sa kanya.
"Kilala mo ang girlfriend ko?," takang tanong ko. She nodded. "I'm her cousin," napahampas ako sa lamesa.
"Bakit di mo sinabi sakin?!," singhal ko sa kanya. "Simula nung mawala si Dasha, sinusundan na kita. Pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob lumapit sayo," seryosong sabi nya. Di makapaniwala ko naman syang tiningnan.
"Anong kailangan mo sakin?," tumayo din sya. "Sabi sakin ni Dasha, kapag dumating yung araw na mawawala na sya sa mundong to... ako daw ang bahala sa mga taong minamahal nya sa buhay," kumirot ang puso ko sa sinabi nya.
"Nag iisa nya akong pinsan sa side ng Mommy nya. Ket nandito ako binabantayan ko sa Pilipinas si Deiron at ikaw," napakuyom ang kamao ko. "Di mo ako kailangang bantayan," gigil na saad ko.
Ngumiti sya sakin. "Tutulungan kitang kalimutan sya," di ko alam kung pandinig ko lang ba o talagang umiba ang tono ng boses nya.
"Inaakit mo ba ako?," di sya sumagot. Lumapit lang sya sakin. "I were only 9 years old that time nung pinakilala ka sakin ni Dasha. We met 12 years ago," seryosong sabi nya.
Memories came into my mind. May pinakilala nga saking pinsan si Dasha.
"I was stucked with you since that day," naging malungkot ang tono ng boses nya. "Alam mo bang kapag kinekwento ka sakin ni Dasha, naiinggit ako," tinulak ko naman sya.
"Di mo alam ang sinasabi mo. Aalis na ako," hinawakan nya naman ako sa braso. "Hindi matutuwa si Dasha na nakikita kang ganito, West," winaksi ko ang kamay nya.
"At sa tingin mo magiging masaya sya kapag inahas mo ako?," nakangising sagot ko. "Please," hinawakan nya ako sa pisngi. Sobrang nandidilim na ang paningin ko. Nahihilo na ako.
Inis na hinawakan ko sya sa braso. "Inaakit mo ba ako? Ha? Sige, ibibigay ko ang gusto mo," I pushed her into the bed. Hinalikan ko sya ng mapusok hanggang sa di ko na alam ang ginagawa ko.
"Nasaan ako?," yan ang lumabas sa bibig ko pagkagising ko palang. Nakarinig ako ng hikbi sa gilid ko kaya agad akong lumingon.
Nasa iisang kama kami ni Chimlin. At pareho kaming walang saplot.
"What did I do?," umiling sya habang patuloy pa din sa pag iyak. Napasabunot ako sa frustration.
"You raped me," umiiyak na sabi nya. Nalaglag ang panga ko sa narinig.
Ginawa ko yun?
Wala sa sariling niyakap ko sya. "I'm sorry," mas lalong lumakas ang iyak nya.
"Di ko alam ang gagawin ko," saad nya. I sighed. "Papanagutan kita," kasabay ng pagtulo ng luha ko.
'I'm sorry, Dasha. Di ko natupad yung pangako ko sayo.'
Saniyah's POV
"Hoy, Drell! Di ka na ba talaga babangon dyan?," pinagtitinginan ako ng mga tao. Wala akong pake.
Nasa sementeryo ako ngayon at dinadalaw ang puntod ni Dandrell. Lagi akong nagpapasalamat sa lahat ng tulong na ginawa nya sakin.
Kahit sobrang maldito nya sakin. Ket ako yung palagi nyang inuutusan sa trabaho dati. Kahit ako yung lagi nyang pinapagalitan. Miss ko pa din sya.
Nagsakripisyo pa sya para lang tulungan at suportahan ako sa kahibangan ko.
It's been three years since that tragedy. Hindi ko masasabing nakamove na ako—kaming lahat, pero hindi na masyadong masakit.
Isa pa, lahat kami ay maayos na ang mga buhay may kanya kanya ng pamilya at mga tungkulin sa buhay.
Si Dasha ay pinacremate ni West at inilagay nya sa bahay nya sa Thailand. Dun na sya nakatira ngayon at wala na kaming balita sa kanya. Si Vyu ay may sarili na atang pamilya habang si Noju ay busy sa buhay may negosyo.
"Di ka pa din ba nakakamove on sa Kuya ko?," napalingon ako sa nagsalita. "G*go ka ba Deiron? Malamang bibisitahin ko ang Kuya mo sa tuwing hinahunting ako ng konsensya ko," singhal ko sa kanya.
Umupo naman sya sa tabi ko.
"Miss ko na silang dalawa ni Ate Adaiya. Ni hindi man lang ako nakapagsorry kay Kuya. Ni hindi kami nagkaayos bago sya mawala," nakatungong sabi ni Deiron. Hinagod ko naman ang likod nya saka hinampas.
"What the fvck?!," reklamo nya. "Ay sorry. Pampawala yun ng sakit na nararamdaman," saad ko saka humalakhak.
Napatitig ako sa kanya kaya kumunot ang noo nya.
"ASAN SI SAIRON PSTANGINA KA?!," napatayo agad ako sa pagkakaupo saka pumunta sa kotse ni Deiron. "WALA DITO SI SAIRON?! ASAN SYA?! MALILINTIKAN KA TALAGA SAKIN?!," inis na tinanggal ko ang doll shoes ko at hinagis ko sa kanya.
"ANO BA?! ANDYAN LANG YUN SA KOTSE?! UWI NALANG TAYO, WAG NA NATIN HANAPIN?!," inis na sinapak ko naman sya habang todo sya halakhak.
"Tsngina ka. Umayos ka!," pagbabanta ko sa kanya. "Dwadweee, Mwamwee?!," nakahinga ako ng maluwag nang makitang tumatakbo papalapit samin si Sairon.
"Son, where the fvck on earth have you been?," agad na binatukan ko si Deiron. "Yang bibig mo! Bata ang kausap mo!," sermon ko sa kanya.
Yes. Pumabor samin yung tadhana. Nagkatuluyan kami ni Deiron and were 2 years married. Sobrang saya ko nung araw na yun. Akala ko di na matutupad yung pangarap ko.
We only have one son, si Sairon. He's only 3 years old. Yes, naging anak namin sya hindi pa kami kasal.
Nangunot ang noo namin kasi may tinuturo sya sa di kalayuan. May pamilya kasi dun. May babaeng tinuturuan maglakad yung batang babae. Tapos may lalaking nakatingin samin at kumakaway.
"Vyu?," sabay naming usal ni Deiron. Agad namang tumakbo si Vyu papalapit samin at niyakap si Deiron.
"Bro, kelan lang kayo umuwi dito?," usisa ni Deiron. "Last week pa," sinulyapan ko ang babaeng kasama nya na may hawak na bata. Ngumiti ito sakin kaya nginitian ko din sya.
"Asawa mo?," tanong ko kay Vyu sabay turo sa babae. Hinila nya naman yung babae saka inakbayan. "Psta, aray masakit!," reklamo ng babae.
"She's Haiena, my pet," agad naman syang sinikmuraan ng babae. Naalala ko si Chaseah sa ugali nya.
Kung itatanong nyo kung nasan si Chaseah, ngayong taon palang sila makakalabas ng kulungan ni Ceirus. Sobrang naaawa ako sa kanya. Sobrang bigat ng pinagdadaanan nya sa buhay na hanggang ngayon di pa din nabibigyang linaw ang lahat.
"Woi, they're asking you," pukaw sakin ni Deiron. "Ha ano daw?," binatukan naman ako ni Deiron.
"Tsk. She's Saniyah, my wife," nakita ko ang pagrehistro ng gulat sa mata ni Vyu. "I thought you would be waiting for—oh," nakita ko ang pandidilat ni Deiron ng mata kay Vyu.
Oo, alam ko. Lahat sila gusto si Chaseah para kay Deiron. Alam ko din na nagkagusto si Deiron kay Chaseah pero saglit na panahon lang naman yun.
"Let's eat," aya ni Deiron. Tumango naman kami. Agad ko namang binuhat si Sairon papasok.
"How old is he?," tanong ni Haiena pagpasok naming kotse. "3. How about her?," turo ko sa anak nyang babae.
"She's Haiya. 2 years old," sagot nya. Ngumisi ako kay Deiron agad namang sumama ang tingin nya. "I don't like what you're thinking, babe," saad nya sakin.
"Ayokong mapangasawa ng anak ko yan. Baka kasing sama yan ng ugali ni Deiron," tatawa tawang sabi ni Vyu kaya agad ko syang binatukan.
"Sakin naman to nagmana," pagmamalaki ko. Napuno ng halakhakan ang buong sasakyan.
Masasabi kong masaya at medyo kumpleto na ang buhay ko. Isa nalang ang kulang.
Ang humingi akong tawad kay Chaseah—sa bestfriend ko.
____________________________________________________________________________________I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (68)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story,,book 2 po sana
07/11/2024
0good
19/07/2024
0ganda
26/06/2024
0Tingnan Lahat