Homepage/Detective Lanswell/
CHAPTER 47
DETECTIVE LANSWELL
by KalilaScribe
Vyu's POV
It's been a year simula ng makalabas akong kulungan. Magaan lang yung kaso sakin kaya 2 years lang. Napagdesisyunan kong pumunta dito sa ibang bansa para dito na manirahan.
"Hoy! Bakit hindi color rainbow amg theme ng kasal natin?," napatampal ako sa noo ko. "Haiena, kasal to. Hindi children's party," napasimangot sya.
Well, yung arranged marriage namin? Tuloy na tuloy pero ngayon hindi na arranged. Dahil pareho na naming ginusto.
Sa loob ng isang taon naming pagsasama dito sa Amerika, masasabi kong napakadali nya lang mahalin. Sobrang saya nya kasama.
Naalala ko pa yung sinabi sakin ni Chaseah nung huling araw ng pagkikita namin. Matututunan ko din daw mahalin ang babaeng to. Yung mga efforts na ginagawa nya, maaappreciate ko din daw someday. At yung someday na yun ay ngayon.
"Anong iniisip mo dyan?," usisa nya habang nanonood ng barbie. Oo. Isip bata sya. Di ko nga alam kung magiging asawa ko ba to o magiging anak.
"Wala ka na dun," sagot ko. Tumango naman sya saka sinabayan yung kanta ng barbie at sumayaw sayaw pa.
"Kinakamusta mo ba yung mga kaibigan mo sa Pilipinas?," tanong nya sakin. Tumango ako. May contact pa rin ako kay Noju at Deiron. Kay West wala na. Balita ko ay pumunta syang Thailand para hanapin ang future nya. Si Saniyah naman, di ko din alam.
"Di ba tayo magbabakasyon dun?," napaisip ako sa sinabi nya. "Hindi na," sa tingin ko ay ayos naman ang lahat.
Wala ng kailangang ungkatin pa sa nakaraan.
"Hoy, yung anak natin bantayan mo! Nanonood pa akong Barbie," napatampal ako sa noo. May anak na kami at lahat napaka isip bata nya pa din.
"Uto oh dodo," nangunot ang noo ko. "Hon, ano daw sabi nya?," tanong ko kay Haiena. "Dede daw! Padedein mo," kamot ulo kong kinuha ang bottle at tinimplahan ng gatas.
Parang dalawa yung anak ko eh at isa akong single mom. Bakit ba ako nag asawa ng isip bata?
"Hon, gusto kong gumala sa Pilipinas. What do you think?," bakit ba gustong gusto nyang bumalik sa Pilipinas?
"Sa susunod na buwan kasi ay alam mo na," malungkot na sabi nya. Oo nga pala. Naaalala ko na kung anong mayroon.
"Tatlong taon nang wala si Deiron at Dasha. Kailangan ka ni Deiron," saad nya sakin. Tumango ako saka ngumiti.
Tama.
Kada kasi kamatayan ng mga kapatid nya ay sobrang nagpapakawasted sya. Wala nang natitira sa kanya. Wala na ang Mom nya si Dasha at Dandrell. Ang Dad nya naman ay nahatulan ng habang buhay na pagkakakulong tulad ni Victor Montevillus dahil sa mga illegal na gawain nila.
Si Chaseah at Ceirus naman ay balita ko ngayong taon makakalaya. Si Noju naman busy sa trabaho. At ako ay nandito sa ibang bansa.
Walang karamay si Deiron.
"I'll book a flight for next month," anunsiyo ko dahilan para mapangiti si Haiena. "Gusto kong makita si Chaseah. I love you, Hon!," niyakap nya naman ako saka hinalikan sa labi.
"I love you too," nang aasar na nginitian nya ako. "Kala ko ba di ka magpapakasal sakin ha?," sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Nagsisisi nga ako," agad nya naman akong hinampas. "Napakasama talaga ng ugali mo," napailing ako.
Kung ako napakaswerte kay Haiena na sobrang bait, kamusta naman kaya ang iba naming mga kaibigan?
Noju's POV
"Nasayo ba ang schedule ko for today?," tanong ko sa secretary ko. Nakangiti naman syang tumango. "Yes my handsome boss!," napatampal ako sa noo.
Nilalandi ako nitong secretary na to at di ko to nagugustuhan.
"Anong next meeting ko?," kalmado kong tanong. "May date ka with Ms. Jayega Vajeha, 12 pm lunch date," agad na napahampas ako sa lamesa.
"Anong pinagsasabi mo?!," tinutukoy nya ang sarili nya dun sa sinabi nya. Nagtatanong akong maayos.
"May date ka sakin," nakangiting sabi nya saka nilapag ang folders na dala nya at hinila ako palabas ng opisina.
"Bat ba ang kulit mo?," inis na tanong ko sa kanya. "Crush nga kasi kita, Boss," bumuntong hininga ako.
Pumasok kami sa restaurant na katapat lang din ng building na pagmamay ari ko. "Ako ba gusto mong kainin?," pinandilatan ko syang mata. Humalakhak naman sya.
"I mean, ANO ba ang gusto mong kainin," hinampas ko naman sa kanya ang menu. "Libre mo?," tumango naman sya.
"Gusto ko lahat ng nasa menu na yan," nakangiting pumunta sya sa counter. Magwawaldas talaga sya ng pera para lang ilibre ako?
Nababaliw na sya.
Napuno ang tatlong lamesa sa dami ng order namin. "You're order is granted. Kain tayo," binali ko ang ulo ko saka tumayo.
"Di na pala ako kakakain. Bayaran mo yan," ngumisi naman sya sakin saka tumayo. Nangunot ang noo ko nang humawak sya sa ulo nya.
"Ouch," dumaing naman sya Saka biglang humawak sa ulo nya. Lumapit naman mga staffs sa kanya. Napatayo ako nang bigla syang mawalan ng malay.
'What the heck?'
"Sir, ikaw po ba magbabayad ng lahat?,"napapikit ako sa inis and handed her the payment. Bigla namang tumayo si Jayega saka ngumisi.
"Okay na pala ako," tsk. Padabog na naglakad ako palabas ng resto.
Nakakainis talaga.
"Ang dami mong kinain eh. Di ko kayang bayaran yun. Sorna!," di ko sya pinansin. Sa halip ay nanguna akong sumakay ng elevator pero naabutan nya pa rin ako.
"Sorry na nga!," sumigaw naman sya saktong pagtigil ng elevator.
Sht.
"Hala. Trapped tayo," pinagpipindot ko naman ang pindutan pero wala talaga. "Let's wait for the rescue," saad ko saka umupo sa gilid.
"Di ako makahinga need ko ng halik, boss," sinamaan ko naman sya ng tingin. Dami nyang nalalaman. Ipinikit ko ang mga mata ko.
It's been 3 years since everything ended. Tatlong taon ng bago ang mga buhay namin. Baka may mga asawa na nga sila. Habang ako, eto pa rin.
Stucked sa negosyo.
"Anong iniisip mo?," usisa nitong katabi ko. Umiling ako. "Wala," tumango sya.
"Boss. H-Hindi talaga ako makahinga," I stared at her. Namumutla ang mga labi nya kaya naalarma ako.
"Unbutton your blouse. It's hot," saad ko na sya namang ginawa nya kaya tumalikod ako. "D-Di pa din ako m-makahinga," nilingon ko sya. She's gasping for air.
Isa lang ang pwede kung gawin pero hindi dapat.
Sinulyapan ko sya saka walang ano ano ay hinalikan para bigyan ng hangin.
"I'll keep you safe," di ko din alam kung. bakit yun ang lumabas sa bibig ko. "I'll keep you safe, my secretary," ngumiti sya sabay pinisil ang ilong ko.
"Sabi ko na crush mo din ako eh," nag init ang pisngi ko then I looked away. "Duty ko yun. Kargo de konsensya ko pag may nangyari sayo," seryosong sabi ko.
"Thank you," she said genuinely and kissed my cheeks.
Jayega is my 1 year secretary. Bago palang sya pero feeling close na. Wala syang ginawa kundi sabihin na gusto nya ako.
Lagi akong sinusundan sa kung saan at andaming pakulo sa buhay. Napakaingay at nakakainis.
Pero sa tingin ko, pag nawala sya—lahat ng yun hahanap hanapin ko.
Chineck ko ang phone ko. May text galing kay Vyu pero kanina pa sya.
Vyu
We'll be visiting the Philippines next month. Let's throw a celebration.
Napangiti ako.
'Reunion.'
______________________________________________________________________I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (68)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story,,book 2 po sana
07/11/2024
0good
19/07/2024
0ganda
26/06/2024
0Tingnan Lahat