Homepage/Detective Lanswell/
CHAPTER 45
DETECTIVE LANSWELL
by KalilaScribe
REVELATION 5 : His task
Chaseah's POV
"Pinahahanap ko na sa mga tauhan ko sila West pero di nila makita," andito kami ngayon sa lumang building kung san namin itinali si Ceirus. Sinulyapan ko sya. Nakatungo lang sya.
"Nagdedefuse lang sila. Hanapin nyo ulit," utos ni Deiron. Hinihintay talaga naming dumating dito si Victor at iligtas ang anak nya.
"Nakakaawa kayo. Ang tatsnga nyo," biglang sabi ni Ceirus. Hinawakan ko naman si Deiron sa braso dahil akmang susugurin nya si Ceirus.
"Wala kang alam," matigas na sagot ni Deiron. Tumingin naman sa direksyon namin si Ceirus. "Nasabi mo na ba kay Chaseah ang totoo?," nangunot ang noo ko.
"Totoo? Anong totoo?," nagpasalit salit ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Lagyan nyong tape ang bibig nyan," utos ni Deiron.
"Anong totoo?," tanong ko kay Deiron. "Ang totoo ay sila ang may kasalanan sa pagkamatay ng mga magulang mo. Lilinlangin ka nya," sinulyapan ko si Ceirus. Ang mga mata nya ay parang may sinasabi.
"May hindi ba ako nalalaman?," umiling sya saka ako hinawakan sa pisngi at hinalikan sa noo. Nagulat ako sa ginawa nya. Sinulyapan ko si Ceirus at nakatingin lang sya samin.
"Mahahanap din natin ang hustisya sa pagkamatay ng mga magulang mo," nakita kong napailing si Ceirus. Naguguluhan na ako.
"Dei, nasa labas ang Dad mo," napatayo sya. "Papasukin nyo," nangunot ang noo ko.
"Anak. Ang ganda nitong plano mo ah?," di makapaniwala ko silang tiningnan. "Ano to?," takang tanong ko.
"Hindi to ayon sa plano mo, Dad. May sarili akong plano," seryosong sabi ni Deiron. "Alam naman nating lahat na ang plano mong to ay para sa pansarili mong kapakanan at iniisip mo na hahanga ako sayo nito pagkatapos," nanatili lang akong tahimik.
"Hindi ba at napakagaling mong gumawa ng kwento, Deiron?," nagpalipat lipat ako nang tingin sa kanila.
"Dad," may pagbabanta ang boses ni Deiron. "Oh, you called me Dad? Kala ko ba ay ayaw mo ko maging magulang?," nanunuya ang tono nito ng pagsasalita.
"Stop it," umiling si Aldrich at dumapo sakin ang paningin nya. "Hija, niloloko kalang ng anak ko," napakuyom ako ng kamao.
"Anong ibig mong sabihin?," may pumasok na isang lalaki. Base sa uniporme nito ay isa itong pulis. "Tito, please," may pagmamakaawa sa boses ni Deiron.
Ano ba talagang nangyayari?
"Alam mo naman sigurong Detective itong si Deiron?," tumango ako. "Alam mo ba kung anong mission nya?," lumingon ako kay Ceirus.
"A-Ang mga Montevillus," nagulat ako nang humalakhak silang dalawa ni Aldrich. "Wala kang kaalam alam?," nagulat ako nang suntukin ni Deiron ang Dad nya.
"Shut up, Dad!," agad na sumenyas si Aldrich para hawakan si Deiron. Nagpumiglas naman sya kaya nilagyan din ng tape ang bibig nya.
"Hija, ikaw ang task ni Deiron. Ginagamit ka nya para sa pansarili nyang kagustuhan," uniling ako. "Bat ako maniniwala sa inyo?," nakangising sabi ko.
Inabot sakin nung pulis ang folder.
Task 197
Chaseah Barcelon
Inis na hinagis ko ang folder. "Anong gusto nyong sabihin?!," gigil na sabi ko.
"Hindi mo alam na si Deiron ang nagpagulo ng sitwasyon? Naniwala ka sa mga kwento nyang walang katotohanan. Sa totoo lang hija, alam ni Deiron ang tungkol sa lahat. Kung sino talaga ang pumatay sa mga magulang mo. Pero di nya sinabi sayo," bumigat ang paghinga ko.
"Ibig nyo bang sabihin, hindi ang mga Montevillus ang pumatay sa mga magulang ko?," nag iinit na ang mga mata ko at anytime ay tutulo na ang luha ko.
"Hindi ako ang pumatay sa mga magulang mo," saad ni Victor na kararating lang.
"Ang mga magulang mo ay matalik kong kaibigan na pinatay ni Aldrich Lanswell," dun tumulo ang luha ko.
Kwinento ni Victor ang lahat habang si Aldrich naman ay nakangisi lang at pinababayaan ito.
"B-Bakit?! Bakit ka nagsinungaling sakin?!," inis na pinaghahampas ko sa dibdib si Deiron. "ALAM MO PALA YUNG TOTOO BAKIT MO KO NILOKO?!," sinampal ko sya gamit ang buong lakas ko.
Walanghiya. All this time, pinaglalaruan nya lang ako. Bakit ako nagtiwala sa kanya? Bakit hindi ako nakinig kay Ceirus.
Ang sakit. Kung kailan nagugustuhan ko na din sya saka pa mangyayari to.
"Enough with the drama," pumalakpak si Aldrich kasabay ng pagsugod ng mga tauhan nito sa mga tauhan ni Victor. Tuluyan na ngang nagkagulo. Agad na nilapitan ko si Ceirus at tinanggal ang tape sa bibig nya.
"I'm sorry," umiiyak na sabi ko sa kanya. "Kalagan mo muna ako bago ka umiyak," saad nya kaya naman ginawa ko.
Nagulat ako nang yakapin nya akong mahigpit. "Siguro naman magtitiwala ka na sakin ngayon?," tumango ako kasabay nang paghila nya sakin papunta sa back door.
"At san kayo pupunta?," hinarang kami ni Saniyah at Dandrell. "Saniyah, please. Itigil mo na to," pagmamakaawa ko. Bigla nya namang hinila ang buhok ko.
"Kulang ang pagmamakaawa mo sa ginawa ng mga magulang mo sa magulang ko!," agad na hinawakan ko ang kamay nyang nakahawak sa buhok saka sya sinikmuraan. Nagulat naman ako sa pagsuntok na ginawa sakin ni Dandrell.
"Wag na wag mo syang sasaktan," agad naman akong nilapitan ni Ceirus. Kwinelyuhan nya si Dandrell.
"Ito na ang huli," nanlaki ang mata ko nang maglabas si Ceirus ng patalim. Pipigilan ko na sana sya pero hinawakan ako ni Saniyah sa braso.
"Saniyah, makinig ka! Naunang mamatay ang parents ko sayo how come na mapapatay nila ang magulang mo!," sigaw ko sa kanya. "Tsnga ka ba! Kung di dahil sa mga magulang mo, hindi sana maghihiganti ang mga magulang ko at pinatay ng mga Lanswell!," napaluha ako. Hindi ko na kilala ang Saniyah na kaharap ko ngayon. Nababalot na sya ng galit.
"Ayokong patulan ka," hinayaan ko at tinanggap ko ang mga sampal nya. Pero nagulat ako nang maglabas sya ng baril.
"Hindi mo ko papatulan? Dyan ka lang, babarilin kita," napapikit ako saka sya sinipa sa tyan at pilit inaagaw ang baril. Agad nya namang hinataw sa ulo ko ang baril at pinaputok yun buti nalang at nakailag ako.
"Saniyah!," tinulak nya ako ng malakas dahilan para mapaupo ako. "Goodbye," saad nya saka tinutok ang baril sakin. Hinanap ng mata ko si Ceirus at Dandrell pero di ko sila makita.
Napapikit ako kasabay ng malakas na pagputok ng baril. Wala akong naramdaman. Walang masakit. Pero kinabahan ako nang maramdamang may humawak sakin.
Idinilat ko ang mga mata ko at napaluha ako. "D-Dasha?," ngumiti sya sakin. "Mas mahalaga ang..a-ang buhay mo. Y-Yung akin? Sirang s-sira na. Alagaan m-mo ang K-Kuya mo para sakin," may tumulong luha sa mga mata nya. Agad ko syang niyakap.
"Dadalhin ka namin sa hospital," umiiyak na sabi ko. Umiling sya saka hinawakan ang pisngi ko. "Patawarin m-mo si Deiron," sabi nya saka tuluyang ipinikit ang talukap ng mga mata nya.
"M-Mahal na mahal k-ka nun m-maniwala ka," pero bakit nya ako niloko? Tamang tama pagdating ni Kuya ay tumigil ang pulso ni Dasha.
Bakit nya ginawa yun? Bakit nya ako iniligtas?
"DASHAAAA?!," umiiyak na lumapit samin si Kuya at niyakap ang katawan ni Dasha. Lumingon sya kay Saniyah na naestatwa sa kinatatayuan nito.
"ANONG GINAWA MO SA KANYA HA?!," napatayo ako nang agawin ni Kuya ang baril at itutok kay Saniyah. "ANO BA TONG GINAGAWA MO?! BAKIT MO PINATAY SI DASHA?!," napahagulgol naman si Saniyah.
"DATI PA KITA GUSTO, WEST?! NI MINSAN DI MO BA AKO NAGUSTUHAN?! PALAGING YUNG BABAE NALANG NA YAN?!," umiling si Kuya. "Di ako magkakagusto sa babaeng katulad mo," saad ni Kuya saka inihagis ang baril kay Saniyah. Binuhat nya si Dasha.
"Dadalhin ko sya sa hospital," saad ni Kuya saka nagmamadaling umalis.
Alam kong wala ng pag asang mabuhay pa si Dasha pero naniniwala akong may himala.
Niyakap ko si Saniyah. "Layuan mo ko?! Galit ka sakin diba?!," pilit akong pinagatatabuyan ni Saniyah pero mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.
"Magkaibigan tayo. Magkasama natin tong haharapin at hahanapin ang hustisya," saad ko. "I'm sorry," ngumiti ako sa kanya.
"Alam ko ang nararamdaman mo. Pinapatawad na kita," sabay kaming napatayo nang marinig ang sigaw ni Ceirus.
Sht.
Nanlamig ako sa nakita ko. Walang awang pinagsasaksak ni Ceirus ang katawan ni Dandrell.
"Ceirus, anong ginawa mo?," parang bumalik naman sya sa katinuan at nabitawan ang kutsilyong hawak nya.
"Chaseah, let me explain," umiling ako. "Dandrell, gising," nilapitan agad ni Saniyah si Dandrell saka napaiyak.
"Nakokonsensya ako. Kasalanan ko kung bakit napahamak ng ganito si Dandrell," umiiyak na sabi ni Saniyah.
"Chaseah, makinig ka?!," tinabig ko ang kamay nya. "ANO NA NAMANG KASINUNGALINGAN ANG SASABIHIN NYONG LAHAT SAKIN?!," sigaw ko.
Pagod na pagod na ako. Di ko na alam kung sinong paniniwalaan ko.
"Chaseah, magkapatid tayo," umiling ako. "Anong pinagsasabi mo?," tumawa ako ng pagak.
Ano na namang pakulo to?
"Chaseah, ikaw si Ceizian. Inamin sakin lahat ni Dandrell ang totoo," umiling ako. "Nagsisinungaling ka," walang tigil ang tulo ng luha sa pisngi ko.
"Naaalala mo ba si Mayor Arvon Fetter?," tumango ako. Yung tatay ni Aairah. "Sya ang nagpalit sa anak nya at sayo sa nursery sa hospital noon. Kapatid ni Aairah yung batang ipinalit sayo at may sakit yun wala ng pag asang mabuhay," seryosong sabi nya.
"At ikaw naman, kinuha ka ni Aldrich at ipinaalaga sa tauhan nya. Yun ang mga magulang na kinalakihan mo," madaming nagsasabi na hindi ko daw kamukha ang mga magulang ko pero hindi ako ampon. "Mali yang sinasabi mo," saad ko.
"Tingnan mo to," inabot sakin ni Ceirus ang cellphone ni Dandrell. "Peke ang birth certificate na ginagamit mo," napatakip ako sa bibig ko. Tugmang tugma ang lahat ng impormasyon na to sakin.
"Pano mo mapapatunayan na Montevillus nga ako?," tanong ko sa kanya. "Ang mga mata mo, ay mata ni Ceizian. May balat ka sa likod," tuluyan na nga akong napahagulgol.
Magkapatid kami? All this time, mali pala yung nararamdaman ko para sa kanya?
"Chaseah, hindi ko matanggap," saad nya saka ako niyakap. Tama palang nawala na yung feelings ko para sa kanya.
"Hindi tayo pwede, Ceirus," agad akong lumayo sa pagkakayakap nya. "Saniyah, tara na," saad ko saka sya hinila patayo.
"Si Dandrell," hinila ko nalang sya paalis. Punong puno na ang utak ko sa mga nangyayari. Ano pa bang di ko alam?
Bumalik kami sa loob ni Saniyah. Madami na ang namatay. Pero nakatayo pa rin ang dalawang tao sa gitna.
Si Victor at Aldrich.
Hinanap ng mata ko si Deiron. Naroon sya sa sulok at nakagapos.
"Kalagan natin sya," pumuslit kami at dumaan sa pinakatagong bahagi. "Deiron," tawag ko sa kanya. Nangunot naman ang noo nya ng makita ako.
"Kakalagan kita," saad ko saka namin pinagtulungan ni Saniyah na tanggalin ang tali. "Asan na sila?," nagkatinginan kami ni Saniyah.
Hinila naman kami ni Deiron sa tagong lugar kung saan di kami makikita nila Aldrich at Victor. "Tara na labas na tayo dito," aya ni Saniyah. Nagulat ako nang hampasin ni Deiron si Saniyah ng bakal sa ulo dahilan para mawalan ito ng malay.
"Anong ginawa mo?," hinawakan nya ako ng mahigpit saka hinila palabas. "Kailangan kong magtagumpay sa task na to," sa sinabi nyang yun, tuluyan na ngang tumulo ang luha ko.
'Ginamit nya lang pala ako.'
________________________________________________________________________I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (68)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story,,book 2 po sana
07/11/2024
0good
19/07/2024
0ganda
26/06/2024
0Tingnan Lahat