CHAPTER 43

DETECTIVE LANSWELL
by KalilaScribe
REVELATION 3 : The Party
Chaseah's POV
"Wag ka ng mag make up," utos ni Deiron. Anong itsura ko nun? Engrande yung party tapos di ako magmemake up?
"Light lang," saad nya saka ako hinila paupo sa harap ng salamin. Teka. Marunong sya magmake up?
"Bakla ka ba?," kusang lumabas ang mga katagang yan sa bibig ko. "Di ako magkakagusto sayo kung bakla ako," sinulyapan ko ang repleksyon sa salamin.
Bat ako namumula?
"Grabe yung blush on ang pula," dahilan ko. Tinaasan nya naman ako ng kilay. "Di pa nga kita nalalagyan. Ang sabihin mo nagblush ka sa sinabi ko," pang aasar nya. Inirapan ko lang sya.
Sinimulan nya akong lagyan ng light make up. Humanga ako sa galing nya. Di ko expected na may mga lalaki palang marunong mag make up.
Baka naman naguguluhan pa sa gender nya ang lalaking to?
"Alam ko kung anong iniisip mo. That's fvckin' insane," sabi nya sakin saka sinara ang kit. "Done," saad nya saka naglakad palayo.
Wow.
Ang ganda ng pagkakamake up. Light sya at simple pero attractive. "Hoy, turuan mo ko magmake up!," niyugyog ko pa ang mga balikat nya.
"Para kanino ka naman magpapaganda," pinalobo ko ang pisngi ko para hindi matawa. "Papaturo lang eh," inabot nya sakin ang box ng gown na susuotin ko.
"Anong oras na. Magbihis ka na," tumango ako saka pumasok sa kwarto. Binuksan ko ang box at nagningning ang mata ko.
Kala ko ba ayaw nya sa black?
Black kasi yung gown. Fit sya sa katawan tapos may partner na black stilletos. Yayamanin.
Sinuot ko na ang gown at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Naalala ko nung unang nagsuot ako ng gown. Naglaway pa si Ceirus nun.
"Chassy—OH SH*T!," nagulat ako sa pagbukas ng pinto at iluwa si Noju. Napatawa ako sa reaction nya. "Ang ganda mo," nginitian ko lang sya.
"ARAY ANO BA DEIRON?! ANG GANDA NUNG VIEW EH?!," reklamo ni Noju nang takpan ni Deiron ang mata nya at hilahin palabas. "Bulagin kitang tuluyan eh," sinamaan ko naman ng tingin si Deiron. Ansakit nya mag joke ah.
"Bagay sayo, Chaseah," puna ni Vyu. "Bagay sakin lahat ng black," tatawa tawa kong sabi.
"Tara na," saad ko saka itinali ang gun holder sa may hita ko at kinuha ang itim ko na purse.
Ito na yung hinihintay naming lahat. Ang hustisya.
Pagdating namin sa venue ay napakarami ng tao. Punong puno ang open field na pagmamay ari ng mga Montevillus. Puro mga mayayaman at kilalang tao ang nandito.
"Di naman kaya tayo mahirapan nito?," alalang tanong ko. "Calm down. We're sticking to the plan," tumango nalang ako kay Deiron.
Umupo kami sa table for four. Bahagya pa akong nagulat nang ipaghila ako ni Deiron ng upuan. "Ang sweet," pang aasar ni Noju kaya sinamaan ko lang sya ng tingin.
"Hi guys," isang babae ang lumapit samin. Agad namang napatayo si Vyu. "Anong ginagawa mo dito?," hinawakan pa ni Vyu sa braso ang babae.
Okay, anmeron?
"Invited ang family ko sa party na to," nakangiting sabi nung babae. "Wag ka dito. Get lost," marahas na tinulak ni Vyu yung babae kaya napatayo din ako.
"Wag mo namang ganyanin. Babae pa rin yan," singhal ko sa kanya. "Ginawa ng babaeng to na miserable ang buhay ko," inis na sabi nya.
"Vyu, anak. What's going on in here?," may lumapit saming middle aged na babae. Mama ata ni Vyu.
"Ilayo nyo sakin ang babaeng to," turo nya sa babae na nakatungo. Kawawa naman.
"Why are you so mean to your fiance?," nagulat kaming lahat. "Fiance?," sabay na tanong naming tatlo.
"Hi, I'm Haiena. Fiance ni Vyu," pakilala nya. Napatampal naman sa noo si Vyu. "She's pretty dude. Bakit ayaw mo sa kanya?," tanong ni Noju.
"Ayoko. Di ko mahal yan," malamig na sabi ni Vyu saka bumalik sa pagkakaupo kaya umupo na rin ako.
"Vyu," may pagbabanta sa boses ng mommy ni Vyu. "Let's go hija. Dun tayo," inaya na ng mommy nya paalis si Haiena. Nagwave pa ito samin saka ngumiti kaya nginitian ko din sya pabalik.
"Mukha naman syang mabait," komento ko. "Pero di ko sya gusto. Napakakulit. Ginugulo nya ang buhay ko," aasarin ko pa sana si Vyu nang dumating si Kuya.
"San ka galing, Kuya?," usisa ko. Malungkot ang mukha nya.
"Galing ako sa mansyon nyo, Deiron. Ayaw nilang ilabas si Dasha. Iba ang kutob ko," tss. Bat kasi kumampi sya sa tatay nyang demonyo?
"I'll try to call her," sabi ni Deiron saka nagdial sa phone nya. "She's not answering," frustrated na napasabunot si West.
"Pupuntahan ko sya ulit," may pinalisasyon sa tinig nya. "Paano yung task mo? Kailangan mong bantayan sila Saniyah," tanong ko.
"Ako na. Save my sister," saad ni Deiron. Tumango naman si Kuya saka nagmamadaling naglakad palabas.
Ano kayang nangyari kay Dasha?
"GOOD EVENING LADIES ANG GENTLEMEN?!," nakuha ng emcee sa stage ng atensyon namin. Medyo malapit lang kami sa stage kaya malinaw samin.
"Today is the special day which everyone waited. The Monte's have a special announcement for everyone as well as revealing a surprising news!," nagkatinginan kami. Ano kayang plano nila?
"But for now, enjoy the party!," saad nito saka umalis muli sa stage. May nag alok naman samin ng drinks pero tinanggihan namin. Mahirap na.
"Chocolate nalang kainin natin," saad ni Noju saka naglabas ng chocolates. Kinain naman namin ang mga yun.
Nagsimula na ang malakas na tugtugan na naghahalo sa malakas na halakhakan ng mga tao. Daig pa nasa bar.
Wala kaya si Ceirus dito? O baka mamaya pa yun lalabas?
"Are you looking for your CRUSH?," diniinan nya ang pagkakasabi ng huling salita. "Tigilan mo ko, Satanas. Nag oobserve lang ako sa paligid," dahilan ko saka sumubo ulit ng chocolate.
Ano na kayang itsura nya? Matured na kaya sya? Alam kong sandaling panahon lang kami hindi nagkita pero sigurado akong may pinagbago sya.
"Good evening, everyone," ang boses na yun ay pagmamay ari ni Victor. Nakatayo sya sa stage kasabay ng paghina ng music.
"Are you ready for the surprise?," di ko alam kung ilusyon ko lang ba o talagang dumapo ang paningin nya sakin.
"EXCITED NAAAA?!," sigaw ni Noju. Napatawa tuloy ako. Napakaingay nya talaga.
"I just want to greet first all our visitors," inisa isa nya pa ang mga pangalan ng mga pamilyang nandito.
"To Lanswells, welcome to the party," panghuling bati nya. Nakita ko naman si Aldrich Lanswell na nakaupo sa may harap at kumaway pa kay Victor.
Plastikan to?
"For so may years, alam kong aware kayo tungkol sa pagkamatay ng aking anak na babae," may kutob na ako. "Ipapakilala na nila si Ceizian," tumango ako kay Deiron. Pareho kami ng naiisip.
"But that's a false news. Dahil sa matagal at mahabang panahon ng kalungkutan, God gave us a miracle. Buhay ang anak namin," nasuka ako sa sinabi nya. Anlakas naman nyang banggitin si God sa God. Napakademonyo nya.
"My second born daughter everyone. Ceizian Vean Montevillus!," napuno ng palakpakan ang crowd kasabay ng paglabas ng isang babaeng gold ang gown.
Muka talaga syang manika. Yung brown nya ring mga mata ay nagniningning.
"Hi, everyone!," bati nya saka ngumiti. Nakita ko namang umakyat si Aldrich sa stage saka kinuha ang mic.
"Napakaganda naman talaga ng iyong anak! Gusto ko sanang ipakilala sa kanya ang aking pangalawang anak. Deiron Axe Lanswell, halika dito," nakatingin sya sa gawi namin. Hindi natinag si Deiron.
"Deiron," seryosong tawag ko sa kanya. Napabuntong hininga sya saka tumayo at pumunta sa stage.
"Actually po magkakilala na kami ni Deiron," nakangiting sabi ni Ceizian. Napangiti ako. Bagay sila. Dalawang pinakamayamang businessman sa bansa ang mga magulang nila.
Kumikirot tuloy ang heart ko.
"Ganyan ba ang walang feelings kay Deiron?," sinulyapan ko si Vyu. "Posible ba yun? Sobrang iksi ng panahong nagkasama kami," saad ko.
"So iba nga ang nararamdaman mo sa kanya?," nang aasar na tanong ni Noju. Tumungo lang ako.
"Posible yun. Hindi sa oras nakadepende ang love, Cha. Sa puso," makahulugang sabi nya. Binalik ko ang tingin sa stage at bumuntong hininga.
Hindi pwede to.
"Talaga?," manghang tanong ni Victor sa anak nya. "Opo. Pangalawang beses nya na akong niligtas sa mga rapist. Yung una po ay doon sa kanto malapit satin. Crush ko na nga sya nun at talagang hinihiling ko na magkita kami ulit," nakangiting sabi ni Ceizian. Oh. Pareho pala kami. Dun din ako muntik marape dati. Kaso yung taong nagligtas sakin di ko pa nakikilala.
"Bakit hindi masaya si Deiron na nakita na nya ang long time crush nya?," di ko alam pero parang may halong pang aasar ang sinabing yun ni Noju.
"Inlove na kasi si Dei sa isa dyan," gatong ni Vyu. "Tigilan nyo ko," pagbabanta ko na ikinatawa nila.
"Aayusin ko na ba ang kasal ng dalawang to?," tatawa tawang tanong ni Aldrich. "No. Ayokong mangialam sa future ng anak ko. Malaya syang piliin ang taong gusto nya," sa mga oras na to ay gusto kong pumalakpak sa sinabi ni Victor.
Tama sya. Di dapat hinahawakan sa leeg ang mga anak.
"Sana ganyan din ang parents ko," dinig kong sabi ni Vyu. Tinapik ko naman sya sa likod. "Malalagpasan mo din yan," pang momotivate ko sa kanya. Alam kong wala akong kwenta magmotivate.
"I'm going down," saad ni Deiron saka bumaba na ng stage at pumunta samin. "Bakit di ko maramdaman yung connection samin ng babaeng yun?," sabi nya nang makaupo. Nagkibit balikat lang kami.
Malay ba namin?
"Alam mo, Deiron. May inamin samin si—nghjdyj," agad na pinalsakan ko ng chocolate sa bibig si Noju. "Sarap noh?," pinandilatan ko sya ng mata. Ipapahamak pa ako.
"Anong sabi mo?," tanong ni Deiron umiling naman si Noju kaya nakahinga akong maluwag.
"Di ko na patatagalin pa ang pinakamalaking sorpresa ngayong gabi!," ito na. Ang hindi namin gustong mangyari.
"From this day forward, I am announcing that my son Ceirus Vinn Montevillus—will now be the head of Montevillus Clan!," anunsyo nya sabay ng paglabas ni Ceirus mula sa backstage.
Di ko alam bakit wala na yung malakas na tibok ng puso ko.
"Ang gwapo nya," di ko mapigilang komento. Medyo nagmatured sya tingnan. Pero ang fierce at cold ng aura nya. Malayo sa Ceirus noon.
"Tsk. Di magandang ideya na nakita mo sya ulit," dinig kong sabi ni Deiron. Inirapan ko lang sya.
Bat ganon? Wala na yung kung ano sa tyan ko. Wala na yung rapid heartbeat.
"Oh? Napapahawak pa sa dibdib," pang aasar sakin ni Noju. Tsk.
"Good evening," walang kasing lamig ang boses nya. Napakalalim.
"Bilang bagong head ng Monte's, let's cheers!," saad nya saka kumuha ng drinks at itinaas. "CHEERS!," sigaw naman ng crowd.
"At bilang bagong head, inaalis ko na ang Lanswell bilang aming mga kaalyado," nakangising sabi nya dahilan para mapatayo si Aldrich.
"You can't do this to me," gigil na saad ni Aldrich. "I can. Now get out," puno ng awtoridad ang boses ni Ceirus.
"You'll regret this," saad ni Aldrich saka naglakad palabas. Sinulyapan ko si Deiron. Malalim ang iniisip nya.
Ano kayang plano ng lalaking to?
"Let's continue the party," bumaba si Ceirus sa stage kasabay ng pagtugtog ng isang love song. Ang mga bisita ay agad na nagsipuntahan sa gitna para sumayaw.
Tumayo si Deiron kaya sinundan ko syang tingin. Nangunot ang noo ko nang ilahad nya ang palad nya sa harap ko.
"May I have this dance?," parang tambol sa lakas ang tunog ng dibdib ko. Tumayo ako para tanggapin ang palad ni Deiron nang may humawak sa braso ko.
"She'll be dancing with me," napatulala ako kay Ceirus. Namiss ko yung boses nya. Pati yung presensya nya na ganito kalapit.
"I'm the one who asked her first," kalmadong sabi ni Deiron. "It's my party," sagot ni Ceirus saka ako hinila sa dancefloor.
"Ano ba?! Dahan dahan naman!," reklamo ko. Di sya nagsalita at basta na lang akong hinawakan sa bewang kaya nilagay ko ang mga kamay ko sa balikat nya.
"Huy, ang gwapo mo ah! Naka rejuvenating set ka ba?," pang aasar ko. Wala pa ring ekspresyon ang mukha nya.
"Infairness ah, nagmatured ka. Nakakaproud," nakangiting sabi ko. "Ang tagal kitang di nakita. May galit ka ba sakin?," usisa ko. Di ko alam kung bakit gusto kong magsalita na lang ng magsalita.
"Bakit ka tahimik? Sagutin mo mga tanong ko," nakasimangot na sabi ko. Nag iwas naman sya ng tingin.
"Kailan ka pa naging madaldal?," napatahimik ako. Oo nga noh? Ewan ko din. Si Deiron kasi eh.
"Sinabi ko na sayo, wag kang lalapit kay Deiron kasi mapapahamak ka," seryosong sabi nya. "Alam kong alam mo na ang maaaring mangyari ngayong gabi. Alam kong may binabalak kayo laban samin. Isa lang ang masasabi ko. Mali ka ng taong pinagkatiwalaan," iniwan nya ako sa dancefloor na tulala.
Nilalason nya ba ang utak ko?
"Tsk. Gusto kong first dance natin ang isa't isa pero sinira ng mokong na yun," tinitigan ko ang mukha ni Deiron. Totoo ang pinapakita nya. Nililinlang ako ni Ceirus.
"Baka matunaw ako ah," hinawakan nya ako sa baba kaya agad kong tinapik yun. Sasayaw na sana kami nang biglang mamatay ang ilaw at lalong lumakas ang music. Ramdam ko ang paghawak ni Deiron sa mga kamay ko.
"Start," bulong nya saka ako hinila papunta sa kung saan.
'Ito na.'
West's POV
"Let me in! Bakit wala sa party si Dasha? Asan sya?," tanong ko sa guard. Puro iling naman ang isinagot sakin nito.
Isang paraan nalang. Pupuslit ako para makapasok.
Agad akong pumunta sa likod bahay nila at umakyat sa puno papunta sa opisina ni Aldrich na katapat lang. Maingat na binuksan ko ang sliding door sa may veranda. Buti di nakalock.
Sinilip ko ang labas kung may bantay at buti naman wala. Naglakad ako sa tahimik na hallway at inisa isa ang bawat kwarto.
Nangunot ang noo ko nang makapasok sa kwarto ni Aldrich.
'Damit to ni Dasha ah?'
Nagmamadaling binuksan ko ang natitira pang kwarto hanggang sa isa nalang ang naiwan. Nakalock pa ito.
Di ko pwedeng katukin dahil paniguradong maririnig ako. Bumalik ako sa kwarto ni Aldrich. Sana nandito lang yung susi.
Hinalungkat ko ang mga cabinet. "Asan na ba yun?," bulong ko sa sarili ko. Napa 'yes' ako nang makita ang susi. Agad akong bumalik sa kwartong nakalock saka ito dali daling binuksan.
Halos manghina ako nang makita ang kalagayan ni Dasha sa loob. Punong puno sya ng pasa. May mga sugat. Nakaupo sya sa dulo ng kwarto at walang damit.
"Anong nangyari sayo?," alalang tanong ko saka lumapit sa kanya. Agad naman nyang iminuwestra ang kamay nya sa harap ko.
"Wag mo kong lapitan! Madumi akong babae," umiiyak na sabi nya. Napaluhod ako.
Anong ginawa ng hayop na yun kay Dasha?
Agad na kumuha akong kumot at itinakip sa kanya. "Anong nangyari?," humagulhol sya.
"Dad raped me. Binaboy nya ako," kusang tumulo ang mga luha ko. Napakuyom ako ng kamao.
"Bakit kasi sa kanya ka kumampi? Sinabihan na kita nung una pa lang," saad ko sa kanya. "Niloloko mo lang ako diba? Si Saniyah diba ang talagang gusto mo?," umiling ako. "Nagkakamali ka," depensa ko.
Ngumiti sya sakin. "Madaming beses ko na kayo nakikitang naghahalikan pano mo ipapaliwanag sakin yun?," malungkot ang mga ngiti nya. Hinawakan ko ang pisngi nya. "Sya ang humahalik sakin hindi ko alam kung bakit," madaming beses na. Hinahalikan nya ako at lahat ng yun ay saktong nakikita kami ni Saniyah.
Di ko alam kung anong gusto nyang gawin at palabasin.
"Wala na akong kwenta. Nakakadiri ako," niyakap ko sya. Ramdam ko ang pagpalag nya pero mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya.
"Nung mga gabing nahuhuli mo ko sa bar, ginagawa ko yun para gantihan ka. Akala ko nagtataksil ka sakin," saad nya. Hinalikan ko naman sya sa noo.
"Mahal kita kahit anong mangyari. Lalaban tayo," mas lalong lumakas ang iyak nya.
"Ayoko nang mabuhay," hinawakan ko sya sa magkabilang balikat. "Paano si Deiron? Ikaw nalang ang meron sa kanya. Di nya kakayanin. Paano ako? Di ko din kayang mawala ka," malungkot na sabi ko.
"Tulungan mo ko, West," ngumiti ako sa kanya. "Papanagutin natin ang Dad mo sa ginawa nya sayo," inutusan ko syang magbihis at lumabas muna ako sa veranda.
"Ano pa bang itatago ko?," rinig kong sabi nya. "Nirerespeto kita. Kung madumi ang tingin nila sayo, pwes hindi ako," naramdaman kong niyakap nya ako sa likod.
"Salamat," hinarap ko sya saka niyakap. "Pumunta tayo sa party," tinanguan ko sya saka kami lumabas ng kwarto. Laking gulat namin nang makitang may bantay.
Bumalik kami sa kwarto saka nilock ang pinto. "Dito tayo bababa," turo ko sa veranda saka sya unang pinatawid sa puno. Buti nalang magaling sya sa ganito.
Nang makababa ay agad nyang kinuha ang motor nya at inutusan akong magmaneho.
'Di pwedeng mahuli ang ganti ko ngayong gabi.'
_________________________________________________________________________

Komento sa Aklat (68)

  • avatar
    DacayBlessing faith

    nice story,,book 2 po sana

    07/11/2024

      0
  • avatar
    Karylle Mae Escobar

    good

    19/07/2024

      0
  • avatar
    AJ Escalona

    ganda

    26/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata