Homepage/Detective Lanswell/
CHAPTER 41
DETECTIVE LANSWELL
by KalilaScribe
[Few chapters left! So bale lahat ng to revelations hanggang sa epilogue. Truth to be revealed xoxo <3]
REVELATION 1 : The Origin
Chaseah's POV
"Bakit di ka nagpakilala sakin agad?," inis na sabi ko kay Noju. Sya pala yung nakilala kong friend nung naglayas ako nung maliit pa ako. Sya yung batang lalaking pula yung mata. Nung time na yun medyo di pa nga sya makakita ng maayos.
"Gusto kong ikaw ang makadiscover," saad nya saka kinagatan ang chocolate na hawak ko. Nagulat naman ako nang kuhanin ni Deiron ang chocolate. "Kinagatan na, baka may rabies," nang aasar nyang sabi. Napailing nalang si Noju.
"Nagseselos ang unggoy," psh. May kasalanan pa sya sakin. Kung di sya nagpagabi, hindi sana ganitong pasa ang aabutin ko.
"Galit ka pa rin sakin?," di ko sya pinansin. "Anong meron sa inyong dalawa?," agad naman akong umiling sa tanong ni Kuya.
"Partner in crime," sagot ko. "Nope. Nililigawan ko sya," proud na sagot ni Deiron dahilan para mapatampal ako sa noo.
"Akala ko ba si Saniyah ang nililigawan mo?," kwinelyuhan ni Kuya si Deiron kaya napaayos akong upo. "Break na kami," susuntukin na sana ni Kuya si Dei nang umawat si Vyu. Teka.
"HOY?! IKAW YUNG SUMAMPAL SAKIN?!," inis na sinikmuraan ko yung Vyu. Napadaing naman sya sa sakit. "Di ko sinasadya, kailangan kong gawin yun nakatingin ang Dad ni Deiron," napatigil ako. Buti pinaalala ni Vyu.
May kasalanan pa ang Satanas na to sakin.
"Anong kailangan ng Dad mo sakin?," seryosong tanong ko. Bigla nalang akong kinidnap di ko alam kung bakit.
"Gagamitin ka ni Dad laban sa mga Montevillus," nangunot ang noo ko. "Bakit di mo sinabi sakin ang tungkol dito?," kinakabahang sinulyapan ko si Kuya.
Mukhang alam nya na ang nangyayari.
"A-Alam mo na b-ba, Kuya?," nagulat ako nang yakapin nya ako. "Bakit mo ginawa yun?," napatungo ako nang marinig ang basag na boses ni Kuya.
"Ikaw nalang ang meron sakin, Kuya. Gagawin ko ang lahat para iligtas ka," rinig ko ang pagbuntong hininga nya. "Tapusin na natin to," di ko maintindihan. Tapusin ang ano?
"Bukas gaganapin ang pinakamalaking event sa business history. May sorpresa ang mga Montevillus at malakas ang kutob ko dito lalo na at nakita na nila ang anak nila," paliwanag ni Deiron. Nakita na pala nila si Ceizian. Paniguradong sobrang saya ni Carol ngayon.
"Kaya ikaw, magpahinga ka! May gagawin tayo bukas," agad na hinampas ko ang kamay ni Deiron na nakalagay sa ulo ko. "Yung tatay mo demonyo nga!," singhal ko sa kanya. Tatawa tawa naman syang tumango.
"Kaya nga kailangan na nating itigil ang kahibangan nilang lahat," tumango ako. Mukhang malapit ng matapos ang lahat.
'Sana..'
/*flashback/*
"Lah, bata! Bakit dumudugo yung mata mo!," tinuro ko ang mata ng isang batang lalaki. Namumula pa to. Umiling naman sya sakin.
"Wala to," nagulat ako nang madapa sya. "Di ka ba nakakakita?," usisa ko.
"Nakakakita, pero malabo," agad ko naman syang inalalayan patayo. "Maging magkaibigan tayo, ako ang magiging mata mo," nakangiti kong sabi.
Sa murang edad ay nagpalaboy laboy ako sa kalsada. Kakamatay pa lang ng mga magulang ko at si Kuya naman ay minsan na lang kung umuwi. Iniiwan lang ako palagi sa kapitbahay.
Kagabi kasi ay pinagalitan nya ako. Sabi nya sakin ay sakit daw ako ng ulo. Sumama yung loob ko dun kaya nagdesisyon akong lumayas ng bahay.
"Anong pangalan mo?," tanong ko sa batang lalaki na kaedad ko lang. "Norion Jurieh," ngumiti ako.
"Ang sosyal naman ng pangalan mo!," komento ko. "Ako si Chaseah. Asan ang mga magulang mo?," tumungo naman sya.
"Ulila na ako. Iniwan ako sa DSWD pero tumakas ako," napatawa ako. "Ako din. Ayokong mapunta dun," saad ko.
Naging bestfriends kami. Sabay kaming namalimos sa gilid ng kalsada. Sabay na kumakain at magkatabing natutulog.
"Chocolate ba yan?," turo ko sa binili nya. "Oo, bakit?," kinuha ko naman ito sa kanya. Mahilig ako sa chocolates.
"Akin yan eh!," singhal nya sakin. "Paborito ko to eh, akin nalang," bumuntong hininga sya saka tumango.
"Pag yumaman ako, bibilhan kitang maraming chocolates Chassy," nagningning ang mata ko sa sinabi nya. "Promise mo yan ah?," tumango sya at inilahad ang pinky finger nya. "Promise."
Isang buwan na kaming magkasama. Nagkaroon ng aberya at nahuli kami ng mga pulis. Dinala kami nun sa DSWD. Pero di namin inakalang masaya ang pananatili namin dun.
Inalagaan kaming mabuti. May palaruan. Madaming bata.
"Dito ka na ba titira?," tanong nya sakin. Umiling ako. Alam kong hahanapin ako ni Kuya.
"Magkikita naman tayo ulit pag umalis ka na dito diba?," tumango ako. "Syempre. Makikilala pa rin kita," niyakap nya ako ng mahigpit.
"Norion, kakausapin ka namin saglit," tawag sa kanya ng tagabantay namin. Nagpaalam naman sya sakin para umalis.
"Aampunin ka na?," nakangiting sabi ko. Tumango sya pero malungkot ang mukha nya. "Ayoko," saad nya.
"Ano ka ba? Ayaw mo ba sa magandang buhay? Pag sumama ka sa mga bagong magulang mo, aayos ang buhay mo. Makakapag aral ka. Yayaman ka at ibibili mo ko ng maraming chocolates," nakangiting sabi ko. Ngumiti din sya sakin saka tumango.
"Mamimiss kita. Hahanapin kita," tumango ako sa kanya at niyakap sya. "Hihintayin kita."
Ilang araw lang ay dumating na din si Kuya para sunduin ako sa orphanage. Simula nung araw na yun, si Norion Jurieh ang una kong itinuring na tunay na kaibigan.
/*end of flashback/*
"Anong iniisip mo?," usisa sakin ni Noju. "Wala. Naalala ko lang yung scene nung bata pa tayo," nakangiting sabi ko.
"Alam mo, tama yung sinabi mo. Gumanda yung buhay ko," nakangiting sabi nya. Mabuti naman. Masaya ako para sa kanya.
"Kaya yung chocolates mo, maibibigay ko na," napatawa ako. "Ano ka ba, bata pa tayo nun," saad ko.
"Alam ko namang mahilig ka pa rin sa chocolates hanggang ngayon," napailing ako. "Medyo," sagot ko.
"Alam mo ba kung bakit pula ang mata ko nung una tayong nagkita?," tanong nya saka inabot sakin ang isang chocolate bar. Umiling ako.
"Yung mga magulang ko nung araw na yun ay pinatay," gulat na napatingin ako sa kanya. Malungkot ang ekspresyon ng mukha nya.
"Nakatakas ako sa kamay ng mga Montevillus nun matapos nilang balak bulagin ang dalawa kong mata," napakuyom ako ng kamao. "Bakit nila ginawa yun sayo?," gigil na tanong ko.
"Yung mga magulang ko, ay tauhan nila Deiron. At pinuntirya sila ng mga Montevillus, pinatay," may luhang kumawala sa mata ni Noju pero agad nya ding pinunasan.
"At sisiguraduhin kong ngayon, magbabayad sila sa kasalanan nila," kita kong kumuyom ang mga kamao ni Noju kaya hinawakan ko ito. "Pareho lang pala tayo," mapait akong ngumiti.
Ang unfair ng mundo.
Bakit yung mga masasama pa ang pinapaboran ng tadhana? Kami na gusto lang ng maayos na buhay, kami pa yung miserable?
"Ano yang pahawak hawak kamay?," agad na pumagitna si Deiron samin kaya naman napapikit. Apaka bida bida.
"Ano ba, Satanas?," asik ko sa kanya. "Bat ikaw pa ang galit? Sinabi ko na na may gusto ako sayo bakit ka pa lumalapit sa iba?," sinabi nya yan habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko. Tumikhim naman si Noju.
"Inlove na ang Deiron namin. Binata na," pang aasar nya dahilan para batukan sya ni Deiron. Nilapit naman ni Deiron ang mukha nya sa mukha ko.
"Kalimutan mo na si Ceirus," saad nya. Para namang nagwawala ang lamang loob ko. Ptek.
"Layuan mo ang kapatid ko," awtomatikong lumayo si Deiron sa sinabi ni Kuya. Napatawa ako ng palihim.
"Asan si Dandrell at Saniyah? May balita kayo?," umiling kaming lahat. "Asan ba sila?," usisa ko.
"Nagtatanong nga eh," pamimilosopo ni Vyu kaya agad ko syang sinipa. "Wag mo kong masagot sagot ng pabalang dyan," banta ko sa kanya.
"Bukas sa party ng mga Montevillus. Ang tauhan ni Noju na ang bahala sa escorts sa buong venue, inassign nya na yun. Si Vyu naman ay sasama kay Dad. Aattend din si Dad nung event. Tayo naman Chaseah, si Ceirus ang kailangan nating kunin," tumango nalang ako. Malinaw sakin yung plano pero parang magulo.
"Bakit kukunin natin si Ceirus?," takang tanong ko. "Si Ceirus ang alas ng mga Montevillus. Kailangan di matuloy ang pagluklok sa kanya bilang bagong head ng Montevillus," tumango ako. Naexplain na yan sakin ni Deiron. Na kapag daw si Ceirus na ang mamamahala sa clan, lalakas na daw to at hindi na makokontrol.
"Malinaw ba ang gagawin nyong lahat?," tumango naman sila saka nagpaalam na maghahanda. "Chaseah, pagplanuhan natin ang gagawing pagdukot kay Ceirus. May mga tauhan si Noju na inatasan para tulungan tayo dito," puro tango lang ang isinagot ko sa kanya. Wala naman kasi akong alam dito.
Nag explain lang sya at nakinig ako syempre. Para di ako tatsnga tsnga bukas. Sabi kasi ni Ceirus ay lagi ko daw ipinapahamak ang lahat ng bagay.
'Ceirus na naman.'
Inis na sinampal ko ang sarili kong pisngi. "Napano ka?," umiling ako. "Walaaa! Mag explain ka nalang dyan," singhal ko sa kanya.
"So yun, I know that there were lots of guards assigned to look for Ceirus so we have to perform dangerous tactics," nangunot ang noo ko. Dangerous?
"Lilituhin ko ang mga tauhan habang ikaw? Linlangin mo si Ceirus na sumama sayo," natigilan ako. "So gagamitin mo kong pain?," paninigurado ko.
"Exactly. Alam kong sayo lang lalapit si Ceirus," alanganin akong tumango. Madali lang to. Kailangan ko lang kausapin si Ceirus at ilayo sa venue para makagalaw ang tauhan ni Noju para dakpin sya.
"Kaya mo?," tanong ni Deiron na tinaasan ko ng kilay. "Ano bang di ko kayang gawin?," maangas na tanong ko.
"Magustuhan ako gaya ng pagkagusto mo kay Ceirus," namula ako sa sinabi nya. Ywa. Ano bang pinagsasabi nitong satanas na to?
"Pinaglalaruan mo ba ako?," taas kilay kong tanong sa kanya. Tumukod sya sa lamesa sa harap ko saka tumingin sakin.
"Bakit ko gagawin yun?," nagkibit balikat nalang ako. "Tuloy mo na yung explanation," saad ko.
Kung saan na naman mapupunta tong usapan na to eh.
"Tara sa mall. Bibili tayong susuotin," di pa ako nakakareact ay hinila nya na ako palabas ng condo. "ARAY?! MASAKIT PA SUGAT KO?!," natigilan naman sya.
"I'm sorry, d*mn I forgot," inirapan ko naman sya saka binawi ang kamay ko. "Kaya ko maglakad," saad ko saka naunang pumasok sa elevator.
Nagulat ako ng kornerin ako ni Deiron sa sulok. Nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko habang nakatingin sa mga labi ko.
"If you're lips is a drug, I'm willing to be addicted. Isa lang," naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang lumapat ang labi nya sa labi ko. Mas lumalim pa ang halik nya hanggang sa bumaba ito sa leeg. Napakagat labi ako.
This is not good.
Naramdaman ko ang kamay nyang gumapang sa may tyan ko pataas dahilan para mapa soft moan ako.
"I want you," bulong nya sakin na agad nakapagpatindig ng balahibo ko.
*ting*
Pareho naman kaming napaayos ng tayo nang tumunog ang elevator at may pumasok na isang babae.
Teka.
"Ceizian?," tanong ko. Humarap naman sya samin saka ngumiti. "Uy, kayong dalawa ulit. Hi, nice to meet you again," sinulyapan ko si Deiron nakatungo lang sya at nakapamulsa.
Hiyang hiya?
"Dito ba ang condo mo?," usisa ko. Tumango sya. "Yes, pero aalis na ako dito. Sa mansion na ako titira," saad nya habang nakangiti.
Brown din ang mga mata nya mukhang si Ceizian nga talaga to. Ano kayang pakiramdam na makita ang tunay nyang mga magulang?
Tumunog na ang elevator kaya sabay sabay na kaming lumabas. "I need to go na ah," paalam nya. Muli syang lumingon samin saka ngumisi.
"Sana di muna kayo lumabas ng unit nyo kung bitin pa pala. Sa elevator nyo pa talaga balak ituloy," napatakip naman ako sa mukha dahil sa sinabi nya. Inis na hinampas ko si Deiron.
"KASALANAN MO TO?! APAKA MANYAK MONG LALAKI KA?!," padabog na naglakad ako palabas ng condominium.
"TOTOO YUNG SINABI KO?!," sigaw nya habang hinahabol ako. "I WANT YOU?!," napatampal ako sa noo ko. Nagtinginan naman ang mga tao samin.
Pstangina.
____________________________________________________________________I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (68)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story,,book 2 po sana
07/11/2024
0good
19/07/2024
0ganda
26/06/2024
0Tingnan Lahat