CHAPTER 39

DETECTIVE LANSWELL
by KalilaScribe
Ceirus's POV
"Ceirus, open the door!," bumuntong hininga ako. Wala akong gustong kausapin sa mga oras na to. Gusto kong makita si Chaseah. Gusto ko syang kausapin. Gusto kong humingi ng sorry.
"Anak, let's talk about this," rinig kong sabi ni Mom habang kumakatok sa pinto.
It's been weeks since I locked myself here inside my room. Sa bintana lang nila inaabot ang pagkain na hindi ko din naman inuubos.
Galit na galit ako kay Dad pero wala akong magawa. Gulong gulo na ako sa nangyayari at di ko na alam kung sinong papaniwalaan ko.
Di ko alam kung maniniwala ba akong si Dad ang pumatay sa parents ni Chaseah. Kung buhay nga ba si Ceizian. Kung anong kinalaman ng mga Lanswell sa nangyayaring to.
"Anak, what do you need?," puno ng pagmamakaawa ang boses ni Mom. "I need her. I need Chaseah," I answered. Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Mom sa kabilang side ng pinto.
"Nagtraydor sya satin Ceirus. Nakikipagtulungan sya sa mga pulis na ipakulong tayo. Tigilan mo na ang kahibangan mo," napatawa ako ng pagak. Alam kong sa tama pa rin kakampi si Chaseah at expected ko na rin na mangyayari to.
"Ceirus, ayusin mo ang buhay mo. Itaguyod mo ang mga Montevillus. Alam kong kaya mong pangalagaan ang pangalan natin," she said saka ko narinig ang yabag ng mga paa papalayo.
"Vinn?," boses ni Freya yun. Kailangan ko ng kausap ngayon. I opened the door na ikinagulat nya. "Pasok," saad ko saka nilock muli ang pinto pagpasok nya.
"Vinn, ayusin mo ang sarili mo," panimula nya. "Para saan pa?," sagot ko. Umupo sya sa harap ko.
"Ilang taon na naghirap ang parents mo para maabot mo yung kung anong meron ka ngayon," di ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Akala ko ay andito sya para sumalungat sa mga opinyon ng parents ko.
"Look at it on a brighter side, Vinn. Linisin mo ang pangalan ng pamilya mo. Malapit na ang birthday mo, kailangan mong paghandaan ang responsibilidad na nakaabang sayo," hinawakan nya ang dalawang pisngi ko kaya agad na iniwas ko ang mga mukha.
"At sino ka naman sa tingin mo? Anong alam mo sa ganitong bagay?," malamig na tanong ko sa kanya. Ngumiti sya. "Pahalagahan mo tong mga bagay na meron ka. Kailangan ka ng mga magulang mo Ceirus. Iligtas mo sila," makahulugang sabi nya saka lumabas na ng silid.
Isa lang ang naiisip kong dapat gawin. At dapat kong ituloy ang plano na to.
Chaseah's POV
"PAKAWALAN NYO KO?! ANONG KAILANGAN NYO SAKIN?!," nagpumiglas ako sa pagkakatali pero sobrang higpit. Andaming mga lalaki ang nakapalibot sa kinaroroonan ko ngayon.
Nasaan ba ako?
Ang naaalala ko ay kinidnap ako ng mga lalaking to. Tauhan ba to ng Daddy ni Ceirus.
"Hi, Chaseah," inangat ko ang tingin ko sa lalaking nagsalita. "Sino ka?!," lumapit sya sakin at bumulong. "Sorry pero kailangan kong gawin to," halos mabingi ako sa sampal na ginawa nya sakin.
"ANO BANG PROBLEMA MO?!," singhal ko sa kanya. "Ako si Vyu," di ko kilala ang taong to. Ngayon ko lang nakita ang pagmumukha nya.
Lumapit sya sakin saka muling bumulong. "Wag kang mag alala akong bahala sayo," di ko alam kung anong gusto nyang iparating. Pumalakpak sya at pumasok ang isang lalaking may dalang pagkain.
"Eat," di makapaniwala ko syang tiningnan. "Pano ako kakain ng ganito?," inis na tanong ko sa kanya. Tumawa naman sya saka inilapit ang kutsara sa bibig ko.
"Wala tong lason," naghihilab na ang tyan ko kaya kinain ko na din. "Anong kailangan mo sakin?," seryoso kong tanong.
"Hindi ako ang may kailangan sayo," makahulugang sabi nya. Agad na sinipa ko ang platong hawak nya. "PAKAWALAN MOKO DITO?!," gigil na sinabunutan nya ang buhok ko.
"Tsk. Kailangan kong gawin to kaya pasensya," sinampal nya na naman ako kaya napatulo ang luha ko. "Kayo ng bahala sa kanya," saad ni Vyu saka umalis.
Sa mga oras na to si Deiron ang pumapasok sa utak ko. Alam nya kayang andito ako?
May mga tattoo din silang dragon. Bakit andaming gantong tattoo? Ganun din kila Aairah. Ano bang meron? Sino bang totoo?
"Chaseah Barcelon," malamig na tinig ang pumukaw sa atensyon ko. Kakapasok nya lang sa silid na kinaroroonan ko.
"Sino ka?," isang middle aged man. May kamukha sya. Kahawig pero di ko mapangalanan.
"Kamukha ka talaga ng nanay mo," nangunot ang noo ko. Lahat ay nagsasabi na magkalayo daw kaming mukha ni mama kaya imposible ang sinasabi ng lalaking to.
"SINO KA BA HAAA?!," sigaw ko. "Aldrich. Aldrich Lanswell," nakangiting sabi nya.
L-Lanswell?
"Inuuto ka lang ni Deiron, Chaseah. Alam mo ba kung anong totoong pakay nya sayo?," lumapit sya sakin at hinawakan ako sa baba.
"Ginagamit ka nya para magtagumpay sya sa task nya," ngumisi ako. Alam ko ang tungkol dun at sinabi kong willing akong tulungan sya.
"Kilala mo ba ang sarili mo?," tss. Ano bang pinagsasabi nya? "Gumising ka! Lahat ng tao sa paligid mo ay niloloko ka!," humalakhak sya na parang demonyo.
"Anak mo ba si Deiron?," tumango sya. "Kamalas malasang anak ko ang walang kwentang yun," napakuyom ako ng kamao.
"NAPAKASAMA MONG AMA?!," sigaw ko sa kanya. "Am I? Wala akong pake," inis na nagpumiglas ako.
"Anong kailangan mo sakin?," nagtitimpi na talaga ako sa lalaking to.
"Let me tell you the whole story," humila sya ng upuan at umupo sa harap ko.
"Ano nga ba ang tunay mong pagkatao?," nabuhay ang kaba sa dibdib ko.
Hindi naman masama to diba?
Deiron's POV
"Bakit mo ginawa yun? Sabi ko wag mong sasaktan!," gigil na saad ko kay Vyu. "Nanonood kasi ang Dad mo sa malayo kaya kailangan kong gawin yun," tauhan ni Dad si Vyu na syang tauhan din ni Noju. Sya ang nagsilbi naming mata sa ginagawa ni Dad.
"Okay lang ba si Chaseah?," hysterical na tanong ni Saniyah. Tumango lang naman si Vyu.
"Ano bang plano natin?," Noju asked while drinking. "Malapit na ang kaarawan ni Ceirus Montevillus. Sa araw na yun ay iaanunsiyo na ng pamilya ang pamumuno nya," paliwanag ko.
"Kapag nangyari yun, talo na tayo," umiling si Dandrell. "Hindi. May magagawa tayo. May mga ebidensya tayo na pwedeng magamit para gipitin sila," paliwanag nya.
Pinaningkitan ko naman sya ng mga mata."Di pwedeng ilabas natin agad agad ang mga nalalaman natin," kontra ko sa kanya.
"Di ko sinabing ilalabas natin sabay sabay," sagot nya. "Sigurado ba kayong totoo lahat ng ebidensyang hawak nyo?," napalingon kami kay Saniyah.
"Of course," sagot ko. Ngumisi sya. "Bakit hindi ako dawit sa case na to?," tanong nya na ikinakunot noo naming lahat.
"Nagjojoke ako di nyo ba gets! Ako lang ang walang kinalaman dito sa nangyayari," tss. Gusto nya talagang mapahamak at madamay sa gulo?
Timang talaga.
"Asan si Dasha?," usisa ko sa kanila. "She picked the wrong way," seryosong saad ni West. Natigilan ako.
"Nasa side sya ni Dad?," tumango sila. Ano bang pumasok sa isip ni Ate Adaiya?
"Hayaan natin sya. Ayaw nyang maniwala sa accusations natin kay Dad," bumuntong hininga ako. Papatunayan kong tama lahat ng doubts ko.
"May babaeng naghahanap sa labas ng condo," sabad ni Vyu. Nangunot ang noo naming lahat. "Ako na magbubukas," prisinta ko. "Tago nyo to lahat," utos ni Dandrell saka nila niligpit ang lahat.
"Ceizian?," gulat na sabi ko pagbukas ng pinto. "Anong ginagawa mo dito sa Maynila?," I asked her curiously. Bumyahe din pala sya dito.
"May hinahanap ako," bumuntong hininga sya. "My real family," bigla syang umiyak kaya inaya ko sya papasok.
"Witwews. Chix," sumisipol sipol pa si Noju nang makapasok kami. Sinamaan ko naman sya ng tingin saka pinaupo si Ceizian sa couch.
Luminga linga sya sa paligid. "Who are they?," turo nya sa mga kasama ko. Pinakilala ko naman sila isa isa.
"I'm Ceizian Vean Montevillus," para kaming binuhusan ng malamig na tubig sa narinig namin. Kaya pala pamilyar ang pangalan nya.
"Ikaw ang pinaniniwalaan ng mga Montevillus na patay na nilang anak?," di makapaniwalang tanong ni Vyu.
"Patay? Di pa ako patay," umiyak na naman sya ulit. "Help me. Gusto ko silang makilala," I looked at Dandrell. His blank face were staring at Ceizian.
"Anong channel ka artista?," biglang tanong ni Dandrell. Binigyan ko naman sya ng nananaway na tingin. Bida bida talaga.
"We'll help you," inabot ko sa kanya ang papel na may address ng Montevillus residence. "Sa sobrang sikat ng pamilyang Montevillus ay kahit san ka magtanong kung san ang bahay nila, may magtuturo sayo. How come na hindi mo nahanap agad?," napapikit ako sa inis.
"Nagpapatulong yung tao, Dandrell. Lahat nalang ng tao sa paligid mo pinag iisipan mo ng masama.
"Bahala ka," saad nya saka tinapunan ng tingin si Ceizian bago umalis. "I think he don't want me here. Aalis na ako. Salamat," paalam nya. Hinatid ko na sya palabas.
"Saan mo nakilala yun?," usisa ni West. "Yung kinekwento kong babaeng may brown na mata na niligtas ko sa rapist, sya yun. Yung sinabi kong papakasalan—," natigilan ako nang biglang padabog na tumayo si Saniyah.
"Uuwi na ako," dere deretso syang lumabas. Napabuntong hininga ako saka sya sinundan.
"Teka, Saniyah—," isang malakas na sampal ang natanggap ko sa kanya. "Ganun nalang yun, Deiron? Pang isang araw lang ako? Bakit?," she cried. I was about to hug her but she pushed me away.
"Si Chaseah diba?! Sya na naman ang dahilan nito! Lagi nalang sya ang iniisip nyong lahat!," di ko sya maintindihan. Bakit ganto ang galit nya kay Chaseah?
"Hindi," sagot ko. Pinagpapalo nya naman ako sa dibdib. "Then, why!?! Bakit ka nakipaghiwalay sakin? Dahil dun sa Ceizian?!," di makapaniwala ko syang tiningnan.
"Nababaliw ka na! Di ikaw ang Saniyah na kilala ko," ngumiti sya habang umiiyak. "Pinaglaruan mo lang ako! Pag nagkita ulit tayo, sisiguraduhin kong ibabalik ko sayo tong sakit na binigay mo sakin," saad nya saka nagmamadaling naglakad papalabas ng condo.
"Woah. Lipat mo sa channel 2, tapos na yung drama," sinamaan ko naman si Noju ng tingin. Mukang tanga. Nageeavesdrop pala sa usapan namin.
"Bakit naman inisang araw mo lang yun? Alam mo ba kung gaano kabaliw si Dandrell sa babaeng yun? Bakit di mo pinaubaya nalang sa kanya kesa saktan mo?," may point sya. Pero iba yung panahon dati. Kumplikado ang sitwasyon ngayon at mas may kailangan akong unahin kesa sa sarili ko.
"Sinabi mo na ba kay Chaseah?," bumuntong hininga ako saka umiling. "Wala akong balak na sabihin sa kanya," hindi na nya kailangan pang malaman. Malaman nya man at hindi yun ang dapat mangyari.
"Sasabihin ko sayo, ito ang pinakamaling desisyon na gagawin mo," makahulugang sabi nya saka naglakad papalayo.
"Anong gagawin mo sa kapatid ko ngayong may kinalaman pala sya sa gulo na to?," ramdam ko ang lungkot sa boses ni West. "Batas ang masusunod," simpleng sagot ko.
"Alam kong may magagawa ka dito. Walang kasalanan ang kapatid ko," puno ng pagmamakaawa ang mga mata nya.
"Ang ginawa nya—ay kasalanan," iniwan ko sya dun saka ako naglakad palabas.
'Kailangan kong makausap si Dad.'
"Asan si Dad?," tanong ko sa mga guards sa mansion. "May pinuntahan po," napahampas ako sa desk.
San ko hahagilapin ang matandang yun?
"Anong ginagawa mo?," nilingon ko ang nagsalita. "Ate Adaiya!," lalapit na sana ako nang pigilan ako ng mga guards.
"Alam ko na ang totoo, Deiron. Hindi na ako magbubulagbulagan sa mga nangyayari. Paalisin nyo sya," sapilitang kinaladkad naman ako ng mga guards.
"ATE?! MAKINIG KA SAKIN?!," nilason na naman ba ni Dad ang utak nya. Bakit sya nagpapaniwala sa sinasabi nun? Pare pareho kami ditong biktima.
I stayed here outside the mansion. Kailangan kong hintayin ang pagdating ni Dad at makausap sya tungkol dito.
"Anong ginagawa mo dito?," nilingon ko si Dad na kabababa lang ng kotse. Kasama nya si Tito Dev.
"Dad. Asan si Chaseah?," inosente nya akong tiningnan. "Sino?," napakuyom ako ng kamao.
"Si Chaseah," matigas na sabi ko. "Magkasama kayo diba? Bakit sakin mo hinahanap?," hinawakan ko sya sa braso dahilan para palibutan kami ng mga tauhan nya.
"Deiron, tapusin mo na ang case na pinaaasikaso ko sayo," di makapaniwalang tiningnan ko si Tito Dev. "Alll this time, kasabwat mo ang matandang to?," nakatanggap ako ng isang malakas na suntok mula kay Dad
"WALA KANG RESPETO!," napakuyom ako ng kamao. "Kapag may nangyaring masama kay Chaseah, kakalimutan ko g tatay kita," ngumisi sya.
"Ano ba sa buhay mo ang babaeng yun? Task mo lang sya diba? Bakit ganyan ka umasta? Dapat nga magpasalamat ka at tinutulungan kita," winaksi ko ang mga kamay na nakahawak sa braso ko. Naglakad ako papalayo sa bahay na to.
'Magkakasubukan kaming dalawa.'
_______________________________________________________________________

Komento sa Aklat (68)

  • avatar
    DacayBlessing faith

    nice story,,book 2 po sana

    07/11/2024

      0
  • avatar
    Karylle Mae Escobar

    good

    19/07/2024

      0
  • avatar
    AJ Escalona

    ganda

    26/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata