CHAPTER 36

DETECTIVE LANSWELL
by KalilaScribe
Chaseah's POV
"Di ka ba hahanapin ng Kuya mo? Nagpaalam ka bang maayos?," bumuntong hininga ako. Di ako nagpaalam ng personal. Nagsulat lang ako ng letter at nilagay ko sa lamesa ng kwarto nya. Paniguradong naghahanap na yun sakin.
"Di ko sinasagot ang mga tawag nya. Pati mga text. Naisip kong baliin ang sim ko at itapon," saad ko. Tinapik nya naman ako sa balikat. "Kailangan muna nating magsakripisyo ngayon para sa kaligtasan ng lahat," tumango ako. Alam ko din na mapapahamak kami pag di kami lumayo dun.
"Salamat," takang lumingon ako sa kanya. "Salamat kasi naisip mong iligtas yung buhay ko," ngumiti ako. "Ano ka ba! Damay din ako dito kaya ginawa ko to," tatawa tawang sabi ko.
"Nagpaalam ka ba kay Saniyah?," umiling si Deiron. "Nah, pero pinaalagaan ko sya kay Dandrell," ngi? Paano pag nafall yun sa isa't isa? Paano pag—
"Alam ko yang iniisip mo. Handa kong isuko ang si Saniyah para sa kaligtasan ng lahat," napangiti ako.
"Pagawan na ba kita ng rebulto?," humalakhak naman ako kaya hinampas nya ako ng throw pillow. "Mas gusto ko yang tumatawa ka kesa sa cold. Muka kang tsnga," binatukan ko naman sya.
Pft. Sya nga yung dahilan bakit tumatawa ako ulit at binuksan ko yung puso ko sa iba.
Tumanggap akong bagong mga kaibigan at natutong makisabay sa kanila.
"Anong iniisip mo? Ang mahal mong si Ceirus," nginiwian ko si Deiron. "Paano nasali dito si Ceirus?," nagkibit balikat sya.
Paniguradong naghahanap na din yun sakin. Ghinost ko lang naman kasi sila.
"Boring noh?," tumango ako. "Tara gala tayo. May perya dun sa kabilang bayan," mukhang masaya.
"Sasakyan ba natin yung kotse mo?," umiling sya. "Ilang taon na sakin ang kotse na yun."
"Anong konek?," takang tanong ko. "Binenta ko," saad nya saka pinakita sakin ang isang cheke.
"BINENTA MO?!," dinuro nya naman ako sa noo. "Paulit ulit? Bihis ka na, gagala tayo mahal," hinampas ko sa kanya ang throw pillow saka pumunta sa kwarto.
Isa lang ang kwarto dito at share lang kami. Pero sa lapag sya syempre.
Nagsuot lang ako ng simpleng oversized shirt at shorts saka nagrubber shoes. Tinali ko din ang buhok ko para mukang malinis tingnan.
"Tara na," excited na sabi ko saka sya hinila palabas.
"Nasaan na tayo?," para kaming batang palinga linga sa paligid. "Di ko din alam. Di ko naman kabisado to eh," kamot ulo kong sabi.
Nagcommute kasi kami at di ko alam kung saan kami dinala nung tricycle driver.
"Ate, saan po dito yung perya?," tanong ni Deiron sa ale na dumaan. Nangunot naman ang noo nito.
"Perya? Sa kabilang bayan yun, hijo," napatampal ako sa noo ko.
"Ang bobo mo, Lanswell!," padabog na nagpara ako ulit ng tricycle.
"Sa perya sa kabilang bayan, Kuya," saad ko sa driver. "Di ako sanay bumyahe at wala akong alam sa ganito," dahilan ni Deiron.
"Wag moko kausapin," asik ko sa kanya. Sa wakas ay nakarating na kami sa tunay na perya.
"Bayaran mo," utos ko sa kanya. Kita ko pang umaksyon syang aambaan nya ako mg suntok pero binawi nya ng lumingon ako.
Papalag?
Nauna akong maglakad sa entrance. Marami raming tao. Malapit na kasi ang fiesta dito eh.
"Tara kain," hinila ako ni Deiron sa isang seafoods stall. "Nananadya ka ba ha?," pikon na sabi ko sa kanya. Humalakhak naman sya saka ako hinila sa street foods.
"Joke lang eh. Init naman ng ulo ng mahal ko," biglang nasitilian ang mga teenagers din na katabi namin. Ptwk.
"Public to,"bulong ni Deiron saka ako kinindatan. Bwisit.
"Bibilhin ko ang lahat ng tinda mo, Kuya. Naglilihi ata sa kwek kwek ang mahal ko eh," humigpit ang hawak ko sa stick at padabog na tinusok sa kwek kwek.
"Ano bang pinagsasasabi mo, Satanas?," inis na sabi ko sa kanya. "Kita nyo, Kuya! May mood swings," napapikit ako sa inis.
Bakit may ganitong attitude si Deiron?
"Buntis nga yan. Ganyan din ang misis ko eh," sasawsaw pa si Kuya. Sarap pagsasaksakin ng stick.
Padabog na umalis ako sa fishball stall. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Deiron. "Binili ko yung buong stall! Di mo man lang inubos," tss. Inutusan ba syang bilhin yun.
"Tara sakay tayong rides," namutla ako. Takot ako sa heights.
"Oh? Takot ka?," pang aasar nya. "Ikaw nalang," saad ko saka naglakad palayo. Agad nya namang hinawakan ang mga braso ko.
"Tara na. Wag ka matakot. Andito asawa mo oh," agad na hinampas ko ang kamay nya. Akala ko pa naman mag eenjoy ako dito sa perya.
"Pabili po ticket sa ferris wheel dalawa," napatampal ako. "GUSTO MO BA AKONG MAMATAY HA?! BAKIT DALAWA GGO KA BA?! SABING AYOKO SUMAKAY EH?!," nagtinginan naman samin ang mga tao.
"Lah? Napano ka, Miss? Akin tong ticket. Dalawang beses akong sasakay," nanggigigil na tinabig ko ang stall na maliit ng nagtitindang cotton candy.
"Sorry na, Mahal. Sige na sakay na tayo ferris wheel," parang batang sabi nya. Inis na nauna akong maglakad papasok ng ferris wheel. "Pstangina mo," malutong na mura yun. Bwisit sya.
"Masaya to pramis," kinindatan nya pa ako.
'Walang masaya dito.'
"WAAAAAAAAAHHHHH!,"
"KYAAAAHHH?!! PSTANGINAAAAA?!,"
"HAYOP KAAA AGGO IBABA NYOO KO DITOOOOO?!,"
"LINTEEEEEEEKKKK,"
Pagbaba namin ay napasuka ako. Umiikot ang paligid. "Okay ka lang?," agad na sinikmuraan ko si Deiron.
"Pinasakay mo kong ferris wheel tapos tatanungin mo ko kung okay lang ako?," sarcastic na sagot ko. Inabutan nya naman ako ng tubig saka hinagod hagod ang likod.
"Sorry na noh. Pinagtripan lang naman kita," hinampas ko sa ulo nya ang bottled water. "Apakasakit mo talaga magmahal," tss. Di ko na sya pinansin at saka ako pumikit.
Nahihilo ako.
"Huy patay ka na ba?," nagpanting ang tenga ko sa narinig. Kahit nakapikit ay alam kong nakalapit ang mukha ni Deiron sakin kaya sinuntok ko.
"Aray naman! Ano bang problema mo!," reklamo nya. "Kung wala kang sasabihing maganda, manahimik ka nalang," singhal ko sa kanya saka ako tumayo.
Medyo okay na ang pakiramdam ko.
Napatingin ako sa paa ko nang maramdamang parang may malambot.
"Wow! Ang cute!," agad na kinarga ko ang aso. "Kanino kaya to?," tiningnan ko ang name tag.
'Safro.'
"Ang cute naman ng name mo. Safro," hinagod hagod ko ang balahibo nito. Ang lambot alagang alaga siguro to.
"Mahilig ka sa aso?," tanong ni Deiron. "Pake mo?," tinalikuran ko si Deiron. Wala namang sasabihing maganda.
"Ang halaga ng ganyang aso ay half a million. Maliit pa lang, ganyan kaliit," dinig kong sabi nya.
Woah. Ang mahal naman. Sabagay ang ganda kasi eh.
"At ang nagtitinda nyan ay sa bayan lang," sa bayan lang? Awit. Saka ano namang ipambibili ko.
"Miss, akin yang aso," napatingala ako sa boses ng isang babaeng nagsalita.
Muka syang dyosa. Brown din ang mga mata nya. Apakaganda nya.
"Sayo ba to? Muka kasing naligaw," ngumiti sya sakin. "Salamat ha," tumango ako saka iniabot sa kanya ang aso. Nagpaalam naman sya paalis.
Nakakalungkot naman. Ang cute pa naman ng aso.
"Yes. Pakihatid nalang andito kami sa may perya," rinig kong sabi ni Deiron. Maya maya ay may lumapit saming delivery boy na may hawak na—aso? Saka may isa pang box.
Katulad na katulad nung aso kanina.
"Wow," agad na kinuha ko ang aso. "Salamat, Deiron!," agad na niyakap ko so Deiron.
"Sigurado ka bang para sayo yan?," inis na humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. "Joke lang. You're welcome," ngumiti ako.
"Di na ako galit sayo," napangiwi ako nang makita ang pusa na inilabas nya sa isa pang box.
"I hate cats!," tumayo ako saka lumayo. "I hate you too," tatawa tawang sabi ni Deiron.
"Nangangain yan ng ulam eh!," singhal ko sa kanya. "Ikaw ba bumili nito? Bawiin ko yang aso eh," agad ko naman syang nginitian.
"Ito naman hindi mabiro," tatawa tawang sabi ko. "Tara uwi na tayo," aya ko kaya naman ngiting ngiti akong lumabas ng perya.
"Ano kayang magandang ipangalan sa kanya?," tanong ko sa sarili ko. Hmm.
Axy. Total si Deiron Axe ang nagbigay.
"Axy," nakangiting sabi ko. "What?," protesta ni Deiron. "Axy," ulit ko. "Muka ba akong aso para ipangalan dyan?," asik nya.
"Ikaw kasi ang nagbigay. Edi remembrance ko to sayo," nakangiting sabi ko. "Tss. Di pa ako mamamatay," napahalakhak naman ako. Ang lawak naman masyado ng isip nya.
"Ito ang pangalan nito, Chassy," nangunot ang noo ko. "Ipapangalan mo ko sa pusa?!," inis na sabi ko.
"Oum. Remembrance. Baka mamatay ka na bukas eh," agad na hinampas ko sya.
Ang sama ng tabas ng dila.
"Dapat friends si Chassy at Axy," parang batang sabi nya. "Bobo ka ba? Kelan naging friends ang aso at pusa?," tatawa tawang sabi ko.
"Ngayon," iiling iling na nauna ako sa kanyang sumakay ng tricycle.
'Binigyan nya akong bagong kaibigan.'
Dandrell's POV
"NASAAN SI DEIRON AXE?!," Dad's voice covered the whole mansion. He's looking for Deiron.
"We don't know, Dad," Dasha Adaiya answered. I also shrugged my shoulders.
"Sabi ng kanyang Tito Dev ay di na sya nagrereport tungkol sa task nya," Dad played the cigarette on his hands.
The last communication we had is when he called me yesterday to ask for a favor. He asked me to look for Saniyah. He didn't told me anything except that.
"Hanapin nyo si Deiron Axe," he commanded his men. Adaiya and I looked at each other.
'I know were thinking the same.'
"Dad, let us handle this," Adaiya told Dad. I'm secretly wishing he would agree.
"No. Let my men do this. Focus on your jobs," I sighed. If he won't let us, then we will make our own way.
We both get out of Dad's office worriedly. I grabbed Adaiya's arms and brought her outside.
"Bakit?," she asked me. "Deiron needs our help," she nodded.
"I know. But how?," I smirked.
'I know who to call.'
"Noju? I need your help," I looked at my sister. I know she won't like this idea but it's the only way to force West to help us. "Kidnap, West," as expected, Adaiya protested.
"Trust me, Adaiya. I know what I'm doing," I grinned before I took my keys and went to the garage.
"Noju? Dandrell? Ano ba to?," West's brows are arched and he's trying to escape. But of course, I assured a tight rope. I know the ability of this man.
"Do you know where is Deiron?," I asked him. He raised the side of his lips.
"Ni hindi na nga din umuuwi si Chaseah sa bahay ng ilang araw!," I was surprised. There's a possibility that the two of them were together.
"Deiron is also missing, 2 days ago," I said while playing my car keys on my hand.
"Baka naman nagtanan," I throw a deadly glare to Noju. It's not the time for fooling around.
"I know, they're into something," I concluded. I know Deiron very well. He has plans.
"Bakit ba ako andito?," I tapped West's shoulder. "Let's help them. Help us. Be with us," I said desperately. I need their cooperation.
"Ano namang mapapala ko?," I smiled. "Safety of your sister," he sighed.
"Pakawalan nyo ko. Pumapayag na ako," I smiled.
Everything is going according to plan.
Victor's POV
"Nasaan si Chaseah, Ceirus?," di ko sinagot si Dad. Ilang araw ko ng di mahagilap ang babaeng yun. Naglayas daw sabi ni West.
Alam kong tinatakasan nya ang pangyayaring to. Pero mali tong ginagawa nya. Mas lalo nya lang pinapahamak ang sarili nya.
"I'm asking you, Ceirus Vinn," nagkibit balikat ako. "Di ko din alam. Di ko sya mahagilap," hinampas naman ni Dad ang desk nya.
"Sinisira ng babaeng yun ang mga plano ko," galit na sabi nya. Walang paalam akong lumabas ng opisina. Hindi maganda ang kutob ko sa pinaplano ni Dad.
Kailangan kong makausap ang Kuya ni Chaseah. Agad akong nagmaneho papunta sa apartment nila.
"Asan na po yung mga tao dito?," turo ko sa tatlong apartment na magkakatabi. "Wala na po. Nagsialisan na," napasabunot ako sa buhok ko.
'Huli na ba ako?'
Chaseah's POV
"Anong date bukas?," tanong ko kay Deiron. "October 16," sagot nya. Napapikit ako.
Birthday ko nga bukas.
Nakalimutan ko na sa daming pangyayari. "Ano bang meron?," usisa ni Deiron. Umiling lang ako.
"Natanong ko lang," saad ko saka hinaplos haplos si Axy. Sayang. Di kami magcecelebrate ni Kuya ng magkasama. Sana naman okay lang sya dun.
"Chaseah!," napatayo ako sa pagtawag sakin ni Deiron. "Bakit?," napatakip ako sa muka ko.
"SABI KO NAMAN SAYO?! YANG PUSA MASYADONG MALIKOT?!," nagkalat ang mga gamit sa kusina namin. Pinagkakalkal ng pusa.
"Bibilhan ko nalang to ng kulungan," saad ni Deiron. "Buti at naisip mo yan," hinayaan ko syang magligpit sa kusina. Total kasalanan nya naman yun eh.
Binuksan ko nalang ang TV. Nangunot ang noo ko sa nakita. "DEIRON!," sigaw ko.
"Bakit?," humahangos na pumunta sya dito sa sala. "Hinahanap ka ng Dad mo. Milyon ang reward," napafacepalm si Deiron.
"Isuko na ba kita?," binatukan nya naman ako. "Iba talaga pag anak mayaman," komento ko.
"Hindi masaya," saad nya saka umupo sa tabi ko. "Alam mo bang lahat ng pressure nasa akin?," malungkot na saad nya.
"Pwede ba ako maglabas ng sama ng loob sayo?," ngumiti ako saka tumango.
"Bata pa lang ako ay pangarap ko at pangarap ng Mommy ko para sakin na maging Engineer. Pero ang Dad ko, gusto nyang magpulis ako tulad ni Dandrell," paliwanag nya. Dindiktahan pala sya kung ganon.
"Kaya ngayon, heto ako. Napilitang gawin at hawakan ang task na to para mapatunayan ang sarili ko kay Dad," nakikinig lang ako sa kanya. Mamaya na ako magcocomment.
"Ang pamilyang Montevillus ang naging task ko. Kapag nagtagumpay ako, magiging ganap na pulis na ako. Magiging proud na sakin ang Daddy ko," kita ko ang lungkot sa mga mata nya.
"Wala bang ginawa ang Mommy mo?," tanong ko. "My Mom died 5 years ago," oww. Ang parents ko din.
"Sorry," paghingi ko ng paumanhin. "Wala yun," naging tahimik ang ambiance sa pagitan namin. Di ko kasi alam kung anong sasabihin ko.
"Tulungan mo kong magtagumpay tong task na to," ngumiti ako. "Kahit di mo sabihin, tutulungan kita," naestatwa ako nang yakapin nya akong bigla.
'Wtf?'
_____________________________________________________________________________

Komento sa Aklat (68)

  • avatar
    DacayBlessing faith

    nice story,,book 2 po sana

    07/11/2024

      0
  • avatar
    Karylle Mae Escobar

    good

    19/07/2024

      0
  • avatar
    AJ Escalona

    ganda

    26/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata