CHAPTER 35

DETECTIVE LANSWELL
by KalilaScribe
Chaseah's POV
"Bakit kakaiba ang ngiti mo ngayon ha?," usisa ko kay Saniyah. Pano ba naman, naghuhugas ng plato di maalis alis ang ngiti sa labi.
"Kami na ni Deiron!," saad nya saka tumili. Napalingon naman ang lahat sa kanya. Sinulyapan ko si Deiron na nakangiti lang.
"Girlfriend mo yan, Deiron? Mukang ano yan eh," tatawa tawang sabi ni Noju. Pinameywangan naman sya ni Saniyah. "Mukang ano?!," umiling naman si Noju saka zinip ang bibig nya.
Napakwela palang kasama ni Noju. At nalaman kong kaibigan pala sya nila Deiron. All this time, mali pala ang pinagbibintangan ko.
Hinanap ng mata ko si Dandrell. Natanaw ko syang nakaupo sa may balcony. "Okay ka lang?," tanong ko sa kanya. Tumango naman sya.
"Okay naman," ngumiti sya sakin. Mukang sya naman ang may kailangan ng comfort ngayon.
Hinila ko naman sya papunta sa may bato na pinagdalhan nya sakin. "Isigaw mo lahat ng nararamdaman mo dito," sabi ko sa kanya. Umiling naman sya.
"PSTANGINAA NUNG PUMATAY SA MGA MAGULANG KO MGA HAYP KAYOOOOO?!," sinulyapan ko sya. Nakangiti syang tumabi sakin.
"BAKIT DI NALANG AKO SANIYAH?! BAKIT PALAGING KAPATID KO NALANG?!," nagulat ako nang sipain nya yung bato. "Hoy teka teka! Sabi ko sigaw lang walang sipa!," nagsisigaw pa sya kaya naman napangiti ako. Paniguradong gagaan ang loob nya.
"Salamat," nakangiting sabi nya sakin. "Wala yun. Ako mga kino comfort mo din ako dati," nakangiting sabi ko sa kanya.
"Buti marunong ka na ngumiti," si Deiron talaga nagmotivate sakin. Masyado syang influential.
"Alam mo, sa business world walang wala si Deiron sakin. Nakakatawa, natatalo nya ako sa ibang mga bagay," mukhang di ata sila magkasundong magkapatid.
"Sobrang tagal ko ng gusto si Saniyah. The moment she entered my resto, my eyes are already locked in her," nakangiting sabi nya. "Pero si Deiron, kakakilala pa lang nila," si Deiron kasi maappeak di ko tinatanggi yun. Gwapo din naman si Dandrell pero mas maappeal si Deiron.
"If I would fall in love again, I want to fall for you," di ko alam kung anong irereact ko. "If lang naman," tatawa tawang sagot nya. Tumawa na rin ako.
Awkward.
Nagdecide kaming bumalik na sa cottage. Sinulyapan ko si Ceirus. Simula kahapon ay di na sya nagsasalita. Di ko alam kung napapano ba sya.
"Ceirus?," nilapitan ko sya. Di nya man lang sko tinapunan ng tingin.
Awts ah. Masakit.
"Okay ka lang ba?," tanong ko sa kanya. This time, tiningnan nya ako. Nagulat ako ng yakapin nya ako. "Wag mo kong iwan," nangunot ang noo ko.
Napano to?
"Chaseah, pagbalik natin dun sa city. Di na magiging normal ang mga buhay natin. Sorry," naguguluhan ako. Anong ibig nyang sabihin?
"Ipangako mo sakin na kahit anong mangyari maniniwala ka sakin," tumango lang ako.
Maniniwala ako sa kanya?
Humilata agad ako pagkarating ng apartment. Kumalat agad yung balita tungkol sa naging trip namin sa sembreak. Yung pagkamatay ng ibang mga estudyante.
"Hayst. Namiss ko ang mapayapang buhay," saad ko habang si Kuya ay nag aayos ng mga gamit.
"Ako din," nakangiting sabi nya. Halos mapatalon kami sa gulat nang may kumalampag sa katabi naming bahay. Agad naman kaming sumugod ni Kuya para silipin.
"Deiron Axe!," boses ni Dasha yun ah. Nakarinig kami ng malakas na kalabog. Agad na pumasok kami ni Kuya lara umawat.
"Anong nangyayari?," takang tanong ko. "May baliw na babae kasing pumunta daw sa mansion at hinahanap ako dahil nabuntis ko dsw sya," nasuntok naman ulit ni Dasha si Deiron kaya agad itong hinawakan ni Kuya.
"Virgin pa nga ako! Sinong mabubuntis ko!," pinakalma namin si Dasha. Biglang nagring ang phone ni Deiron.
"Noju?," isang malakas na halakhak ang narinig namin sa kabilang linya. "Wala ka na pala dun sa mansyon nyo?," tatawa tawang sabi ni Noju.
"Oo bakit?," tumawa na naman si Noju. "Ay tsnga. Dapat pala dyan sa apartment mo pumunta yung babae," naningkit ang mga mata ni Deiron.
"Humanda ka sakin, Noju!," napabuntong hininga naman si Dasha. "Mga kalokohan talaga ng mga batang to," tss. Apakapasaway kasi ni Noju.
"Yung imbestigasyon sa nangyari. Kamusta?," usisa ko. "I can handle that. Usap tayo mamaya," nagpapalit palit naman ng tingin samin si Kuya at Dasha.
"What?!," singhal ni Deiron. Umiling naman silang dalawa. "Tara date tayo?," biglang aya ni Kuya saka hinila palabas si Dasha.
"Ako nang bahala sa nangyari. Balik tayo sa task. May kutob ako sa susunod na plano ng mga Montevillus," jusko. Pati ako kinakabahan eh.
"Kelangan mong mas mapalapit sa kanila. Kung kinakailangan mong lumayo sakin, lumayo ka muna. Pasikreto nalang tayong magkita," wala akong maintindihan.
"Sundin mo lahat ng sinabi ko," wala akong naisagot kundi tango.
Buong maghapon akong nakatitig sa kisame at iniisip ang sinabi ni Deiron. Alam nya na kaya ang sunod na hakbang ng mga Montevillus?
Tumunog ang cellphone ko sa may side desk kaya pinulot ko ito.
"Hello?," bored na sagot ko. "HIIIIIII BAAABBEEEE?!," boses palang alam ko na.
"Ceirus?,"
"Nasa labas ako ng bahay nyo. Pagbuksan moko kanina pa ako katok ng katok!," then he ended the call. Bumaba naman ako at binuksan ang pinto.
"Anong ginagawa mo dito?," ngiting ngiti sya na parang wala ng bukas. Buti naman bumalik na sya sa dating sya.
"Di mo ba ako namiss?," parang batang sabi nya. "P*kingina mo, ano nga?!," singhal ko sa kanya.
"Pinapapunta ka ni Dad sa mansyon," di ko alam bat bigla akong kinabahan. "Sige maliligo lang ako," paalam ko.
Habang nasa cr ay nag aalala talaga ako. Di ko alam kung bakit kinakabahan ako na ewan.
"Dyan ka na ba titira sa cr?," napatalon ako sa gulat sa sunod sunod na katok ni Ceirus. "Papasukin na ba kita dyan?!," inis na nagtapis na akong tuwalya saka lumabas.
"Witwews," agad na pinulot ko ang libro na nahawakan ko at binato sa kanya. "Manyak!," mabilis akong umakyat sa kwarto ko at nilock ito.
Nagbihis na ako agad dahil ayokong paghintayin ang tagapagmana ng mga Montevillus.
Pagkarating sa mansyon nila ay naabutan ko si Freya na nakaupo sa sahig at umiiyak. Pinapagalitan sya ni Carol.
"Mom, anong ginagawa mo sa kanya?," agad nilapitan ni Ceirus si Freya at itinayo ito.
"Sumosobra na ang kasambahay na to. At ikaw naman, bakit ka nakikipaglandian dito? Ceirus naman. Hinahayaan kitang pumili ng babaeng gusto mo pero wag naman sana tong babaeng to," nangunot ang noo ko.
May feelings ba sa isa't isa ang dalawang to?
"Mom, di na ako lalapit sa kanya. Wag mo lang syang tanggalan ng trabaho," nagulat ako sa pagluhod ni Ceirus.
Wow. Sino ba tong babaeng to? Nakakasakit ah.
"Chaseah, hija!," ngayon lang ako napansin ni Carol. Agad naman nya akong niyakap. Nakakaproud naman. Gusto ako ng mommy nya.
Sinulyapan ko si Ceirus. Tinulungan nyang tumayo si Freya at chinicheck pa kung ayos to. Mapait akong ngumiti.
"Tara na hija, naghihintay ang Tito Victor mo sayo," nangunot ang noo ko. Anong sinasabi nya?
"Alam mo ba? May gusto kaming gawin ni Victor," oh tapos? Anong kinalaman ko dun?
"Gusto naming ipakasal si Ceirus sa babaeng nararapat para sa kanya," nalungkot ako. Uso pa pala ang arrange marriage ngayon?
"Don't worry. Alam naming mahal ni Ceirus ang babaeng pipiliin namin para sa kanya," saad ni Carol saka ako pinapasok sa opisina ni Victor.
"Magandang hapon, hija," tumango lang ako kay Victor saka umupo sa upuang nasa harap nya.
"Di na ako magpapaligoy ligoy pa. Kilala mo ba di Deiron Axe Lanswell?," nanlalamig akong tumango. "Alam kong malapit kayo sa isa't isa kaya saktong sakto sayo ang utos ko na to," di ko nagugustuhan ang naririnig ko.
Iniabot nya sakin ang isang itim na folder at di nga ako nagkakamali sa kutob ko.
"I want Deiron Axe Lanswell's dead body," malademonyong sabi ni Victor.
'Bakit sya pa?'
"Ano bang sasabihin mo at may mga dala kang gamit?," takang tanong ni Deiron. "Gusto kitang iligtas, Deiron," kumunot naman ang noo nya sa sinabi ko.
"Ililigtas? Saan?," hinawakan ko sya sa braso saka sya tiningnan sa mga mata. "Ikaw ang iniutos nila sakin Deiron," ngumisi naman sya.
"Alam ko. Expected ko na to na mangyari," kalmadong sabi nya. "Umalis na tayo dito! Magtago tayo," exaggerated na sabi ko. Masama talaga ang kutob ko eh.
"Bakit tayo magtatago? Kailangan nating harapin," binatukan ko naman sya. "Diba sabi mo sakin wag magpadalos dalos. Pagpaplanuhan natin tong mabuti. Tara pupunta tayo sa malayong probinsya," wala syang nagawa kundi sumang ayon sa plano ko.
Alam ko na ang gagawin ko.
"Saan ba to papunta?," reklamo nya. "Ah basta. Sabi sa google map dito daw yun," ang ganda ng view dito sa probinsya. Preskong hangin puro puno.
"May apartment dito na free daw sa tapat ng center," saad ko. "Ay eto," tumigil naman kami sa isang paupahan sa tapat ng center.
Room for rent.
"Dalawang room kuhanin mo," binatukan nya ako. "Magastos ka. May pambayad ka ba?," singhal nya sakin. "Mayaman ka diba?," sinamaan nya ako ng tingin saka bumaba.
"Pa rent kami. Isang room," napapikit ako sa inis. Kung may pera lang ako di ko gugustuhing makasama to.
"Wala ka bang pinagsabihan tungkol sa location natin?," umiling naman sya. "Bat pa tayo pumunta dito kung sasabihin din naman pala?," tss. Pilosopo.
Nag ayos na kaming gamit. Sabi ni Deiron ay mamimili daw kami mamaya ng mga appliances at pagkain. Yayamanin talaga.
"I want to buy this whole market," napatampal ako sa noo ko. "Hindi ganyan mamalengke ptek," hinila hila ko naman sya sa bawat tindahan upang mamili.
"Malinis ba yang mga yan?," inirapan ko naman sya. "Malamang huhugasan natin yan pagdating sa bahay," tss. Iba talaga pag rich kid.
"Ang lansa dito," napapikit ako sa inis. "Nasa palengke ka, wala ka sa mall. Walang aircon dito," apakadaming arte.
Sunod ay pumasok kami sa appliances shop. Napanganga ako sa mga appliances na binili nya.
"Ang dami naman. Bagong kasal po ba kayo?," iiling na sana ako nang akbayan ako ni Deiron. "Oo eh," napatampal ako sa noo.
Mag asawa amptek.
"May discount ba ate? Bagong kasal naman kami eh," hirit ko. Tumango naman si ateng cashier.
"Yown. May good epek pala yung pagpapanggap natin. Wag mo ng uulitin yun," sermon ko sa kanya.
"Alam mo kailangan natin ng bagong identity para di tayo matunton ng mga tauhan ni Victor," ngumiwi ako. "Kailangan pa ba yun?," napasinghap sya.
"Malamang. Para pag nagtanong kung may Chaseah at Deiron ba dito ay wala silang maituturo," tumango tango ako. "Sabagay. Pero pwede namang magkapatid nalang," suggestion ko.
"Nope. Sinabi na natin sa cashier na mag asawa tayo kaya let's play the role," inakbayan nya naman ako palabas ng shop.
'Okay.'
"Mahal, gutom na ako," nagpanting ang tenga ko sa narinig at agad na pinalipad ang sandok kay Deiron. "Ano ba yang sinasabi mo? Sa labas lang tayo dapat magpanggap," singhal ko sa kanya.
Humalakhak naman sya saka umupo sa dining. "Anong niluluto mo, Mahal?," napapikit ako sa inis. "Nang aasar ka ba ha? Gusto mo bang ipaligo ko sayo tong sabaw?," tawa naman sya ng tawa habang hinahampas pa yung lamesa.
"Pikon," pang aasar nya. Sinamaan ko lang sya ng tingin saka hinanda ang mga pagkain. Pupulot pa sana ng laman ng baboy si Deiron pero pinalo ko agad ang kamay nya.
"Ansakit mo namang magmahal," agad na sinabunutan ko sya. "WALA KA NA BANG MATINONG MAGAWA SA BUHAY?! HA?!," todo daing naman sya hanggang sa mapagod ako kaya tinigilan ko na.
"Kita mo! Naglagas na buhok ko! Humanda ka sakin," agad na tumakbo ako papuntang sala at naghabulan kami paikot ng sofa.
"Ulol. Para kang bata! Tigilan mo ko Deiron!," agad na pinulot ko ang mga magazine at pinaghahagis sa kanya. "ANO BA?! KAKAARRANGE KO PALANG NYAN?!," di ako nakagalaw nang sugurin nya ako dahilan para mapahiga ako sa sofa at pumaibabaw sya sakin.
Nakita kong napalunok sya. Nakaisip ako ng kagagahan.
"ARAY!," sinikmuraan ko ulit sya. Masyadong madaming nalalaman eh.
"Tara na kain na tayo, MAHAL," pang aasar ko saka nauna ng umupo sa dining table.
Buti talaga hindi boring ang pananatili namin dito. Medyo shunga kasi kasama si Deiron eh.
'Sana di na kami matunton pa dito.'
____________________________________________________________________________________

Komento sa Aklat (68)

  • avatar
    DacayBlessing faith

    nice story,,book 2 po sana

    07/11/2024

      0
  • avatar
    Karylle Mae Escobar

    good

    19/07/2024

      0
  • avatar
    AJ Escalona

    ganda

    26/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata