CHAPTER 34

DETECTIVE LANSWELL
by KalilaScribe
Deiron's POV
"Nasaan si Chaseah?," kahit hirap na hirap ay pinilit nya ako tanungin kung nasaan si Chaseah. I pointed out kung saan kami nakapwesto kanina pero nagulat ako when I found out thet she's not there.
"Sh*t," I murmured to myself. Tinapik ko lang sa balikat si Ceirus saka bumalik sa taas.
I'm right. She probably find her way to go down. Takot sya sa heights kaya hindi yun tatalon gaya ng ginawa ko.
Napakasakit talaga sa ulo ng babaeng yun.
Napahawak ako sa labi ko. I don't know why I feel the urge to kiss her a while ago. Nah. I'm just annoyed. She's so loud.
Dumaan ako sa eskinita na dinaanan namin kanina. She's not here.
Umikot ako sa likod at chineck ang bawat sulok assuring that I won't miss any. Napasabunot ako sa buhok dahil sa frustration.
Saan naman kaya nagsusuot ang babaeng yun?
"Nasaan ang kapatid ko?," nilingon ko si West. " Bakit ka andito? Di ka na dapat sumunod. Di pa nakakarecover ang katawan mo," matamang sabi ko.
"Ang sabi ko, nasaan ang kapatid ko?," madiin ang pagkakabigkas nya sa bawat salita. "Hinahanap ko pa—," I haven't finished what I was saying when he suddenly punched me.
"Wag nyong idamay sa gulo nyo ang kapatid ko," seryosong sabi nya. Ngumisi ako. "Di namin sya dinadamay. Dinamay nya ang sarili nya," I want to tell him infront of his godd*mn face na sya ang dahilan kung bakit nadamay sa gulo ang kapatid nya.
If he was not being hospitalized due to an accident, his sister won't enter this kind of sht just to pay for his hospital bills.
"Anong sinasabi mo?," tumaas ang gilid ng labi nya. "You don't know anything, do you? Kaya manahimik ka," tumayo ako saka sya tinalikuran.
"Di ko alam kung anong binabalak mong gawin, pero alam kong di mo pababayaan ang kapatid ko," napabuntong hininga ako. "Of course, I won't. That's why I'm doing this," bakit ko naman papabayaan ang taong pinakailangan ko sa kasong to.
She's the key to this case. I need her to close this.
Nagkatinginan kami sa isa't isa nang makarinig ng isang malakas na putok ng baril. Tatakbo na sana kami papasok ni West ng harangan kami ng mga lalaking nakaitim.
"Kaya mo?," I asked him. He nodded and started bragging down these guys.
Walang kupas. Napakagaling nya pa rin.
"Galit ako sayo dahil sa mga pinaggagawa mo sa Ate ko, pero bakit di ka nalang bumalik? Work for Lanswell again," ngumisi sya. "May tamang panahon para dyan," saad nya saka naunang pumasok sa eskinita.
West is one of dad's people. He was working for our family for several years together with his parents. I must say, were close way back then.
The craziest part is he decided to leave us—me because he fall inlove with my sister. Ayaw nyang malaman ni Dad ang namamagitan sa kanilang dalawa that's why he decided to leave.
I lost a piece of my heart that time. Bukod kay Ate ay sya lang ang nakakaintindi sakin nung mga panahong yun. Sya lang yung kaisa isa kong kaibigan na tinuring ko na ring kapatid.
Nung namatay ang parents nila, I helped. Nagtatrabaho pa rin sya samin nung mga panahong yun at tinulungan ko sya para mausutentuhan ang kapatid nya which is Chaseah.
Di ko kilala na kapatid nya si West. I was shocked when I saw her at the hospital. Di ko expected na magkapatid sila.
Simula nung time na umalis sya sa bahay para hindi mapahamak si Ate, kinalimutan ko na sya. I begged for him to stay but he didn't. But I'm also thankful because all the time, she's always prioritizing my sister's safety.
And I think, I should protect his sister too.
Agad na tumalon ako pababa dahilan para mapatingin ang lahat sakin. Napakuyom ako ng kamao nang makita ang kalagayan ni Chaseah. Kita ko din ang pag aalala sa mukha ni Ceirus.
"Andami nyo namang nagmamahal kay Chaseah," napuno ng halakhak ng baliw na babaeng to ang buong lugar.
I really suspect this girl from the start. Simula nung nasa byahe kami papunta dito ay alam kong may binabalak na syang masama.
"Pakawalan mo ang kapatid ko," matigas na sabi ni West. Hinawakan ko naman sya sa braso.
"You think gagawin ko yun? Manahimik ka kung ayaw mong macoma ulit!," sinulyapan ko si Chaseah. Wala syang malay at bugbog na bugbog sya. Mukhang sya talaga ang pinag initan ni Aairah.
"Get me out of here! Chaseah!," nagpumiglas si Ceirus dahil para sampalin sya ni Aairah gamit ang baril.
"Ikaw, Ceirus. Alam mo bang ang laki laki ng kasalanan mo sakin? Nasira ang buong buhay at pagkatao ko, dahil sayo!," muli nya itong hinampas ng baril. Lalapit na sana ako nang pigilan ako ni Noju at Dandrell.
"Wag tayong lalapit. Tayong apat nalang ang may magagawa dito," saad ni Dandrell.
"Hoy, Chaseah! Gising! May chocolate ako dito oh!," agad namang binatukan ni Dandrell si Noju. "Sornaman. Paborito nya kasi to eh," nangunot ang noo ko. Close sila ni Chaseah?
"Alam mo ba Ceirus? Simula nung araw na yun, bumaba yung tingin ko sa sarili ko," puno ng hinanakit at galit ang pagkakabigkas ni Aairah sa mga salita.
Ano ba talagang meron sa pagitan nila?
"I-I'm sorry," Aairah stabbed Ceirus's chest several times and cried. "Binaboy mo ko Ceirus! BINABOY MO KO!," pinaputok ni Aairah ang baril sa kung saan.
"Pinagsamantalahan moko, vinideo mo, kinalat mo para pabagsakin ang Daddy ko!," I was shocked. Di na ako nagtatakang ganito ang galit ni Aairah.
"I know. I know that was 2 years ago but it will not change the fact that you ruined my life! Alam mo, ikinahihiya na ako ni Dad pagkatapos nun. Di nya ako pinapakilala bilang anak nya sa public," humagulhol ng iyak si Aairah.
"Di ako galit sa Dad ko. Sa pamilya moko galit! SA PAMILYA MO!," muli nyang pinaputok ang baril kaya nilapitan ko sya agad.
"Stop it," agad naman nyang tinutok sakin ang baril. "Wag kang lalapit!," I stepped backward.
"Baliw na ba sya? Edi sana si Ceirus nalang ang kinidnap nya. Bat damay pa tayo?," sinamaan naman namin ng tingin si Noju.
He was Dandrell's bestfriend. Ang pagkakakilala ng lahat kay Noju ay nakakatakot, mamamatay tao, at walang puso. But that's the total opposite of him. Sobrang childish nya at kwela pero pili lang ang pinapakitaan nya ng ganung attitude.
"Alam mo bang nagsisisi akong minahal ang katulad mo?!," nakatungo lang si Ceirus. Walang balak magsalita. "You asked me to be your girlfriend. You cheated on me so many times because it was part of your plan. You played me like a toy!," umangat ang tingin ni Ceirus. His eyes were cold. Iba ang mga tingin nya.
"You deserve all of that. Kulang pa yun sa ginawa nyo kay Ceizian!," and now who's this Ceizian?
Ngumisi si Aairah. "My Dad planned about that," matamang sabi nito at umupo sa harap ni Ceirus para maging magkapantay sila.
"Si Ceizian ay kapatid ni Ceirus. Next to him," paliwanag ni Dandrell. Napatango ako. I didn't know he had a sister.
"Ang tanga nyo sa part na naniwala kayong patay na si Ceizian!," napuno ulit ng halakhak nya ang buong paligid. "What do you mean?," nakakuyom ang kamao ni Ceirus at parang mapuputol ang lubid na nakatali sa mga kamay nya sa sobrang pwersa.
"Manonood nalang ba tayo? Wala ba tayong gagawin?," nilingon namin si West. Nakikita ko ang pag aalala sa mga mata nya habang nakatingin kay Chaseah.
"Tsnga ka pa rin," komento ni Dandrell. Agad naman syang kwinelyuhan ni West kaya inawat ko silang dalawa.
Wala pa ring nagbago. Magkaaway pa din sila.
"Buhay na buhay si Ceizian Vean Montevillus," nakangising sabi ni Aairah. "We changed the baby nung nasa nursery pa. Alam ni Dad na ang kapatid mong yon ang gagamitin ng Dad mo laban sa kanya. You're sister is one of a kind," nacurious tuloy ako sa kapatid ni Ceirus. Ano kayang itsura nun?
"Nasaan si Ceizian?," malamig na tanong ni Ceirus. "We left her on a pig pen," nagulat kami nang makawala si Ceirus sa pagkakatali at suntukin si Aairah.
That was our cue.
Sinugod namin ang mga lalaking nakaitim. "West, tanggalin mo ang mga tali nila," utos ko na ginawa naman nya. Nakita kong nag aagawan ng baril si Ceirus at Aairah. Gusto kong pigilan sila but this men kept on blocking my way.
"Itigil mo na ang kahibangan mong to, Aairah!," sinipa naman sya ni Aairah sa tyan dahilan para mapahiga sya. "You know what? Wala ng natitira sakin. My dad left me. HE WAS NOW DEAD!," natigilan si Ceirus. Gayundin kami.
Patay na si Mayor Arvon Fetter?
"Alam ko! Alam ko Ceirus na—," di na natapos ni Aairah ang sasabihin nya ng sipain sya ni Ceirus at agawin ang baril saka pinaputok sa ulo nya.
I immediately went to him. " Bakit mo pinatay!," gigil na saad ko sa kanya. That was the moment of truth. Alam kong may babanggiting clue si Aairah pero pinatay nya para di makapagsalita.
"That's self defense," agad na naubos ang mga lalaking nakaitim kaya naman chineck namin ang lahat kung okay.
Inakay naman agad ni West si Chaseah na punong puno ng sugat at saksak. "Ma..Pa..," dinig kong usal nito kasabay ng pagtulo ng luha nya.
I know how much she wants justice.
Pinuntahan ko agad si Ate at inalalayan sya. "Okay ka lang?," agad naman nya akong binatukan. "Kung sumunod kasi kayo kanina pagsenyas ko edi sana di ako naabutan ng mga bantay," reklamo nya. Sinulyapan ko si Saniyah. Nakatungo lang sya at umiiyak.
"Kasalanan ko to," inalo ko naman sya at hinawakan ang pisngi nya. "It's not your fault. This is meant to happen," inakay ko naman sya palabas habang si Dandrell ang nagdala kay Ate.
"Noju, tuloy ka muna sa cottage namin. Madami tayong pag uusapan," tumango naman si Noju. He was wearing his cold aura dahil may mga kasama kaming iba.
That's him. Ayaw ipakita sa iba ang tunay na sya.
"Iimbestigahan ko ang nangyaring to pagbalik natin sa city. Kailangan nating maghintay hanggang Linggo dahil dun pa darating ang bus," saad ko sa kanila. Nilapitan ko naman ang kinahihigaan ni Chaseah. Takang tiningnan ko si Noju na pinaaamoy ang chocolate kay Chaseah.
"What are you doing?," usisa ko sa kanya. "Mahilig sya sa chocolate. Baka gumising," nagtataka talaga ako eh.
"Do you know her?," tumango sya. "Nagkausap na kami dati, nabanggit nya saking mahilig sya sa chocolate," I nodded. Alam ko namang si Noju ang kausap nya nung time na nawalan syang malay dun sa tabing dagat.
Loko kasi to. Masyado daw maingay si Chaseah kaya pinatulog para walang madaming tanong.
"Anong nangyari?," agad naman kaming pumalibot lahat kay Chaseah. "Seah, okay ka lang?," umiiyak na niyakap ni Saniyah si Chaseah. They're really that best of friends, huh?
"Okay lang. Kayo okay lang ba kayo? Teka, Noju?," napaismid ako. Si Noju talaga unang napansin.
"Hi!," bati nito sa kanya. Nagulat ako nang yakapin sya ni Chaseah. "Salamat sa chocolate ah! Naamoy ko kaya nagising ako," napaiwas ako ng tingin. Why the hell she needs to act cute?
"Chaseah, pagbalik natin sa city..wag na wag ka nang makikipag usap sa mga taong to. Naiintindihan mo?," maawtoridad na wika ni West. Di makapaniwalang tiningnan namin sya.
"I'm assuring the safety of my sister which she won't have when she's with you," napabuntong hinga ako.
"Kaya namin syang alagaan. Kaya natin. Bumalik ka na sa grupo, West," nginisian nya lang ako. "Binago ko na ang sarili ko Deiron," saad nya saka lumabas.
"Anong pinagsasabi nyo?," clueless na tanong ni Chaseah. I just shaked my head and followed West outside.
"West," di nya ako nilingon kaya lumapit ako sa kanya. "Gusto mong protektahan si Chaseah diba? Tulungan mo kami. Bumalik ka na samin," bumuntong hininga sya.
"That was 5 years ago when we build that friendship. Matagal na yun," naalala ko nung binuo naming apat ang pagkakaibigan namin.
Solid yun kahit palaging nag aaway si West at Dandrell. Kahit puro kalokohan si Noju. Hindi ko alam pero may nagsabi sa aking buuin ko ulit yung grupong binuo namin dati.
Kailangan namin to.
"West, pagkakaibigan lang natin ang buuin natin. Kahit di ka na bumalik sa mansyon," lumingon sya sakin at tinapik ako sa balikat. "Para kay Chaseah to hindi ba?," tanong nya sakin. Tumango ako.
"Ipagtanggol mo si Chaseah para sakin," nakangiting sabi nya saka pumasok sa loob.
Mukang di na talaga magbabago ang isip nya. Umupo ako sa buhanginan at tumingin sa malayo. Nilaro laro ng kamay ko ang buhangin hanggang sa may makapa akong bato.
Batong color brown.
It reminds me of her. Naaalala ko sa mga mata ni Chaseah yung babaeng niligtas ko noon. Yung babaeng takot at suki ng mga rapist.
Ewan ko ba, bakit natataon na kapag lagi kaming nagkikita ay sobrang dilim at tumatakbo sya agad papalayo.
Tanging yung kayumanggi nya lang na mga mata ang umiilaw sa dilim. Yung palatandaan ko.
Sabi ko kapag nakita ko sya ulit, I will definitely marry her. Parang tsnga noh? Di ko alam eh. I fell inlove with her eyes.
Pero mukang imposible. At inlove na ako sa ibang babae ngayon. Kaya kung makikita ko man sya ulit sa mga panahong to, I would just ask her to be my friend.
"Anong iniisip mo?," lumingon ako sa nagsalita. "Saniyah," ngumiti sya at umupo sa tabi ko.
"Nakonsensya ako sa nangyari kay Seah," biglang sabi nya. "Kung di ko sya inaway di sana sya nagkaganon," malungkot na sabi nya.
"Inaway?," tumango sya. "Basta, may pinag awayan kami! Wag mo ko piliting sabihin kung ano kasi hindi ko talaga sasabihin," umiiyak na sabi nya. Napatawa ako. Kahit kailan talaga tong babaeng to napapatawa ako.
"Ang panget mo kapag umiiyak. Pareho kayo ni Chaseah na iyakin," sinamaan nya naman ako ng tingin. No wonder magbestfriend silang dalawa.
"Don't worry. Magiging okay din naman to," tumango sya saka dumapo ang paningin nya sa batong hawak ko.
"Ang ganda. Parang mata ni Seah," nakangiting sabi nya. Tumango ako. "Oo nga," natigilan sya.
"Sya talaga ang naisip mo sa batong to?," di sya nakatingin sakin habang tinatanong yun pero alam kong may iba. "Nope. Sabi mo kasi eh parang mata nya edi yun din narealize ko ngayon," tumango sya.
"Pinagtitripan nyo ba akong magkapatid?," nangunot ang noo ko. "What do you mean?," bumuntong hininga sya saka ako hinarap.
"Dalawa kayong nagconfess sakin na gusto nyo ko pero pareho nyong nilalandi si Chaseah," nilalandi?
"Namimisunderstand mo ang nangyayari, Saniyah," I smiled at her and held her chin. "I know one way to stop you from overthinking," nangunot ang noo nya.
"Be my girl," she blushed and smiled. Tumango sya sakin kaya napangiti na din ako. I slowly cupped her face and kiss her on the lips.
'Chaseah.'
_________________________________________________________________________

Komento sa Aklat (68)

  • avatar
    DacayBlessing faith

    nice story,,book 2 po sana

    07/11/2024

      0
  • avatar
    Karylle Mae Escobar

    good

    19/07/2024

      0
  • avatar
    AJ Escalona

    ganda

    26/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata