CHAPTER 33

DETECTIVE LANSWELL
by KalilaScribe
Chaseah's POV
"ASAN SI DEIRON?! ANONG NANGYARI SA KANYA?," gusto kong pumasok sa loob ng cottage 3 para malaman ang lagay ni Deiron pero si Dasha, Dandrell, at Ceirus lang ang nandun.
"Wala sya dito," nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Ceirus. "Concern na concern ka ah?," panunuya ni Ceirus. Inirapan ko naman sya.
"Syempre. Kasamahan natin yun," inirapan ako ni Ceirus saka ako hinawakan sa braso. "Nagseselos ako," seryosong sabi nya saka nagwalk out. Dinunggol naman ni Saniyah ang balikat ko at nang aasar.
"Nagseselos bebe mo," sinamaan ko naman sya ng tingin.
Kung wala si Deiron dito, asan sya?
"Lahat ng estudyante sa cottage 2 ay binawian ng buhay dahil sa pagsabog. 9 nalang tayong natitira kasama yung witness," napangiti ako nang marinig ang boses ni Deiron sa likod ko.
"Okay ka?," napailing naman sya saka ginulo ang buhok ko. "Baka kaluluwa ko to," tinulak ko naman sya. Dumapo ang tingin ko kay Saniyah na malungkot ang tingin samin kaya agad akong lumayo kay Deiron.
Feeling close ata ako ngayon.
"Hindi ko alam kung anong plano ng nasa likod nito. Kailangan nating mag ingat wag tayong maghiwa hiwalay para walang mapahamak," sumang ayon kami sa sinabing ito ni Dandrell. Aba'y talagang yan ang mabuting gawin.
"Kami ng apat ang bahala dito," saad ni Dasha na ang tinutukoy ay si Dandrell, Deiron, at Ceirus.
Kailangan kong makita si Noju at tanungin tungkol dito. "Anong stunts na naman ang iniisip mo?," napatalon ako sa gulat ng magsalita si Deiron sa tabi ko.
"Magtetwerk," tatawa tawang sagot ko. "Di ako sanay na ganyan ang personality mo," ngumiti ako. "Masanay ka na," agad na pinisil ko sya sa pisngi at kita ko ang pamumula nya.
"Uy kinikilig," pang aasar ko. "Tsk. Parang mas gusto ko yung dating Chaseah," pikon na sabi nya. Hinampas ko naman sya ng malakas sa braso.
"Ganito na ang nangyayari may gana pa kayong magharutan," tiningala ko naman si Deiron na nakatayo sa harap namin ngayon.
Ano bang problema nya?
"Chaseah, bumalik ka na sa cottage. Ikaw Ceirus, sumama ka samin," pinigilan ko agad sa braso si Deiron. "Pano pag sumabog din yung cottage 1?," alala kong tanong.
"Edi patay kayo," agad na sinuntok ko sa tyan si Deiron. "Yang bibig mo!," dumapo ang tingin ko sa labi nya at napalunok ako saka nag iwas ng tingin.
"Durog na ang intestines ko. Lagi mo kong tinitira sa tyan," padabog akong naglakad papasok ng cottage. Walang kwentang kausap.
"Ano bang nangyayari! Di ito yung naiimagine kong sembreak," reklamo ni Aairah. Pasalampak din akong umupo sa kama ko.
Wala namang may gusto nito.
Nagulat kami nang pagsusuntukin ni Saniyah yung classmate naming nakatali na may bomba sa katawan kanina.
"Sabihin mo nga kung sinong nag utos sayo?!," agad namin syang pinigilan ni Aairah. "Kumalma ka, Niyah," hinila namim sya paupo sa kama at kinuhanan ng tubig.
"Pag tayo napahamak," bumuntong hininga ako. "I trust Deiron," nakangiting sabi ko.
"May gusto ka ba kay Deiron, Chaseah?," hinarap ako ni Saniyah at di ko mabasa kung anong nasa mata nya.
"Wala," sinabi ko yun ng nakatingin deretso sa mga mata nya. "Bakit kayo laging magkasama?," yun ang di ko pwedeng sabihin.
"Di mo na kailangang malaman," seryosong sabi ko. "Chaseah, gusto ko sya. Please lang, lumayo ka," tumulo ang luha sa mga mata nya saka sya tumayo paalis. Nakatungo lang si Aairah saka ako biglang niyakap.
"Nadadala lang sya ng emosyon nya, Cha. Wag ka nang mag alala," tumango ako. Maiintindihan nya din kung bakit.
Tahimik ang hapag kainan namin ngayong gabi. Wala ni isang nagsasalita. Lahat ay puno ng takot at pangamba.
"Where is Saniyah?," basag ni Dandrell sa katahimikan. Saka lang din namin napansin na wala nga si Saniyah.
"WHERE THE HELL IS SHE!?!," kinalampag ni Dandrell ang mesa saka nagmamadaling lumabas ng bahay. Sumunod naman sa kanya si Deiron. Tumayo na din ako sa pagkakaupo ng pigilan ako ni Ceirus.
"Let them take care of her," umiling ako. "Kasalanan ko kung bakit wala sya ngayon kaya di ko hahayaan to," winaksi ko ang braso ko saka naglakad palabas.
"Then I'll come with you," hinayaan ko nalang sya. Hinanap ko sya sa dalampasigan pero wala ni isang bakas nya.
San naman sya nagpunta?
"Kanya ba to?," pinakita sakin ni Deiron ang isang panyo. Tumango ako. Ibig sabihin dito sya dumaan.
Nakarating kami sa gitna ng kagubatan. Kinilabutan ako bigla. "Humanda ka. Madaming matang nagmamasid satin," bulong ni Ceirus. Tama nga sya. Nagsilabasan ang mga lalaking nakaitim.
Agad na nakipaglaban kami ni Ceirus. Buti nalang talaga at magaling magturo si Carol. Madali lang patumbahin ang mga to. Salamat talaga sa mga tekniks ng mga Montevillus.
Napadaing ako sa sakit nang masuntok ako sa mukha. Nawala kasi ako sa focus nang marinig ko ang pagsigaw ni Ceirus.
"Tumakbo ka na, dalian mo!," umiling ako. Nilabanan ko lahat ng lumalapit sa kanya. Biglang dumami ang mga lalaki na di ko alam kung san galing.
"CHASEAH, TAKBO!," wala akong nagawa kundi tumakbo nang mabilis habang pinagtutulungan nila si Ceirus.
Wala naman sanang mangyaring masama sa kanya.
Saktong pagkarating ko sa cottage ay kararating lang din nila Deiron at Dandrell. "Nakita nyo ba si Saniyah?," tanong ko sa kanila.
"What happened to you?," sabay nilang tanong. Nagsamaan pa sila ng tingin sa isa't isa na agad kong inawat.
"Si Saniyah, nakita nyo?," nakatungong umiling silang dalawa. "Si Ceirus. Kinuha sya nung mga lalaking nakaitim," agad na umalis si Dandrell at hinila naman ako ni Deiron papasok.
"Anong nangyari sayo?," kwinento ko sa kanya ang nangyari. "Kailan ka pa natutong makipaglaban?," usisa ni Kuya. Abot abot naman ang kaba ko. Di ko alam kung anong isasagot ko.
"I taught her how. Pang self defense kasi lapitin sya ng disgrasya," paliwanag ni Deiron. Tumango ako bilang pagsang ayon. Hulog talaga ni Satanas ang lalaking to.
"Aray! Masakit ano ba!," tinapik ko ang kamay ni Deiron. "Mahina lang naman pagdampi ko ah!," sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Wag ka ng gagawa ng stunts ah. Mapapahamak ka eh," naaalala ko bigla si Ceirus.
Sana naman okay lang sya.
"Hanapin natin si Ceirus, please," nagmamakaawang sabi ko kay Deiron. Umiwas naman sya ng tingin. "Mapapahamak ka," napatungo ako.
Baka kung anong mangyari sa kanya.
Nagulat ako nang hilahin ako ni Deiron palabas. "Let's find him," napangiti ako.
"Sama ako!," tumango kami kay Aairah at sabay kaming bumalik sa kagubatan.
Pagdating namin ay wala ng tao. Isang pirasong papel lang ang naiwan.
'Kung gusto nyong makita ang mga kaibigan nyo, sundan nyo to.'
May mapa na nakalagay at tatak ng dragon sa baba. Si Noju ba ang may gawa nito? Kaya nandito rin sya?
Sinundan namin ang mapa at dinala kami nito sa isang abandonadong warehouse.
"Anong ginagawa nyo dito?," napatalon kami sa gulat nang may magsalita sa likod namin. "Ate? Asan si Dandrell?," tanong ni Deiron kay Dasha.
"Nandun sila sa kabila. Nasa loob si Ceirus at Saniyah, confirmed," sana ligtas lang sila.
Humanga ako kay Dasha nang akyatin nya ang second floor veranda gamit lamang ang pader. Di ko alam na sanay pala sya sa mga ganito.
"Magaling si Ate Adaiya sa ganyan. Kayang kaya nya yan," sumenyas sya na walang tao kaya naman pumasok kami sa entrance sa baba.
"Bumalik na tayo," nanginginig na wika ni Aairah. "Bat ka pa sumama?," seryosong saad ni Deiron.
"SI CEIRUS! ANDITO SI CEIRUS KAYA AKO SUMAMA!," napatampal ako sa noo sa sigaw ni Aairah. Naglabasan ang mga lalaking nakaitim at sinugod kami. Hinawakan naman nila si Aairah at dinala sa kung saan. Hinabol naman namin to ngunit anadaming lalaking nakaitim ang nakaharang.
"WAG KAYONG MAG ALALA SAKIN! ILIGTAS NYO SI CEIRUS!," wala kaming nagawa ni Deiron kundi ang tumakbo at magtago.
"Kilala mo na ba ang tao sa likod nito?," tanong ko kay Deiron. Tumango naman sya. "Sino?," tinakpan nya ang bibig ko. May dumaang lalaki sa harap namin.
"Malalaman mo din mamaya," bulong nya saka ako hinila papasok sa isang eskinita. Binuksan namin ang pinto at nakita nga namin sa isang malawak na gitna si Saniyah at Ceirus na parehong nakagapos at duguan.
"Mag isip ka, Chaseah. Wag kang magpadalos dalos," pinigilan nya ako sa akmang pagsugod ko sa gitna. Nagsilabasan ang mga lalaking nakaitim at nakapalibot sa kanila.
Napatakip ako sa bibig nang makita si Dasha na puno ng sugat at pasa na hawak ng mga lalaki at patuloy na binubugbog.
"Fvck them!," agad na niyakap ko si Deiron para pigilan. "Sabi mo wag akong magpadalos dalos tapos ikaw ang gagawa," mabigat ang paghinga nya saka inalis ang mga kamay kong nakayakap sa kanya.
"Manood ka," bulong nya sakin. Nakita kong pumasok si Dandrell. Agad namang naalarma ang lahat ng mga lalaking nakaitim at sinugod sya.
Napanganga ako sa gulat nang mabilis nya yung mapatumba lahat. Teka. May kasama sya.
"Noju?," dumapo sa kinalulugaran namin ang pula nyang mga mata saka ngumiti. "Kung ganon, hindi si Noju ang may pakana nito? Pero bakit dragon ang nakalagay sa mga signs?," di ako sinagot ni Deiron.
"Sino ba talagang nasa likod nito? Bakit magkakilala si Dandrell at Noju? Ano bang nangyayari? Nasaan—," di ko natapos ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang labi ni Deiron sa labi ko.
"Masyado kang madaldal," seryosong sabi nya saka tumalon pababa. Woah. Ang taas nun. Sinilip ko sya baba. Nakita kong nakatyo pa rin sya.
Ang galing nilang magkakapatid.
Napahawak ako sa labi ko. Pangatlo. Sya pa rin. Aish. Di dapat to ang iniisip ko sa mga oras na to.
Gusto kong pumunta sa baba pero takot ako sa heights di ko kayang tumalon. Bumalik ako palabas sa eskinita. May nagbabantay. Tatlong lalaki.
Kaya ko na to.
Inamabaan ko agad sila ng suntok at pinagtatadyakan. Kumuha ako ng bakal sa gilid qt hinampas sa kanila saka tumakbong entrance.
Papasok na sana ako nang isang malamig na kamay ang humawak sa mga braso ko. "Y'all can't get away from this," ang boses na to ay kilalang kilala ko.
"P-Paano?," napakuyom ako ng kamao. Hinawakan nya naman ako sa buhok saka sinikmuraan. Sumipol pa sya kasabay ng paglabas ng mga lalaking nakaitim.
"Hawakan nyo sya," utos nya sa mga tauhan nya. "Bakit mo to ginagawa?!," singhal ko sa kanya saka nagpupumiglas sa pagkakahawak ng mga lalaking to.
"Di ka naman talaga dapat kasali dito eh. Kaso masyado kang mapapapel. Inaagaw mo lahat ng dapat sakin!," sinampal nya ako ng pagkalakas lakas at ramdam ko ang pamamanhid ng pingi ko.
Pagsipol nya ay agad akong pinagsusuntok ng mga tauhan nya.
"A-Aairah...itigil m-mo na t-to," saad ko bago pa ako nawalan ng malay.
______________________________________________________________________________

Komento sa Aklat (68)

  • avatar
    DacayBlessing faith

    nice story,,book 2 po sana

    07/11/2024

      0
  • avatar
    Karylle Mae Escobar

    good

    19/07/2024

      0
  • avatar
    AJ Escalona

    ganda

    26/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata