CHAPTER 15

DETECTIVE LANSWELL
by KalilaScribe
Deiron Axe's POV
"Dad has been receiving some death threats nitong mga nakaraang araw. I'm worried na baka kung anong mangyari sa kanya, dude," napakunot ang noo ko sa sinabi ni Seve.
Seve Azarus. My bestfriend. His Dad and my Dad are business partners and good friends.
Inaya nya ako na magkita dito sa coffee shop na pagmamay ari niya dahil may nagbabanta daw sa buhay ng Dad nya and he thinks that I could help.
"Death threats? Maybe may kaaway si Tito Shan?," I asked while taking a sip from my coffee. Nagkibit balikat sya. Wala siguro syang ideya sa kung anong nangyayari sa tatay nya.
"Maraming kalaban si Dad sa negosyo. Di naman maiiwasan ang rivalry when it comes to business. But this one.... kakaiba sya. Parang it's not just about business. I don't know," sabi nya saka sinabunutan ang sariling buhok.
Not just about business?
Kilala si Shan Azarus bilang isang sikat na businessman not only here in our country but all over the world. Like my Dad. Kahit pa si Daddy ay marami na ring threats na natatanggap. It's normal though. Pero nakakatakot rin as the same time.
May inilapag na folders at box si Seve sa lamesa. Napakunot ang noo ko.
"Andyan sa folder yung mga death threats. Mga messages. Kahapon lang ay itong box ang pinadala samin," napatango ako. Una kong kinuha ang box at binuksan ito. Halos masuka ako sa baho ng amoy.
What's this thing?
Awtomatikong sinara ko ang box nang makita ang isang puso ng tao sa loob ng box. Yeah. Puso talaga sya ng tao dahil sa size at structure nya. Good thing wala pang tao dito sa coffee shop.
"They are really after your Dad kung sino mang nagpadala nito," sabi ko saka kinuha ang folder. May mga envelopes na itim ang nakaipit dito.
Kapansin pansin ang pare parehong logo na nakatatak sa harap ng bawat envelopes.
It is a color red snake with a gold crown on its head.
I'm not familiar with the logo but I have seen one similar with it. Logo sya na ahas din but the snake is color black and it has horns on its head.
Di ko lang maalala kung saan ko nakita ang logong yun. Pero itong logo na to, I will try to search for it later.
Binuksan ko isa isa ang envelopes. Base sa mga nakasulat, matindi talaga ang galit ng sender sa Dad ni Seve.
Not the typical threats. Kasi kung ikokompara mo sya sa mga ordinaryong death threats, itong threats na natatanggap ng tatay ni Seve ay masyadong marahas. Hindi lang tungkol sa pagpatay.
Lahat ng messages ay may nakalagay na 'VCTR' sa baba. Nangunot ang noo ko.
I am not a skilled detective para makialam sa mga gantong bagay. I am supposed to be an engineer.
"Help me, dude. I can't afford to lose my father," bakas sa mukha nya ang pagmamakaawa.
I can't.
Detective lang ako sa task na ibinigay sakin ni Tito. Mga Montevillus lang ang pakay ko.
"Seve. I can't help you with this one. You should tell the police about this. I think they can help," sabi ko sa kanya. Kita kong bumagsak ang mga balikat nya.
My conscience is against my movement.
"Fine. I will help you. Pasalamat ka kaibigan kita," nakangiti kong saad sa kanya. Nakita ko rin ang bahagyang pagngiti nya.
"Sabi ko na eh. Di ako nagkamali ng nilapitan. Thanks, dude. I owe you one," sabi nya saka ako tinapik sa balikat.
Yeah. Kung di ko lang sya kaibigan di ako makikialam.
Nagpaalam sya na bubuksan ang coffee shop kaya naman nagpaalam na din akong uuwi. Pinadala nya sakin lahat pati yung box na may laman na organ.
Wala akong alam sa mga ganitong bagay. Sa pagsolve ng mga gantong pangyayari. Wala akong background.
But I need to do something.
I need to help my bestfriend.
Tanghali na ng makarating ako sa condo ko. Inilapag ko sa table yung mga dala ko saka ako dumiretso sa kwarto ko.
Kinuha ko agad ang laptop ko. I have to search about that logo.
Anong itatype ko?
Recent Searches
× a snake with a gold crown
× tattoo of snake with a gold crown
× red snake with a crown logo
Yan ang laman ng search engine ko. Wala namang nalabas na results na picture na katulad nung logo dun sa mga envelopes.
I sighed in frustration.
Hindi ko naman to gawain. Mag aala detective pa ata ako ngayon. Well, dati pangarap ko maging lawyer.
Pangarap naming dalawa ni Mom yun. She wants me to be a lawyer. Salungat yun sa kagustuhan ni Dad. Gusto nya maging pulis ako.
'I think I can handle this..'
Nag scroll lang ako sa laptop ko. Baka sakaling lumabas yung logo. Tumingin ako sa mga news. And one of the articles caught my attention.
"The Rise of Montevillus Empire"
Yan yung title nung article. Napaisip ako. This article wouldn't be here if it is not connected with the logo. Kasi about sa logo yung sinearch ko.
Malaki ang possibility na ang mga Montevillus ang may ari ng logo na to.
Binasa ko ang article. It is around November 2018 pa naisulat. Nakasaad dito ang muling pagtataguyod ng emperyo nila sa pamumuno ng panganay na anak ng namayapa ng si Victorino Montevillus.
Si Victor Montevillus.
Muli nyang binuhay at pinalakas ang mga Montevillus. Naglagay ulit ng panibagong marka sa buong mundo ang apelyido nila.
Makapangyarihan nga talaga sila. Hanggang ngayon na lang ang termino ni Victor Montevillus sa pagkakaalam ko. Sa susunod na taon ay ang panganay na anak nya ng lalaki ang mamumuno.
Well, it won't take another year of stupidity. Sisiguraduhin kong babagsak sila. Mapagtatagumpayan ko ang misyon na to.
Ipagmamalaki ako ni Dad.
Binasa ko pa ang article. Marami akong nalaman na makakatulong sa task ko. I just scrolled until I saw a familiar picture.
The red snake with a golden crown logo.
So tama ang conclusion ko? Ang mga Montevillus ang may ari ng naturang logo. Sila ang nagtatangka sa buhay ng Daddy ni Seve.
Pumasok sa utak ko ang initials na nakalagay sa bawat hulihan ng mga mensahe.
'VCTR'
It was Victor Montevillus. Tinanggalan nya lang ng vowels ang pangalan nya which is his codename.
Napapitik ako sa hangin. I got it! So sila rin pala ang nagtatangka sa buhay ng Daddy ni Seve. Buti nalang talaga at tinulungan ko si Seve. Makakatulong din to sa pag aaral ko tungkol sa pamilya nila. Sa pagmamanman ko sa kanila.
Isinara ko ang laptop ko. Ang tanong ngayon ay bakit nila pinagtatangkaan ang buhay ni Mr. Shan Azarus? Is it just because of business rivalry or sa illegal na mga transactions?
The second choice is impossible. Parehong normal na negosyante si Dad at si Tito Shan. They are not into illegal activities.
Malamang inggit. Ayaw ng mga Montevillus na may nakakaangat sa kanila. Ipinikit ko ang mga mata ko.
Muli rin akong napadilat nang marinig na tumunog ang cellphone ko.
It's a text message.
From: Saniyah
Are you busy today? Tara gala.
Napakunot ang noo ko. Nag aaya syang maggala? Himala ata.
Tumayo na ako at naghanap ng damit na masusuot. Mukhang dinatnan ng topak ang babaeng yun. Nung isang araw sya ang niyayaya ko na gumala tapos di naman sya pumayag.
Di daw sya sasama sakin. Di daw kami close. Walang magbabantay dun sa sino ba yun? Basta yun. Tapos ngayong magyaya lumabas.
'She must be insane..'
Bumaba na ako saka dumiretso sa may parking lot. I texted her that I'm on my way already. Nagdrive lang ako papunta sa hospital at mukhang di ko na kailangang pumasok sa loob dahil natanaw ko na sya agad sa may mangga sa harap ng hospital.
Nakita nya rin agad ako kaya naman dumiretso na sya papunta sa passenger's seat.
"Hey, Deiron?!," nakangiting bati nya. Napakunot ang noo ko. There's something behind her smiles.
"Hey?," alinlangang bati ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla nya akong hampasin sa braso.
"Sorry?! Para ka kasing tsnga eh?! Tara dun sa coffee shop dyan sa malapit libre mo?!," sabi nya na ikinangiwi ko. Siya nagyaya tapos ako manlilibre?
Nagsimula na akong magdrive papunta sa coffee shop na sinasabi nya. Tss. Kagagaling ko lang dito eh. Sa coffee shop na pagmamay ari ni Seve.
"Gwapo may ari nyan. Tara na dali?!," nagmamadali syang lumabas ng kotse. Gwapo daw may ari? Is she referring to Seve? Mas gwapo naman ako dun.
Sumunod ako sa kanya pababa. Hahakbang na sana ako pasunod kay Saniyah nang tumunog na naman ang cellphone ko.
Tumatawag si Satanas.
"What do you need?," seryosong sabi ko pagkasagot ng tawag.
"Greet your older brother first. Show some respect lil bro?!," sabi nya saka humalakhak. A sarcastic one.
"Go straight directly to the point, Dandrell," inis na sabi ko. Narinig ko na may tumunog sa kabilang linya.
"Kakasabi ko lang sayo diba? DON'T. FLIRT. WITH. MY. GIRL," madiin ang pagkakasabi nya. This time ako naman ang napatawa.
"Wala akong nilalandi. Wala akong pake kung sino yang p*tanginang babae mo na yan," singhal ko sa kanya. Ieend ko na sana ang call ng muli syang magsalita.
"May mga mata ako sa paligid mo. Alam ko ang kilos mo. Kilos nyo. I know you two are together. One wrong move, Deiron Axe. Just one wrong move magkakalimutan tayo," yun lang and he ended the call.
Napalingon ako sa paligid. There's nothing suspicious. May mga nakamasid daw sakin. Samin. So she is referring to Saniyah?
Magkakilala siya at si Saniyah? She is his' girl? Mukhang ang babaeng to nga ang tinutukoy nya.
Napangisi ako. If it's really Saniyah then wala akong pake kung magkalimutan kaming dalawa.
I'm also interested with his girl.
"HOY?! ANO PANG TINATSNGA MO DYAN?!," rinig kong sigaw nya mula sa loob ng shop. Napailing nalang ako saka naglakad papasok ng shop.
"Dun tayo?!," sabi nya saka ako hinila papunta dun sa lamesa na malapit sa glass na bintana.
Nang makaupo na kami ay hinayaan ko na syang mag order before I started the conversation.
"You know Dandrell Veyron Lanswell?," seryosong tanong ko sa kanya. Kita ko ang pagdaan ng gulat sa mga mata nya.
"He's my boss. Kilala mo sya?," balik tanong nya sakin. Ah. So Saniyah is my brother's worker? Kaya naman pala.
"Yeah," sagot ko. Nakita ko namang bahagya pa syang namula. May namamagitan ata sa kanila. According to my Kuya, Saniyah is his girl.
As if I care.
"Sinong kasama nung ggo sa hospital?," tanong ko sa kanya. Kasi sa pagkakaalam ko sya madalas bantay dun eh.
"May bumisita. Classmates nya daw," napatango ako. Magkaano ano ba sila nung lalaking un?
"Ano mo ba un?," huli na para bawiin ang sinabi ko. Nakita kong nag aalangan pa syang sumagot.
'He must be special.'
"He's my--my bestfriend," napataas ang kilay ko. I feel something different. Or maybe I'm just overthinking.
Fine. May gusto din ako kay Saniyah. Wala akong pake kung girlfriend sya ni Kuya.
She's mine.
---------------------------------

Komento sa Aklat (68)

  • avatar
    DacayBlessing faith

    nice story,,book 2 po sana

    07/11/2024

      0
  • avatar
    Karylle Mae Escobar

    good

    19/07/2024

      0
  • avatar
    AJ Escalona

    ganda

    26/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata