Homepage/Detective Lanswell/
CHAPTER 12
DETECTIVE LANSWELL
by KalilaScribe
Chaseah's POV
Nakatulog pala ako. Gabi na nang magising ako. Di ko pa pala nahuhugasan ang plato.
Bumangon na ako para hugasan ang plato. Pagkatapos ay naligo na ako. Pupunta pa ako sa hospital tapos babalik pa ako sa mansyon nila Ceirus.
Dadaan nalang pala muna ako kila Ceirus tapos magpapahatid ako sa hospital. Nagbihis lang ako ng simpleng cargo pants na itim at oversized shirt na kulay puti. Nagsuot din ako ng sumbrero na kulay itim at sapatos na puti.
Tiningnan ko ang relo ko.
'9:00 pm na..'
Ang haba ng tulog ko eh. Andami ngang tawag at text ni Saniyah saka ni Ceirus.
Lumabas na ako ng apartment. Tahimik na ang lahat maliban sa kapitbahay ko na sobrang lakas ng music. Sakop nya ata lahat ng bahay s soundtrip nya.
Napailing ako. Nagsimula na akong maglakad at nagulat ako nang may magsalita sa likod ko.
"San ka pupunta?," napapikit ako. Naiinis ako basta naririnig ko ang boses ng bwisit na to.
Lumingon ako sa gawi nya. Nakita kong nakaayos sya. Pinatay nya pa yung sounds nya sa loob. San naman din kaya sya pupunta?
"Sa hospital," tipid na sagot ko. Nagulat ako nang maglakad sya papalapit sakin.
"Sabay na tayo," nakapamulsang sinabayan nya ako maglakad.
"Sa hospital ka din?," takang tanong ko. Tumango naman sya.
"Andun si Ate," sabi nya dahilan para mag init ang ulo ko. So andun na naman si Dasha? Tangina. Talagang sinasadya nyang pumunta dun pag wala ako.
"Tang*na talaga ng malanding babaeng yun. Humanda sya sakin," nakita ko ang masamang tingin ng anak ni Lucifer sa akin.
"Subukan mong saktan ulit si Ate. Malalagot ka sakin," napangisi ako.
"Isang suntok ka lang remember? Ay dalawa na pala," nanunuksong saad ko saka tumawa. Kita ko naman na napairap sya.
'Bakla'
Madilim na sa dinadaanan namin. Kung ako lang siguro mag isa naglalakad kanina pa ako tumakbo.
Nakarating na kami sa tapat ng gate nila Ceirus. Nagdadalawang isip ako kung magpapahatid pa ako o hindi. Wala naman akong pamasahe.
"May pamasahe ka dyan?," tanong ko sa kasama ko. Kunot noo naman syang umiling.
T*ngina. Aalis tapos walang pera? Yeah.
Nagdoorbell na ako. Nagulat ako nang bumukas ang gate. Pumasok na kaming dalawa. Panay naman ang ikot ng paningin nitong kasama ko. Namangha siguro sa sobrang ganda. Ako nga eh pang apat na beses ko na to pero amazed pa rin ako.
Nag doorbell ulit ako sa main door nila. As usual si Ceira na naman ang nagbukas. Ang tagapagbukas ng pinto ng mga Montevillus.
"ATE CHASE KOOO?!?," nakangiting bati nya sakin saka yumakap na naman sa paa ko. Tumagos naman ang paningin nya sa kasama kong demonyo. Nagulat ako nang irapan nya ito.
'Attitude?'
"Who's that lalaki, Ate? Your jowa po ba? I don't like him. Kuya is much better," napatawa ako. Much better daw Kuya nya eh isa rin yun. Silang dalawa mga kampon ni Lucifer.
"He's not my---," di ko natapos ang sasabihin ko nang biglang sumulpot si Ceirus. Ngiting aso ang loko.
"BABEEEEE?!," nakangiting sigaw nya saka ako niyakap. P*ta? Sinikmuraan ko naman sya dahilan para mapahiwalay sya sakin.
"Layuan mo ako," seryosong saad ko. Nakita ko namang lumagpas ang tingin nya sakin. Nakatingin sya ngayon sa lalaki sa likod ko.
"Kala ko ba di mo kilala yan?," takang tanong nya. Taena. Nagkita nga pala sila kanina.
"Jowk ko lang yun. Nag away kasi kami neto ni Jose kanina eh kaya kunwari di ko sya kilala," nakita ko naman sumama ang hitsura ng kasama ko.
"I'm not Jose. I'm Deiron," seryosong saad nya. Nagulat ako nang iabot nya ang kamay nya kay Ceirus.
"Ah, oo. Deiron tapos Jose nickname," pilit na tawang sabi ko.
"Axe is my nickname not Jose," saad na naman nya kaya napapikit ako sa inis. Di ba sya marunong makisabay?
Tumatango tangong tinanggap naman ito ni Ceirus.
"I'm Ceirus. Nice to meet you pre. Ano mo si Chaseah?," tanong nya. Bat naman kasali pa yun? Ano bang pake nya?
"My pet," tinulak ko naman tong si Jose este si Deiron. Deiron yun diba? Oo. Tinulak ko sya dahilan para maout of balance sya at muntik nang mahulog.
"PET KA DYAN?! T*NGINA MO G*GO?!," singhal ko sakanya.
"Kapatid ng jowa ng kuya ko. Papunta kami sa hospital kaso wala kaming pera kaya ihatid mo kami," dere deretsong sabi ko. Wala nang hiya hiya.
Napatawa naman si Ceirus sa sinabi ko.
"Sure thing. Ikaw pa? Malakas ka sakin eh," kinindatan nya pa ako saka inutusan si Ceira na pumasok na sa loob.
Agad namang nagtungo si Ceirus sa garahe. Kami naman ni Deiron ay pumunta na sa labas ng gate.
"Ano mo yan?," rinig kong bulong ni Deiron.
"Tatay ko," pamimilosopo ko sa kanya. Andaming gustong malaman eh.
"Ah. Yung bra mo kanina kulay black," napapikit naman ako sa inis. Bat kailangang ibalik pa yun?!
"KAIBIGAN KO SYA?! OH ANO?!.
MASAYA KA NA?!," narinig ko naman ang paghalakhak nya. Lumabas na rin ang sasakyan ni Ceirus.
"Hop in," sabi nya samin kaya sumakay na kami. Aandar na sana ang kotse nang lumabas ang haliparot na maid. Lumapit sya sa may bintana ng drivers seat.
"Vinn?! Babalik ka ba agad?," tanong nya. Sumulyap pa sya sa gawi namin sa likod saka ngumiti.
"Oo bakit?," takang tanong ni Ceirus.
"Pinasasabay ako ni Madam sayo. May ipapabili," sabi nya. Pinasakay naman sya ni Ceirus kaya nandun sya sa may passengers seat.
Hanggang dito ba naman kasama yang haliparot na yan?
"Parang gusto mong patayin yung babae kung makatingin ka ah?," natatawang bulong ni Deiron.
"OO ANG SARAP SAKSAKIN?!," inis na sigaw ko. Napalingon tuloy sila sakin. Tong katabi ko naman tawa ng tawa.
"Saksakin sino?," natatawang tanong ni Ceirus. Bwisit. Nanggigil ako. Allergy ako sa malandi.
"Yung ano... Etong si Deiron ang sarap saksakin," palusot ko. Pasimple ko pang kinurot si Deiron.
Papatayin ko to pag di makisabay sakin.
"Freya. Magseat belt ka," utos ni Ceirus dun sa yaya. Pangalan pa lang malandi na.
Panigurado di yan marunong magseatbelt. Di nya alam gagawin eh.
Tinigil naman ni Ceirus ang kotse. At sya ang nagkabit ng seatbelt nung malandi. Tuwang tuwa naman ang gaga.
"Selos ka?," rinig kong bulong ng demonyong katabi ko. Tch. Di ako nagseselos noh. Bat naman ako magseselos?
"Tss. Bat ako magseselos?," mahinang sagot ko. Umandar na rin ang kotse. Nagkwentuhan silang dalawa sa harap na hindi ko magets. Mukhang tungkol sa pag gegeneral cleaning nila kanina.
Tch. Sila na magkasama sila pa nagkwekwentuhan.
"NAAALALA MO YUNG KANINA, DEI?! DIBA NADULAS KA DUN SA MAY ANO KANINA?!," biglang sabi ko saka humalakhak. Nagulat naman silang napatingin sakin. Nagtataka siguro sila bigla na lang akong nagsalita ng malakas.
Nakakunot noo naman tong katabi ko. Pero tiningnan ko lang sya ng makisabay-ka-nalang look.
"HAHAHAH OO NAKAKATAWA YUN?! MUNTIK NA AKONG MADULAS DUN SA MAY ANO?!," tawang tawa rin na sabi nya. Nag apir pa kami. Kita ko naman na sumama ang tingin ni Ceirus samin. Anong akala nya? Sila lang ng yaya nya ang may topic?
"TAPOS YUNG KANINA OMG NAKAKATAWA TALAGA?!," sabi ko. Pinilit kong tumawa kahit wala ng nakakatawa.
"OO KANINA NAKITA KO PA NGA YUNG BRA MO KULAY BLACK?! HAHAHAH!?," naging hilaw ang tawa ko sa sinabi nya. Agad ko syang hinampas. T*ngina. Di pa rin makamove on sa bra ko. Taragis.
"MANYAK?!," singhal ko sa kanya. Halos mauntog naman ako sa upuan sa harap nang biglang pumreno ng malakas si Ceirus.
"Ano ba yan?! Ang landi kasi eh?! Ayaw bilisan tumawid?! Mababangga pa tuloy," napasilip ako sa harap. Wala namang tumawid ah. Tumingin din ako sa gilid at gilid wala naman.
Napatawa naman yung malantod. May patakip takip pa sa bibig. Kaartehan. Ako nga bulgaran kung tumawa.
Naging tahimik bigla ang atmosphere sa byahe. Maya maya pa ay nakarating na kami sa hospital.
Bumaba na kami ni Deiron. Di man lang nagpaalam si Ceirus pagkababa namin saka nalang nagdrive. Di ko pa nga nasasara yung pinto.
Excited magsolo kasama yung yaya nyang higad.
"Selos na selos ka eh," panunukso ni Deiron. Sinamaan ko sya ng tingin.
"IKAW NGA PATI BRA KO DINADAMAY?!," singhal ko sa kanya na ikinahalakhak nya.
"Eh bat ba nakasigaw ka palagi?," balik tanong nya sakin.
"DI AKO SUMISIGAW?!," nagsisitinginan samin yung mga staff ng hospital. Tusukin ko mga mata nila eh.
Natatawang nauna syang maglakad sakin. Nandito na kami sa harap nang pinto ng kwarto ni Kuya.
Nagulat ako nang makita na nakaupo si Saniyah sa lapag at umiiyak habang nakasigaw si Dasha.
"KAYONG DALAWA NILOLOKO NYO KO?!," umiiyak si Dasha habang dinuduro si Saniyah. Si Saniyah naman umiiyak.
Nilapitan ko agad si Saniyah. Sinamaan ko nang tingin si Dasha.
"ANO NA NAMANG KAG*GAHAN TO?!," singhal ko sa kanya. Nakita kong tumaas ang gilid ng labi nya.
"Di ako ang may ginawang kag*gahan dito," sabi nya saka dire diretsong lumabas. Walk out ang drama nya amputa.
Napataas ang kilay ko nang hindi pa rin umaalis si Deiron.
"Sorry," sabi nya saka sinundan ang Ate nya palabas. Sumulyap pa sya kay Saniyah si Satanas bago umalis.
Tss. Magsama sila ng ate nya.
Inalo ko si Saniyah na hindi matigil sa pag iyak.
"Anong ginawa sayo nun?," umiling naman sya saka pumasok ng cr.
Bat kaya parang may away ata sa pagitan nila? May hindi ba ako alam?
Lumabas sya ng cr. Mukhang naghilamos sya.
"Ikaw muna dito. Sa baba lang ako," paalam nya saka dire diretsong lumabas. Lumapit nalang ako sa may bintana nitong kwarto ni Kuya.
Tanaw pala dito ang parteng harap ng hospital. Ngayon lang ako nakasilip dito eh.
Napakunot naman ang noo ko ng makita si Deiron na nakaupo sa ilalim ng isang puno. Nagulat naman ako nang lumapit sa kanya si Saniyah.
Magkatabi silang nakaupo sa ilalim ng puno ng mangga.
'Anong meron sa kanila?'
Pinagmasdan ko lang sila. Bahagya pa silang nagtatawanan. Nagulat pa ako ng yakapin ni Deiron si Saniyah.
Bat may pa yakap yakap pa? May namamagitan kaya sa kanila?
Tumalikod na ako sa bintana at saka humarap kay Kuya. Nagulat ako nang makitang gumalaw ang mga kamay ni Kuya.
"Kuya??," lumapit ako sa gawi nya. Napalabas tuloy ako nang room at saka tinawag ang mga nurse.
'Sana di ito bad sign..'
-------------------------------I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (68)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story,,book 2 po sana
07/11/2024
0good
19/07/2024
0ganda
26/06/2024
0Tingnan Lahat