Homepage/Detective Lanswell/
CHAPTER 11
DETECTIVE LANSWELL
by KalilaScribe
Chaseah's POV
"Uuwi na po ako. Bye," paalam ko kay Carol. Di ko na hinintay ang sagot nya. Alam kong kabastusan yun pero wala akong pake.
Nagdire diretso ako palabas ng bahay. Nakasalubong ko naman si Ceirus saka yung malanding yaya. Kita ko naman na nagtataka sya.
"Uuwi ka na?," takang tanong nya. Tss. Malamang. Ano pa bang gagawin ko dito? Manonood ng live landian nila?
"Pupunta akong impyerno sama ka?," inis na sabi ko. Nakita ko namang napahalakhak sya. Kita ko din na bahagyang napatawa yung malantod na kasambahay.
Subuan ko sya ng tt hanggang di makahinga eh.
Bat ba galit na galit ako? Ewan ko din. Correction ah. Di ako nagseselos. Naiinis lang ako sa kalandian nila.
Kasi diba inutusan sila maglinis. Hindi maglandian. Tapos sa yaya pa talaga? Big yuck.
"Ikaw nalang sumama sakin. Dadalhin kita sa langit," tumataas baba pa ang kilay nya habang sinasabi sakin yan. Pinakitaan ko naman sya ng middle finger sign.
"Eto oh. P*kyu" inis na singhal ko sa kanya saka nagmamadaling lumabas sa gate.
Wala nga pala akong pera. Wala akong pamasahe papuntang hospital. Malapit lang naman yung apartment dito eh. Lalakarin ko nalang tas kukuha ako ng pera sa alkansya ko pampamasahe.
Naalala ko tuloy yung labanan namin ni Carol kanina. Nadaplisan ko yun sa braso eh. Di ko naman sinasadya yun.
Narinig kong nagvibrate ang cellphone ko sa may bulsa ko. Nagtext ang gago.
From: Montevillus
Anong ginawa mo kay Mommy? Bakit may sugat sya sa braso?
Napatawa ako. Kasalanan ko bang nanghamon sya ng laban. Tinuruan nya ako ng basic martial arts tapos sinabayan ng paggamit ng mga armas.
Then after several hours na medyo namaster ko na nagyaya sya ng one on one. Malay ko ba na natamaan ko sya.
Di ko na kasalanan yun.
Agad kong natanaw ang apartment na tinitirhan namin. Maliit lang naman to at kasya lang kaming dalawa ni Kuya.
Nakita kong bukas ang pinto ng katabi naming apartment. Sa pagkakaalam ko wala pa namang nakatira dun. Baka natirhan na.
Bahagya ko pang sinilip ang loob. May nakita akong lalaking nakatalikod sa gawi ko. Nagkibit balikat na lang ako saka dumiretso sa apartment namin.
Makikilala ko rin naman yun.
Pagpasok ko ay para akong nasa haunted house. Puro alikabok na at ang dumi dumi ng loob. Napagdesisyunan kong linisin muna to.
Maghuhugas sana ako ng plato nang pagbukas ko ng gripo ay walang tubig. Napaface palm ako.
Kakabayad lang namin ah? Bat walang tubig?
Nakarinig ako ng sunod sunod na katok sa pinto. Binuksan ko ito at bumungad sakin ang mukha ni Aling Pasing. Sya yung may ari nitong apartment na inuupahan namin.
"Walang tubing, Seah. Dun kayo sa poso umigib. Inaayos kasi ang tubo ng tubig natin eh," nakangiting sabi niya. Napatango ako. Kaya pala.
Pagkaalis ni Aling Pasing ay kinuha ko ang dalawang container namin. Eto muna ang iigiban ko. Panghugas ng plato.
Pagkarating ko sa may poso sa ibaba ay ang haba ng pila. Napapikit ako sa inis. Ang init init tapos ang haba pa ng pila. Hayst. Pilipinas talaga.
"Kita na nilang kailangan ng tao ang tubig di agad inayos yung tubo?!," singhal ko dahilan para mapalingon yung lalaki sa harap ko.
Teka. Bakit andito na naman tong lalaking to?!
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!," inis na tanong ko sa kanya. Nakasando lang sya at shorts. So it means sa malapit lang sya nakatira. Nakapambahay eh. May dala syang isang container.
Nagulat din sya nang makita ako.
"Eh ikaw? Ano ring ginagawa mo dito?," seryosong tanong nya at pinasadahan ako ng tingin.
Napatingin din ako sa sarili ko. Nakauniform pa nga pala ako.
"Dito ako nakatira. Ikaw ngayon lang kita nakita dito?! Sinusundan mo ba ako?!," kita ko namang napatawa sya.
Stalker ko ata to eh. Ket saan ako pumunta andun din sya.
"Ako? Susundan ka? T*nga?! Dyan ako nakatira oh sa may apartment ni Aling Pasing," singhal nya at tinuro yung bandang dun sa may apartment ko.
So sya yung bago kong kapitbahay?
"SINUNSUNDAN MO NGA AKO?! SA TABI NG APARTMENT MO AY APARTMENT KO?! ANONG KAILANGAN MO SAKIN?!," nakataas kilay na sigaw ko sa kanya. Wala akong pake kung nagsisitinginan na ang mga tao sa amin.
"Di ba pwedeng coincidence lang? Ang assuming mo naman masyado," nakangising sabi nya. Nagpanting ang tenga ko sa narinig.
Ako? Assuming?
"HOY T*NGINA MO AH?! MAY PLANO KA GUMANTI SA PINAGGAGAWA KO SA ATE MO NOH?! ETO LANG MASASABI KO. P*KYY?!," tinabig ko sya saka ako pumwesto sa unahan nya. Pake nya kung sumingit ako. Di sya kakasa sakin.
"Matuto kang pumila?! Nauna ako sayo?!," inis na saad nya saka sumiksik sa may unahan ko. Nagpasalit salit lang kami ng pwesto. Natatamaan na tuloy namin yung ibang nakapila.
"ARAY?! ANO BA?! PUMILA KAYO NG MAAYOS?! PURO KAYO HAROT?!," sita samin nung babae sa unahan na nasasagi sa pagpapalitan namin ng pwesto. Di namin sya pinansin. Patuloy pa rin kami sa pagigitgitan.
"LADIES FIRST?! AKO UNA?!" singhal ko sa kanya saka pumwesto sa unahan nya. Tinabig nya naman ako.
"BABAE KA BA?!," galit na sabi nya saka ako tinulak.
"T*NGINA MO AH?! ANO SUNTUKAN?!," kampanteng hinamon ko sya. Tamang tama kakapraktis ko lang ng martial arts. Nakita kong napangisi sya.
"Akala mo kaya mo ako?," sabi nya. Sinusubukan ako ng gagong to. Tinulak ko naman sya sa may parteng dibdib.
"Di kita aatrasan. Ano?!," panghahamon ko. Tinaas ko pa ang manggas ng damit ko. Kita ko namang napatawa sya.
Buset. Anong nakakatawa dun?
"Tomboy," sabi nya dahilan para mag init ang ulo ko. Lumipad ang kamao ko sa mukha nya dahilan para mapaupo sya sa kalsada.
Wag nya akong sinusubukan. War freak na ata ako ngayon.
"F*CK!? WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM?!," sabi nya saka dinilaan ang labi nya na dumugo. Ayan na naman yang dila dila na yan mukhang aso.
"NAPAPALA MO?! DI AKO TOMBOY?!," singhal ko sa kanya. Tumayo naman sya mula sa pagkakaupo at hinawakan ako ng mahigpit sa magkabilang braso.
Nye. Di naman masakit.
"Pangalawang beses na to. Tandaan mo to. Sa ikatlong beses na suntukin mo tong mukhang to, papatulan na kita," kita ko ang galit sa mga mata nya. Tss. Edi makakatikim.
Pangalawang beses ko na nga pala tong nasuntok. Kawawa naman. Tat*nga t*nga eh.
Binitawan nya ako. Sya na kasi yung mag iigib. Di ko namalayan na nasa unahan na pala kami ng pila.
Napabilis tuloy dahil sa away.
Masama ang tingin na nag igib sya sa poso. Pinakitaan ko naman sya ng middle finger sign. Kala nya matatakot ako sa kanya.
Pagkaigib nya ay sumunod agad ako. Agad naman nyang tinahak ang daan papunta sa apartment nya.
Tss. Pake ko sa kanya.
Napuno ko na agad at ang problema ko ay kung paano to bubuhatin.
2 container tapos ako lang mag isa? Dapat talaga timba yung dinala ko eh. Nagulat ako nang may mga kamay na nagbuhat ng dalawang container.
"Magdadala ng container tapos di pala kaya," napatingala ako. Tong lalaki na naman na to? Tinabig ko agad ang kamay nya na nakahawak sa container.
"BITAWAN MO YAN?!," pero di nya ako pinakinggan. Nagsimula na syang maglakad. Taena.
"BITAWAN MO SABI?! MAGKAKAUTANG NA LOOB PA AKO SAYO?!," singhal ko sa kanya. Nakita ko naman na napatawa sya.
T*ngina nya.
"Don't worry. Libre to para sayo," nagulat ako ng kindatan nya ako. Ramdam kong pagtitripan ako ng hayop na to.
Pinulot ko ang barbecue stick na nakita ko sa kalsada. Isang kindat pa itutusok ko to sa eyeballs nya.
Nakarating na kami sa harap ng apartment ko. Ibinaba nya na din yung container sa harap ng pinto ko.
"Hanggang dito lang pagiging gentlemen ko. Ikaw na magbuhat nyan papasok," nakangising sabi nya. Bakit?! Inutusan ko ba syang buhatin hanggang loob? Inutusan ko din ba sya kaninang buhatin to hanggang dito?
"Edi ako?!," inis na sabi ko saka sinimulang hawakan ang container. Napataas naman ang kilay ko nang hindi pa rin sya pumapasok sa apartment nya.
"What?," taas kilay kong tanong.
"Papanoorin kita," nakangising sabi nya. P*tangina.
Inirapan ko lang sya at saka sinimulang buhatin yung container. Pakiramdam ko mahuhulog na yung matres ko pero di ko pa rin maiangat ng mataas yung container.
Dinig ko naman ang paghalakhak ng demonyo sa gilid ko.
Di ko sya pinansin. Sa halip ay itinulak ko nalang yung container papasok ng bahay. Hanggang sa kusina tinulak ko lang. Tagaktak ang pawis ko nang marating ko na ang lalagyan ng container.
Tumalikod ako para kuhanin ang isa pang container ng mauntog ako sa pader. Teka. Bat lumapit ata yung pader.
T*ngina. Napatingala ako at nakita ko ang nakangising mukha nung demonyo.
Bitbit nya ang isa pang container. Umalis na ako sa harap nya kaya nailagay nya na yung container.
"Pasalamat ka naawa ako. Hirap na hirap eh," sabi nya saka humalakhak. Ayokong magkautang na loob dito.
Inis na tinulak ko ulit ang container palabas. Nakita ko namang nangunot ang noo nya.
"San mo dadalhin yan?," takang tanong nya.
"Ilalabas ko tapos ipapasok ko ulit. Baka magkautang na loob ako sayo eh," tumawa na naman sya. Saya eh noh? Kung di nya sana pinakialaman di sana ako napagod ng ganito.
"I like your idea. Ilalabas tapos ipapasok. Tas ilalabas tas ipapasok ulit," nang aasar ang mga tingin nya. Awtomatikong hinawakan ko ang libro na nakapatong sa lamesa at inihagis sa kanya.
"LUMAYAS KA SA PAMAMAHAY KO?! MANYAK?!," tatawa tawang lumabas naman sya ng apartment ko. Ako naman ay tinulak pa rin palabas yung container na binitbit nya papasok.
Pagdating ko sa labas ay nakita kong nakatayo sya sa may pinto ng apartment nya at pinipigilang matawa.
Oo para akong tanga. Eh sa ayoko ngang magkautang na loob sa gagong to. Kung pwede nga lang ibalik ko tong dalawang container dun sa poso ginawa ko na. Pwede naman kaso nakakapagod.
Tinulak ko ulit papasok yung container papuntang kusina. Pawis na pawis ako pagkatapos. Yung uniform ko basang basa na. Inalis ko isa isa ang butones ng uniform ko habang naglalakad papunta sa sala. Ganito naman ako eh. Basta walang tao. Wala namang tao kasi ako lang andito.
"Hot," halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses nung anak ni Lucifer. Awtomatikong napatabon ako sa sarili ko.
Di ko nga pala sinara yung pinto.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!," gigil na sabi ko. Alam kong pulang pula ako sa mga oras na to. Taena. Nakakahiya.
"Color black," nakangising saad nya dahilan para lalong mag init ang ulo ko.
"LUMAYAS KA DITO?!?!? T*NGINA MO?!," agad kong pinaghahagis sa kanya ang mga libro sa may shelf dito sa sala. Ang manyak ng p*tangina. Nakita nya nga. Black kulay ng bra ko eh. Bat kasi nakalimutan kong isara yung pinto? Malay ko bang kusa pala syang pumapasok sa may bahay. Ganito na ako dati eh. Basta na lang naghuhubad.
Waah. T*ngina talaga.
"May nice view pala dito sa bahay mo," nakakaloko ang mga ngiti nya at bumaba pa sa dibdib ko ang tingin nya dahilan para ihagis ko sa kanya ang vase. Nakailag naman sya saka patakbong lumabas ng bahay.
Mura lang yung vase. Pero nakita nya pa rin. Nakakahiya ka Chaseah.
Nilock ko na talaga ang pinto. Pumasok ako ng kwarto para magpalit. Nagkanda malas malas na ako ngayong araw.
Napahiga ako sa kama. Rinig ko pang sumisigaw sigaw ang loko sa kabila.
"ANG GANDA TALAGA NG KULAY BLACK NA VIEW SA KABILA?!," sigaw nya saka susundan ng malakas na halakhak. Hinahampas ko naman yung dingding sabay sigaw.
"P*TANGINA MO P*KYU?!," napapikit ako sa inis. Bakit naman kapitbahay ko pa ang bwisit na to?
'Humanda sya sakin bukas..'
-----------------------------I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (68)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story,,book 2 po sana
07/11/2024
0good
19/07/2024
0ganda
26/06/2024
0Tingnan Lahat