“Kuya, samahan mo na ko.” Inalog ko pa ang braso niya, umaasang mapapapayag siya kahit pa alam ko naman mismo sa sarili ko na hindi p'wede. Gusto ko talaga siyang sumama pero bukod doon, kaya ko siya kinukulit kasi ayaw ko pang lumabas ng kotse dahil hindi ko pa nakikita si Tim. “Sabi mo bawal outsider 'di ba?” I pouted out of his reply, lalo na nang hawiin niya ang kulot kong buhok papunta sa likod ng tainga ko. Agad ko rin 'yong binalik sa dati na ikinatawa niya lang, ayaw ko talaga ng nae-expose ang tainga ko. “Eh, nakakainis naman kasi eh. Bakit pa ko pupunta eh wala naman akong kasama,” I expressed. Anong gagawin ko roon? Tsk. Tonight kasi ang last day ng CCC at may party. Ang totoo, ayaw ko naman kasing pumunta pero kasi, ano, mas mabuti na yung nakabantay, basta! “Hindi ba a-attend si Tim?” “Malamamg a-attend!” Magpapa-impress lang 'yon doon sa isa, tsk. Alam kong hindi niya palalampasin itong event. “Oh?” Tumaas ang kilay ko sa sagot nito. “Anong oh? Syempre roon na naman 'yon bubuntot kay Claire. Kaya nga hindi ako ang sinsundo 'di ba? Kasi si Claire na yung sinusundo.” Siya na lahat, siya na. Wala na. Option na lang ako. “Nagkakamabutihan na talaga sila 'no?” tanong niya. Mapapa-WTF na lang ako eh. I rolled my eyes and madiing sinabi ang mga salitang, “Wala akong pakialam.” He laughed na ikinasama ng tingin ko. “Sabi mo eh. Sige na, lakad na.” Tignan mo to, pagkatapos akong asarin, papalayasin na ko. Wala naman siyang sinabing nakaka-asar, pero feel ko lang bakit ba. “Anong lakad na, Kuya parang ayaw ko na lang um-attend.” I sighed. Gusto ko na ayaw ko, feel me? Nilapatan niya ko ng tingin at umiling-iling. “Sus.” “Eh wala naman akong kasama, ano ko roon loner?” Wala naman akong gagawin doon pero parang may nagsasabi sa 'kin na kailangan nandoon ako kasi kailangan kong umi-stand by, baka mamaya may mangyari eh, ayaw kong ma-miss 'yon. Humarap siya sa 'kin at inayos ang suot kong white off shoulder bubble dress. “Sa ganda mong 'yan, imposibleng walang lumapit sa 'yo.” Napangiwi ako, lakas mambola. “LOL, wala kaya. Wala namang lumalapit sa 'kin.” Well, meron naman, minsan mga babae na may gusto kay Tim, minsan lalaki na ewan ko. Hindi ko naman sila ine-entertain dahil ayaw ko lang. “Tinataasan mo kasi ng kilay.” Oh, grabe. “Huh, 'di kaya,” angil ko dahilan ng pagtawa niya nang mapagtantong nakataas na nga ang kaliwang kilay kong kasing-nipis ng pasensya ko. “Oh, ayan na pala si Tim eh?” Turo niya sa dumaang sasakyan. Aba, dala ang kotse hindi manlang ako sinama kahit sa backseat lang 'di ba. Binuksan ko ng bahagya ang pinto at pumikit. “Siguradong kasama niya si Claire... Pero sige na nga, bye,” ani ko at saka tuluyang lumabas ng kotse at binagsak iyon pero binuksan niya ang bintana para dumungaw katulad ng lagi niyang ginagawa. “Text mo na lang ako, huwag kang gumawa ng kung ano ah,” paalala niya na kinunutan ko ng noo. Nahugot ko ang hininga ko. “Anong kung ano? Grabe ah.” Mukha ba kong gagawa ng kalokohan? Parang ganoon kasi yung dating ng pagkakasabi niya eh. Um-echo ang tunog ng tawa niya sa pandinig ko. “Nagpapaalala lang. Enjoy,” nakangiting saad nito na tinaasan ko lang ng kilay. “Enjoy, makikikain lang ako, hindi ako magtatagal.” Binuksan ko ang pinto ng backseat at kinuha ang paper bag na naglalaman ng mga regalo. Muntik ko pang makalimutan, tsk. Itong mga regalong ito, pang sipsip lang to sa mga lecturers, ayon ang sabi sa 'kin ni Tim. Siraulo 'di ba. Tinalikuran ko na si Kuya at dahan-dahang lumapit kung saan naka-park ang kotse ni Tim. Pinag-isipan ko pa kung sa harap o likod ako ng kotse niya daraan. Pero syempre sa likod na tayo para safe at surprising. “Claire, gusto ko lang malaman kung may pag-asa ba?” Hindi pa man ako nakalalapit sa may driver's seat ay nakarinig na ako ng usapan na nakapagpatigil sa akin dahilan para magtago ako sa likod ng katabing kotse. Mahirap na, baka makita ako sa side mirror eh. Hindi pa ko maka-chika, mukhang maganda pa naman ang topic nila, medyo, na hindi. “Pag-asa na?” Napangiwi ako at pilit na tinanaw ang dalawa pero hindi ko makita ang pigura nila mula sa bintana ng backseat dahil tinted iyon. Tanging ang bukas na bintana lang sa side ni Tim ang nakikita ko, lagi namang bukas ang bintana niya eh dahil gustong-gusto niyang nilalanghap ang usok at ang pagpatong ng braso niya sa bintana. Ew. “Pag-asa na ano, maging tayo?” Muntik ko nang maibuga ang laway ko dahil sa gulat at parang gusto kong matawa. Grabe, straight iyon ah. Si Tim ba talaga iyan? Pero instead na matawa, parang kinabahan pa ko. Ano ba to, mixed emotions?! “Ah, maging tayo? As in? Ah. Hahahaha.” Landi grabe. “Ang totoo kasi niyan, uhm. I'm not sure. I don't know actually. Tatapatin na kita, kasi ayaw kong paasahin ka. Hindi ko talaga alam eh, ang alam ko lang komportable ako sa 'yo.” Napamaang ako, anong klaseng sagot iyan? Kung meron, sabihing oo. Kung wala, wala. Iyang mga hindi sure hindi sure na banatan tapos may karugtong na ano? Komportable ako sa 'yo?! Linyahan ng paasa iyan eh, ayaw raw paasahin pero binibigyan ng signals. “Bakit hindi ka sigurado?” Iba rin ito si Tim eh, naninigurado ang mokong. “Kasi hawak na ng parents ko yung ikot ng buhay ko. Hindi ko alam.” “Alam mong ako rin naman ' di ba? Pero kaya kong ilaban ang gusto ko kahit kailan ko gusto dahil buhay ko ito.” Oh talaga lang ah? Parang noong nakaraan lang sabi niya, wala na kaming magagawa kundi tanggapin ang planong arrange marriage. “Hindi 'yon ganoong kadali, hindi mo ko maiintindihan.” Kumurba ang ngisi sa mga labi ko. “Paanong hindi ko maiintindihan eh pareho lang tayo ng sitwasyon? Ang kasal ko nga planado na eh, pero hindi ko hahayaang maikasal sa babaeng hindi ko naman mahal. Ikaw ang mahal ko,” seryosong sambit ni Tim. My lips parted and I felt like I got frozen. Wow, wow. Talagang straight to the point ah. Medyo ouch, tsk.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (102)
b******2@chimpad.com
This is one of the teenfic story that you should not missed out
30/07/2022
0
JinKier
I love it😇💜high school setting always mesmerize me
24/05/2022
0
GoddessNiMaster
Wow, this is giving a Jonaxx vibes, Author! With the introduction and the book cover, it's very promising! Let's read everyone! We'll love this story for sure!
This is one of the teenfic story that you should not missed out
30/07/2022
0I love it😇💜high school setting always mesmerize me
24/05/2022
0Wow, this is giving a Jonaxx vibes, Author! With the introduction and the book cover, it's very promising! Let's read everyone! We'll love this story for sure!
23/05/2022
0Tingnan Lahat