Chapter 07 (1)

He pulled the mono block for me so I sat down and thanked him. “Kuya... may sasabihin ako.” I want to share something. About Tim, siya lang naman ang nalalapitan ko kapag gusto ko ng matinong kausap aside kay Tim, at kahit kausapin ko 'yon wala naman 'yong kwentang kausap. Kuya is like a father to me, a real rother, a parent, he gives me advices and lessons everytime I need.
“Ano? Sandali, kukuha lang muna kita ng pagkain mo. Ano bang gusto mo? Wait lang, babalik pa ko roon.”
“Kahit ano,” I answered my usual reply.
Itinuon niya ang kaniyang kamay sa sandalan ng inuupuan ko at ang isa naman ay sa lamesa. Inabot niya ang tainga ko at bumulong, “Kung bigyan kaya kita ng inihaw na gagamba, kakainin mo ba?”
I gave him a glare and roll it out. He just laughed at me and run towards the food carts. I was just about to blink my eyes when he arrived carrying a paper bowl and a plastic cup containing a shomai and a juice. “Ano yung sasabihin mo?”
“Wala. Lakad na roon.” Hinihintay na siya ng band mates niya pati na rin ng audience. Hindi naman pala sila break time eh, bumaba-baba siya ng stage. Tigas din ng mukha nito. Kung ako yung organizer hindi p'wede 'yan. Mabuti na lang at madaldal yung drummer nila at nakapagbibigay ngayon ng entertainment sa mga tao.
“Ano nga?”
“Eh, kasi, wala nga, parang ayaw ko lang na ano...”
“Na?” Ugh! Alam kong hindi matatapos 'to kung hindi ko sasabihin.
I lower my voice and pretend like playing the stick over the siomai “Kasi... P-Parang hindi ako sanay na, m-may gusto siyang i-iba. I mean, yung ganoon, kasi parang may ano, hmp basta!” Sabi ko nga eh, mas mabuting manahimik na lang.
“May naintindihan ako, oo. Tsaka mo na sabihin kapag kaya mo nang magsalita ha. Now, just listen... to the song here in my heart...” he acted before he walks through the stage out there. Maka-Beyoncé akala mo kaya i-hit ang high notes ah? LOL. Hiyang-hiya ako sa sarili kong tunog ipis.
“Nag-eenjoy ba lahat?” Napuno muli ng hiyawan nang maabot niya ang mic. Nakakatuwang isipin na, ganiyan kung humiyaw yung mga tao sa kanila kahit hindi naman sikat ang banda nila. Kahit pa sabihin kong wala pang isang daan 'yang mga 'yan, still. Sabagay, yung mga ganitong klase ng tao wala namang pinipili eh, dahil nasa performance ang basehan, wala sa fame.
“Swabe... Itong huling dalawang kanta na tutugtugin namin ay dini-dedicate ko sa pinakamagandang babae na matatanaw n'yo sa may food court. Yohoo! Ayon siya and this song called Ikaw Lamang.” Turo pa nito sa 'kin habang magkalapat ang aming mga mata. Hindi maiwasan ng iba na sumulyap sa may banda ko at nanunudyo ang kanilang hiyawan. I just chuckled and shook my head before I put the piece of siomai inside my mouth.
Mas lalong naging wild ang mga tao sa gitna nang magsimulang kalabitin ang strings ng gitara at tapikin ang drum set. Yung iba may mga hawak nang beer at umiindayog kasabay ng beat ng music. Nakadagdag sa atmosphere ang paglubog ng araw at unti-unting pagdilim ng paligid na tanging ang namumuong stars at ilaw na lang ang nagbibigay ng liwanag.
Napapikit ako habang pinagmamasdan ang kalangitan at ninamnam ang bawat lyrics ng kanta. Isang tao lang ang naiisip ko ngayon. Siya lang.
Sa totoo lang hindi naman ganoong kalalim yung feelings ko for Tim, kasi nga 'di ba, hindi ako fan ng romance. It's just that, he's the person that I used to be with that's why he's the person that I don't want to lose.
I heavily breath when the song ended and followed by a song called Kundiman, still by Silent Sanctuary. One of the best band, their music never dies even now. It remains iconic.
I looked at the stage and I was a little surprised to met his eyes, straightly into mine. It seems like he was looking at me since the previous song started until now and he doesn't want to cut it. I just laughed, and he does too. Until I started to sing along since the song is beautiful.
Parang nang-aano itong kantang ito eh. Kung hindi man daw kami ni Tim? LOL! Pero okay lang naman, walang problema as long as hindi masisira yung friendship, okay lang. Oo, okay lang talaga. Totoo. Ayaw mo maniwala? 'Di 'wag, bahala ka r'yan.
“Hayaan na muna natin ang daloy ng tadhana!” sigaw ng lahat kabilang na ako nang biglang tumunog ang phone ko. I grabbed it out at tignan mo nga naman. It was Tim, calling. Tadhana, ano na? Nang-aasar ka eh ano?
“Oh?!” sagot ko.
“Kulot? Ba't ang ingay? Na saan ka ha? Ba't 'di ka pa umuuwi? Gabi na kung saan-saan ka pa sumusulpot!” sigaw nito sa kabilang linya. Muntik na ako sa upuan ko, mas malakas pa ang boses niya kumpara sa nasa harapan ko. Nasa loob ng telepono 'yan ah? Pero nakikipagsabayan.
“Pake mo ba?!” sigaw ko pabalik.
“Ha?!” Kita mo 'to, bingi. “Nasaan ka nga?!”
“Nasa bar!” inis na sigaw ko na lang bago hanapin ang end call button.
“Ano?!” narinig ko pang sigaw nito bago ko tuluyang maibaba ang call. Agad kong in-off ang phone dahil for sure tatawag ulit 'yon. At ayaw ko na, bahala siya. Hmp, akala niya nakalimutan kong iniwan-iwan niya ko kanina ah.
Hindi ko na namalayan na tapos na pala at unti-unti nang naglalaho ang mga tao. Natanaw ko si Kuya papalapit sa 'kin dala ang ilang gamit sa banda. “Una ka na sa kotse, tutulungan ko lang silang magligpit.” Kinalkal niya ang pantalon at iniabot sa akin ang susi. Sumilay ang ngiti sa labi niya at ginulo ang tuktok ng buhok ko. “Saglit lang ako.” Tumango lang ako bago siya maglakad palayo.

Komento sa Aklat (102)

  • avatar
    b******2@chimpad.com

    This is one of the teenfic story that you should not missed out

    30/07/2022

      0
  • avatar
    JinKier

    I love it😇💜high school setting always mesmerize me

    24/05/2022

      0
  • avatar
    GoddessNiMaster

    Wow, this is giving a Jonaxx vibes, Author! With the introduction and the book cover, it's very promising! Let's read everyone! We'll love this story for sure!

    23/05/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata